Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

ni Apolinario Villalobos

 

Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na daan

Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o palusong

Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito

Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan patungo.

 

Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong tumatahak

Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa mga lubak

Marami ring mga sagabal – mga bato at minsa’y tinik

Na kung di maiwasa’y magdudulot ng sugat…masakit.

 

Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay liku-liko

Para ring buhay na maraming dinadaanang pagsubok

Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa ating balikat

Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa ang kaakibat.

 

Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan daw siya

Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa niyang nakangiti

Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay, animo totoo

Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may lambong na siphayo!

 

Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman ng mga lubak

Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot, at kung ano pa

Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa kabantutan

Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya, sinong gaganahan?

 

Hindi na lang sana siya nangako, dahil lahat ng daa’y masukal

Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay, hindi matiwasay

Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido ng isang tao

Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng tuwid na daan –

…ito pa kayang isang tao na wala pang napatunayan?

 

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

A Closer Look at the Filipino “Nationalistic” Groups

By Apolinario Villalobos

 

Even during the administration of Ferdinand Marcos, there were already problems with China as regards the South China Sea/West Philippine Sea, separatist movements and kidnapping in Mindanao, as well as, with Malaysia as regards Sabah, and most especially, corruption in the government. The same problems were inherited by subsequent administrations. But the “nationalistic” groups were more concerned in shouting invectives against America in front of the US Embassy and in burning effigies of American and Filipino presidents. They did not lift a finger in helping the government in its effort to recover Sabah, and not a single rally was held in front of the Chinese Embassy to express their revulsion over the issue on West Philippine Sea. Not even a question was raised as regards the effectiveness of the military against the separatist movement and kidnappings in Mindanao because of its inadequate facilities due to misused funds intended for its modernization. These groups cannot even lay claim on the success in deposing Marcos, because the religious groups and ordinary citizens were the ones responsible for such success.

 

Despite the open reclamations of China in the West Philippine Sea, these groups were silent, although, belatedly, they somehow held a lightning rally or two, after such, nothing was heard from them again. Despite the ongoing activities of the Abu Sayyaf and separatist groups in Mindanao, they remained silent. The overly grisly Maguindanao and Mamasapano massacres did not entice them a bit to make a move to show their support to the victims. Despite the moving of justice system at a snail’s pace and unabated proliferation of foreign “investors” who are exploiting the natural resources around the country, nothing is heard from them, too.  And despite the blatant control of domestic medium-scale trading in the country by these foreign “investors”, still nothing is heard from these groups.

 

After the announcement of the Supreme Court’ decision favoring the legality of the US military presence in the country, these groups suddenly came to life. They maintain their claim that such decision shall lead to the construction of the permanent US bases in the country when in fact, nothing of that sort is mentioned in the agreement.

 

They claim that the continued presence of the American soldiers in the country will lead to the revival of sex- related industry which is not true. Even without the presence of US bases, there is uncontrolled proliferation of the sex trade via the internet, bars and massage parlors, even in the decent districts of Metro Manila.  But still, if they want, they can knock at the doors of Congress and Senate for laws that shall control this kind of industry, and which should be appropriate for the time. On the other hand, they are supposed to know that even the local government can control such industry. And, just what have they done on the issue of poverty that contributed to the fast growth of such industry in the country? They should caution the sex workers if they are really bent on helping their countrymen involved in sex trade which needs to be treated as a separate issue, instead of using this alibi in pursuing their “nationalistic” objective. They seem to be blind to the fact that various sex deals are flourishing even without the issue on the US military presence in the Philippines due to weak national laws and LGU regulations that reek with corrupt motives.

 

What dedication to advocacy are they talking about when some of them are even holding passports stamped with US visa?  If these groups are really serious in their advocacy, why don’t they hold rallies against the ongoing corruption in the country and the vote-buying, a political tradition that got deeply-entrenched in the Filipino culture? Why don’t they consistently hold rallies for the removal of department secretaries who are being questioned on the issues of smuggling, ghost NGOs, drug trafficking, illegal recruitment, and deplorable state of mass transit facilities such as LRT and MRT, etc. Why don’t they consistently hold rallies for the removal of the president, if they find him to be ineffective just like what was done during the time of Marcos? Why don’t they hold rallies against the unfulfilled promise of the government to modernize the military facilities after prime public properties were sold to foreign investors? Why don’t they picket outside the detention facilities where the Ampatuans are, to show their disgust over the hideous crime that they purportedly committed? These are what the Filipinos want to see and expect from them, as they claim to be “nationalistic” and pro-Filipino.

