Magpapasko pa naman!…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Magpapasko pa naman!

…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay isama ng mga moralista ang pagbawal sa paggamit ng expression na “magpapasko pa naman” na tumutukoy kay Hesus, tuwing may kalamidad na mangyari bago sumapit ang “pista” na ito. Halatang ang habol lang talaga sa pistang ito ay mga kasiyahang dulot ng bonus, pagkain, gifts, Christmas lights, simbang gabi, caroling, etc.

 

Tuwing may kalamidad na nangyayari bago magpasko, ang mga naaawa sa mga nasalanta ay nagsasabi ng nabanggit na expression dahil siguro iniisip ng mga “naaawa” na ito, na mami-miss ng mga nasalanta ang mga kasiyahan, at hindi dahil bertdey ito ni Hesus… isang isyu ding kinukuwestiyon. Bakit hindi na lang dumamay at magbigay ng tulong dahil kailangan ng mga nasalanta at hindi dahil sa kung anu-ano pang dahilan tulad ng pasko?

 

Ang sabi ng mga researchers, ang talagang bertdey ni Hesus ay sa unang linggo (week) ng Abril. Ginamit ng mga matataas na opisyal ng simbahang Katoliko na mga Romano ang Disyembre dahil dati na itong ginugunita ng mga pagano sa Roma…isang makamundong pista na puno ng mga kasiyahang nakikita sa pagbaha ng pagkain, alak, at kalaswaan. Ang talagang orihinal na ginugunita ng mga Hudyo noon pa man ay ang araw ng pagbinyag kay Hesus na nakatala sa mga sinaunang records na ang iba ay inilagay sa Bibliya. Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa eksaktong bertdey niya. Ang sinasabi lang ay panahon ng pag-census ng mga Hudyo kung kaylan ay nataon sa pagpanganak kay Hesus. Ang census na ito ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang matukoy ang “panahon” at ang buwan batay sa kalendaryong pinagamit ng Roma sa mga nasasaklaw ng Kristiyanismo.

 

Sa makabagong panahon, maski sinong bata ay umaasam ng mga regalo tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang itinanim sa isip nila ng mga nakakatandang Romanong Katoliko. Inaasahan nila ang paglundo ng mesa sa bahay dahil sa dami ng pagkaing idi-display. Ang mga tin-edyer naman ay excited sa pagsapit ng simbang gabi dahil magkakabandingan na naman sila ng mga kabarkada, at ang iba naman ay magliligawan – sa labas ng simbahan. Ang mga talagang isip at asal demonyo ay may lakas ng loob pang magsuot ng mga damit na kung hindi manipis ay may plunging neckline naman, at ang lalong malaswa ay ang pagsuot nila ng short shorts na nagdi-display ng maitim naman nilang kuyukot! Ang iba naman ay magdi-displey ng mga alahas na tulad ng ginagawa nila sa pagdalo ng misa kung araw ng Linggo.

 

Ang isa pang itinuro ng simbahang Romano Katoliko upang mapilitang magsimba araw-araw ang mga kasapi ay ang pagbuo ng siyam na araw upang matupad daw ang kanilang mga hiling! Hindi ba ito katarantaduhan….dahil wala naman yan sa Bibliya? Ang dapat na itinanim sa mga kasapi ng simbahang Romano Katoliko ay ang sakripisyo na kaakibat sa pagdalo sa misa tuwing madaling araw o gabi, upang pagdating ng talagang “kapanganakan” ni Hesus, ay hindi nakakahiyang humarap sa kanya….hindi yong hihiling ng kung anu-ano para sa sarili na kalimitan naman ay pera. Pati ang mga prutas na kung ilang piraso na puro bilog ay kasama din sa kinalolokohan ng mga Pilipino…pero ito ay paganong paniniwala naman ng mga Intsik na isinabay sa pasko at bagong taon dahil nakita ng mga taong ito ang malaking kikitain na resulta ng panloloko nila…mga negosyante kasi!

 

Bakit hindi sundin ang panawagan ng mismong santo papa na si Francis na sa paggunita ng “kapanganakan” ni Hesus, dapat ay iwasan ang pagiging materialistic?…dahil ba marami ang gustong magpakita ng karangyaan? Bakit pa ituturing ng mga Katolikong “tatay” nila si Francis kung hindi rin lang siya pakikinggan?…dahil ba sagad-buto na ang kanilang pagiging makasarili?

