Bernard Fetalvero-de la Cruz at Ian Paredes-Atrero…naghuhubog ng mga kabataan ng Barangay Real Dos (Bacoor City)

Bernard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuhubog ng mga kabataan ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kabataan pa lang niya ay nakitaan na si Bernard de la Cruz, 26 taong gulang ngayon, ng pagkahilig sa basketball, kaya hindi nakapagtataka ng naglaro siya sa koponan ng SFACS high school at sa college naman ay naging varsity player ng kanilang paaralan, ang Emilio Aguinaldo College. Nasa lahi nila ang pagiging basketbolista dahil ang kanyang tatay ay naging PBA player. Mapalad si Bernard dahil noong kabataan niya ay hindi pa uso ang computer at internet café kaya ang panahon niya ay nagugol sa paglaro ng basketball. Malaki ang pasasalamat niya kay Wilson “Bong” de Jesus sa paghubog sa kanya pati na ang iba pa niyang kababata sa paglaro ng basketball. Hindi naging maramot si Bong sa pagbahagi ng mga nalalaman niya sa larong ito, kaya maraming natutuhan si Bernard at ang iba pang mga kabataan. Natanim sa pagkatao ni Bernard ang disiplina kaya madali niyang natutunan ang iba’t ibang teknik sa paglaro tulad ng pag-“grind”.

 

Ngayon, maliban sa pag-alaga ng nanay niyang na-stroke, full time din siyang Church worker na nagtitiyaga sa pagtuturo ng pag-unawa sa Bibliya sa mga kabataan ng barangay. Ayon sa kanya,

“…masaya na ako na gumagaling ang mga kabataan sa paglaro ng basketball at nalalayo sila sa masamang bisyo…nagiging responsible at disiplinado. At, naisi-share ko din yung faith ko kay Jesus Christ sa kanila….si Ian ang team mate ko na super solid brother ko in this life and the next ay nandiyan din na palagi kong katuwang.” Malaking bagay din ang pagiging magka-tandem nila ni Ian. Naging matatag ang spiritual foundation nito dahil sa naibabahagi niyang mga ispiritwal na bagay, lalo na ang pananalig sa Diyos.  Dahil sa tiwala nila sa isa’t isa, nabuo nila ang team ng mga kabataan ng Real Dos. Dagdag pa niya, “ang main goal talaga namin ni Ian sa pagtuturo ng basketball is to honor God, and to share our faith with the youth…guide them to become better persons on and off the court…kaya, lahat ng ginagawa namin is to honor God dahil sa paniniwala kong all glory belongs to Jesus, at lahat ng ginagawa namin ay in His name.”

 

Tulad ni Bernard, si Ian Atrero, na ngayon ay 25 taong gulang na, ay unang natutong maglaro ng basketball sa Perpetual Village 5 noong kabataan niya. Malaking bagay sa kanya ang mga natutunan niya dahil napasama siya sa Adamson Junior Falcons sa loob ng dalawang taon – 1969 at 1970. Napasama din siya sa coaching staff para sa “Camp and Play Basketball”  na pinangunahan noon ni Coach Dayong Mendoza, na coach din niya noong siya ay nasa high school. Si Mendoza ang naging inspirasyon ni Ian sa adbokasiyang paghubog ng mga kabataan ng Real Dos. Dahil sa inspirasyong nabigay ni coach Mendoza sa kanya, sumidhi ang pagpursige niya na lalong matuto sa larong ito.

 

Naging MVP siya ng BPO Classics, major league ng mga BPO companies. Nakamit niya ang karangalan sa murang gulang, kaya nasabi niyang, “… pag gusto mo ang isang bagay, magagawan mo ng paraan upang makamitt ito…minsan kasi choice lang lahat yan…kung choice mong mag-excel, eh, di sipagan mo…kung gusto mong maging tamad, eh, di choice mo pa rin yon”. Dagdag pa niya, “the choices we make today will determine our future…in personal matters, and in sports…I am a simple kid lang before na mahilig maglaro ng basketball sa village court kahit tanghaling tapat…nangarap at nagsipag para makasama din sa isang varsity team na natupad naman…nagpapasalamat ako sa mga taong nagturo sa akin noong bata pa ako…una, dahil wala silang bayad at ang goal nila ay may matutunan ako at mga kababata ko, kasama ang pag-enhance ng skills na meron na kami…at, ang isa pang masasabi ko ay natuto ako dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ko na rin…naniniwala ako na kaya kong makipag-compete sa iba…I am not born talented but I am born with determination to work hard coupled with determination.” Nagtatrabaho si Ian ngayon bilang Learning and Development Analyst or e-Learning Developer, ngunit, ang talagang balak niya noon ay maging propesor.

 

Dahil magkasama na mula noong bata pa sila, nag-usap sina Bernard at Ian tungkol sa kaya nilang gawin upang makatulong sa mga kabataan ng barangay Real Dos, at tulad ng inaasahan, sumentro ang usapan sa basketball na pareho nilang hilig. Ang unang pangarap ni Ian na maging propesor ay magagamit sa “pagturo” na animo ay titser, ng mga kabataan sa larangan ng basketball, na tatapatan naman ng pagiging maka-Diyos ni Bernard isang full-time Church worker ngayon, upang ang matutunan ng mga kabataan ay hindi “magaspang” na uri ng paglaro.

