Elena Constantino: Vendor sa Luneta

Elena Constantino: Vendor sa Luneta

Ni Apolinario Villalobos

 

Nasumpungan ko ang puwesto ni Aling Elena (Constantino) isang umagang naglibot ako sa Luneta upang makita ang mga pagbabago. Madaling araw pa lang ay naglibot na ako kaya natiyempuhan ko ang mga grupo ng nagsu-zumba. Hindi lang pala isang grupo ang nagsu-zumba, kundi lima. Nandoon pa rin ang grupo ng mga Intsik na na nagta-tai chi, at ang mga grupo ng ballroom dancers.

 

Malinis na ngayon ang mga palikuran ng Luneta, hindi nangangamoy- ihi tulad noon. Limang piso ang entrance fee. Unang nagbubukas ang palikuran sa may dako ng kubo ng Security personnel. Ang iba pa ay matatagpuan sa tapat ng Manila Hotel, likod ng National Historical Institute at tapat ng Children’s Museum.

 

Dahil sa pagod ko sa kaiikot, naghanap ako ng isang tahimik na mapagpahingahan at mabibilhan din ng kape. Ang nasa isip ko ay isa sa mga “stalls” na nagtitinda ng snacks, at dito ko nakita ang puwesto ni Aling Elena. Kahit pupungas-pungas pa halos dahil kagigising lang ay ipinaghanda niya ako ng kape. Marami siyang natirang pagkain tulad ng nilagang itlog at mga sandwich. Upang mabawasan ang maraming tirang nilagang itlog ay kumain ako ng tatlo.

 

Noon pa man ay may isyu na sa mga vendor ng Luneta. Ilang beses na silang pinagbawalang magtinda sa loob, pinayagan din bandang huli, pinagbawalan uli, pinayagan na naman, etc. Kung limang beses na ay meron na sigurong ganitong parang see-saw na desisyon ang National Parks Development Committee. Sa ngayon, ang upa sa isang stall na ang sukat ay malaki lang ng kaunti sa isang ordinaryong kariton, binubungan at nilagyan ng dingding, pinto at bintana ay Php50 isang araw. Subalit sa liit ng puwesto na sasabitan ng mga chicherya, sa tantiya ko ay hindi aabot sa Php100 isang araw ang tutubuin ng nagtitinda. Kaya ang ginawa nila, pati si Aling Elena ay nagkanya-kanyang lagay ng extension na gawa sa telang habong o tarpaulin. Bawal din daw ang maglagay ng mesa at upuan, pati ang pagluto, maliban lang sa pagpapakulo ng tubig na pang-kape. Subalit tulad ng isang taong nagigipit, nagbakasakali na lang sila sa paggawa ng mga ipinagbabawal upang kumita ng maayos at masambot ang araw-araw na upa.

 

Inamin ni Aling Elena na ilang beses na rin siyang naipunan ng bayaring upa kaya lahat ng paraan ay ginawa niya upang mabayaran ang namamahalang komite sa Luneta. Ang problema niya ay kung panahon ng tag-ulan, at mga pangkaraniwang araw  mula Lunes hanggang Biyernes kung kaylan ay maswerte na raw siya kung makabenta ng limang balot ng chicherya. Ang tubo sa isang balot ng chicherya ay mula piso hanggang limang piso. Kung makabuo siya ng pambayad sa isang araw, wala na halos natitira para sa kanyang pagkain. Hindi nalalayo ang kalagayan niya sa mga nagtitinda gamit ang bilao sa bangketa ng mga palengke….gutom din, kaya wala na talagang magawa si Aling Elena kundi ang magtiyaga. Okey naman daw ang kinikitang tubo na umaabot sa Php200 isang araw kung weekend, lalo na ngayong pasko.

 

Nagulat lang ako nang sabihin niya na may isa pala siyang apo na pinapaaral sa Mindoro. Nabasa siguro niya ang isip ko kaya siya na ang nagkusang magsabi na hindi siya pinababayaan ng Diyos dahil kahit papaano ay nairaraos niya dahil mura lang ang tuition sa probinsiya at may pinagkikitaan din kahit kaunti ang apo niya na nasa first year college. Wala siyang gastos sa pamasahe dahil sa maliit na puwesto na rin siya natutulog. Ganito na raw ang buhay niya sa Manila mula pa noong 1972 pagkatapos niyang mag-asawa sa gulang na labing-pito.