 

Obviously, the Philippines has been under a long-tested democracy which unfortunately proved ineffective due to its loop-holed system that led to the propagation of various forms of corruption. And, this is what the left-wing groups want to be changed to a more “nationalistic” system. But what do they mean by “nationalistic”?…a communism-inspired system?

 

By the way, I just want to make myself clear that not all nationalistic Filipinos have a communistic mentality.

 

 

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte

ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

ni Apolinario Villalobos

 

Ang namumukod-tanging katangian ng pulitika sa Pilipinas ay pagiging marumi nito. Ang mga kandidato ay nagbabatuhan ng mga putik. Kaya may kasabihan sa Pilipinas na kung ayaw mong mabisto ang katauhan mo ay huwag kang pumasok sa pulitika. Ang dahilan noong-noon pa ng mga pulitiko, na “pagtulong sa kapwa” ang dahilan ng pagpasok nila sa pulitika ay pinagtatawanan na ngayon. Sinasabi pa ng iba na ang pulitika ay isa sa mga larangan kung saan ay yayaman ang isang tao – na unfair naman sa mga talagang walang intensiyong mangurakot….ng malaki. Tanggap naman ang 10% na komisyon na ang tawag noon pa man ay “for the boys”, na ayaw pa ngang tanggapin ng iba dahil nakakahiya sa sinumpaan nilang tungkulin. Ang masama lang kasi sa ibang nanalo at nakaupo na sa puwesto, hindi lang 70% ang gustong kurakutin, kundi 100% dahil ang project ay hanggang papel lang!

 

Hindi sana umabot sa hamunan ang dalawang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa kung hindi sana pinakialaman ni Roxas ang nananahimik na Davao City. Alam naman niyang alagang-alaga ito ni Duterte pati na ng mga Davaweἧo, pati ng mga taong nakatira sa mga bayang nakapaligid dito. Kung papansinin, nagpakumbaba pa nga si Duterte nang punahin ang pagmumura niya at tinanggap pa ang “lecture” ng Obispo sa Davao City. Ito ay pakita lang na okey sa kanyang punahin ang mga personal niyang pagkakamali sa mata ng mga moralista, pero ang kantihin ang inaalagaan niyang katahimikan sa Davao na kung ilang taon din niyang nilinis at pinatahimik ay maituturing na “below the belt”.

 

Nang gantihan naman ni Duterte si Roxas tungkol sa nakakadudang pag-graduate niya sa hindi naman gaanong kilalang eskwelahan sa Amerika, pumalag din siya. Ngayon ay nagsisisi siya dahil pati ang kredibilidad niya sa larangan ng edukasyon na isa sa mga pinagmamalaki niya ay nalagay sa balag ng alanganin. Dahil sa panggagalaiti niya, marami tuloy ay nagsasabing baka nga totoong hanggang kodakan lang ang pag-graduate niya  sa Amerika.

 

Ang daming maaaring ipaliwanag ni Roxas sa mga tao upang magkaroon ng linaw ang mga isyu na may kinalaman din sa sinasandalan niyang presidente ng Pilipinas…bakit hindi na lang niya dito ituon ang kanyang effort sa pangangampanya? Bakit kailangang siraan pa niya si Duterte na nananahimik na nga? Mag-concentrate na lang sana siya sa “tuwid na daan” na pinangako niyang ipagpapatuloy, para marami pang mahatak kung sakali. Huwag na niyang pakialaman si Duterte na ang kapalaran ay nasa kamay ng COMELEC. Sa ginagawa niya, halatang ninenerbiyos siya dahil malakas ang hatak pareho ni Duterte at Poe. Mukhang pumalpak na naman ang campaign machinery na tumutulak kay Roxas.

