Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriques-Francia

Sa Quaipo

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahigit apatnapung taon nang kilala ang lumpiang sariwa na binebenta ni Flor Enriquez-Francia sa labas ng simbahan ng Quiapo. Subalit ngayon ang nagpatuloy sa pagtinda ay ang kaniyang pamangkin na si Nathaniel. At, kung dati ay sa bilao lang nakalatag ang mga lumpia, ngayon ay nasa kariton na at naka-styro at may balot pang plastic sheet upang masigurong hindi naaalikabukan o madapuan ng langaw.

 

Una kong natikman ang lumpia noong taong 2002 nang umusyuso ako sa selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene. Si Flor naman ay nakapuwesto sa hindi kalayuang Avenida dahil ipinagbawal muna ang mga sidewalk vendor sa Plaza Miranda. Sa pag-uusap namin, binanggit niyang basta walang okasyon sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa Plaza Miranda siya nagtitinda, kaya nang bumalik ako sa Quiapo makaraan ang ilang linggo ay nakita ko nga siya doon at halos hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanyang mga suki. Matagal bago ako nakasingit upang bumili ng dalawang pirasong inilagay niya sa maliit na supot na plastic at nilagyan ng sarsa. Mahirap kainin ang lumpia kung nakatayo at hindi nakalagay sa platito o pinggan. Kailangang hawakan ang supot na parang saging at ang ilabas lang ay ang dulo ng lumpia. Pero kapag sanay na ay madali nang gawin ito.

 

Nang dumagsa ang iba pang vendor sa labas ng Quiapo church ay hindi ko na nakita si Flor. Inisip ko na lang na baka umuwi na sa probinsiya o baka nagsawa na sa pagtinda ng lumpia. Subalit nang minsang namili ako sa Villalobos St. ay may nasalubong akong lalaking nagtutulak ng maliit na cart at ang laman ay mga lumpiang naka-styro.  Hindi ko siya pinansin dahil inisip kong katulad lang din siya ng ibang naglalako ng pagkain sa lugar na yon.

 

Sa pagpasok ng huling linggo nitong Disyembre, bumalik ako sa Quiapo kasama ang mga kaibigang balikbayan upang bumili ng mga panalubong nila pagbalik sa America at Canada. Nakita ko uli ang lalaking nagtutulak ng cart na may mga sariwang lumpia. Nagtanong na ako kung inabot niya ang “original” na nagtitinda ng lumpia sa Quiapo. Ikinagulat ko ang kanyang sagot dahil tiyahin pala niya ang tinutukoy kong tindera, at idinagdag pa niya na ang buong pangalan ay Flor Enriquez-Francia. Nasa bahay na lang daw ito at doon niya inihahanda ang mga lumpia na kinakariton naman ni Nathaniel.

 

Halos isang taon din pala bago naitinda uli ang lumpiang gawa ni Flor at ito ay pinangatawanan na ni Nathaniel na umaming maski anong mangyari sa kanyang tiyahin, ay walang problema dahil naituro na sa kanya ang sekreto sa pagtimpla lalo na ng sarsa. Nakakadalawang hakot ng mga lumpia si Nathaniel hanggang dapit-hapon kaya malaking bagay daw para sa kanilang magtiyahin ang kinikita niya lalo pa at nagkaka-edad na rin ito kaya marami na ring pangangailangan.

 

Ang ginawa ni Flor ay isang halimbawa ng pagbuhos ng katapatan sa anumang bagay na ginagawa – walang panloloko, kaya lumpia man, na sa paningin ng iba ay napaka-simple, kung hindi naman masarap ay madaling makakalimutan. Ganyan dapat ang ugali ng tao… bukal sa kalooban ang anumang ginagawa maliit man ito o malaki, pansarili man o nakaka-apekta ng kapwa.Fresh Lumpia quiapoFresh lumpia quiapo 2