 

At, kung seseryusuhin na talagang “bertdey” ni Hesus ang isi-celebrate bakit hindi sa isang araw lang – ang pinaniniwalaang December 25? …dahil ba ginagamit ito bilang dahilan upang mag-celebrate ng mga makamundong bagay na orihinal na ginagawa ng mga pagano sa Europe?

 

Pinagmamalaki ng mga Pilipino ang “pinakamahabang pasko” sa buong mundo, pero kung talagang iisipin ang diwa ng pasko…ang kahabaang ito ay dapat ikahiya dahil sa kahirapang dinadanas na ng mga Pilipino at kalagayan ng Pilipinas! Nakakahiyang Setyembre pa lang ay hindi na magkandaugaga ang karamihan sa paglagay ng mga palamuti na para bang “mauubusan na ng pasko”. Kanya-kanya ang mga lunsod at bayan sa pagtayo ng mga giant Christmas tree pati mga lugar kung saan ay may mga kalakalan tulad ng malls. Ang maririnig sa radio ay mga kantang pang-krismas. Ang nakikita sa mga TV screens ay mga pagkaing mararangya na pang-pasko, etc….hanggang Enero ito. Habang nangyayari ang mga nabanggit , marami namang mga Pilipino ang halos hindi makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Ang iba, makakain lang ay namumulot ng mga tira-tira sa basurahan.

 

Ang mga Pilipinong ayaw tumingin sa katotohanang ito, simple lang naman ang mga sagot: “kasalanan ko ba kung naghihirap sila at kaya naming gumastos?”, o di kaya ay, “kasalanan nila kung bakit sila naghihirap, dahil tamad sila!”….masasabi bang tamad ang isang taong nauulanan na’t lahat at halos malapnos na ang balat dahil sa init ng araw ay nangangalkal pa rin ng basura?

 

Peace to all!!!!

 

Historically, Malaysian kaya tayo?…kung hindi matanggap, eh di, “Aeta” na lang!

Historically, Malaysian kaya tayo?
…kung hindi naman matanggap, eh di, “Aeta” na lang!
Ni Apolinario Villalobos

Kung gagayahin ng Malaysia ang pamimilosopo ng Tsina sa pag-angkin ng halos lahat ng mga bahura o reefs sa West Philippine Sea at karagatan mismo, ay kaya nilang gawin, kung ibabatay pa rin sa kasaysayan. Nakasaad kasi sa history books na ginagamit sa mga eskwelahan sa Pilipinas ang tungkol sa “Ten Bornean Datus” na nakarating sa Visayas, particularly sa Panay Island, at doon ay nadatnan nila ang mga “Aeta” sa pamumuno ni Marikudo na nagbenta sa kanila ng lupang matitirhan. Ang mga “Aeta” o “Ati” sa salitang Bisaya ay maliliit na taong kulot ang buhok, sarat ang ilong, at maitim ang balat. Ibig sabihin, ang mga “Aeta” ang talagang mga lehitimong katutubo ng Pilipinas.

Noong panahon ni Marcos, napag-alamang may mga dapat baguhin sa mga nilalaman ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. May ginawa na kaya rito ang nanahimik na National Historical Commission? Bakit hindi rin sila kumikibo sa isyu ng West Philippine Sea na may kinalaman sa kasaysayan? Bakit hindi nila opisyal na ituwid ang mga maling itinuturo sa mga bata? Kulang kaya sa budget? Naibulsa din kaya ng mga kawatan ang budget nila? Yong DepEd naman at CHED, busy ba sa pag-apruba ng maraming workbook na hindi na magagamit uli?

Ang nangyayari sa West Philippine Sea ay dapat isisi sa unang gumawa ng mapa ng mundo kung saan ay nakasulat ang “South China Sea”, kaya akala tuloy ng mga Intsik ay kanila ang malawak na karagatang ito dahil may pangalan nila. Kung nakaisip ang mga cartographer noon ng “Pacific Ocean” at “Atlantic Ocean”, bakit hindi sila nakaisip ng ibang pangalan sa halip na “South China Sea”, ganoong napakalayo na nito sa mainland China? Intsik din kaya ang gumawa ng mapa?

