Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa

Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagsalita ni Pnoy Aquino sa anibersaryo ng pagpatay sa SAF44 ngayong araw, 25 ng Enero, ay kung ano-ano na namang matulaing kataga ang binitwan niya. Kaylan kaya titigil ang presidente sa ganitong gawain na bistado namang puro buladas lang? Hindi makakalimutan ang mga binitiwan niyang mga pangako lalo na ang “tuwid na daan”, noong nangangampanya pa lang siya, hanggang sa siya ay umupo na. Pati ang mga “pangako” para sa mga pamilya ng mga pinatay na SAF44 ay hindi pinatawad ni Pnoy dahil sa mga bulilyaso na naman.

 

Ayon sa tatay ng isang pinatay na SAF, iilan lang sa mga pinangakong benepisyo ang kanilang natanggap. Ang pabahay ay maliit at nasa isang liblib na panig ng Laguna at hindi mararating kung walang sariling sasakyan. Ang isang benepisyo para sa dependent ay tahasang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi pwedeng ibigay dahil lampas na sa minimum na gulang ang tinutukoy na dependent, subalit sana ito ay ginawang exemption na lang, dahil gagamitin sa isang hindi pangkaraniwang sitwasyon…subalit hindi nangyari, sa kabila ng pangako ni Pnoy.

 

Hindi makalimutan ang hindi niya pagsalubong nang dumating ang mga labi ng SAF44, pagkatapos ay sasabihin niyang dadalhin daw niya hanggang sa hukay ang sakit na dulot ng nangyari na gusto pa niyang ituring na isang “insidente” lamang, at hindi “masaker”? Dahil sa kasanayan na niyang magbigkas ng mga kasinungalingan, akala niya lahat ng mga sinasabi niya ay totoo….napaniwala niya ang sarili sa ganito. Subalit hindi tanga ang taong bayan upang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

 

Upang mabawasan ang bigat ng kanyang mga pagkukulang bilang presidente ay panay paninisi ang ginagawa sa nakaraan administrasyon ni Gloria Arroyo na nagpamana daw sa kanya ng mga kapalpakan. Bakit hindi na lang niya ituwid kung may mali at punan kung may kakulangan, sa halip na siya ay magdadakdak na hindi gawain ng isang lalaking tao, lalo pa at ayon sa kanya ay  “ama” siya ng sambayanang Pilipino? Ang salitang “ama” ay nanggaling din sa kanya dahil sa kahiligan yata niya sa tula, subalit hanggang turing na lang ito, dahil hindi nga niya pinapakinggan ang kanyang mga “boss” na taong bayan, ang bago na namang turing na “ama” pa kaya? Hindi lang tahasang pagbibingi-bingihan ang kanyang ginagawa, kundi pati na rin ang pagbubulag-bulagan, at lalo pa ang pagmamaang-maangan kaya marami tuloy ang nagtatanong kung may presidente ba ngayon ang Pilipinas.

 

Ang pinakamagandang magagawa ni Pnoy upang makabawi sa mga kahihiyan ay huwag nang mangako at bawasan ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa kanyang mga talumpati. May panahon pa naman siya upang mabago kahit kapiraso ang pagtingin sa kanya ng sambayanang Pilipino at makakuha uli ng respeto…yan ay kung pakikinggan niya ang mga matitino niyang taga-payo, lalo na ang mga “boss” niya.

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

By Apolinario Villalobos

 

Poverty is a mean excuse to do things for easy money by the weak in spirit. But the strong are ready to go hungry in the name of ideals and principles. The exploiters use poverty in blackmailing the unfortunates, one result of which is the dirty election due to rampant vote buying.

 

Exploitation of the illiterates and impoverished also result to virtual land grabbing because they are made to “sell” their ancestral domains to rich real estate developers at below  the decent value level. As subdivisions, golf courses and resorts sprout, the displaced former landowners and the fortune-seekers from other parts of the country huddle in not so far depressed areas with many of them working as low-waged employees of the mentioned business institutions that sprouted.

 

Poverty is the corner where the impoverished are pushed to make a choice between death and survival. Also, when the government alleges progress, poverty trails a few steps behind. Along this line, poverty breeds animosity in a community, especially, on matters of politics. In this regard, while some members of the community are ready to sell their soul for a few pesos in exchange for their vote, others are steadfast in protecting theirs which has always been viewed as a “sacred” right. Even some of the clerics of the Catholic Church have joined the confusion by counseling their members to accept the bribe but vote according to their conscience.

