Ang Mga Dahilan sa Pagpasok sa Pulitika

Ang Mga Dahilan sa Pagpasok sa Pulitika
Ni Apolinario Villalobos

Sa darating na panahon ng eleksiyon 2016, babaha na naman ng pera sa Pilipinas, lalakas ang buying power ng mga Pilipino, at lalaki ang kita ng mga negosyante, kaya gaganda na naman ang report sa survey tungkol sa pagkabawas ng gutom sa bansa. Aalingawngaw na naman ang mga pangakong ampaw. Magkakaubusan na naman sa botika at grocery ng alcohol na gagamitin ng mga plastik at makatao daw o makamahirap na mga kandidato kaya panay ang yakap at halik sa mga tindera sa palengke, magsasaka, street sweepers, mga sanggol sa iskwater, mga batang yagit, atbp.

Maririnig na naman ang mga litanya ng dahilan ng mga hangal na kandidato kung bakit sila pumasok sa pulitika. At ang pinakatanyag na dahilan ay “gusto kong makatulong sa aking kapwa” na palaging sinasabi ng isang kongresman ng isang lalawigan sa Mindanao, ganoong palagi naman itong absent sa mga session at ang dahilan ay may ginagawa siyang “mahalagang bagay” para sa kapakanan ng bansa. Gusto pa niyang maging senador, at kung maaari nga lang ay Bise-Presidente. Siguro iniisip niya, makakakuha naman siya ng matatalinong staff. OMG!!!

Sa sobrang kayabangan nitong tao, ginagamit na rin ang Diyos upang ipakita sa mundo na siya ay may malakas na pananalig sa Kanya. Ang hindi niya kinatakutan ay ang karma na unti-unting dumadating dahil sa dami ng mga kasong isinasampa laban sa kanya. Bilib na sana sa kanya ang mga Pilipino, subalit nasobrahan naman ang pagkabilib niya sa kanyang sarili na umabot sa puntong lahat ay gusto na niyang pasukan kahit alam ng lahat na hindi niya kaya.

Hindi na dapat pagdudahan ang kanyang kakayahan sa isang larangan na ginagamitan ng tiyaga at lakas ng katawan, subalit sa larangan naman na ang dapat gamitin ay utak, ibang usapan na. Tumatakbo ang kanyang opisina pero dahil sa mga suwelduhang tauhan na matatalino, kaya kahit wala siya ay may naisa-submit na report, nakakagawa ng mga proyekto dahil may nagagamit namang budget, at may naihahaing mga panukala sa kanyang pangalan. Ibig sabihin, sa sitwasyon niya, para siyang nagpa-franchise ng kanyang pangalan para magamit sa pulitika.

Gusto daw niyang tumulong sa kanyang mga kababayan, kaya handa siyang tumakbo sa mas mataas pang puwesto sa pulitika. Kung ang pagiging kongresman nga lang ay hindi niya magampanan ng maayos, mas mataas na puwesto pa kaya? Sana may puwestong pangdekorasyon lang ang gamit, at dahil tanyag siya, doon siya angkop. Magagamit kasi ang pangalan niya bilang bahagi ng Kongreso o Malakanyang!

Hindi kailangang pumasok sa pulitika upang makatulong sa kapwa. Ito ay napatunayan na ng maraming pilantropo na ang ilan ay ayaw magpabanggit ng pangalan. Napatunayan din ito ng nagpapatakbo ng mga bahay-ampunan para sa mga bata, may kapansanan, at matatanda. Napatunayan din ito ng ilang grupo na nakakarating sa mga liblib na isla ng Pilipinas makapamigay lang ng lapis, papel at iba pang gamit-eskwela, pati na tsinelas at damit. At ang isa pang halimbawa ay si Mother Theresa at ang kanyang mga kasamang madre na kahit kapos sa pondo ay nagagawa pang makapamahagi ng tulong.

Marami na akong narinig na mga dahilan kung bakit may mga pumapasok sa pulitika, na ang pinakatanyag nga ay ang una kong nabanggit na pagtulong sa kapwa. Subalit kung katapatan din lang ang pag-usapan, ang pinakabiniliban ko ay ang walang kagatul-gatol na sabi ng isa na, “it runs in the family”. Yan ang tama, dahil nga naman lahat sila sa pamilya ay may puwesto, mula sa pagkakongresman ng tatay, pagka-gobernador ng kapatid, at pagka-mayor ng nanay. Ang nakausap ko ay tatakbo namang kagawad muna dahil puntirya niya ang puwesto sa pagka-mayor na inuupuan pa ng kanyang nanay.