Advertisements

Ang Pagmumura at si Duterte

Ang Pagmumura at si Duterte

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat mag-ingat kahit kaunti si Duterte dahil tumitindi ang smear campaign laban sa kanya. Noon ay ang patagong banat sa kanya laban sa kanyang “pambabae” daw at “salvaging”. Mabuti at siya mismo ay nagsalita na tungkol sa mga bagay na ito at umamin pa, kaya wala nang mauukilkil tungkol sa mga ito upang hantarang ibabanat sa kanya. Isa sa mga tinitingnan ngayon ng mga naninira laban sa kanya ay ang ugali niyang pagmumura. Masama mang banggitin, may ginagamit na mga taga-media ang mga kalaban niya kaya sa isang iglap, kalat agad sa buong bansa kung may masambit man siyang pagmumura. Wala tayong magagawa dahil yan ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang malas, “tinuka” niya ang pain na tanong tungkol sa pagdating ng santo papa, sa pagsagot subalit may kasamang pagmumura. Pinagpipiyestahan ng mga maninira ang ugali niyang pagmumura at pagiging prangka. Dahil sa ginagawa niyang pagmumura ay nagiging tactless siya.

 

May mga taong naging ugali na ang pagmumura kaya automatiko ang pagsambit ng maaanghang na salita na naging bahagi ng kanyang bokabularyo. Dapat baguhin ang ganitong pag-uugali na hindi man dinidekta ng puso ay masama ang epekto lalo sa mga taong banal kuno pero mahilig namang magbanggit ng “for Christ’s sake” o “for God’s sake” na mas matinding blasphemy at laban sa isa sa mga kautusan sa Ten Commandments. Ang mga banal na ito ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng masama o nakakita ng masama. Bakit hindi na lang sila maglagay ng busal sa mga tenga o di kaya ay maglagay ng pantakip sa mga mata na ginagamit ng mga kutsero sa kanilang kabayo para diretso ang kanilang tingin kapag naglalakad sa kalye? Pero kung marinig lang sila kung murahin nila ang kapitbahay at kasambahay kahit pa kararating lang nila mula sa simbahan dahil dumalo sa misa……..nakuuuu!

 

Upang maipakita ko ang katapatan sa binabahagi ko tungkol sa pagmumura at upang maging makatotohanan ang mga sinasabi ko, aaminin kong nakikita ko ang sarili ko kay Duterte dahil naging bahagi na rin ng pananalita ko ang pagmumura tulad ng “tangna” na pinaiksing “putang ina”, ang “belatibay” na pinaiksing “latibay” upang hindi masyadong maanghang pakinggan, at ang pabulong na “..hit” na sana ay “shit”, pero hindi pa rin nawawala ang “yodiputa”. Tulad ni Duterte, marami rin ang nagalit at nakadanas din ako ng panlilibak dahil sa pagmumura ko. Ang masakit lang, ang iba pala sa kanila ay matindi naman palang manira ng kapwa!

 

Sa mga naging president ng Pilipinas ang kilala sa pagmumura ay si Manuel L. Quezon na ang ginagamit na kataga ay mula sa wikang Kastila…maraming nagalit sa kanya noon lalo na ang mga kasama niya sa gobyerno na karamihan ay nakatikim ng pagmumura mula sa kanya. May dati akong boss na ang ginagamit na salita ay “Jesus Christ” or “Jessezzzz” sabay hawak sa kanyang noo…at ngayon ay malamang kasama na niya dahil namayapa na siya. Yong isang kaibigan ko naman ay paborito ang “damn you” at “go to hell”, patay na rin siya at malamang ay nandoon na rin siya. Yong isa pa ay “demonyo ka” o di kaya ay “demonyo” lang kung walang kausap pero nadapa o nauntog o may nakalimutan sa bahay.

 

Ang pagmumura ay isang paraan upang lumuwag ang naninikip na dibdib ng isang taong galit. Sa halip na lakas ang gamitin niya sa pamamagitan ng pagsuntok sa kausap o manira ng anumang gamit na mahawakan ay dinadaan na lang niya sa pagmumura.  May nasimulan naman sa Japan na pantanggal ng tension na sanhi ng paninikip ng dibdib, at ito ay ang pagsigaw kahit halos namamaos na. Subalit may paraan na ngayon upang mapalitan ang ganitong uri ng paglabas ng galit, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim o “deep breathing”. Sa kamalasan, may isa akong kaibigan na sa sobran galit ay pinilit ang sunud-sunod na deep breathing kaya hinimatay dahil na-choke…kinapos ng hangin! Ayaw kong mahimatay tulad niya.