 

As soon as the corrupt candidates are finally put in place, thanks to the rampant vote-buying, in no time at all, they start to engage in schemes designed to insure the “return of their investment”. Projects that involve infrastructures are conceived, supposedly to carry on the “progress”…the bigger project, the better, as assurance for fat commissions. The worst scheme is connivance with non-governmental organizations for ghost projects. While all these things are going on, the suffering constituents see around them towering manifestations of progress in the shadow of which, they cringe in poverty.

 

Progress and poverty are the two forces that push each other to create the never ending loop that goes round and round…a never-ending cycle that plagues the people of the third-world countries such as the Philippines, and the culprit are the “investors” – exploiting nations that promise comfort in exchange for “developments”. Yet, despite the prevailing realities of the time, the rest of third-world nations still bite the bait.

The Heavy Pollution in China should Warn Third-World Countries

The Heavy Pollution in China

Should Warn Third -World Countries

By Apolinario Villalobos

 

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

 

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

 

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

 

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

 

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

 

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!

 

In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

“Maliit na bagay…”: bagong kasabihan ng Presidente ng Pilipinas

“Maliit na bagay…”: bagong kasabihan ng Presidente ng Pilipinas

(tungkol sa mga isyu ng “tanim-bala” at “Maguindanao Massacre”)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ayon sa matalinong presidente ng Pilipinas, maliit na bagay lang daw ang isyu tungkol sa tanim-bala sa airport at pinalaki lang ng media. Para sa kanya, maliit palang bagay ang mga sumusunod na ilan lang sa mga nangyari dahil sa eskandalong ito:

 

  • Ang mawalan ng trabaho sa ibang bansa ang isang pasaherong hindi nagbigay ng suhol kaya pinigilang sumakay sa kanyang flight.

 

  • Ang halos ikamatay ng isang matandang pasahero ang ginawang pagbintang na nagbibitbit siya ng bala.

 

  • Ang kahihiyang idinulot ng pagposas agad sa isang may katandaan nang pasaherong babae dahil lang sa iisang balang nakita daw sa kanyang bagahe.

 

  • Ang mapagtawanan ang Pilipinas ng buong mundo dahil pati ang inosenteng bala ay ginawang kasangkapan sa pangingikil, kaya ang kahihiyang ito ay ginawan pa ng isang TV show sa Japan.

 

  • Ang maalipusta ng mga banyaga na ang tingin sa Pilipino ay hindi mapapagkatiwalaan.

 

  • Ang masira ang imahe ng bansa pagdating sa turismo dahil pati mga banyagang turista ay hindi pinatawad ng mga nangingikil sa airport.

 

  • Ang maungkat uli ang literal na mabahong amoy sa mga airport dahil sa mga sirang gripo, baradong inuduro at tadtad ng mantsang mga lavatory o lababo, kaya hindi na nawala ang black eye ng tourism industry ng bansa na hindi na nga nakakasabay kahit lang sa mga kapit-bansa na kasapi sa ASEAN.

 

Pinsan ng pangulo ang nakaupong General Manager ng MIAA, na tahasang nagsasabing wala siyang pakialam sa pangkabuuhang operasyon ng airport sa kabila ng ipinakita na sa kanyang responsibilidad na nakapaloob sa isang kauutusan. Bakit hindi na lang siya mag-resign upang mapalitan ng talagang may kaalaman sa pagpapatakbo ng airport? Kung may pagmamahal siya sa pinsan niyang matalinong president, dapat umalis na siya upang mabawasan naman ang bigat na nakapatong sa balikat nito – mga problemang siya rin ang may gawa.

 

Ang Maguindanao Massacre na ilang araw lang ang nakaraan ay umabot na sa ika-anim na taon ay malamang “maliit na bagay” lang din para sa matalinong pangulo. Nakalimutan yata niyang isa ito sa mga pinangako niyang matutuldukan noong siya ay nangangampanya pa lang. Nakakatawa pa sila sa Malakanyang dahil ngayong araw na ito lang, November 24, nagbigay ng “reminder” sa Department of Justice na “bilisan” kuno ang pagpausad sa gulong ng hustisya para sa mga namatayan!