 

Mahigit pitumpong taon na si Aling Elena at marami na rin daw siyang nararamdaman lalo na sa kanyang mga kasu-kasuan (joints), pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa dahil baka lang daw magkasakit siya kung siya ay tumigil. Hindi rin siya kikita sa Mindoro dahil tag-gutom din daw doon at palaging binabaha ang bayan nila.

 

Upang kumita pa si Aling Elena, naka-tatlong mugs ako ng kapeng ininom at ang tatlong itlog ay dinagdagan ko pa ng dalawa, bumili rin ako ng sampung balot ng chicherya na inilagay ko sa bag para sa mga batang pupuntahan ko. Nang paalis na ako ay may dumating na babaeng may bitbit na mga nakataling tilapia, nahuli raw sa Manila Bay. Inalok si Aling Elena na umiling lang dahil nga naman ang kinita ay ang binayad ko pa lang. Dahil napansin kong nagtitinda din siya ng ulam, ako na lang ang nagbayad upang mailuto niya agad, mura lang kasi sa halagang Php60 at sabi ng nagtinda ay tumitimbang daw lahat ng isang kilo.

 

Mabuti na lang at naantala ang pag-alis ko dahil sa pagdating ng babaeng nagtinda ng tilapia. Naalala ko tuloy na kunan ng litrato si Aling Elena na nagpaunlak naman. Mula sa puwesto ni Aling Elena ay naglakad na ako patungo sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)….

IMG7217

 

 

 

Ang Buhay sa Lansangan

Ang Buhay sa Lansangan

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung pagmasdan silang pinagkaitan ng rangya

Di maiwasang may maramdaman tayong awa

Nakapaa at nagtutulak ng kariton kung minsan

Basang sisiw naman sila, kapag inabutan ng ulan.

 

Abala palagi sa pangangalakal o sa  pamamasura

Wala sa isip nila ang sumilong upang magpahinga

Habol ay makarami ng mga mapupulot  at maiipon

Hindi alintana pagbabadya ng masamang panahon.

 

Sa mga nadadampot na styrophor galing sa Jollibee

Bigay ay saya dahil may matitikmang tirang ispageti

Kahit iilang hibla lamang na may kulapol pang ketsap

Sa maingat na pagsubo, dama’y  abot-langit na sarap.

 

Gula-gulanit ang suot na kamiseta, at nanggigitata pa

Ang damit naman, kung di masikip, ay maluwag siya

Kung pantalon naman, walang zipper, at butas –butas

Subali’t hindi alintana, may maisuot lang, kahi’t kupas.

 

Kapos sa mga ginhawa na dulot ay  materyal na pera

Puso namang may nakakasilaw na busilak ay meron sila

Walang hiling kundi matiwasay na umaga sa paggising –

Kahi’t mahapdi ang tiyan dahil sa gutom, di dumadaing.

 

May mga bagay, dapat nating mapulot sa mga ugali nila

Pampitik sa atin upang gumising at magbubukas ng mata

Gaya ng hindi maging sakim at mapag-imbot sa kapwa

Bagkus, maghintay at magpasalamat sa bigay na biyaya!

 

 

 

 

What Makes Us Share…till it hurts

What Makes Us Share…till it hurts

(I and my group)

By Apolinario Villalobos

 

The “us” in the title refers to the four of us in the group. The two are based in the United States, but come home every second week of November for our sharing project that commences every third week of November and strictly ends on the first week of December. On the other hand, I and the other one are locally- based.

 

Many of those who know us still don’t understand why we “meddle” with the lives of others by helping them. One of my friends even went to the extent of sending me a message last year when he read my blogs about Baseco Compound in Tondo. His message read, “hayaan mo na sila, kasalanan nila kung bakit sila naghihirap…mamumulubi ka lang sa ginagawa mo”.  I did not bother to reply to that message…but from then on, he seems to have detached himself from me. The other member of the group who is based locally, too, had a misunderstanding with his wife until their eldest son interfered…in his favor, so from then, his wife sort of just supported him. The two others, who are based abroad are lucky because aside from being supported by their families, they are also able to collect donations from friends who came to know about our projects.