 

Ang problema sa kultura natin na may pagka-colonial pa rin, kapag ang pagmumura ay ginawa sa English o Kastila, parang wala lang ang epekto, pero kung ang pagmumura ay ginawa na sa Pilipino, ang nakakarinig, lalo na mga banal daw ay para nang natapunan ng ipot ng pusa sa mukha. Hindi ko sinasabing hindi masama ang pagmumura. Subalit dapat ay maghinay-hinay sa paghusga sa mga taong nagmumura. Mabuti nga lumabas ang masamang salita lang mula sa kanya, hindi tulad ng ibang nagbabanal-banalan na ang masamang ugali ay nagkakaugat sa puso nila at diwa kaya habang tumagatal ay yumayabong pa. Ang pagmumura namang inilalabas ay walang pagkakataong yumabong dahil….yon nga, ibinuga na ng bibig!

 

Narinig ang tape tungkol sa pagmumura ni Duterte sa santo papa, kaya malinaw na ginawa nga niya. Isa itong maituturing na “tactlessness” o kawalan ng pasubali o ugaling bara-bara sa salitang kanto….na talagang mali. Subalit si Duterte ay kilala sa paghalo ng mga biro sa kanyang pananalita, kaya malamang, para sa kanya ay joke ang sinabi niya….pero joke na masama o hindi nararapat dahil si Francs bilang pinakamataas na lider ng simbahang Katoliko ay tinuturing na banal kay tinawag na “santo papa”.

 

Kilalal sa pagbiro ang mga Bisaya, na kahit maanghang sa pandinig ay hindi naman bukal sa kalooban ng nagsabi, tulad ng pabirong “gi-atay ka”  o “lilinti-an ka” na ang mga kahulugan ay ayaw ko na lang sabihin. Mabuti na rin ang ginawang pagpuna kay Duterte, para hindi isipin ng santo papa na tino-tolerate ng mga Pilipino ang ganitong ugali…at baka hindi na siya magsalita ng blessing sa Pilipino tuwing mamintana upang magbasbas sa mga taong nag-aabang sa kanya.

 

Pero, sa isang banda, kung papipiliin ako sa pagitan ng isang taong nagmumura subalit ang layunin ay magkaroon ng pagbabago sa isang sistema ng gobyerno na may makapal na kulapol ng korapsyon at may napatanuyan na, at sa isang taong namang dahilan ng kagutuman at kahirapan ng buong bayan dahil sa kawalan ng malasakit, kahit hindi pa nagmumura at animo ay larawan ng pagkabanal at pagka-santo na pagkukunwari lang pala….ang pipiliin ko ay ang nagmumura!

 

Ang ginawa ni Duterte kahit pa maituturing na joke ay patunay sa binitiwan niyang babala noon na kung maging presidente siya ay wala siyang sasantuhin….kaya humanda na sila!

 

Ang Moralidad at Mga Moralista sa Bansang Pilipinas

Ang Moralidad at Mga Moralista

Sa Bansang Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang moralidad ay isang prinsipyo na may kinalaman sa pagiging tama o mali ng isang gawain batay sa itinakda ng batas o simbahan, kaya hindi ito dapat limitado sa gawaing may kinalaman lamang sa sex. Ang pagnanakaw, pagpatay dahil sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang ng kapwa, paninira ng kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na mga imoral. Ang  kabaligtaran naman ng mga nabanggit ay may kinalaman sa kabutihan at itinuturing na moral. Sa ganang ito, hindi lang ang mga taong may mahigit sa isang asawa kung siya ay Kristiyano, halimbawa, ang maituturing na imoral dahil sinusuway niya ang itinuturo ng simbahan, kundi pati na rin ang mga taong nanlalalamang ng kapwa at lalo na ang mga opisyal na nagnanakaw sa kaban ng bayan na naging sanhi ng kahirapan ng maraming mamamayan. Ang huling nabanggit na imoralidad ay ang pinakamasidhi dahil hindi lang isa, dalawa, o tatlong tao ang napaglalangan at naapi, subalit milyon-milyon!

 

Walang namumukod-tanging tao na walang bahid ng imoralidad, lalo na sa panahon ngayon. Patunay dito ang nagpuputukang mga isyu tungkol sa imoralidad mismo ng mga namumuno sa mga simbahan, lalo na ang paglipana ng mga korap na opisyal sa mga pamahalaan ng anumang bansa.