 

Maliit din sigurong bagay ang pag-appoint niya ng mga kakilala, kaeskwela, at kung ano pang kakakahan sa mga sensitibong puwesto sa iba’t ibang ahensiya. Mabuti na lang at kahit paano ay nabistong ang palagi niyang sinusumbat na cronyism kay Gloria Arroyo ay ginagawa din pala niya – mas matindi pa! Bumaba man siya sa puwesto, hindi siya makakalimutan ng mga Pilipino dahil sa pagduduro niya ng isang daliri kay Gloria, samantalang ang tatlo pa ay nakaturo naman sa kanya!

 

Para sa isang taong hindi nakadanas ng kahirapan, lahat ng bagay sa mundo ay maliit dahil malamang, iniisip niyang lahat ito may katumbas na pera!…o hindi kaya dahil lang sa talagang ugali niyang walang pakialam sa kanyang kapwa?

 

 

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang ibang opisyal ng gobyerno ay nakakatawa at nakakaawa tuwing magkamot ng ulo habang nagsasabing lahat ay ginawa na nila sa sistema ng ahensiya nila, subalit wala pa rin silang natatamong pagbabago. Ang tinutumbok ko rito ay ang wala pa ring pagbabago sa mga kulungan sa buong Pilipinas, lalo na yong malalaking nasa Muntinlupa at ang Manila City Jail. Pati si de Lima na nagpakita ng katigasan at katapangan ay wala ring nagawa dahil ilang buwan pa lamang makalipas ang mga “raid” na siya pa ang nanguna sa Muntilupa na nagresulta sa paglipat ng mga high-profile na mga preso, at pagpalit ng hepe, ay bumalik uli sa dati ang sitwasyon makaraan  lang ang ilang buwan na parang walang nangyari.

 

Napalitan nga ang hepe, pero ang tanong ay: pinalitan ba nila ang mga nasa ibaba?. Kung ang sagot ay hindi, eh di, mauulit pa rin talaga ang mga kapalpakan. Ang may diretsahang nakakakontak sa mga nakakulong ay itong mga taong sa isang tingin ay aakalaing mga inosente at walang kapangyarihan. Sino ba ang nakakadaupang-palad ng mga preso 24/7, hindi ba itong mga bantay na maliit ang suweldo? Pero hindi ko pa rin nilalahat, dahil siguradong marami pa ring tapat sa kanilang trabaho kaya nadadamay lang. Kung may nalalaman man sila ay hindi pa rin sila makakapagsalita dahil maaaring natatakot sa mga kasama nilang sangkot sa mga raket.

 

Lingguhan mang magpalit ng mga hepe kung ang mga tauhang akala ng lahat ay “harmless” o inosente o walang kamuwang-muwang ay nasa puwesto pa rin nila o di kaya ay inilipat lang ng duty pero sa loob pa rin compound, hindi pa rin mawawala ang katiwalaan. Ang suhestiyon ko noon ay drastic change – tanggalin lahat ang mga guwardiya mula sa kasalukuyang puwesto nila at pagpalit-palitin ang area assignment. Halimbawa ang mga nasa Maynila ay ilipat sa penal colony ng Palawan o Davao. Ang mga nasa dalawang nabanggit na probinsiya naman ay ilipat sa Maynila. Sa ganitong paraan ay mawawala ang halos ay “magkumpare” o “fraternal” nang relasyon ng mga preso at bantay nila.

 

Para nang nakakaloko ang sinasabi palagi ng pamunuan ng mga kulungan na kulang sila ng mga tauhan. Bakit hindi isinasama itong problema sa mga rekomendasyon na ang pinakamagandang pagkakataon sana ay nang mamuno ng raid si de Lima?  Bakit hindi isinasama sa nirerekomendang taunang budget? Samantala, kung hindi maipatutupad ang drastic change na pagpalit-palit ng area assignment ng mga guwardiya, baka pwedeng magtalaga ng mga sundalo  para magbigay ng “task force duty” (TDY). Ang pagtalaga ng mga sundalo bilang guwardiya ay mas makatao kaysa maka-hayop na ginagawa sa Indonesia, kung saan ang ginagamit na guwardiya sa mga kulungan ay buwaya!

