Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ang Kawawang Kalagayan ng Maraming Pensiyonado

ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa talaga ang kalagayan ng karamihan sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas. Sa isang banda, ang hindi kawawa ay ang mga dati nang may kaya sa buhay bago nagtrabaho at ang mga namuno sa SSS mismo na milyon-milyon ang sweldo. Ayon sa balita, ang SSS ay may 7 Senior Vice-Presidents at 16 Vice-Presidents. Ang mga sweldo at bonus nila ay milyon-milyon din daw, pati ang mga allowances na kasama ang gastusin para sa mga alagang hayop o pet at grocery. Wala ring aalalahaning problema sa pensiyon ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno dahil kapag nag-retire na ay siguradong milyon-milyon  na rin ang naipon nila na kayang ipamana maski sa mga apo sa tuhod.

 

Samantala, ang mga nag-retire nang mga miyembro ng SSS ay nagtitiis sa barya-baryang pensiyon. Nauunawaan naman ang sistemang binabatay ang pensiyon sa buwanang naiambag ng miyembro, kaya mayroong nagpepensiyon ng minimum na mahigit lang ng kaunti sa isang libo kada buwan dahil sa ikli ng panahon ng pag-ambag at kaunting halagang naiambag. May iba pang batayan sa pagminuta o pag-compute ng pensiyon kaya lumalabas na ang iba, kahit ang dating trabaho ay foreman ng mga kargador sa pantalan ay mahigit sampung libo ang pensiyon kung ihambing sa ibang manager na mahigit lang sa 7,000 pesos.  Ang masakit nga lang ay ang katotohanang nagpabaya ang SSS sa paglikom ng mga naiambag ng mga empleyado na kinaltas ng kanila-kanilang switik na mga employer kaya hindi lumalago ang pondo upang maging batayan sa pagpalaki rin ng pensiyon ng mga retirado. Kadalasan din, ang mga aktibo pa sa trabaho ay hindi rin malapag-loan dahil hindi nire-remit ng kanilang switik na employer ang kanilang contribution. Ayon sa balita ay wala pang 40% ang pinakahuling nalikom ng ahensiya batay sa kabuuhan ng mga miyembro, na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 31milyon.

 

Nangangamba daw ang SSS dahil pagdating ng 2029 ay maaapektuhan ang pondo kung ibibigay sa 2milyong pensiyonado ang 2 libong pisong dagdag sa bawat pensiyon kada buwan kaya hindi inaprubahan ni Pnoy Aquino. Ayon naman sa gumawa ng panukala sa Kongreso na si Cong. Colmenares, dapat nga raw ang minimum na pensiyon ngayon ng retiradong miyembro ay 7,000 pesos. Marami daw namang paraan upang mahabol ang pagpalago ng pondo nito, tulad ng nabanggit nang  pagpapa-ibayo pa sa paglikom ng mga ambag, at pag-streamline o pagbawas ng mga “top-level managers” na malamang ay nagkakapareho o nag-ooverlap  ang mga responsibilidad. At lalong higit ay ang pagbawas ng mga nakakalula nilang allowances at mga bonus!

 

Sa Pilipinas, ang mga retirado ay hindi nabibigyan ng pagkakataong maging empleyado pagtuntong ng ika-60 na taong gulang. Ang may gulang na 40 nga ay itinuturing nang “overaged” ng ilang employers. May iilang nai-extend ang trabaho subalit hindi na regular ang status nila kundi “Consultant” hanggang umabot sa gulang na 65, kaya ang turing sa suweldo nila ay “Consultancy fee” na wala na ring benepisyo tulad ng allowances na kung tawagin ay “perks”. Ito yong mga nasa “senior management level” na ang saklaw ay mula manager hanggang Senior Vice-president, pero ang mga performance bago mag-retire ay namumukod-tangi, o yong may mga dating responsibilidad na napakahalahaga sa pagpapatakbo ng negosyo o opisina. Ang mga nasa supervisory at rank-and-file level naman ay napakanipis ang pag-asang ma-extend bilang “Consultant”. Ang matindi pa, malimit ay hindi agad naibibigay ang retirement o separation pay kaya ang pag-follow up lang at pamasahe ay problema din. Dahil sa mga nabanggit, pagkatanggap ng separation pay o pensiyon ay makakaltasan na agad ng pambayad sa mga inutang na pamasahe at panggastos sa pamilya nang panahong nagpa-follow up ang nag-retire!