 

May mga taong marami ang kerida o kabit at hindi nila itinuturing na “asawa” kundi “parausan” lamang ng kanilang kalibugan….YAN ANG IMORAL! At lalong imoral na gawain ang pag-abandona sa mga ito dahil hindi man lang nila binibigyan ng sustento, at hindi kinikilala ang bunga ng kanilang kalibugan.

 

Bakit binabatikos ng mga “moralista” ang isang taong may tatlong asawa, ganoong umamin naman sa ginawa niya at hindi naman tumatalikod sa responsibilidad, subalit ayaw naman nilang pamukhaan ang mga opisyal ng bayan na hayagang nagsisinungaling, nagpapabaya sa gawain, lalo na ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, at  may gana pang ipagmalaki ang yamang galing sa masama? Dahil ba kapartido nila?

 

Huwag nang magmaang-maangang banal ang mga taong nagdadalawang mukha o nagdodoble-kara dahil lang sa ambisyong may kinalaman sa pulitika. Alam naman nilang masama ang tinutumbok ng tinatahak nilang daan tuwid man ito o liku-liko.  Ang isang taong nagmamalinis ay hindi dapat pumasok sa larangan ng pulitika na animo ay isang maputik na kwadra ng mga hayop. Wala silang karapatang bumatikos sa mga kalaban na tingin nila ay may masamang ugali dahil ang mga kasama nila sa partido mismo, kung hindi man kasingsama ng binabatikos nila ay lalong higit pang masama.

 

Ang hirap sa mga nagmamaang-maangang taong pumasok sa pulitika na tutulong daw sa bayan ay tumitingin pa sa malayo upang makakita lang ng taong imoral daw, samantalang pinaliligiran na sila ng mga taong hindi lang simpleng imoral subalit sagad sa buto ang pagka-imoral! Nagkakabanggaan pa nga sila ng mga balikat dahil natataranta na kung ano ang gagawin dala ng nerbiyos at baka matalo!

 

 

 

Lenny Robredo should stop being Tactless by Attacking the Campaign Style of Duterte

Lenny Robredo should Stop Being Tactless

By Attacking the Campaign Style of Duterte

By Apolinario Villalobos

 

Lately, Duterte was practically forced to declare that if Lenny Robredo does not like him, she does not like her also. In the past, Duterte was mum about Robredo as the running mate of Roxas. Many are wondering what made her utter such unsavory remarks about Duterte which is more personal than political. First her ad lines, such as giving her all if voted to the position, gave her an ugly trapo image…and now she is personally attacking Duterte by saying that she does not like his campaign style. She has no business in saying that because they are vying for different national positions. It would be a pity if she did that to show Pnoy and the Liberal Party that she is worth the opportunity given to her despite the fact that she was the last choice. Clearly, she is showing a “sipsip” attitude, another mark of an ugly “trapo”.

 

She must remember that she is just a “beneficiary” of a grossly unfortunate circumstance – the death of her husband, Jess Robredo who, Filipinos know was not given much importance while still alive by the Aquino administration, as a “proposed cabinet official”, because until the time of his death, he was not confirmed as Secretary of DILG. In other words, I could surmise that had he not met the fatal accident, he would still be on acting capacity, knowing the attitude of the President. And, she would just be an obscure figure in their province. She also benefited from the culture of the Filipinos who “love” the downtrodden…the “inaapi”…the lowly “kasambahay”…and then she as the “widowed” helpless mother of female children whose father was an “inaapi” “acting secretary”.

 

If ever, she should present a personality that oozes with humility, and as an intelligent mother. She cannot show her worth by being feisty in attacking the person of those running against the candidates of “her” Liberal Party. As the Vice-President has no definite position in the government, she should instead, present her views on many issues that beset the country today, such as poverty, low wage, unemployment, influx of foreign exploiters of natural resources, the Lumads, street children, etc. With those, the voters will know that she is prepared for any position that will be given to her by the elected president, be it Roxas or somebody from the opposition.

 

If she is intelligent enough as what her followers are trying to project, she should think twice before doing the dirty trapo tricks because, even if she will be voted, especially, as the Filipinos deem that the administration is trying to move heaven and earth to save Aquino for being prosecuted if the opposition wins, the smear on her image will stay – as long as she lives…a taint on her late husband’s name…not hers.