 

Sa interbyu kay Duterte sa isang radio station sa Manila tungkol sa kanyang pagkandidato, nakiusap siya sa mga sumusuporta sa kanya na maging mahinahon at itigil na ang pagbabanta ng “rebolusyon” kung siya ay ma-disqualify. Bukambibig niya ang pagtanggap ng disqualification  kung ito ang desisyon ng COMELEC, kaya sinabi pa niya na kung maaari ay ituon din ng mga sumusuporta sa kanya ang atensiyon nila sa ibang mga kandidato, upang makapili sila ng karapat-dapat kung sakali ngang siya ay ma-disqualify. Pinapakita ni Duterte na hindi siya sakim, dahil ang gusto lamang niya ay maging realistic ang mga supporter niya batay sa mga umiiral na sitwasyon. Sa isang banda, malinaw pa rin ang pahayag niya na hindi siya umuurong sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.

 

Ang Pagmumura at si Duterte

Ang Pagmumura at si Duterte

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat mag-ingat kahit kaunti si Duterte dahil tumitindi ang smear campaign laban sa kanya. Noon ay ang patagong banat sa kanya laban sa kanyang “pambabae” daw at “salvaging”. Mabuti at siya mismo ay nagsalita na tungkol sa mga bagay na ito at umamin pa, kaya wala nang mauukilkil tungkol sa mga ito upang hantarang ibabanat sa kanya. Isa sa mga tinitingnan ngayon ng mga naninira laban sa kanya ay ang ugali niyang pagmumura. Masama mang banggitin, may ginagamit na mga taga-media ang mga kalaban niya kaya sa isang iglap, kalat agad sa buong bansa kung may masambit man siyang pagmumura. Wala tayong magagawa dahil yan ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang malas, “tinuka” niya ang pain na tanong tungkol sa pagdating ng santo papa, sa pagsagot subalit may kasamang pagmumura. Pinagpipiyestahan ng mga maninira ang ugali niyang pagmumura at pagiging prangka. Dahil sa ginagawa niyang pagmumura ay nagiging tactless siya.

 

May mga taong naging ugali na ang pagmumura kaya automatiko ang pagsambit ng maaanghang na salita na naging bahagi ng kanyang bokabularyo. Dapat baguhin ang ganitong pag-uugali na hindi man dinidekta ng puso ay masama ang epekto lalo sa mga taong banal kuno pero mahilig namang magbanggit ng “for Christ’s sake” o “for God’s sake” na mas matinding blasphemy at laban sa isa sa mga kautusan sa Ten Commandments. Ang mga banal na ito ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng masama o nakakita ng masama. Bakit hindi na lang sila maglagay ng busal sa mga tenga o di kaya ay maglagay ng pantakip sa mga mata na ginagamit ng mga kutsero sa kanilang kabayo para diretso ang kanilang tingin kapag naglalakad sa kalye? Pero kung marinig lang sila kung murahin nila ang kapitbahay at kasambahay kahit pa kararating lang nila mula sa simbahan dahil dumalo sa misa……..nakuuuu!

 

Upang maipakita ko ang katapatan sa binabahagi ko tungkol sa pagmumura at upang maging makatotohanan ang mga sinasabi ko, aaminin kong nakikita ko ang sarili ko kay Duterte dahil naging bahagi na rin ng pananalita ko ang pagmumura tulad ng “tangna” na pinaiksing “putang ina”, ang “belatibay” na pinaiksing “latibay” upang hindi masyadong maanghang pakinggan, at ang pabulong na “..hit” na sana ay “shit”, pero hindi pa rin nawawala ang “yodiputa”. Tulad ni Duterte, marami rin ang nagalit at nakadanas din ako ng panlilibak dahil sa pagmumura ko. Ang masakit lang, ang iba pala sa kanila ay matindi naman palang manira ng kapwa!