Ang iba pang mga dahilan na hindi dapat kalimutan ay:

1. Ayaw maging hamak na empleyadong inuutusan lamang.
2. Upang mapalawak at mapalaki pa ang mga negosyo ng pamilya.
3. Upang mapatunayan sa sariling kaya niya…(magpayaman?)
4. Upang makaganti sa mga umalipusta sa pamilya nila….(delikado!)
5. Upang maisulong ang adhikain ng grupo…(talaga?)
6. Undergraduate kasi, at walang mapasukang trabaho.

At, ang “pagtulong sa kapwa”?….para yang SUNTOK sa buwan!…hindi na kapani-paniwala!

Kung sa seryosong usapan, ang pagpasok sa pulitika ay nangangailangan ng talino SANA. Pero sa Pilipinas, iba ang kalakaran dahil pera at katanyagan ang gumagalaw, maliban na lang siguro sa pambihirang nangyari sa Davao City dahil ang ginamit ng mga namumuno doon na mag-amang Duterte ay prinsipyo, katatagan, at tapang – hindi pera at katanyagan. Tinupad nila ang pangakong lilinisin at patatahimikin ang Davao City na nangyari naman.

Maraming mambabatas na kahit utak-tungaw ay nakakaupo sa mga bulwagan ng batasan. At, hindi na dapat pang itanong kung ano ang dahilan at sino ang may kasalanan…dahil alam naman ng lahat! Para sa mga nagmamaang-maangan na inosente kuno, basahin lang ulit ang unang talata o paragraph.

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods na hindi pa Naipamudmod

Dapat Magkaroon ng Inventory ng mga Relief Goods
na hindi pa Naipapamudmod
ni Apolinario Villalobos

Ngayon pa lamang, dapat ay magkaroon na ng inventory ng lahat ng mga relief goods na nakaembak sa mga bodega ng DSW at local government units, na hindi pa naipapamudmod. Mahalaga ding i-check ang mga ginagamit na bag kung may pangalan o mukha ng mga lokal na opisyal na dapat ay bawal. Ang mga listahan ay dapat ilathala sa mga pahayagan upang malaman ng mga tao. Mahalaga ang hakbang na ito upang hindi magamit ang mga relief goods na pang give-away o regalo ng mga ganid na opisyal na tatakbo sa darating na halalan. Ang ganito ay maaaring mangyari upang masupurthan ang mga kandidato ng administrasyon. Ang imbertaryo ay dapat gawin ng COA.

Ang isa pang dahilan kung bakit kailangan imbentaryuhin ang mga relief goods ay ang kumakalat na balitang sa ilang bayan sa Mindanao, may mga binebenta daw na murang mantika, asukal, at iba pang mga items na madalas isinasama sa mga relief bags. Kung matatandaan, mayroong karinderya noon sa Tacloban na nabistong bumili ng ilang sakong bigas na dapat sana ay para sa mga disaster victims ng bagyong Yolanda. Sinundan ito ng balitang “ninakaw” daw ang mga relief goods na nakaembak sa isang bodega sa Cebu, at na-video pa nga. Wala na ring balita sa resulta ng imbestigasyon kung may natanggal dahil sa kapabayaan o kutsabahan.

Sa Cebu pa rin noon, pinagbawalan ang mga reporter na kumuha ng retrato ng mga dumarating na relief goods galing sa ibang bansa…bakit? Nabulgar din na nililipat ang mga relief goods galing sa mga international donors dahil pinapalitan ng mga local na mga relief items…pero buong tapang na pinabulaanan pa rin ng mga ahensiyang pinagdudahan tulad ng DSW.

Kung gusto ng gobyerno na mabawasan man lang ang pagdududa ng taong bayan tungkol sa bagay na ito, dapat ay huwag na itong maghintay na kalampagin pa bilang paalala ng mga grupong nagbabantay sa kapakanan ng bayan at mga Pilipino….isang bagay na nakakahiya!

Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi at ang May Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin…at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon

Ang Kapos sa Karanasan pero Malinis ang Budhi
At ang May Karanasan pero Kadudaduda naman ang Layunin
…at iba pang natataranta at ninenerbiyos dahil sa darating na eleksiyon
Ni Apolinario Villalobos

May desperadong nagparinig na kandidato sa pagka-presidente na malalagay sa alanganin ang Pilipinas kapag nagkaroon ng Presidenteng walang karanasan. Bilib ako sa lakas ng loob ng taong ito sa pagmamalaki ng mga ginawa niya na kinukwestiyon naman dahil sa korapsyon. At ano ang ibig niyang sabihin sa “karanasan”?….karanasan saan?….karanasan sa “pag-ano?”….dapat liwanagin niya!