 

Nagtugma ang kanilang mga adhikain dahil para sa kanila, napapanahon na ang pagpasa ng mga natutunan nila…kung baga ay, “it’s payback time”, ayon na rin sa kanila. Hindi nila pwedeng bayaran ang mga nagturo sa kanila noon, kaya ang utang na loob ay ipapasa na lang nila sa iba. Naantig ang damdamin nila habang  pinapanood noon ang mga kabataan na nagpipilit na matutong mag-shoot ng bola at kumilos ayon sa hinihingi ng larong nabanggit. Walang technicalities at systematic organization. Umiral siguro ang mental telepathy sa pagitan nilang dalawa kaya sandal lang ay nakabuo agad sila ng mga plano. Inuna nila ang “inspirational stage” kaya nag-share sila ng mga karanasan nila sa mga kabataan upang matanim sa kanilang isipan na ang laro ay hindi lang pag-shoot o pagpasa ng bola. Ibinahagi nila ang dinanas nilang hirap at sarap upang matuto. Sumunod ay ang paggawa ng iskedyul – tuwing Sabado habang may pasukan sa eskwela, pero babaguhin pagdating ng bakasyon.

 

Sa ngayon, lahat ng gastos ay hinuhugot nina Bernard at Ian sa kani-kanilang bulsa, kasama na ang para sa paminsan-minsang snacks na kapalit ng magandang performance ng mga tinuturuan nila sa pag-practice. Hindi kasubuan ang turing nina Bernard at Ian sa pinasok nilang adhikain kaya handa sila sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sinimulan, tulad ng mga pinangarap na cones, bola, uniporme at iba pa. Hindi madaling sabihing pag-iipunan nila ang mga ito, na nakatanim sa kanilang isipan dahil sa laki ng halagang kakailanganin. Subalit tulad ng sinabi ni Ian sa unang bahagi nitong sanaysay, “kung gugustuhin ay talagang magagawan ng paraan”.

 

Naniniwala ako sa  “milagro” dahil isa ito sa mga ginagamit ng Diyos na paraan upang makapagbukas ng isipan ng tao upang siya magbago. At ang “milagro” ay nangyayari nang hindi inaasahan kung minsan, kahit hindi hinihingi ang isang bagay. Malay natin….may matanggap na “grasya” sina Bernard at Ian, ang dalawang taga-hubog ng kabataan ng Real Dos, na pondo upang magamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, at susundan pa ng magagamit naman sa pagbili ng iba pa? Manalig lang sa kapangyarihan ng Diyos, wika nga ni Bernard!…at magsikap din, wika naman ni Ian!

 

Sa pamamagitan nitong isinulat ko, nanawagan ako sa mga may gintong puso at gustong tumulong sa adhikain nina Bernard at Ian.

 

rnard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuh

 

Fernando Sagenes: Walang Hadlang ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Fernando Sagenes: Walang Hadlang

Ang Kagustuhan Niyang Madagdagan ang Kaalaman

Ni Apolinario Villalobos

 

Bago ko nakilala si Fernan ay nakilala ko muna ang kanyang tatay. Ang unang nakatawag sa akin ng pansin nang makilala ko ito, ay ang pagiging tahimik niya. Kilala ang tatay niya sa palayaw na “Adring”, may kaliitan subalit matindi ang pagrespeto sa kanya. Noong iisa pa lang ang barangay Real at nasasakop pa ng Imus, isa ang tatay niya sa mga konsehal. Ngayon, hiwalay na ang barangay namin na naging barangay Real Dos na itinalaga sa teritoryo ng Bacoor, samantalang ang orihinal na Real ay naging Real Uno at sakop pa rin ng Imus.

 

Sa kanilang magkakapatid, pansinin si Fernan dahil sa kanyang salamin kahit noong tin-edyer pa lang siya. Ang impresson tuloy sa kanya ay mukhang may itinatagong talino, at napatunayan kong meron nga nang mabisto kong mahilig palang magbasa. Palagi itong may dalang babasahin, magasin man o maliit na libro na binubuklat niya habang naghihintay ng pasahero sa pilahan ng mga traysikel. Ang pinagkikitaan niya ay pagta-traysikel kahit noong wala pa siyang asawa. Minsan ay nakatuwaan kong tingnan kung ano ang binabasa niya nang maging pasahero niya ako, at nalaman kong lumang kopya pala ng Reader’s Digest.

 

High School graduate si Fernan, subalit pinipilit niyang “habulin” ang mga dapat sana ay natutunan pa niya kung siya ay umabot sa kolehiyo, na hindi nangyari. Sa simpleng paraan na pagbabasa hangga’t may pagkakataon at kung ano man ang mahagilap niya ay pinipilit niyang madugtungan ang naputol niyang pagpupunyagi sa larangan ng kaalaman. Natutuwa siya kapag nakakahiram ng mga aklat lalo na ang mga tungkol sa mga talambuhay, relihiyon at pulitka.

 

Dahil sa kaalaman ni Fernan, siya ay nahirang noon ng barangay bilang Executive Officer nang panahong ang Barangay Chairman ay si Vill Alcantara, at ngayon sa ilalim naman ng bagong Chairman na is BJ Aganus, siya ay nahirang namang Kagawad. Mapagmahal si Fernan sa asawa niyang si Myrna at anak na si Abby na ngayon ay 7 taong gulang at tulad niya ay mahilig ding magbasa.

 

Noon ay natawag niya ang pansin ni Mayor Strike Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang lakarin niya ang 8 kilometrong layo mula sa sentro ng Tagaytay hanggang Talisay na nasa dalampasigan na ng lawa ng Taal upang dumalo sa isang mahalagang seminar.  Nanggaling pa siya sa Alfonso kung saan ay may trabaho siya. Dahil madalang ang mga sasakyan, nagdesisyon siyang lakarin ang 8 kilometrong kalsada na puno pa ng mga nakahambalang ng mga nabuwal na puno dahil katatapos lang noon ng bagyo.