 

Sa mga naging president ng Pilipinas ang kilala sa pagmumura ay si Manuel L. Quezon na ang ginagamit na kataga ay mula sa wikang Kastila…maraming nagalit sa kanya noon lalo na ang mga kasama niya sa gobyerno na karamihan ay nakatikim ng pagmumura mula sa kanya. May dati akong boss na ang ginagamit na salita ay “Jesus Christ” or “Jessezzzz” sabay hawak sa kanyang noo…at ngayon ay malamang kasama na niya dahil namayapa na siya. Yong isang kaibigan ko naman ay paborito ang “damn you” at “go to hell”, patay na rin siya at malamang ay nandoon na rin siya. Yong isa pa ay “demonyo ka” o di kaya ay “demonyo” lang kung walang kausap pero nadapa o nauntog o may nakalimutan sa bahay.

 

Ang pagmumura ay isang paraan upang lumuwag ang naninikip na dibdib ng isang taong galit. Sa halip na lakas ang gamitin niya sa pamamagitan ng pagsuntok sa kausap o manira ng anumang gamit na mahawakan ay dinadaan na lang niya sa pagmumura.  May nasimulan naman sa Japan na pantanggal ng tension na sanhi ng paninikip ng dibdib, at ito ay ang pagsigaw kahit halos namamaos na. Subalit may paraan na ngayon upang mapalitan ang ganitong uri ng paglabas ng galit, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim o “deep breathing”. Sa kamalasan, may isa akong kaibigan na sa sobran galit ay pinilit ang sunud-sunod na deep breathing kaya hinimatay dahil na-choke…kinapos ng hangin! Ayaw kong mahimatay tulad niya.

 

Ang problema sa kultura natin na may pagka-colonial pa rin, kapag ang pagmumura ay ginawa sa English o Kastila, parang wala lang ang epekto, pero kung ang pagmumura ay ginawa na sa Pilipino, ang nakakarinig, lalo na mga banal daw ay para nang natapunan ng ipot ng pusa sa mukha. Hindi ko sinasabing hindi masama ang pagmumura. Subalit dapat ay maghinay-hinay sa paghusga sa mga taong nagmumura. Mabuti nga lumabas ang masamang salita lang mula sa kanya, hindi tulad ng ibang nagbabanal-banalan na ang masamang ugali ay nagkakaugat sa puso nila at diwa kaya habang tumagatal ay yumayabong pa. Ang pagmumura namang inilalabas ay walang pagkakataong yumabong dahil….yon nga, ibinuga na ng bibig!

 

Narinig ang tape tungkol sa pagmumura ni Duterte sa santo papa, kaya malinaw na ginawa nga niya. Isa itong maituturing na “tactlessness” o kawalan ng pasubali o ugaling bara-bara sa salitang kanto….na talagang mali. Subalit si Duterte ay kilala sa paghalo ng mga biro sa kanyang pananalita, kaya malamang, para sa kanya ay joke ang sinabi niya….pero joke na masama o hindi nararapat dahil si Francs bilang pinakamataas na lider ng simbahang Katoliko ay tinuturing na banal kay tinawag na “santo papa”.

 

Kilalal sa pagbiro ang mga Bisaya, na kahit maanghang sa pandinig ay hindi naman bukal sa kalooban ng nagsabi, tulad ng pabirong “gi-atay ka”  o “lilinti-an ka” na ang mga kahulugan ay ayaw ko na lang sabihin. Mabuti na rin ang ginawang pagpuna kay Duterte, para hindi isipin ng santo papa na tino-tolerate ng mga Pilipino ang ganitong ugali…at baka hindi na siya magsalita ng blessing sa Pilipino tuwing mamintana upang magbasbas sa mga taong nag-aabang sa kanya.

 

Pero, sa isang banda, kung papipiliin ako sa pagitan ng isang taong nagmumura subalit ang layunin ay magkaroon ng pagbabago sa isang sistema ng gobyerno na may makapal na kulapol ng korapsyon at may napatanuyan na, at sa isang taong namang dahilan ng kagutuman at kahirapan ng buong bayan dahil sa kawalan ng malasakit, kahit hindi pa nagmumura at animo ay larawan ng pagkabanal at pagka-santo na pagkukunwari lang pala….ang pipiliin ko ay ang nagmumura!