Ang Pangangasiwa ng Manila International Airport (MIA)

Ang Pangangasiwa ng Manila International Airport (MIA)

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi pala alam ni G. Honrado na saklaw ng kanyang responsibilidad bilang General Manager, ang buong Manila International Airport. Ibig sabihin, hindi pala niya alam na Manila International Airport Authority (MIAA) ang nag-iisyu ng mga temporary pass sa buong airport para sa lahat ng mga taong may kaugnayan sa operasyon nito. Hindi pala niya alam na para maisyuhan ng temporary pass ay kailangang i-surrender ang company ID, o di kaya ay dapat magsumite lahat ng mga ahensiya ng listahan ng mga empleyado nila upang maisyuhan ng pangmatagalang temporary pass. Hindi pala niya alam na ang  malalaki hanggang sa kaliit-liitan gamit ng MIA, ay may tatak na “MIAA Property” at may control number. Nakalimutan rin siguro niya ang malaking “insidente” na nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo tungkol sa pagsugod nito sa MIA nang walang pasubali o abiso upang makita talaga ang mga kapalpakan sa mga parking areas, kaya nang mabisto nga ay “sinabon” niya on the spot ang pinsan nitong in-assign din na tulad niya bilang General Manager.

 

Ang Manila International Airport ay parang shopping mall. Ito ay may pinaka-hepe na dapat mangasiwa sa lahat ng mga nagtatrabaho sa loob, kasama na ang security, mga concessionaires, contracted agencies at mga namimili o namamasyal lang. Ibig sabihin ang pinaka-hepe nito ay may responsibilidad na sumasaklaw sa buong operasyon ng mall. Ganoon din sa MIA na dapat lahat ng bahagi nito ay pinangangasiwaan sa kabuuhan ng General Manager – mula sa runways, tarmac, terminals at parking lots. Siya ang nasa itaas at sa ilalim niya ay iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga concessionaires na nagkakanya-kanya ng pagkontrol ayon sa saklaw nilang operasyon na nakasaad sa mga Operating Manual nila, na nakabatay naman sa Operating Manual ng MIAA. Sa pinakagitna ng kani-kanilang operasyon ay ang Manila International Airport Authority.

 

Dapat ang susunod na itatalaga bilang General Manager ng MIA ay taong may “managerial skill” (kaya nga tinawag na General Manager) at may malawak na kaalaman sa airline operation. Saklaw ng airline operation ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa “aviation security” kaya hindi kailangang manggaling ang taong itatalaga mula sa anumang military branch ng Pilipinas. Bilang isang industriya, ang international aviation ay may mga pinatutupad na mga patakaran upang masigurong ligtas ang mga pasahero ng iba’t ibang airlines. Napapag-aralan ang mga patakaran sa pagpapatupad ng security sa airport, at palagi ring ina-update batay sa pangangailangan ng panahon, na tulad ngayon ay hantad sa terorismo. Dahil dito, hindi kailangang may actual exposure sa military operation, na napakalayo sa isang civilian airline operation, ang General Manager.  Dapat ay ituring na malaking leksiyon dito ang nakaupo ngayong General Manager na nagpipilit na wala siyang pakialam sa ibang operasyon ng MiA.

 

Ang malaking problema nga lang ay kung umiral uli ang napakakorap na pag-iisip ng uupong Presidente na magtatalaga na naman ng pinsan, o kapatid, o bayaw, o tiyuhin, o dating driver, o dating messenger, o dating masahista, bilang General Manager. May napapagbatayan na kasi…kung sa Ingles – may “precedent”….may mga una nang ginawa kaya gagayahin na lang!

Foods are for the Stomach, as Writings are for the Mind

Foods are for the Stomach

As writings are for the Mind

By Apolinario Villalobos

 

The foods can look appetizing by how they are presented, so are the writings that can be made attractive for reading by their title and first few lines. The writings are the poems and essays, and foods are appetizers, main dishes and desserts. While the print media, and today, the internet are the venue to showcase writings, outlets such as dining places and parties, are for the food.

 

Every country has its own specialties and distinct recipes or styles in cooking. So are the different nationalities that have their respective and distinct kind of literature, based on their culture. Honesty in presentation, though how seem simple they may be discerned, are on what the foods and writings are judged.

 

The intriguing simple dishes of a far away Asian country can elicit curiosity and admiration due to their exotic taste, just like the equally intriguing broken-lined poetry of young poets today.