 

Nang dumating siya sa pinagdausan ng seminar ay halos nanlilimahid siya sa pagkadikit ng damit sa katawan dahil sa pagtagaktak ng pawis. Ganoon pa man ay lakas-loob siyang pumasok kaya nakaagaw siya ng pansin ng iba pang dumalo sa seminar. Nang tinawag siya sa harap ng mismong mayor ng Bacoor na Strike Revilla upang pagpaliwanagin kung bakit siya na-late sa pagdating, sinabi niya ang totoo kaya buong pagmamalaki siyang pinuri ng mayor sa harap ng iba. Nandoon din ang Congresswoman ng distrito na si Lani Mercado-Revilla na pumuri din sa kanya. Binanggit din ni Fernan na hindi niya naisip na umupa ng sasakyang maghahatid sa kanya kahit hindi niya kabisado ang Talisay, dahil ang laman ng bulsa niya ay Php200 lang. At hindi rin siya nakapag-abiso na mali-late dahil wala siyang cellphone. Sa tuwa ni Mayor Strike Revilla ay ibinigay nito sa kanya ang isa niyang cellphone at dumukot pa ito ng sa bulsa ng sariling pera upang ipandagdag sa Php200 niya.

 

Ipinakita ni Fernan ang pagiging seryoso niya bilang kagawad ng Real Dos kaya kahit anong mangyari ay pinilit niyang matunton ang pinagdausan ng seminar sa Talisay. Alam niya na mahalaga ang makakalap niyang kaalaman na inaasahang ipamamahagi niya sa mga kasama niyang mga opisyal ng barangay.

 

Samantala, ang cellphone na N89 (Nokia) na bigay ni Mayor Strike Revilla ay pinagtitiyagaang ginagamit ni Fernan sa pagbukas ng internet. Maliliit ang mga titik na lumalabas dahil maliit lang din ang screen nito, kaya halos idikit na niya ang kanyang mukha sa screen. Ganoon pa man, dahil sa cellphone ay nadagdagan ang pagkakataong madagdagan ang mga kaalaman ni Fernan tungkol sa mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo at iba pang mga bagay na may kinalaman sa buhay ng tao.

IMG7826

 

 

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng mga Punong Kahoy!

Bacoor City Drainage (Ilog) Hinahayaang Tubuan ng

Mga Punong Kahoy!

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang maliit na sapa o ilog na ito na daanan ng tubig mula sa Dasmariἧas City ay hinahayaang tubuan ng punong kahoy sa gitna pa mismo, at may ilang lumalaki na sa mga gilid. Nakapagtatakang hindi ito napapansin ng mga taga-Barangay Panapaan 6 ganoong malapit lang ito sa Andrea Village 2 at katabi ng malaking tindahan ng isang kilalang brand ng foam at mattress, and Uratex. At ang nakakabahala pa ay lumulusot na ang mga sanga sa mismong screen na nakatakip sa ilog na nasa gilid ng highway. Tumatawid ang ilog na ito sa ilalim ng Aguinaldo highway na sa kaunting ulan ay bumabaha na dahil ang mga daluyan ng tubig na naiipunan ng basurang naging latak at putik ay bumabaw. Ngayong tag-araw, mapapansin ang paglitaw ng mababaw na lupang pinakasahig ng ilog na tinubuan na rin ng mga damo!

 

Ang uri ng kahoy na tumutubo sa ilog na nabanggit ay punong-gubat kaya lumalaking di-hamak at nagbabantang bumasag sa narip-rap na gilid. Malamang din na hindi tatagal ay aalsahin na rin ng puno ang nakatakip na screen. Ang pinakamatinding pangamba ay ang pagiging sagabal nito dahil sa mismong gitna ng ilog ito tumubo. Ang hindi maintindihan ay kung bakit hindi ito nire-report ng mga street sweeper sa kinauukulan ganoong tuwing umaga silang nagwawalis sa bahaging ito ng highway na malapit na rin sa SM Bacoor.

 

Ito ang isa sa maliwanag pa sa sikat ng araw na kapabayaan ng mga kinauukulan sa kapakanan ng bayan. Hindi nila “inuugat” o tinitingnan ang mga “talagang dahilan” ng mga problema. Tulad na lang ng mga punong tumutubo sa gitna ng ilog kaya humaharang sa mabilis na pagdaloy ng tubig…nagiging sagabal sila kaya ang mga basura ay naiipon at nagiging bara, dahilan ng mabilis na pagbaha sa mga nasa mababaw na bahagi tulad ng Malumot, Justinville, Luzville, Silver Homes 1 and 2, at Perpetual Village 5 at 7…pati na sa private na sementeryo ng mga Revilla.

 

Saka na lang ba aaksiyon kung tag-ulan na naman? Hindi dahilan ang eleksiyon 2016 upang hindi maaksiyunan ang ganitong problema dahil ang mga sinisuwelduhang empleyado na dapat ay nagtatrabaho ng maayos ay hindi naman nangangampanya. At lalong hindi pwedeng idahilan ang DENR na nagbabawal sa pagputol ng mga puno dahil ang mga nabanggit na tumububong puno ay nagbabadya ng perhuwisyo. Magkapalitan man ng mga opisyal na binoboto, sila ay nandiyan pa rin at inaasahang magtrabaho ng maayos upang masulit ang sinusweldo sa kanila.