 

Ang ginawa ni Duterte kahit pa maituturing na joke ay patunay sa binitiwan niyang babala noon na kung maging presidente siya ay wala siyang sasantuhin….kaya humanda na sila!

 

Naisahan ni Duterte ang mga Detractors sa Pag-amin ng mga Ginawa Niya…hindi siya Plastic tulad ng Iba!

Naisahan ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin

ng mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang kagatul-gatol na inamin  niyang nagkaroon siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na “kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga ito?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?

 

Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay “Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang Pilipino,  tulad ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon – lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man 100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi driver.

 

Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan. Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.

 

Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat, na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist groups.

 

Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!

 

Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!

Lenny Robredo Must be Very Careful in making Promises this Early which is not yet even Within the Campaign Period

Lenny Robredo Must be Very Careful

In Making Promises this Early which is not yet even

Within the Campaign Period

By Apolinario Villalobos

I am still shocked by the bold promise of Lenny Robredo who is the running mate of Roxas for the 2016 election, as the latter’s Vice-Presidential candidate. She boldly declares over the airlanes “…ibibigay ko sa inyo ang lahat sa buhay ko…” (I will give you everything in my life), referring perhaps to her promise to work for the Filipinos if she wins as vice-president. Whoever made that speech for her must be out of his or her mind, for he or she did not even think that the lady senator has a family, and she is a single mom after her husband Jess, who until an untimely death was not confirmed by Pnoy as Secretary of DILG. Ironically and shamelessly, the administration is using the popularity of the downtrodden Jess, for their selfish motive.  And, to complete the exploit, they turned their attention to the widow, Lenny, a neophyte politician and whom the Liberal Party has perceived as a “clean” one yet, and therefore, a “noble” pawn for another grand plan.

Definitely, Lenny cannot give 100 percent of her time to the country, as all her children need her, and with the youngest trying to finish her studies, yet. In the first place, she should have not used such ludicrous speech that has immediately aligned her with the rest of the good-for-nothing-but-promises-only politicians. It made her an instant “trapo” (traditional politician)….so unfortunate, indeed for such a refined lady who has been waylaid by hollow ideals and false promises. She should have  used a better sounding but simple, honest and motherly statement, instead.  Indications are very clear that she will be used for the selfish motives of the people who are trying to evade legal prosecution if Roxas loses.  Now, being the last choice, as there has been no other ambitious politician left to take the risk of mumbling the “matuwid na daan” mantra after a long and tedious courting of Grace Poe has failed, Lenny is now providing second voice to the songs of Roxas about the legendary “matuwid na daan”.

If Lenny Robredo wins due to political manipulations, as she must, to give support to Roxas as grandly planned, that will be the end of her “clean image”, though, not her political career. For as long as she is attached to the team of Pnoy, she will definitely suffer the same disgust and ridicule thrown to them by the disgruntled Filipinos who know what are really happening….Filipinos who are not blinded by falsehood. In the meantime, she will be safe in the shadow of Pnoy and company….until no opposition has assumed authority in years to come.  But, if along the way, her innate principle about honest living prevails and make her decide to resign….that would be a whammy victory for Pnoy, Mar, and their cohorts, and they may not even give a damn about the road she will take next, as she has done her part – provide a softening element to the hardened bad image of the administration!

When the youngest Robredo daughter gave a speech at the televised wake of her father, she sort of compared herself to Kris Aquino who became popular after her father, Benigno, Sr. was slain. She even jokingly asked, if she will also become an actress like Kris whose popularity has been magnified when her mother, Cory became President. Is the dream of the youngest daughter of the would-be-vice-president played an important role in Lenny’s decision to finally accept the invitation of Pnoy and company?

Filipinos should be wary of politicians who swear by the name of God and willing to be struck by lightning…and willing to sacrifice their whole life, just to show that they are sincere in their promise. All of those who are in position did it during their campaigns in the past…and God knows what happened to the poor Philippines!

My disgusted feeling dictates that my wholehearted support for Lenny Robredo ends where her manipulation by the greedy begins…

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos

Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!

Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.

Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!

Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.

Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.

Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!