 

Kailangang matanggal ang sinasabi nilang “fraternal” na pakikisama ng mga bantay sa mga nakakulong lalo na ang mga mayayaman. Hindi pwedeng ang ganitong pakisama ay walang katumbas na pera, kaya sino ba naman ang hindi kakagat sa libo-libong nakakaakit na suhol? Ang mga lumang modelo at second-hand na cellphone na nabibili daw lamang ng tatlong daan sa mga bangketa ay nabebenta ng patago sa mga nakakulong sa libong halaga. Dahil diyan, paanong mapuputol ang koneksiyon ng mga nakakulong na drug lords sa mga tauhan nila sa labas ng kulungan? Nakakatawa na tuloy ang sinasabi ng mga namumuno na tuwing nagri-raid sila sa mga kulungan, daan-daang mga cellphone ang kasama sa mga nakukumpeska o nasasamsam na deadly weapons, at “sinisira” daw nila! Bakit sinisira kung totoo man, ganoong dapat ay ipasailalim sila sa forensic examination upang ma-check ang memory na naglalaman ng mga pangalan ng kontak nila sa labas? Bakit pa sabihing gumagamit ng alyas ang mga kontak, hindi ba pwedeng gawaan ng paraan upang mabusisi ang mga impormasyong makukuha?

 

Hindi kailangan ang sobrang katalinuhan upang makapag-analisa sa totoong nangyayari sa loob ng mga kulungan….bakit hindi magawa ng mga taong itinalaga dahil “matalino” naman yata sila tulad ni Pnoy?

 

Ang punong kahoy na nagkaugat na ng malalim, putulan man ng mga sanga at tanggalan ng lahat ng dahon, subalit hindi bubunutin ay tutubuan pa rin ng mga bagong  talbos na magiging dahon at sanga, at lalong lalago pa. Patuloy pa rin itong mabubuhay dahil sa tumibay nang ugat na lumalim pa ang pagkabaon. Ganyan din ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi natatanggalan ng mga taong nasa “ibaba” na may alam tungkol sa mga katiwalian. Magpalit man ng mga namumunong itatalaga sa mataas na puwesto, na hindi tumatagal dahil political appointees lamang, ay hindi pa rin mawawala ang katiwalian dahil ang mga nasa “ibaba” na “malalim” na ang kaalaman sa masistemang katiwalian ay nasa puwesto pa rin. Ang nangyayari sa mga kulungan ay hindi malayong nangyayari rin sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

 

Ang mga ugat na nasa ilalim ng lupa ay nakatago, hindi nakikita subalit malaki ang nagagawa upang mapalago ang isang puno dahil sila ang sumisipsip sa lupa ng mga sustansiyang nagbibigay ng buhay sa punong kahoy.

 

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting

…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa ang mga taong nagpapauto sa mga arbularyo o kung sino man na nagsasabing ang bala, lalo na ang “live” o ang may lamang pulbura ay isang anting-anting. Ang ganitong pang-uuto ay sinimulan ng mga taong nagnanakaw ng bala mula sa kung saan mang imbakan at binibenta sa mga taong tanga na naniwala naman. Sinabi ko na sa isang blog ko noon tungkol sa isyu ng tanim-bala, na kung ituring man na anting-anting ang bala, dapat ay yong walang lamang pulbura dahil ang ginagamit lang ay ang “metal” na nilalagyan ng pulbura na kung hindi yaring tanso ay tingga. Puwede ngang baguhin ang porma tulad halimbawa ng pagpepe o pag-flatten ng basyong bala upang maipormang pendant, o di kaya ay lagyan ng dalawang “kamay” upang magmukhang krus at magamit na palawit sa kuwentas….ganoon lang. Hindi kailangang bumili sa mga nagtitinda ng mga ninakaw na bala, sa halagang Php1,500.00 ang isang piraso! Ayaw ko na lang isulat kung bakit nagkakaubusan ng bala sa mga imbakan nito. Ang isang ordinaryong mamamayan ay hindi naman nakakabili ng paisa-isang bala.

 

Batay sa mga nasagap kong impormasyon galing mismo sa mga nagtatago ng balang may pulbura, “panlaban” daw ito sa mga taong may masamang balak sa kanila, kaya swak sana sa mga OFW na ayaw mabugbog o magahasa ng mga malupit o manyak na employer. Ang masama, pati mga matatanda ay napagpaniwala din ng mga unggoy na nangraraket! Sabihin ba naman ng mga hangal na ito na hahaba ang buhay ng taong may itinatagong bala, kaya ang mga uugud-ugod na gusto pa yatang mabuhay nang mahigit 100 taon, ay hindi rin magkandaugaga sa pagbili, sa halip na gamitin ang perang galing sa pension, na pambili ng gamot sa rayuma man lang!