 

Huwag itong isisi sa mayor dahil may mga taong nasa ilalim niya na inaasahang mag-asikaso nitong problema.

 

 

 

 

The Day Hector and His Family Helped the Perpetual Village 5 HA President, Louie Eguia

The Day Hector Garcia and His Family Helped the

Perpetual Village 5 HA President, Louie Eguia

By Apolinario Villalobos

 

When the unpaved roads of the Perpetual Village 5 was finally completed, courtesy of the City government of Bacoor City, flaws were discovered such as the low-grade asphalt that was used to fill the gaps of sections, and which practically cracked and broken into pieces in time, and the dangerous wide-gapped corners that endanger maneuvering cars, especially, vans and garbage trucks. Two garbage trucks almost lost their balance while maneuvering the corner along Fellowship and Unity Streets.

 

The anticipated dangers due to the precarious corners were brought to the attention of the contractor when the project was near completion, but to no avail. Understandably, he was constrained by the allocated budget that was allowed only for the approved width, thickness, and length of the roads in the subdivision. Rather than wait for mishaps to occur, the President of the Perpetual Village 5, Louie Eguia, decided to make use of the meager fund of the association.

 

As expected, Hector Garcia and the available members of his family volunteered to help – his wife Angie, daughter Mara, son-in-law Jet, and even the latter’s household “stewardess”, Ting.  From eight in the morning up to almost noon, the small group toiled under the searing heat of the sun. Even Mara who was on day -off and the lean and young “stewardess” Ting, took turns in mixing cement, gravel, and sand. Jet, who just arrived home from an overnight job also shook off the fatigue from lack of sleep. With a wheelbarrow, Hector tediously, made several trips to the Multi-purpose Hall for the pre-mixed cement and gravel, while Louie, though, suffering from skin allergies from the prickly heat, untiringly did his part.

 

I have already blogged the Garcia couple due to their unselfish “habit”, worthy of emulation. The habit practically runs in the family which also contaminated their house help, Ting, whom I lovingly call “the stewardess”. They talk less, but work more, and this habit made them click with the equally man of few words, Louie, their homeowners’ association president.

 

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon

Ni Apolinario Villalobos

 

Belen ang palayaw niya at kilala siya sa subdivision nila dahil sa likas na ugaling matulungin. May marinig lang siyang kuwento tungkol sa isang taong hirap sa pag-submit ng mga papeles sa ano mang ahensiya ng gobyerno, siya na mismo ang nagkukusa ng kanyang tulong. Kung mayaman ang nagpapatulong, binibigyan siya ng pamasahe at pang-miryenda, pero kung kapos sa pera, tinatanggihan niya ang inaabot sa kanya. Nakakarating siya sa Quezon City, Cubao, Pasay, Maynila, Trece Martirez at humaharap din sa Mayor ng Bacoor City o kung sino pang opisyal ng lungsod kung kailangan. Kung hindi nga lang siya anemic ay baka regular din siyang nagdo-donate ng dugo sa mga nangangailangan.

 

Kahit babae siya, pinagkatiwala sa kanya ng Perpetual Village 5 Homeowners’ Association ang pag-asikaso sa basketball court at mga palaruang pambata sa magkabilang dulo nito. Officially, siya ang Administrator ng area na yon ng subdivision, kaya kapag may gagamit ng ilaw sa gabi sa paglaro ng basketball court, siya ang nilalapitan. Dahil saklaw din niya ang “cluster” na sumasakop sa tatlong kalyeng nakapalibot sa basketball court, kung may gulo, siya pa rin ang tinatawag. Matapang siya at walang pinangingilagan, palibhasa ay dating “batang Pasay”. Tawag ng iba sa kanya sa lugar nila ay “amasona”…subalit ibang pagka-amasona, dahil ang tapang niya ay ginagamit niya para sa kapakanan ng iba. Hindi siya ang tipong matapang na bara-bara ang dating.

 

Naging presidente din siya ng subdivision nila at noong kanyang kapanuhanan ay marami siyang nagawa upang mapaganda pa ang kanilang lugar. May mga nag-uudyok sa kanyang tumakbo sa Barangay, pero ang mga malalapit sa kanya ay nagpayo na huwag na dahil baka magkasakit lang siya lalo pa at inaasikaso din niya ang kanyang asawang si Nelson na nagpapagaling sa ‘stroke”. Sa totoo lang siguro, ayaw nilang mawala si Belen sa kanilang subdivision bilang Administrator ng basketball court at Cluster Leader.

 

Tuwing umaga, ang unang ginagawa niya ay i-check kung saan nagwo-walking upang mag-exercise ang kanyang asawa, na malimit ay sa basketball court lang naman. Pagkatapos ay bibili na siya ng pan de sal at sopas para sa mahal niyang asawa. Sinusubuan din niya ito, subalit hindi niya pinapakita sa iba (nahuli ko lang siya minsan), dahil hindi siya “showy” o pakitang-tao sa kanyang pagmamahal dito. Kahit nakakapagtiyaga siya sa mga simpleng ulam lalo na gulay, pino-problema pa rin niya ang uulamin ng mga kasama niya sa bahay kaya kung minsan ay napapahiwalay ang ulam niya mapagbigyan lang iba na ang gusto ay karne.