 

May nakausap akong retirado na ang ginagawa ay hinahati ang tabletang gamot na nireseta ng doktor upang tumagal kaysa naman daw mawalan siya ng maiinom dahil hindi kasya ang kanyang pensiyong pambili. Ang iba naman ay hindi na komukunsulta sa doktor kahit masama ang pakiramdam dahil mababawasan ang badyet na pambili ng pagkain. Ang iba pa ay dalawang beses na lang kumakain sa isang araw, at sa halip na isaing ang bigas ay nilulugaw na lang. Nang tanungin ko kung bakit minimum lang ang pensiyon nila, ang sagot sa akin ay dahil hindi permanente ang trabaho nila noon, mabuti nga daw at nakumpleto pa nila ang pag-ambag sa SSS hanggang sa sila ay mag-retire. Hindi naman daw sila nagkulang ng pagpursige sa paghanap ng trabaho subalit talagang wala daw silang makita noong kalakasan pa nila. May mga retirado akong nakausap na nagsabing kapag namamasyal sila sa park o mall ay may bitbit silang mga shopping bag na malaki o backpack para lagyan ng mga junks na mapupulot, lalo na plastic na bote ng mineral water o lata ng soft drinks dahil kahit papaano ang maliit na kita sa mga ito ay nakakatulong din.

 

Sa mga mauunlad na bansa, kahit malaki  ang kaltas sa suweldo ng mga empleyado para sa buwis at ambag sa social security ay sigurado naman ang mga benepisyo nila dahi ang pagpapa-ospital, gamot, at pagpapa-aral sa mga anak ay libre. Ang ibang hindi gaanong maunlad na bansa naman ay maliit ang kinakaltas sa suweldo para sa buwis at social security, na ang pinakamalaki ay hindi umaabot sa 20%, subalit magaganda pa rin ang kanilang mga benepisyo. Sa Pilipinas naman, ang kinakaltas sa suweldo ng mga empleyado ay mahigit 30% subalit wala halos katumbas na matinong benepisyo. Ito yata ang sinasabi ng pangulo ng bansang si Benigno S. Aquino III na “matuwid na daan”….at saan naman patungo?….sa pagkagutom?

 

Mahirap talagang magkaroon ng presidenteng hindi nakadanas ng kahirapan sa buhay. Ang problema sa pensiyon ng SSS ay dumaan din sa ilalim ng nakaraang mga administrasyon, at lalong lumala sa panahon ni Pnoy Aquino ngayon. Kung sa halip na puro sisi ang ginagawa niya sa nakaraang administrasyon ay nagpakasipag na lang siya bilang presidente, sana kahit kapiraso ay may maipagpasalamat sa kanya ang mga Pilipino.

 

Priests Should Not Assume That Catholics are Stupid

Priests Should Not Assume That Catholics are Stupid

Translated from Tagalog by Perla Buhay
Some priests think that just because they have studied the holy book and the history of the Catholic Church during their seclusion in the seminary, only they have knowledge about these things.  As a result of this erroneous thinking, many priests act as if they were chosen by God and blessed with said knowledge.

 

To face the truth, many people have separated from the Roman Catholic Church after coming to know the “shame” which the Vatican has kept under wraps, especially the despicable sins of some modern priests.  Such priests exhibit their ignorance if they do not realize the power of technology in helping Cathoics unearth information through the internet.

 

In all likelihood, there are many lay Catholics who know more about the history of the Roman Catholic Church than said priests, and therefore the latter should not act all-knowing.  In this day and age, it would be well for priests to be truthful and humble, emulating the ways of Jesus, so that they may at least show that the wrongs committed by certain priests will not be repeated. And what do these priests do instead?  They inflict more shame on the Church, to the extent that the new Pope begins to sound like a broken record, repeatedly reminding the clergy of their duties and responsibilities.  Must they be called names to attract their attention?

 

A priest who runs a parish must show professionalism in the performance of his work; a parish is a community that needs proper and intelligent management.  He must not invoke the idea that the Church is a spiritual realm, just to be able to enforce his authority and impose his “leadership.”  In so doing, the priest is harking back to the times of Padre Damaso of the Spanish era our history.  A priest with a tarnished reputation has no credibility to lead a flock of Catholics; instead of being able to institute reforms, he will do more harm because his reputation will contaminate the community’s image.