 

Matagal nang ginagamit ang tanso o copper at tingga o lead, na panlaban sa masamang ispiritu, lalo na sa kapre, pero  hindi sa kapwa-tao. Bumibigat daw ang taong mayroon nito kaya hindi basta naitatakas ng kapre, kaya pati sanggol ay palaging may katabing bala na nakabalot sa pulang tela dahil ang kulay pula ay kalaban din ng masamang espiritu. At tungkol pa rin sa kulay pula…yong ayaw masaniban ng masamang espiritu, maliban sa balang nakabalot sa pulang tela ay nagsusuot din ng pulang bra o kamison at panty kung babae at ang lalaki naman ay palaging may pulang panyo. Sa ilalim ng unan nila ay mayroon ding pulang panyo. Sa panahon ng pagreregla ng babae, lalo silang ligtas!  Pinaniniwalaan na ito bago pa dumating ang mga Kastila.

 

Ang ginagamit na panlaban sa kapwa-taong may masamang balak ay dinasalang langis na umaapaw sa sinidlang maliit na bote kapag nasa harap mo ang taong may masamang balak. Hindi nakokontra ang isang masamang balak ng kapwa- tao sa pamamagitan ng balang nasa bulsa o pitaka, dahil kung totoo man, wala sanang inuuwing OFW na nasa kabaong o buntis dahil na-rape ng employer, o di kaya ay naka-wheel chair, o di kaya ay lalaking Pilipinong ni-rape o binugbog ng Arabo! At, lalong wala sanang namamatay sa pagkabaril o natutusok ng patalim, at nakitang nakahandusay na lamang sa isang tabi. Ang isang nakausap ko, tatlong bala nga daw ang palagi niyang dala, pero sa kasamaang palad pa rin, mahigit limang beses pa rin daw siyang naholdap sa Cubao! Kaya ngayon hinahanting na niya ang co-boarder niyang dating pulis na natanggal sa trabaho dahil sa katiwalian, upang pakainin ng mga balang ibinenta sa kanya! Dalawa daw sila sa boarding house nila ang binentahan ng mga bala ng ungas na dating pulis.

 

Kung anting-anting ang gusto dahil ang inaasam ay karagdagang “lakas”, ang dapat gamitin ay mga kristal, bato, o mga bahagi ng mga halaman. Balutin mo man ang katawan mo ng mga ito ay walang sisita sa airport o pantalan kaya walang mangingikil na taga-AVESECOM o OTS. Pwede ka lang sigurong pigilan sa pagsakay dahil baka isipin nilang sintu-sinto ka, kaya sa halip na i-detain ka o hingan ng pera, baka ihatid ka pa pauwi sa inyo dahil sa awa nila!

 

Totoo naman talagang may iba’t –ibang uri ng “lakas” na nanggagaling sa mga bato at kristal dahil sa taglay nilang mga mineral. Ang isang pruweba rito ay ang bato-balani (magnet), quartz, jade, lalo na ang hindi pa gaanong kilalang batong “tourmaline” na napatunayang humihigop ng dumi sa loob ng katawan. Ang mga bahagi naman ng mga halaman ay talagang gamot kaya nakakapagpalakas ng loob kung may dalang maski pinatuyong dahon, ugat o balat man lang. May mga dahon na maski tuyo ay pwedeng amuyin upang mawala ang pagkahilo o pananakit ng tiyan dahil sa kabag, at mga pinatuyong ugat o balat ng kahoy na kapag ikinunaw (dipped) sa kapeng iniinom ay nakakagamot din….yan ang mga anting-anting na dapat ay palaging nasa bulsa at bag!

 

Ang mga tao namang nauto kaya nakabili ng bala sa halagang Php1,500.00, magmuni-muni na, lalo na yong mga OFW na ang pamilya ay nagkandautang-utang, may maipanlagay lang sila sa recruiter at pambili ng tiket ng eroplano, at ang kabuuhang halaga ay katumbas ng mahigit sa isang taong pagpapa-alipin sa ibang bansa. Huwag magpakatanga dahil lang sa bala. Kaya nagkakaroon ng mga tiwaling kawani sa airport ay dahil sa mga taong matitigas ang ulo. Nakasilip tuloy ang mga kawatan sa airport ng dahilan upang sila ay kikilan. Kung mahuli naman, at marami naman ang umaming may dala nga ng bala, ay saka sila magngunguyngoy at magsisisi! Ang masakit pa ay nadadamay ang mga taong wala talagang kaalam-alam sa “anting-anting” na ito.