 

Respect is what foods and writings should be given. They should not be altered based on the whims of others. Those who cannot take the taste of certain foods and intriguing literary style should prepare their own dish or come up with their own poems or essays.

 

Invented gadgets, contraptions, and machines can be altered and improved based on their progressing necessity. But dishes should remain as originally concocted and can just be made as basis for new ones by food enthusiasts. In the same manner that the different styles in writing poems and essays should remain as they are written by the author and those who have been inspired should come up with their own style of presenting the idea.

 

Based on the above, nobody should be timid in coming up with their own cookery, essay or poem. What they come up with, unconsciously reflect their personality, such that, simple people may come up with simple dishes and simply written poems, as well as, short essays. Those with complex character, on the other hand, may come up with equally complicated dishes due to various ingredients, as well as, poems and essays with difficult to discern messages.

 

What I mean here is: everybody can cook and write which are just two of the many expressions of life…our various reasons for living. Most importantly, while the styles in preparing foods and presenting ideas vary, their respective essence remains the same.

Lenny Robredo Must be Very Careful in making Promises this Early which is not yet even Within the Campaign Period

Lenny Robredo Must be Very Careful

In Making Promises this Early which is not yet even

Within the Campaign Period

By Apolinario Villalobos

I am still shocked by the bold promise of Lenny Robredo who is the running mate of Roxas for the 2016 election, as the latter’s Vice-Presidential candidate. She boldly declares over the airlanes “…ibibigay ko sa inyo ang lahat sa buhay ko…” (I will give you everything in my life), referring perhaps to her promise to work for the Filipinos if she wins as vice-president. Whoever made that speech for her must be out of his or her mind, for he or she did not even think that the lady senator has a family, and she is a single mom after her husband Jess, who until an untimely death was not confirmed by Pnoy as Secretary of DILG. Ironically and shamelessly, the administration is using the popularity of the downtrodden Jess, for their selfish motive.  And, to complete the exploit, they turned their attention to the widow, Lenny, a neophyte politician and whom the Liberal Party has perceived as a “clean” one yet, and therefore, a “noble” pawn for another grand plan.

Definitely, Lenny cannot give 100 percent of her time to the country, as all her children need her, and with the youngest trying to finish her studies, yet. In the first place, she should have not used such ludicrous speech that has immediately aligned her with the rest of the good-for-nothing-but-promises-only politicians. It made her an instant “trapo” (traditional politician)….so unfortunate, indeed for such a refined lady who has been waylaid by hollow ideals and false promises. She should have  used a better sounding but simple, honest and motherly statement, instead.  Indications are very clear that she will be used for the selfish motives of the people who are trying to evade legal prosecution if Roxas loses.  Now, being the last choice, as there has been no other ambitious politician left to take the risk of mumbling the “matuwid na daan” mantra after a long and tedious courting of Grace Poe has failed, Lenny is now providing second voice to the songs of Roxas about the legendary “matuwid na daan”.

If Lenny Robredo wins due to political manipulations, as she must, to give support to Roxas as grandly planned, that will be the end of her “clean image”, though, not her political career. For as long as she is attached to the team of Pnoy, she will definitely suffer the same disgust and ridicule thrown to them by the disgruntled Filipinos who know what are really happening….Filipinos who are not blinded by falsehood. In the meantime, she will be safe in the shadow of Pnoy and company….until no opposition has assumed authority in years to come.  But, if along the way, her innate principle about honest living prevails and make her decide to resign….that would be a whammy victory for Pnoy, Mar, and their cohorts, and they may not even give a damn about the road she will take next, as she has done her part – provide a softening element to the hardened bad image of the administration!

When the youngest Robredo daughter gave a speech at the televised wake of her father, she sort of compared herself to Kris Aquino who became popular after her father, Benigno, Sr. was slain. She even jokingly asked, if she will also become an actress like Kris whose popularity has been magnified when her mother, Cory became President. Is the dream of the youngest daughter of the would-be-vice-president played an important role in Lenny’s decision to finally accept the invitation of Pnoy and company?

Filipinos should be wary of politicians who swear by the name of God and willing to be struck by lightning…and willing to sacrifice their whole life, just to show that they are sincere in their promise. All of those who are in position did it during their campaigns in the past…and God knows what happened to the poor Philippines!

My disgusted feeling dictates that my wholehearted support for Lenny Robredo ends where her manipulation by the greedy begins…