 

Maganda ang pagkahubog ng pagkatao ni Belen dahil ang mga magulang niya ay huwaran sa sipag at pagpapasensiya. Lumaki siya sa palengke ng Pasay (Libertad market) kaya batak ang katawan niya sa hirap. Noong nag-aaral pa siya, maaga siyang gumigising upang makatulong muna sa paglatag ng paninda nila bago siya papasok sa eskwela. Pagkagaling naman sa eskwela diretso uli siya sa puwesto nila upang tumulong sa pagtinda. Magaling sa diskarte at sales talk si Belen…madali siyang paniwalaan. Kung nagkataong nakatapos siya ng pag-aaral, malamang ay maski hanggang puwestong Vice-President sa isang kumpanya ay kaya niyang pangatawanan. Subalit dahil sa kakapusan ng pera, nauwi siya sa maagang pag-asawa…kaya parang naka-jackpot ang asawa niya sa kanya.

 

Buhay at sigla si Belen sa mga pagtitipon dahil kapag nahalata niyang medyo nagkakahiyaan sa pagsayaw ay pinapangunahan niya at may halo pang pa-kenkoy na sayaw upang makapagsimula lang ng kasiyahan. Hindi rin siya maramot dahil ang mga tanim niya sa bakuran ay libre para sa lahat na makagusto – may kalamansi, kung minsan ay talong at ampalayang ligaw. Magaling din siyang magluto ng mga kakanin lalo na ng maja blanca at piche-piche, kaya kung may okasyon sa lugar nila, sa kanya umoorder ng mga ganito.

 

Tatlo ang anak ni Belen. Ang panganay na babae ay nasa Gitnang Silangan kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Ang pangalawang lalaki naman ay nasa bahay lang at nangangasiwa ng home-based internet shopping, at ang bunso ay magtatapos na ilang taon na lang mula ngayon.

Wala nang hinihiling pa si Belen sa Diyos dahil ayon sa kanya, halos lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay na sa kanya….at ayaw na rin niyang humiling pa para mabigyan naman daw ng pagkakataon ang iba.

Belen Borromeo

Volunteerism is in the Heart of my Neighbors, Angie and Hector Garcia

Volunteerism is in the Heart of my Neighbors,

Angie and Hector Garcia

By Apolinario Villalobos

 

Just like the rest of the pioneers in our subdivision, the couple, Angie and Hector Garcia went through the expected hardship of living in an unfamiliar new-found home, which in our case is Cavite, used to be known for notoriety – unsafe as many alleged. Add to that the difficulty of commuting to Manila because the only way was via the Aguinaldo highway that passes through buzzling public market of Zapote. The Coastal Road during the time was not yet even in the drawing board of the Department of Public Highways. That was during the early part of the 80’s.

 

A “short cut” to our subdivision from the Aguinaldo highway is traversed by a creek, deep and wide enough to be classified as a river. Several bamboo poles that were laid across the creek served as the early bridge, that was later “upgraded” to a safer one made of two electric poles floored with planks. During the early years the creek did not overflow, however, the constant reclamation of both banks constricted the flow of water that resulted to flash floods which did not spare our subdivision. These instances brought out the innate character of our neighbors that hinged on volunteerism.

 

As the home of Angie and Hector Garcia is situated right at the western entrance of the subdivision where the creek is situated, the homeowners’ association’s heavy duty rope was used to be left in their custody. They would bring it out when flood occurred so that those who would like to take the risk of crossing the bridge would have something to hold on to as they gingered their way through waist-deep flood. A heavy rain for three to four hours would put every homeowner on the alert as the heavy downpour usually triggered a flood. Angie and Hector would miss precious sleeping hours as they waited for the right moment to bring out the long heavy rope, one end of which would be tied to the post of the bridge while the other end would be entwined around the iron grill of their fence or gate. If the flood occurred at night till dawn, we would wake up in the morning with the rope already in place to serve as our “life line” to the other side of the overflowing creek.

 

The couple also took pains in cleaning the vacant area behind the subdivision’s Multi-purpose Hall and planted it to medicinal plants and mango tree which also provided shade. Vegetables were planted, too, aside from medicinal herbs for everybody’s taking in time of their need. The early morning as the sun rises would also see them sweeping the street in front of their house.

 

The leadership qualities of the couple, made their neighbors trust them. Hector had a stint as the president of the Homeowners’ Association, while Angie kept in her custody whatever meager earnings of the association from renting out the Multi-purpose Hall and monthly dues, aside from the collected Mass offerings, until clear-cut procedures were finally established during which she turned over the responsibility to the Homeowners’ Association’s Treasurer.

 

Angie is a cancer survivor having had a mastectomy, but despite her situation, she patiently endured the rigorous travel to Naujan, Mindoro with Hector to regularly check their “farm” which they planted to fruit-bearing trees. When I asked them one time why they take pains in maintaining such far-off farm instead of purchasing another either in Silang or Alfonso, both in Cavite, they confided that they have already “fallen in love” with their investment. Their love for the farm truly shows in their robust physique despite their age of sixtyish. I just imagine that perhaps, if they stop commuting to and from Naujan, Mindoro, weed their farm, and take care of the growing saplings,  their health would deteriorate as usually happens to people who cannot stand being idle.

 

The couple has three daughters, all successful in their chosen fields of endeavor. And, one of them is serving the Homeowners’ Association as Treasurer.

 

Though how Progressive a Country is, there will always be Poverty because of Corruption

Though how Progressive a Country is, there will always be

Poverty because of Corruption

By Apolinario Villalobos

 

Perfection should be ruled out in the reckoning of a progressive country, because there will always be poverty due to corruption somewhere in the system of governance. In other words, the glitter of progress cannot hide poverty. For ultra-progressive countries, the signs may be insignificant as they try to blend with the glamour of urbanity. But in other countries, especially, the third-world, the signs are very prevalent, so that there is always a massive effort to cover them up occasionally, literally, as it is done every time there are special occasions such as visits of foreign dignitaries. This practice is successful in the Philippines.