Ang dapat namang sisihin sa haka-hakang nanggaling ang lahi ng Pilipino sa Malaysia, ay ang nagpangalandakan ng “Ten Bornean Datus”, dahil gusto lang yata niyang magkaroon ng kulay ang librong isinulat, kaya nilagyan ng ganitong kwento. Pati ang “katotohanan” tungkol sa Kalantiaw Code ay pinagdudahan na rin. Subalit ang masaklap ay ginamit pa ang kasaysayan sa isang TV series na “Amaya” kaya lalong nag-ugat ng malalim ang pinagdudahang mga pangyayari noong unang panahon. Aliw na aliw naman ang mga nanonood dahil kay Marian Rivera! Ganyan na ba kababaw ang Pilipino?

At dahil sa ugali ng Pilipino na malikhain, pinagbatayan pa ng isang relihiyosong festival ang pagdating ng mga datu sa Panay. Gumawa sila ng “Ati-atihan”, isang nakalilitong festival dahil hindi malaman kung saan nakasentro ito… kung sa Sto. Niῆo o sa mga “Aeta”. Narambol din ang mga costume, kaya nagpapaligsahan na lang sa pagka-outlandish at kulay. Bakit hindi nililinaw ng simbahang Katoliko at ahensiyang may kinalaman sa kasaysayan ang mga kalituhang ito? Dahil ba naging tourist attraction na?

Pero, para safe ang mga nagpi-festival na lunsod…yong sa Iloilo, tinawag na “Dinagyang”…yong sa Cebu, tinawag na “Sinulog”. Samantalang, itinuloy na lang ng Kalibo, tunay na pinanggalingan ng festival na ito, ang dati nang tawag na “Ati-Atihan”. Kalaunan, naging generic na rin ang katawagan, dahil basta may mga costume at street dancing, ang festival ay itinuturing na “ati-atihan”. Yan ang isa sa mga malinaw na katunayan tungkol sa ating nakalilitong pagkakakilanlan.

Ngayon, kung hindi matanggap na ang ninuno ng mga Pilipino ay ang mga “Aeta” na dinatnan ng mga datu galing Borneo, ibig sabihin, mga Malaysian kaya tayo? Ang malinaw kasi, hindi tayo Kastila, Amerikano, o Hapon – mga lahing umalipin sa atin. Ang pagkaroon ng kulay ng mga Pilipino, na kayumangging mapusyaw, o tisayin at tisuyin ay resulta lamang ng mga pambubuntis na ginawa ng mga dayuhang ito sa mga babaeng native noon kaya nahaluan ang dugo nila at ang resulta ay ang mga sumunod na henerasyon.

Malinaw ang kalituhan natin sa tunay na pagkakakilanlan ng ating lahi. Kaya sa kalituhan, madalas ayaw aminin ng mga Pilipinong nasa abroad na sila ay galing sa lahing sinakop ng ibang bansa. At, ang ganyang kahinaan din ang magpapalaho ng ating lahi kung hindi tayo magkakaisa dahil lamang sa magkaibang paniniwala sa Diyos na isinalaksak lang din sa kaisipan ng ating mga ninuno noong panahon ng pananakop. Ang katatagan ng isang lahi ay nakasalalay sa katatagan din ng tunay na identity nito. Kung nakakalito ang identity, hindi buo ang pagkatao ng mga taong tinutukoy ng lahi.

Sa isang banda, kung sa Amerika naman nakatira ang nagdi-deny na Pilipino siya, para sa akin ay okey lang…kung TNT siya!…o Tago Ng Tago! Mag-ingat lang siya dahil maari siyang ipagkanulo ng kalahi niya kapalit ang ilang pirasong berdeng pera na kung tawagin ay dolyar!

Marinduque – Home of the Moriones Festival…world-renown Holy Week Festival of the Philippines

Marinduque – home of the Moriones Festival
…world-renown Holy Week Festival of the Philippines
By Apolinario Villalobos

Marinduque used to be a Malayan settlement in southern Luzon and in 1590 was made a sub-corregimiento of Mindoro. It was also a former sub-province of Batangas, then of Quezon, finally, becoming an independent province in February 21, 1920.

The 95, 258 hectares total land area of the province provides a solid, though not so fertile ground for the good-natured Marinduqueῆos who earn their living by planting coconut trees and by fishing around the islands. The heart-shaped island is considered as the center of the Philippine archipelago. With Boac as its capital, the province is located between Tayabas Bay to the north and Sibuyan Sea to the south, southwest of Quezon, east of Mindoro and north of Romblon. Mompong Pass separates the province from the Bondoc Peninsula of mainland Luzon.