 

My opinion is that it is difficult for others to really understand how it feels to be impoverished because, either, they have not been through such, or refused to admit that they were poor once, out of pride. I do not know if some of you experienced the pang of hunger for having not taken breakfast and lunch while attending classes. I do not know if some of you have experienced wearing underwear twice your size – being hand-me-downs from rich relatives. I do not know if some of you have experienced catching ice cubes thrown by a friend, instead of being handed even a sandwich by him during his birthday. I do not know if some of you have experienced making toys out of milk cans from the garbage dump, etc. etc.etc. I have experienced those when I was young.

 

My other colleague in the group and who is based in Manila, admitted to have been a scavenger when he was young. He also shared how every morning before going to school, he stood by carinderias and ate the leftover food on the plates of customers. As a scavenger, he and his brothers cooked “batchoy” out of the food they scavenged from the garbage bins of Chinese restaurants. He also unabashedly admitted to having worked as a call boy when their father got sick to earn quick money to support his two younger brothers and one sister (they were left by their mother). He got lucky when he landed a job as a messenger/sales clerk of a big hardware store in Sta. Cruz (a district in Manila City). Good fortune smiled at him, when the daughter of his employer fell in love with him, which made him part of the family business.

 

The third in our group, a doctor is the luckiest because at an early age he got adopted by a rich and kind couple who were US Green Card holders. But while growing up in Pasay, he was close to the less fortunate in their neighborhood. He is married to the daughter of their laundrywoman who is now operating a small catering business in the States.

The fourth in our group found his way toward us through the doctor, as he was the latter’s neighbor in the States. He shared that he grew up in a farm in Bicol and also experienced difficulties in life, as he and his siblings would cross a shallow river and hiked two kilometers to reach their school. He was introduced to our “operations” when he got curious, so he joined us in 2009, after promising to abide by our rules – no photo taking, wearing only slippers, t-shirt and shorts when on the road to share, and no giving of true name or divulging of real identity to the beneficiaries, as well as, willingness to partake of what our friends in slums eat.

 

What makes us click together is that, as if on cue, we practically forget who we really are every time we start hitting the road just before sunrise, to share.  We would sometimes call each other unconsciously, by our assumed names…but we do not consider such slip as a joke, because we are those names every time we mingle with our friends to share. For those who insist on knowing us,  we ask them to just remember us by our acts, and not by our face and name.

 

 

 

 

Magpapasko pa naman!…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Magpapasko pa naman!

…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay isama ng mga moralista ang pagbawal sa paggamit ng expression na “magpapasko pa naman” na tumutukoy kay Hesus, tuwing may kalamidad na mangyari bago sumapit ang “pista” na ito. Halatang ang habol lang talaga sa pistang ito ay mga kasiyahang dulot ng bonus, pagkain, gifts, Christmas lights, simbang gabi, caroling, etc.

 

Tuwing may kalamidad na nangyayari bago magpasko, ang mga naaawa sa mga nasalanta ay nagsasabi ng nabanggit na expression dahil siguro iniisip ng mga “naaawa” na ito, na mami-miss ng mga nasalanta ang mga kasiyahan, at hindi dahil bertdey ito ni Hesus… isang isyu ding kinukuwestiyon. Bakit hindi na lang dumamay at magbigay ng tulong dahil kailangan ng mga nasalanta at hindi dahil sa kung anu-ano pang dahilan tulad ng pasko?

 

Ang sabi ng mga researchers, ang talagang bertdey ni Hesus ay sa unang linggo (week) ng Abril. Ginamit ng mga matataas na opisyal ng simbahang Katoliko na mga Romano ang Disyembre dahil dati na itong ginugunita ng mga pagano sa Roma…isang makamundong pista na puno ng mga kasiyahang nakikita sa pagbaha ng pagkain, alak, at kalaswaan. Ang talagang orihinal na ginugunita ng mga Hudyo noon pa man ay ang araw ng pagbinyag kay Hesus na nakatala sa mga sinaunang records na ang iba ay inilagay sa Bibliya. Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa eksaktong bertdey niya. Ang sinasabi lang ay panahon ng pag-census ng mga Hudyo kung kaylan ay nataon sa pagpanganak kay Hesus. Ang census na ito ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang matukoy ang “panahon” at ang buwan batay sa kalendaryong pinagamit ng Roma sa mga nasasaklaw ng Kristiyanismo.