 

Dapat tandaang kung walang tanga, ay walang nagagantso o nalilinlang ng kapwa! Kung totoo mang may nagtatanim ng bala sa mga bagahe, ang tanong ay… SINO ANG MGA NAGSIMULA SA PAGBIGAY NG DAHILAN KAYA NAGING RAKET ITO? HINDI BA MISMONG MGA PASAHERONG TANGA NA AKALA AY LIGTAS SILA KUNG MAY BALANG DALA? DAHIL SA TAKBO NG ABNORMAL NILANG ISIPAN, NAGKAROON NG KIKILAN SA AIRPORT KAYA NADAMAY ANG MGA INOSENTENG PASAHERO. Patunay sa raketang ito ang report na sa kabila ng naka-log na kulang-kulang sa isang libong “nahulihan”, wala pang kalahati ang nakasuhan. Ano ang ang nangyari sa iba?…eh, di “napag-usapan”!!

 

At, ang pinakamahalagang paalala: malakas na pananampalataya sa Pinakamakapangyarihan ang pinakamagaling na anting-anting ng tao…wala nang iba! Huwag lang magdasal ng malakas habang nagpapa-inspection ng bagahe sa airport….hinay-hinay lang sa pagpapakita ng matiim na pananampalataya upang hindi mapagkamalang “jet-setter” na baliw!

 

Mga Anay ng Lipunan

Mga Anay ng Lipunan

Ni Apolinario Villalobos

Nakakalungkot isiping hindi lang ang gobyerno ng Pilipinas ang pinoproblema ng mga Pilipino dahil sa hindi nito maayos na pamamahala, kundi pati na rin mga kababayan mismong hindi marunong mamuhay ng parehas – silang mga manloloko, mga manggagantso, mga sindikato, na animo ay mga anay na unti-unting nagwawasak ng pangkalahatang pamumuhay ng mga mamamayan.

Nariyan ang mga kidnaper sa Mindanao na kung tawagin ay Abu Sayyaf, at iba pang grupo na nakakalat sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, ang mga holdaper, mandurukot, illegal recruiter, mandarayang nagtitinda sa palengke, akyat-bahay, dugo-dugo gang, drug pusher, drug lords, at napakarami pang iba.

Sa Maynila, hindi ligtas ang mga pasahero sa bus dahil sa “dura gang”, “laglag-barya gang”, “ipit gang”, at mga holdaper mismo na malakas ang loob sa pag-akyat sa mga bus. Hindi pa rin nawawala ang “riding- in- tandem” na nang-aagaw ng bag. Pati mga sindikatong nangingidnap ng mga bata upang gamiting namamalimos sa mga matataong lugar ng lunsod.

Iba pa rin ang mga umaakyat sa bus upang magbasa ng Bibliya at pagkatapos ay mamimigay ng sobre upang lagyan ng pera ng mga pasahero. Sakaling may dalawang grupo na gumagawa nito ang hindi nagkaalaman na pareho pala ang sinakyan nilang bus, ano ang mangyayari? Nasaksihan ko yan…

Sabado ng umaga, pauwi na ako galing sa Pasay at nakasakay sa isang bus, nang sa bandang likuran ko ay may tumayong lalaki at biglang nagbasa ng Bibliya. Nakakailang linya pa lamang siya ay may babaeng may edad na, maayos ang pananamit at naka-sun glass pa ang biglang sumulpot sa bandang harapan ng bus at namigay ng mga sobre. Biglang tumigil sa pagsasalita ang lalaki at pilit tinatanong ang babae kung anong grupo ang kinaaaniban niya. Hindi sumasagot ang babae, tuloy lang sa pamimigay ng sobre. Hindi pala siya kasama ng lalaki.

Hindi pa nakaka-recover ang lalaki sa pagkabigla ay biglang may rumepeke naman sa pagbasa ng bibliya sa likuran niya. May kasama pala ang babaeng namimigay ng sobre. Hindi nagpatalo ang lalaki, nagsalita rin siya….palakasan sila ng boses. Sa inis ko, binulyawan ko sila, at talagang minura. Tumigil ang babae sa pamimigay ng sobre at umupo sa likod, tumahimik din ang kasama niya. Ang lalaki naman ay hindi ko pinagsalita, at sa hiya ay bumaba sa unang bus stop na tinigilan namin. Ang mga babae naman ay hindi na kumibo.