 

The Holy Father has the small religious congregations to thank, because they save the day and redeem the Church’s good name. The good works performed by religious groups overshadow the questionable acts done by some parish priests. Undesirable priests can be relocated, but religious groups based in their communities stay on, giving valuable support to replacement clergy. Unfortunately, new priests are not immune to arrogance; within a short time of their arrival, they begin to smell like rotten fish. Modern versions of Padre Damaso!

 

 

(Ms. Perla Buhay is a retired Computer Documentation Specialist, a well-travelled foodie blogger and a spoken language interpreter. She was born and raised in Manila, attended Nazareth (high) School, holds BA and BSE degrees (majors, English and History) from the College of the Holy Spirit in Mendiola, Manila.  After a brief stint as high school teacher with the Division of City Schools, she joined the Bureau of Animal Industry, where she served as Chief Public Information Officer under the late Dr. Salvador H. Escudero III, Director.  Then she won a Rotary International scholarship to pursue graduate education at Oklahoma State University’s School of Journalism and Broadcasting.  Perla resides in California and maintains a small farm in Nueva Ecija.  Check out her foodie blog at AtoZfoodnames.wordpress.com.)

Here’s the original essay in Tagalog, translated by Ms. Buhay into English:

 

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga

Ang Lahat ng Mga Katoliko

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

 

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

 

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

 

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

 

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!….sila ang mga makabagong Padre Damaso!

 

Hindi Dapat Isipin ng Ibang mga Pari na Tanga ang Lahat ng mga Katoliko

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga

Ang Lahat ng Mga Katoliko

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

 

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

 

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

 

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

 

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!….sila ang mga makabagong Padre Damaso!

 

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

The Vicious Cycle of Progress and Poverty

By Apolinario Villalobos

 

Poverty is a mean excuse to do things for easy money by the weak in spirit. But the strong are ready to go hungry in the name of ideals and principles. The exploiters use poverty in blackmailing the unfortunates, one result of which is the dirty election due to rampant vote buying.

 

Exploitation of the illiterates and impoverished also result to virtual land grabbing because they are made to “sell” their ancestral domains to rich real estate developers at below  the decent value level. As subdivisions, golf courses and resorts sprout, the displaced former landowners and the fortune-seekers from other parts of the country huddle in not so far depressed areas with many of them working as low-waged employees of the mentioned business institutions that sprouted.

 

Poverty is the corner where the impoverished are pushed to make a choice between death and survival. Also, when the government alleges progress, poverty trails a few steps behind. Along this line, poverty breeds animosity in a community, especially, on matters of politics. In this regard, while some members of the community are ready to sell their soul for a few pesos in exchange for their vote, others are steadfast in protecting theirs which has always been viewed as a “sacred” right. Even some of the clerics of the Catholic Church have joined the confusion by counseling their members to accept the bribe but vote according to their conscience.

 

As soon as the corrupt candidates are finally put in place, thanks to the rampant vote-buying, in no time at all, they start to engage in schemes designed to insure the “return of their investment”. Projects that involve infrastructures are conceived, supposedly to carry on the “progress”…the bigger project, the better, as assurance for fat commissions. The worst scheme is connivance with non-governmental organizations for ghost projects. While all these things are going on, the suffering constituents see around them towering manifestations of progress in the shadow of which, they cringe in poverty.

 

Progress and poverty are the two forces that push each other to create the never ending loop that goes round and round…a never-ending cycle that plagues the people of the third-world countries such as the Philippines, and the culprit are the “investors” – exploiting nations that promise comfort in exchange for “developments”. Yet, despite the prevailing realities of the time, the rest of third-world nations still bite the bait.

Panahon na Kaya Upang Buwagin ang Commission on Human Rights?

Panahon na Kaya Upang Buwagin ang

Commission on Human Rights?

Ni Apolinario Villalobos

 

Personally, wala pa akong nalamang may ginawang kapaki-pakinabang ang Commission on Human Rights (CHR). Ang napansin ko pa, kung may isyung matunog, saka ito pumapapel upang makisalo sa interes ng madla…yon bang gigitna din sa eksena upang masapol ng limelight at mga camera.