 

Sa makabagong panahon, maski sinong bata ay umaasam ng mga regalo tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang itinanim sa isip nila ng mga nakakatandang Romanong Katoliko. Inaasahan nila ang paglundo ng mesa sa bahay dahil sa dami ng pagkaing idi-display. Ang mga tin-edyer naman ay excited sa pagsapit ng simbang gabi dahil magkakabandingan na naman sila ng mga kabarkada, at ang iba naman ay magliligawan – sa labas ng simbahan. Ang mga talagang isip at asal demonyo ay may lakas ng loob pang magsuot ng mga damit na kung hindi manipis ay may plunging neckline naman, at ang lalong malaswa ay ang pagsuot nila ng short shorts na nagdi-display ng maitim naman nilang kuyukot! Ang iba naman ay magdi-displey ng mga alahas na tulad ng ginagawa nila sa pagdalo ng misa kung araw ng Linggo.

 

Ang isa pang itinuro ng simbahang Romano Katoliko upang mapilitang magsimba araw-araw ang mga kasapi ay ang pagbuo ng siyam na araw upang matupad daw ang kanilang mga hiling! Hindi ba ito katarantaduhan….dahil wala naman yan sa Bibliya? Ang dapat na itinanim sa mga kasapi ng simbahang Romano Katoliko ay ang sakripisyo na kaakibat sa pagdalo sa misa tuwing madaling araw o gabi, upang pagdating ng talagang “kapanganakan” ni Hesus, ay hindi nakakahiyang humarap sa kanya….hindi yong hihiling ng kung anu-ano para sa sarili na kalimitan naman ay pera. Pati ang mga prutas na kung ilang piraso na puro bilog ay kasama din sa kinalolokohan ng mga Pilipino…pero ito ay paganong paniniwala naman ng mga Intsik na isinabay sa pasko at bagong taon dahil nakita ng mga taong ito ang malaking kikitain na resulta ng panloloko nila…mga negosyante kasi!

 

Bakit hindi sundin ang panawagan ng mismong santo papa na si Francis na sa paggunita ng “kapanganakan” ni Hesus, dapat ay iwasan ang pagiging materialistic?…dahil ba marami ang gustong magpakita ng karangyaan? Bakit pa ituturing ng mga Katolikong “tatay” nila si Francis kung hindi rin lang siya pakikinggan?…dahil ba sagad-buto na ang kanilang pagiging makasarili?

 

At, kung seseryusuhin na talagang “bertdey” ni Hesus ang isi-celebrate bakit hindi sa isang araw lang – ang pinaniniwalaang December 25? …dahil ba ginagamit ito bilang dahilan upang mag-celebrate ng mga makamundong bagay na orihinal na ginagawa ng mga pagano sa Europe?

 

Pinagmamalaki ng mga Pilipino ang “pinakamahabang pasko” sa buong mundo, pero kung talagang iisipin ang diwa ng pasko…ang kahabaang ito ay dapat ikahiya dahil sa kahirapang dinadanas na ng mga Pilipino at kalagayan ng Pilipinas! Nakakahiyang Setyembre pa lang ay hindi na magkandaugaga ang karamihan sa paglagay ng mga palamuti na para bang “mauubusan na ng pasko”. Kanya-kanya ang mga lunsod at bayan sa pagtayo ng mga giant Christmas tree pati mga lugar kung saan ay may mga kalakalan tulad ng malls. Ang maririnig sa radio ay mga kantang pang-krismas. Ang nakikita sa mga TV screens ay mga pagkaing mararangya na pang-pasko, etc….hanggang Enero ito. Habang nangyayari ang mga nabanggit , marami namang mga Pilipino ang halos hindi makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Ang iba, makakain lang ay namumulot ng mga tira-tira sa basurahan.

 

Ang mga Pilipinong ayaw tumingin sa katotohanang ito, simple lang naman ang mga sagot: “kasalanan ko ba kung naghihirap sila at kaya naming gumastos?”, o di kaya ay, “kasalanan nila kung bakit sila naghihirap, dahil tamad sila!”….masasabi bang tamad ang isang taong nauulanan na’t lahat at halos malapnos na ang balat dahil sa init ng araw ay nangangalkal pa rin ng basura?

 

Peace to all!!!!