Yong isa ay pa-simpleng nagdududa pa kung makakaya niyang tumakbo dahil kapos sa makinarya o suporta. Pero sabi naman ng mga supporter niya, hindi kailangan ang maraming pera dahil hindi naman siya mamimili ng boto. Hindi rin isyu ang kawalan niya ng karanasan dahil maraming aalalay sa kanya na desperado dahil sa mga katiwaliang nangyayari, kaya naghahangad ng makatotohanang pagbabago kahit hindi matuwid na daan ang tatahakin.

Ang walang karanasan ay may malawak pang espasyo sa kanyang utak para sa mga bagong ideya, pero ang may karanasang kaduda-duda, nag-uumapaw sa utak ang katiwalian. Ang walang karanasan, lalo na kung wala pang bahid ng katiwalian, ang nahahatak na mga supporter ay may malinis na layunin. Subalit ang nakakadudang may karanasan ay napapaligiran ng mga kapareho niyang sakim at ang utak ay puno na ng mga maiitim na balak.

May isa namang ninenerbiyos dahil baka hindi na naman matutupad ang pangarap niya noon pang makaupo sa Malakanyang. Baka iniisip niya ngayong kahit puro puti na ang kanyang buhok ay “segunda persona” pa rin siya ng bansa. Subali’t no regrets para sa mga botante dahil nakita naman ang kahinaan niya at kawalan ng backbone at self-respect dahil maraming beses nang binastos ng kanyang amo ay kapit-tuko pa rin sa pwesto na para bang itong amo na ito lang ang makakapagbigay sa kanya ng buhay.

Yong isang nagmamarunong, biglang tumiklop dahil nabisto ng taong-bayan na kaibigan pala ng kanyang tatay si Binay, baka kumpare pa. Tatakbo pa kaya sa kabila ng kahihiyan dahil noon nagpipilit na “straight” siya? Yong isa pa rin na kung magsalita ay parang robot, inakala ng maraming Pilipino na matalino pero mababaw rin pala dahil nabisto ang matinding kapit niya sa administrasyon, kaya walang narinig mula sa kanya tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanyang close friend doon sa malaking bahay sa tabi ng Ilog Pasig. Nakakaaliw ang kanyang pananahimik…” nasa “tahimik” na kasi siyang kalagayan .

Yong isang matapang daw, noon pa man, parang sirang plaka sa pagsabing talagang interesado siya sa ano mang dalawang puwesto sa “itaas”, pero hindi siya pinapansin maski ng mga kapartido. Hindi kasi siya kapani-paniwala at pruweba ang pag-abandona niya sa kanyang mga kasama sa adhikain, dahil mas binigyan ng bigat ang career niya sa pulitika. Kapag nalaman na ang mga nominado at hindi siya napasama, interesado pa kaya siyang ipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga Binay?…wala na kasing kabuluhan ang kanyang pa-istaring tuwing may hearing.

Sino sila?

Philippine Election: A Choice between the Devil and the Deep Blue Sea

Philippine Election: A Choice between the Devil
and the Deep Blue Sea
by Apolinario Villalobos

The murky Philippine politics is such that the Filipinos are always left with a choice between the proverbial devil and the deep blue sea…both bad enough, at the onset of election. The worse that can happen is inaction or abstinence on the part of the voters, which robs them, on the other hand, of their right to exercise their ultimate authority as citizens.

The eager candidates who are currently holding sensitive positions in the government who already want to earn mileage of exposure at the earliest allowable time, shamelessly use these to their advantage. The opposing parties on the other hand, move heaven and earth to demolish their reputation by bringing into light past graft cases or build new cases against them, based on allegation of cohorts. As a result, the valuable time of these officials are charged to the taxpayers while seemingly endless self-serving investigations go on, although, they reveal helpful information, at the same time. What is glaring is that both the investigated and the investigators have shares of guilt.

Part of the dirty tactic during election that has become a traditional practice is vote buying which made running for any position very expensive as those interested need to have millions to spare during the campaign period. Those lucky enough to get favorable results in this venture, try hard to recover whatever they have spent and even more. This gave rise to the popular adage that the easiest way to get rich is for one to enter politics. This could be true because those who joined the race and got blessed with overwhelming votes become rich even after just a couple of years in their position.

My statements may be general, although I know that there are still some in the political arena, very few who try hard to maintain a clean image. These are those who do not survive the rigorous occupation eventually, hence, bow out after just one term…I have talked to them.