 

Practically, poverty is the shadow of progress, and literally, too, as where there are looming high-rise buildings that are pockmarks of progress, not far from them are slums or homeless citizens who huddle together under bridges and nooks. These are misguided citizens who flock to the cities after selling their homestead, that have been farmed for several generations, to deceitful land developers, at a measly price. These are the urban squatters willing to be relocated but found out that the promised “paradise” do not even have a deep well so they go back to their sidewalk “homes”. These are contractual workers who have no job securities as they earn only for five to six months, after which they leave their fate to luck while looking for another job.

 

How does corruption ever be involved in the sad fate of the exploited? Simply, by the government’s negligence  in providing decent relocation sites with job opportunities and basic facilities to those uprooted from their city abodes for more than so many years; by its cuddling of the spurious contractualization perpetrated by greedy employers; by its failure to guide and protect the rights of farmers who sell their rice fields to subdivision developers at measly prices that are not even enough to sustain them for six months; by its failure to provide the citizens with the basic necessities as funds are allowed to be pocketed by corrupt officials; and practically by looking the other way despite the availability of laws against vote buying.

 

Third- world country leaders should stop using the word “progressive”, but instead they should use “surviving” to describe their respective economy. If a country’s economy cannot sustain, much less, provide a “comfortable life” to majority of its citizens, then it is still “ailing”…hence, expect poverty to be trailing behind, just a few steps away from the pretentious allegations!

 

 

 

Ang Simpleng Karinderya ni Aling Myrna sa “LTO” – Imus City

Ang Simpleng Karinderya

Ni Aling Myrna (Sanchez)  sa “LTO”- Imus City

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi kailangang maraming nakadispley na paninda upang magpa-impress ang may-ari ng isang karinderya o sari-sari store. Ang karaniwang pagkakamali ng mga namumuhunan ng maliit ay ang kagustuhan nilang kumita agad ng malaki kaya pilit na pinupuno ang puwesto upang magpa-impress ganoong ang katotohanan ay matumal o mahina ang bentahan. Upang magawa ito ay nangungutang sila.  Okey lang sana kung sari-sari store dahil puwede pang tumagal ng ilang araw o kahit buwan ang mga kalakal nal hindi mabili bago maramdaman ang pagkalugi, subalit agarang kalugian naman ang epekto nito sa karinderya dahil sa hindi naubos na mga ulam sa maghapon.

 

Hindi makakamit ng isang negosyo ang tagumpay sa dami ng mga naka-display kung ang layunin ay magpa-impress lang. Dapat i-angkop sa kinaroroonan ng ngegosyo ang dami ng kalakal na binebenta. Napatunayan ito ni Aling Myrna, may-ari ng isang maliit na karinderya. Ang puwesto niya ay nasa bukana ng Government Center ng Imus City o mas kilalang “LTO” dahil ang unang nagbukas ng opisina dito ay ang Land Transportation Office. Nasa lugar na ito ang Cavite State University – Imus, Postal Office, Imus City Jail, mga korte, at Law Offices.

 

Nadiskubre ko ang karinderya isang umagang naghanap ako ng abogado sa lugar na nabanggit. Dahil maaga pa, naghanap ako ng isang tindahan na nagtitinda ng kape. Nakita ko ang maliit na karinderya na nasa isang “sulok”, isang tahimik na puwesto. Nang umagang yon, tatlong ulam ang nakalatag – pritong itlog, bistek/tapa (shredded beef). Maya-maya pa ay may mga dumating na estudyante upang magpabalot ng ulam. Nagulat ako nang malaman kong maliban sa murang halaga ng ulam na Php30 bawat order (ang standard ay Php35 hanggang Php40), at kanin na Php9 bawat order (ang standard ay Php10 hanggang Php12), ay may student discount pa!

 

Ang mga ulam na paninda ni Aling Myna ay kinikilala na ngayon sa local culinary world na “pagkaing Caviteἧo”. Sa kabila ng mura niyang paninda, hindi siya nalulugi dahil dinadaan niya sa dami ng namimili, isang sistema ng mga negosyanteng Intsik. Marami siyang suki dahil ang kanyang mga paninda ay hindi kapareho ng mga tinitinda ng iba pang karinderya na ang layo sa kanya ay ilang metro lang. Ang ibang mga karinderya ay marami ding katulong, samantalang siya ay wala maliban sa kanyang anak, kaya kontrolado niya ang operasyon, at higit sa lahat ay nakakatipid siya dahil wala siyang sinisuwelduhan. Upang makatipid sa tubig, ang mga platito at pinggan ay binabalot na niya ng plastic na itinatapon pagkatapos na pagkainan. Walang pinag-iba sa pagbalot niya ng ulam at kanin na pang-take out ang sistema. Ang hinuhugasan na lang niyang mabuti ay mga kubyertos at baso. Nakatipid na siya sa oras ay nakatulong pa siya sa pagtitipid ng tubig lalo na ngayong tag-init!

 

Lalo akong nagulat nang sabihin niyang tumagal siya sa negosyong pagkakarinderya sa loob ng halos pitong taon. Ang nakakatuwa ay ang sinabi niyang may mga dating estudyante na first year college pa lang ay suki na niya haggang magtapos ng kolehiyo sa Cavite State University. Ang iba naman, kahit graduate na, pero napapadaan sa lugar na yon ng Imus ay nagpapabalot ng bistek/tapa o adobo upang mai-take home. Maliban sa mga estudyante ay marami rin siyang suking empleyado ng gobyerno.