 

Ang Panggagaya ng Pilipino…nasobrahan, kaya naging magsagwa

Ang Panggagaya ng Pilipino
…nasobrahan, kaya naging masagwa
Ni Apolinario Villalobos

Nakakapagpayaman sa isang kultura ang makibahagi ng mga banyagang kultura, subalit ang kalabisan ay hindi na nakakatuwa, nagiging masagwa. Ganyan ang nagyari sa mga Pilipino na walang pinalalampas na impluwensiya ng ibang lahi pati sa panggagaya kay Kristo.

Ang isang halimbawa ay ang paggaya sa Haloween, kaya pagsapit ng araw na pagdaos nito, naglipana na rin ang mga pekeng “pumpkin” na may mga butas para sa mga mata, ilong at bunganga, may mga “witches” costume at “broomstick” din. May “zombies” pa! Nagkalat din ang mga binebentang nakakatakot na maskara, at costumes. Inaakit ng mga ito ang mga bata na nagpapatalbugan sa pinakanakakatakot na costume na may kaakibat na pagkamahal-mahal na halaga! Pati, mga bags kunwari ng goodies para sa trick or treat ay kalat na kalat sa mga mall. Kaylan nagkaroon ng Haloween ang Pilipinas? Ang meron sa Pilipinas ay paggunita ng Araw ng Patay – ang pinakanakakatakot nating araw sa kalendaryo….at hindi ginagawa ang pananakot kung gunitain ito. Nagsisindi ang mga Pilipino ng kandila sa puntod ng mga namayapang mahal nila sa buhay…at pag-uwi ay nagsasalu-salo sa nilutong simpleng kakanin o kalamay…yon lang!

Kung Banal na Linggo, okey lang gunitain ang Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay, pero, bakit may egg hunting pa? Ang mga hotel, at mall ay nagpapaligsahan sa pagdaos ng ganitong activity upang makaakit ng mga customer. Alam kasi nila na kapag mga bata na ang nagpumilit, walang magagawa ang mga magulang kaya sugod na lang sila sa mga venue at magrehistro na may kasamang mahal na bayad. Subalit may mga magulang na ring pasimuno, na mismong nagtatanim ng ganitong okasyon sa isip ng kanilang anak upang maging “in” daw sa uso!

Kung pasko, may mga Christimas tree na pilit binabalot ng nilamukos na puting papel de hapon na kunwari ay nyebe o “snow, o di kaya ay ng binating sabon na mas mukhang “snow”. Kaylan nagkaroon ng snow sa PIlipinas? Ang paggamit ng evergreen na puno ay ugaling pagano, pati ang paggamit ng garland na mistletoe. Kung ang ginugunita ay kapanganakan ni Hesus, kabaligtaran ang mga ginagawa ng mga Kristiyano. Si Hesus ay ipinanganak sa isang hamak at simpleng lugar na kung hindi sa kuweba ay sa kuwadra ng mga hayop, kaya kadalasan ay ipinapakita ang imahe niya na nakahiga sa sabsaban. Walang Christmas tree sa tabi niya at wala ding snow. Ayon pa sa mga mananaliksik, nang ipinanganak siya ay tag-init, buwan ng Abril, hindi tag-lamig na buwan ng Disyembre.

Ang mga angkop na angkop lang sa paggunita ng kapanganakan ni Hesus ay ang bituin na kung tawagin ay “Star of Bethlehem”, mga tupa at mga pastol. Pati ang mga sinasabing “tatlong hari” ay hindi rin talagang mga hari ayon sa mga mananaliksik at pinatunayan ito ng mga nadiskubreng ebidensiya. Sila ang mga tinatawag na mga “magi” (singular ay “magus”) at sa Ingles ay “magician” at miyembro ng isang tribu na kilala sa panghuhula at pagbasa ng mga palatandaan sa kalawakan, lalo na ang mga bagay tungkol sa mga bituin, at ang tawag ngayon sa trabahong yan ay fortune telling. Kaya nila pinilit na tuntunin ang lugar na “itinuturo” ng bituin na siyang palatandaan ng pagsilang ng isang hari, hanggang makarating sila sa Bethlehem, ay upang magbigay pugay dito. Bakit hindi ito ang ituro sa mga Kristiyano? Kaya tuloy, sa kagagaya ng mga Pilipino, pati mali ay nagagaya na rin!