Bago ako bumaba ay pinagalitan ko uli ang mga babae dahil pinipilit nilang para daw sa kalamidad ang perang malilikom nila. Bistado naman talagang sindikato dahil wala silang suot na ID kung talagang lehitimo silang NGO. Ang sabi ko sa kanila,  sila ang kalamidad.

Talagang pinahihirapan ang mga Pilipino ng mga kabi-kabilang panloloko – mula sa gobyerno, hanggang sa kapwa Pilipino….sila ang mga anay ng lipunan!

The Bicol Uprising and Concentration System During the American Occupation of the Philippines

The Bicol Uprising and Concentration System

During the American Occupation

Resulting to 300,000 Casualties

By Apolinario Villalobos

In 1903, Simeon Ola with about 1,500 supporters continued the uprising in Albay against the Americans after the fall of Aguinaldo. In answer to such insurrection, the Americans resorted to the concentration of the villagers resulting to the casualty of about 300,000 due to the inadequate supply of food and unhealthy accommodation. Hunger and diseases caused the deaths.

Governor Taft vehemently insisted that the move was necessary to “save” the villagers from the supposedly terroristic activities of Ola, an accusation which was denied by those affected of concentration. What followed was the ceaseless negotiation for his surrender. Aside from Vice-Governor Luke Wright, Pardo de Tavera was also involved in the negotiation for the surrender of Ola for which conferences were held and promises were made by the American government.

As a last resort, On September 22, 1903, Col. Bandholtz purportedly signed an agreement with Ola “promising him immunity” and other conveniences. When the band of Ola surrendered, the Americans denied having signed an agreement with him. Instead, the colonizers spread the story that Ola surrendered finally, as he found it futile to continue going against the superior forces of the Americans who were really resolute in apprehending him at all cost. This denial tactic was used also against Aguinaldo when he conferred with Dewey just before the outbreak of the Spanish-American war.

To further pin Ola down, the American authorities also spread stories that Ola turned witness against his band, for which, he was given an “executive clemency”. The hearing was presided over by Judge James Blount and Judge Adam C. Carson, assisted by Prosecutor James Rosa. The proceeding resulted to the release of some of Ola’s followers, others were sentenced for vagrancy, while the rest were charged for sedition. Some got the heaviest penalty which was death, under the Brigandage Act. Ola was slapped with imprisonment for 30 years…ironically, despite his cooperation. Ola was clearly another victim of the American treachery.

 

Walang Silbi and CCTV…kung walang nakatutok

Walang Silbi ang CCTV

Kung Walang Nakatutok

Ni Apolinario Villalobos

Mahusay na panakot ag CCTV. Subalit hanggang doon na lang, dahil hangga’t walang nakatutok dito, hindi rin natutupad ang inaasahang kabuluhan. Sa isang banda, kung may nakatutok man, ay sa iilang establisemento lamang tulad ng opisina at hotel. Karaniwang nang ang mga nasa bahay at maliliit na tindahan o grocery ay hindi tinututukan, kaya ang gamit nila ay mag-record na lamang ng mga pangyayari, at hindi nakakatulong sa agarang pangagailangan.

Maraming bahay na walang tao subalit may CCTV pero napagnanakawan pa rin at ang masaklap pati CCTV at recorder nito ay tangay. Sa iba namang lugar na meron nito, nagkaroon na ng patayan, pero hanggang pag-record lang ng CCTV ang nangyari, at kung minsan dahil mumurahin lang, ang mga kuhang imahe ay sabog kaya ang gumawa ng krimen ay nakakaligtas.

May mga CCTV na nakakonekta sa computer na nasa ibang lugar o cellphone ng may-ari ng bahay o establisemyento. Subalit kung hindi pa rin natututukan ang mga kuha, limitado ang magandang epekto nito sa may-ari.

Sana ay may makaimbento ng CCTV camera na may programang marunong bumasa ng mga kilos, ng tao, robot man o hayop, na kapag nabasa na masama, ang monitor naman nito ay magpadala ng signal sa isang warning device na gagawa ng ingay upang makapag-alerto. Kung sa cellphone o computer man ito naka-konekta, ang mga ito ay dapat may katumbas ding programa upang makapagbigay ng alerto sa pamamagitan ng recorded warning. Sa ganitong paraan, hindi man natututukan ang monitor ay may aasahan namang warning kung sakaling may ma-detect ang camera na masama sa mga kuha nito.