 

Pagtitiyaga ang puhunan ni Aling Myrna sa pagka-karinderya kaya malayo sa isip niya ang style ng ibang negosyanteng gustong kumita agad ng malaki. Malaking bagay din ang nabubukod-tangi niyang mga “ulam-Cavite” kaya binabalik-balikan. Mistulang family bonding din ang paghahanda ng mga itinitinda niyang ulam dahil ang isa niyang anak na lalaki ang nagluluto ng mga ito na dinadala sa puwesto nang maaga upang maibenta sa mga estudyanteng dumadating alas-siyete pa lang ng umaga. Bago magtanghali ay dinadagsa na siya ng mga suki kaya halos hindi sila magkasya sa mga mesa na ang iba ay hinahabungan laban sa init ng araw.

 

Nakita ko sa mukha ni Aling Myrna na nag-eenjoy siya sa pagtinda ng ulam kaya hindi ko man tinanong kung tatagal siya sa larangang ito ng negosyo, naramdaman ko nang umagang yon na maaaring mangyari…. dahil isa siyang larawan ng tagumpay na ang bigay sa kanya ay kasiyahan kahit hindi limpak-limpak ang kita!photo0015

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman o Maging Iba Pang Opisyal ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman O Maging  Iba Pang Opisyal

ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

ni Apolinario Villalobos

 

Hindi nakakapagpayaman ang maging opisyal ng isang maliit na Barangay, na ang pinaka-kunsuwelo ay kasiyahan namang nararamdaman dahil sa tulong na naibibigay sa mga ka-barangay.

 

Matapat na sinabi sa akin ni Barangay Chairman BJ Aganus (Real Dos, Bacoor City) na sa wala pang dose mil niyang suweldo, ang kabuuang sampung libo lamang ang kinukubra niya. Ang butal ay “iniiwan” niya sa pondo ng Barangay upang magamit na pandagdag sa mga gastusin tulad ng para sa kuryente at iba pa na wala sa regular payroll na binadyetan, subalit kailangan upang mapaganda ang operasyon nila. Ganoon din ang ginagawa ng mga Kagawad ng Barangay na kusang nag-aambagan din sa kabila ng kaliitan ng kanilang allowance. Hindi nila alintana ang sakripisyong nabanggit dahil nababawasan naman ng suportang binibigay ng kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng lubus-lubusang pag-unawa.

 

Ang nanay ni Kapitan BJ na si Aling Sofie ay umaming sa kabila ng katungkulan ng kanyang anak,  silang mag-asawa ay tumutulong pa rin dito. Isang umagang napadaan ako sa bahay nina Kapitan BJ ay natiyempuhan ko si Aling Sofie na nagpaunlak sa request kong samahan ako sa kagagawa pa lang, pero kulang pa rin sa gamit, na Multi-Purpose Hall ng Real Dos. Bilang isang ina, natutuwa siya na nagkaroon ng bunga ang katututok ng kanyang anak sa City Hall, upang magkaroon ng Multi-purpose Hall ang Barangay, kaya kahit sabihin pang damay siya sa sakripisyo ng anak ay okey na rin sa kanya. Natiyempuhan din namin ang “volunteer” na si Aling Amparing na siyang naglilinis ng kapaligiran ng Multi-Purpose Hall, kasama na ang basketball court na nasa harap nito. Wala siya ni pisong kabayaran, subalit dahil nakita niya ang kabuluhan ng maliit na gusali ay hindi siya nagpatumpik-tumpik sa pagkusa ng tulong sa abot ng kanyang makakaya na paglilinis tuwing umaga.

 

Nadagdagan din ang mga street lights sa Barangay Real Dos dahil na rin sa “pangungulit” ni Kapitan BJ sa city government, kahit pa ang naging resulta ay dagdag-bayarin sa kuryente na maituturing na malaking kabawasan sa budget ng barangay. Subalit naalala ko noong nabanggit niya na mas mabuti daw na nakikita ng mga taong nagagastos sa maayos ang pera ng barangay, kaysa naman daw nakatabi lang. Ibig sabihin, hindi baleng sagad ang gastos basta napapakinabangan naman agad ng mga tao ang pinagkagastusan.

 

Ipinapakita ng Barangay Real Dos ang kahalagahan nito bilang matatag na pundasyon ng lunsod ng Bacoor sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad. At, pinapakita ring lalo ng mga opisyal ng nasabing barangay na hindi totoong lahat ng nagsisilbi sa bayan o sa madaling salita ay mga opisyal ng gobyerno ay korap…dahil sila mismo ay abunado at naghihirap. At, alam ko ring marami pang Real Dos sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na sumasagisag sa tunay na kahulugan ng “tamang paninilbihan sa bayan”.

Ang Barangay Real Dos…ng Bacoor City, Cavite

Ang Barangay Real Dos
…ng Bacoor City, Cavite
Ni Apolinario Villalobos

Hindi madali ang mamuno dahil kailangan ang paninimbang upang walang masaktan o magsabing sila ay pinabayaan. Sa isang barangay, halos lahat ay magkakilala, kaya ang turingan ay magkakapamilya, lalo na sa isang maliit na barangay tulad ng Real Dos ng Bacoor, Cavite City.