Smaller islands such as Polo, Maniwaya, Mompong, Tres Reyes, and Elephant also form parts of the province. At 3,796 feet above sea level, Mt. Malindig, formerly called Mt. Marlanga at the southern tip of the main island, is considered as the highest point of the province. Completing the curious and stunning endowments of the province is a cave system comprised by the Talao cave with its 12 chambers lording over the western part, San Isidro with its subterranean river, and the imposing Bathala cave. Marcopper, a mining giant has become synonymous with the province, especially, with the disaster that occurred.

The province is composed of six towns, such as Boac, the capital, Buenavista where Bellaroca Resort and Spa is located, Gasan, the central point of cultural activities of the province, Mogpog where the Moriones Festival originated, Sta. Cruz the largest town in area, and Torrijos where the Poctoy White Beach is located. The name of the province is the combined names of two legendary lovers, Mariin and Gatduke, which as always happens in the love-centered folklores, the father of the woman did not approve of the relationship. The two eloped and sailed out into the sea and drowned themselves. Days later, an island surfaced which the natives called “Marinduque”.

Archaeological diggings yielded Chinese urns, gold ornaments and vases that proved a flourishing trade and commercial relationship with the Chinese who came from the mainland China. An ancient wooden idol was also discovered, indicating that the early Marinduqueῆos had their own kind of worship. The artifacts can be found in a museum in France, the Musee de la Homme, Smithsonian Institution in Washington D.C. USA, and Marinduque Museum in Boac.

The Marinduqueῆos speak Tagalog but spoken in a unique way due to its strong accent, which is said to be the way how it was done before the arrival of the Spaniards. Noticeable though, are sprinkling of Bicol and Visayan influence. Very hospitable, they have their own way of welcoming visitors to their home, especially, during fiestas. The ceremony is called “putong” or “tubong”, in which the guests crowned with garlands of flowers are seated in front of the welcoming crowd. Special songs intended for such occasion are sung while petals of flowers and coins are thrown at them.

The tourism industry of the province is highlighted by the Moriones Festival celebrated during the Holy Week. It centers on the story of Longhinus, a Roman centurion who had a prominent role during the crucifixion of Jesus. Morion refers to the mask carved from a soft wood called “dapdap” and painted to resemble a classic face of the Roman centurion, complete with beards, moustache, and penetrating stare of the glaring eyes. The mask is made complete by a papier mache helmet. In time, the “morion” has been referred to the participant who is also fancifully garbed in a Roman soldier attire. Part of the ceremony is the striking of two pieces of woods called “kalutang” by the “moriones” to produce syncopated sound.

Moriones Festival, locally called “Moryonan” is an interesting and colorful cornucopia of religious activities for the duration of the Holy Week. At the onset of the Holy Week, the “morions” go around the town and play pranks among the townsfolk, especially, the children. “Nobisyas” garbed in long skirts and white bandanas also take to the street as their own way of sacrifice. The Good Friday is dominated by self-flagellants or “antipos” who use several five-inch long bamboo sticks tied together that they use in flagging themselves while walking barefoot around the town. The self-flagging is proceeded by the cutting of the flagellants’ skin to induce bleeding on their back and thigh. At Boac, the wounding ritual is confined in the Catholic cemetery atop the hill overlooking the town.

The dawn of Easter Sunday is for the traditional “salubong” or the meeting of the Virgin Mary and Jesus that highlights the procession. A little later, the colorful spectacle that centers on Longhinus makes the town more alive, as Longhinus is “chased” around, so timed until the sun begins its descent, for the “pugutan” or his beheading on a makeshift stage which indicates the end of the festival.

To date, some Marinduqueῆos are nurturing butterflies, some of which find their way to international patrons in Europe and the United States, although a significant portion of the live export commodity are in demand for local use during special occasions.

The province is part of the roll-on, roll-off (ro-ro) national ferry route system making it accessible by buses from Manila that take the ferries departing from Lucena. In the province, the ports are located at Balanacan and Cawit. It is also served by interisland airlines served by the airport located at Barangay Masiga between Boac and Gasan. Those who would like to attend the Moriones Festival are advised to make early flight and hotel bookings with travel agents. And those who would like to make it on their own, airline tickets should be purchased at the earliest possible time.