Sa aking pananaw ay hindi naman masama ang panggagaya. Subalit, sa halip na gayahin ang mga walang kuwentang nakagawian ng ibang bansa na kailangang gastusan upang maidaos lang, bakit hindi gayahin ang disiplina na maayos nilang pinapatupad? Ang mga Pilipinong nakarating sa Singapore, halimbawa, ay manghang-mangha sa kalinisan ng paligid nito at disiplina ng mga tao…bakit hanggang paghanga lang?…bakit hindi gayahin?..at bakit hindi ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas?

Yong ibang magulang naman, sa kagustuhan na magaya ng mga anak nila ang pag-English ng mga Amerikano, pinipilit ang mga ito na pati sa bahay ay mag-English, bawal ang sariling salita. Nabulol tuloy ang mga ito kung magsalita na ng sariling wikang Pilipino at naging katawa-tawa! Kaya pagdating ng panahong mag-aaplay sa trabaho, talo ng ibang aplikante na magaling na sa English ay magaling pa rin sa Pilipino at ibang salita na gamit sa ibang probinsiya.

Ang pinakamasagwang panggagaya ay ang pagiging Kristo daw kaya may namimigay ng pagkain, damit, etc. na may nakatutok na kamera at may nakaabang na reporter na mag-iinterbyu. At, ang pinaka-super na ginagaya kay Kristo na sobra-sobra ang pagkasagwa ay ang pagpapako sa krus. Hindi nagpapako si Kristo…siya ay ipinako ng mga kalaban niyang kapwa Hudyo! Ang mga Pilipino naman, magpapapako lang pala sa krus ay bakit hindi pa gawin na lang sa loob ng bakuran nila? Bakit kailangang i-broadcast pa, ganoong iilang pirasong tao lang naman ang nakakakilala sa kanila na talamak ang kasalanan na paulit-ulit ginagawa kahit siguro matadtad na ng tusok ng pako ang mga palad. Gusto lang ng mga hangal na mga huwad na Kristiyanong ito ang makunan ng retrato upang mailagay sa facebook o magazine o diyaryo! Ano kaya kung tamaan sila ng kidlat sa oras na sila ay maipako na? Siguradong maraming pagpapa-convert sa Kristiyanismo dahil ituturing itong himala!

Kaylan kaya mabubuksan ang ating mga mata sa katotohanang ang lahi natin ay may sariling kultura na mayaman at kayang ipagmalaki sa buong mundo? At, sa pagiging Kristiyano ang kailangan ay mga gawaing makatotohanan at walang bahid ng pagkukunwari?

Ang pagmamalabis sa anumang bagay ay masama, gaya ng labis na paggamit ng asukal na nagreresulta sa diabetes – isang sakit na walang gamot! Ang bansa natin ay ganyan…naturuan ng mga Amerikano ng demokrasya, subalit nasobrahan sa paggamit kaya inabuso…ngayon, ang korapsyon sa Pilipinas ay animo kanser na hindi na yata gagaling! At, sa ibang Kristiyano, malabo na rin yatang matanggal ang makapal na nakulapol na pagkukunwari sa kanilang pagkatao…sila, na ang “pagbabago” ay inaasa na lang sa taunang tradisyon na paggunita…ibig sabihin ang “pagbabago” nila ay RENEWABLE!

Pasko na Naman…

Pasko Na Naman…

Ni Apolinario Villalobos

Simoy ng hanging mahalumigmig ang hudyat sa pagsapit ng paskong hinihintay ng mga Kristiyano.

Susundan ito ng awit ng mga namamaskong bata at matatanda, at ang himig, sa saya ito

ay punung-puno.

Mga parol na naggagandahan at mga ilaw, sa kutitap ay nagpapasiklaban, at naaamoy ay

mga kakaning mabango.

Ano pa nga ba at ang buong daigdig ay hindi magkandaugaga sa paghanda sa pagsapit ng

kapanganakan ni Hesukristo.

Pasko na naman…panahon ng pagsasaya dahil ang mga tao ay nabuhayan uli ng hinahangad na pag-asa.

Pasko na naman…panahon ng pagbibigayan na walang pag-imbot, kaya buong puso kung mag-abot sa kapwa.

Pasko na naman…lahat ay nagdarasal na sana man lang ay maibsan ang nararamdamang sakit pati na pagdurusa.

Pasko na naman…sanlibutan ay umaasam na matamo ang minimithing kapayapaan sa buong mundo…sana…sana…