Ang Barangay Real Dos, ay pinamumunuan ng pinakabatang Chairman sa buong lunsod, si BJ Aganus, at inaalalayan ng may kabataan ding mga Kagawad. Sa kabila ng maliit nilang pondo mula sa buwis na binabahagi ng pamahalaang lunsod ay nagawa pa rin nilang magpatupad ng mga proyekto. Maganda ang nagkaisa nilang panuntunan na hindi dapat patagalin ang paghawak ng pondo hangga’t maaari dahil maraming dapat paggagastusan na kailangan ng mga ka-barangay nila.

Inumpisahan ng bagong grupo ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa homeowners’ association ng Perpetual Village 5 kung saan matatagpuan ang Barangay Hall, sa paglunsad ng mga proyektong pang-kabataan upang magamit ang bagong gawang basketball court. Ibinalik din ang regular na schedule sa paghakot ng basura.

Bumili sila ng bankang gawa sa fiberglass upang magamit sa pag-rescue tuwing may baha; dinagdagan ang bilang ng radio units na mag-uugnay sa mga tanod at opisyal ng barangay; pinalitan ang mga ilaw-kalye na ordinaryong bombilya, ng makabagong LED lights, upang makatipid sa konsumo ng kuryente, at inasahan ding tatagal ang mga ito; nagkaroon din ng libreng gamutan.

Ang mga plastik na mesa na pinapahiram sa mga ka-barangay kung may okasyon ay pinalitan ng gawa sa matibay na stainless steel sheets. Kaya, hindi man sinasadyang maulanan, ang mga mesa ay sigurado nang tatagal. Dinagdagan din nila ang mga trapal na ginagamit lalo na kung may pinaglalamayan.

Ang pinakahuli nilang ginawa ay ang pagpabubong ng nakatiwangwang na lote sa magkabilang gilid ng Barangay Hall. Ang nasa kanlurang bahagi ay nagagamit na ngayon kung may pagpupulong kahit na umuulan at tirik ang araw. Ang silangang bahagi naman ay lalagyan ng mga upuan upang may mapagpahingahan ang mga taong pumipila para sa serbisyo ng barangay health center.

Kinakausap din ni Barangay Chairman Aganus ng personal ang mga pasaway sa barangay, lalo pa at ang iba sa kanila ay halos kasinggulang lamang niya…na epektibo naman, dahil na rin sa pakisama. Walang masamang tinapay para sa Barangay Chairman dahil lahat ay gusto niyang bigyan ng pagkakataon upang magbago, magkaroon ng kabuluhan at respeto sa sarili. Hindi man niya sabihin, makikita sa ginagawa niya na mangyayari lamang ang pagkakaroon ng respeto sa sarili ang isang tao, kung siya ay bibigyan ng pagkakataon at halaga.

Nakakatuwa ring malaman na kahit kapos kung ituring ang allowance ng mga Barangay tanod ay hindi sila naaapektuhan nito. Nakikita kasi nila na lahat silang nasa pamamahala ni Chairman Aganus ay parehong nagsasakripisyo, maipatupad lang ang sinumpaan at itinalagang responsibilidad sa kanila.

Ang nakakatawag ng pansin ay ang pinapairal ng grupo ni Chairman Aganus na “bayanihan spirit”. Sa pamamagitan nito, basta may lumapit sa kanila upang humingi ng tulong, kahit hindi ka-barangay, ay agad nilang inaaksyunan. Maraming beses na ring nahingan ng tulong si Chairman Aganus ng mga hindi taga-Real Dos, upang gumawa ng follow up sa City Hall. Maganda ang patakaran nila dahil hindi naman ito pakikialam sa ibang barangay. Kung hindi kasi sila umaksyon sa mga request ng hindi taga-Real Dos ay lalabas na tinataboy nila ang mga ito…isang impresyon na ayaw nilang mangyari. Ganoon din ang paliwanag ni Chairman Aganus na nagsabing, pinakikiusapan lang naman daw siya, at isinasabay na niya ang mga follow-up sa mga gagawin kung nasa City Hall siya. Kung tutuusin nga naman, magkakasama ang mga magkakatabing barangay sa iisang administrasyon ng Bacoor, kaya hindi magandang nagkakanya-kanya sila sa pagkilos…sa halip ay dapat magtulungan.

Kung ihahambing sa malalaking barangay, masasabing napakaliit ng mga proyekto ng grupo ni Chairman Aganus, subalit, para sa mga taga-Barangay Real Dos, ang mga ito ay napakahalaga. Wala rin naman silang magagawa dahil pinagkakasya lamang nila ang pondong itinatalaga ng pamahalaang lunsod. At, ang pinakamahalaga, ay nagpupursige sila sa abot ng kanilang makakaya.

Pinatunayan ng Barangay Real Dos, na ang matatag na samahan ng mga bumubuo sa isang barangay ang nagsisilbing pinakapundasyon ng isang barangay kahit maliit ang pondo. Malaking tulong nga ang pondo, subalit aanhin naman ito kung pagtatalunan lamang na maaaring humantong pa sa siraan? Ang nagsisilbi namang “pandilig” sa pundasyong ito upang lalo pag tumatag at lumago ay ang katatagan din ng namumuno at mga nakakaganang pagpuna ng ibang tao, lalo na ng mga nasasakupan. Sa huling nabanggit, tanggap naman nila na hindi lahat ay nabibigyan nila ng kasiyahan, subalit wala silang magagawa dahil sa limitasyon ng kanilang kakayahan at pondo.

Yan ang Real Dos….maliit nga siksik naman sa samahan…kapos nga sa budget, mayaman naman sa pagkukusa… mga kabataan nga ang namumuno, puno naman ang mga puso ng pagmamalasakit sa kapwa!