 

Nabahaw na lang ang isyu sa masaker ng 44 na miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao, ay hindi man lang naringgan ng pahayag ang Komisyon na ito. Dahil kaya nananantiya at tila maraming masasagasaan lalo na ang Presidente? Kahit pa sinabing may mga kakasuhan daw na kung ilan ang  DOJ – mga sundalo at mga rebelde, subali’t, ano naman ang ginawa ng CHR?

 

Nabaon  na lang din sa kalimot ang Maguindanao Massacre ay wala ring narinig na maski paswit o matinis na sipol man lamang mula sa Komisyon na ito. Ang mga Ampatuan ay tila maaambunan ng grasya, kaya ang iba ay nakapag-piyansa na, at napapansin na rin ang kaluwagan sa kanila. Ano pa ang aasahan ng mga mahal sa buhay ng mga biktima kung ganito rin lang ang mangyayari? Wala bang “human rights” ang mga biktima at mga naghihinagpis na mahal nila sa buhay?

 

Ang mga iskwater na inilipat sa mga relocation sites na wala naman palang mga pasilidad na kailangan upang mabuhay ng maayos ay lalo pang naghirap, kaya ang iba ay nagsibalikan sa lunsod kung saan ay may mapupulot na basura upang ibenta…at upang may maipambili ng pagkain. Hindi ba “human rights” ang mabuhay kahit sa paraang isang kahig isang tuka? Hanggang tungkol lang ba sa mga bagay na may kinalaman sa pagpatay ang pakikialaman ng Komisyon na ito?

 

Ang mga Badjao at mga nagra-rugby na mga kabataang nagkalat sa kalye at bangketa, bakit hindi pakialaman ng CHR, ganoong nakita namang inutil din pala ang Department of Social Welfare pagdating sa bagay na ito? Hindi pakikialam kung sumawsaw ang Commission on Human Rights sa mga gawaing para sa mga tinukoy na mga taong dapat tulungan, kundi isang “pakikipagtulungan” sa mga ahensiyang dapat ay may direktang responsibilidad tulad ng Department of Social Welfare at mga local government units. Bakit hindi inspeksiyunin ng Komisyon na ito ang mga rehabilitation facilities ng mga local government units para sa mga kabataan? Baka ang iba ay wala pa ngang maayos na pansamantalang tirahan ng mga kabataan, kaya ang  “social welfare office” ng ibang local government units ay hanggang referral lang, kahit may malaking budget naman!

 

Ang mga biktima ng mga illegal na recruiters, bakit hindi asikasuhin ng CHR, lalo pa at hindi pa sila miyembro ng OWWA? Ang mga nabibiktimang OFW sa ibang bansa, bakit ayaw pakialaman ng CHR sa tulong ng kanilang international counterpart? Akala ko ba, bawa’t bansa ay may Commission on Human Rights. Bakit hindi sila naririnig tuwing may dumadaing na mga Pilipinong OFW na pinagmalupitan ng mga amo nila sa ibang bansa? Ang mga hindi makauwi dahil tumakas lang sa pagmamalupit ng mga amo kaya nagbebenta ng laman upang makaipon ng pamasahe…bakit hindi tulungan ng CHR?

 

Pagdating ng panahon, siguradong mababanggit  sa mga pahina ng kasaysayan ng bansang Pilipinas, na minsan ay may pangulong nagtalaga ng mga tao sa Commission on Human Rights, sa ilalim ng kanyang administrasyon, pero wala palang nagawa…

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman o Maging Iba Pang Opisyal ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

Malaking Sakripisyo ang Maging Chairman O Maging  Iba Pang Opisyal

ng Maliit na Barangay Tulad ng Real Dos (Bacoor City)

ni Apolinario Villalobos

 

Hindi nakakapagpayaman ang maging opisyal ng isang maliit na Barangay, na ang pinaka-kunsuwelo ay kasiyahan namang nararamdaman dahil sa tulong na naibibigay sa mga ka-barangay.

 

Matapat na sinabi sa akin ni Barangay Chairman BJ Aganus (Real Dos, Bacoor City) na sa wala pang dose mil niyang suweldo, ang kabuuang sampung libo lamang ang kinukubra niya. Ang butal ay “iniiwan” niya sa pondo ng Barangay upang magamit na pandagdag sa mga gastusin tulad ng para sa kuryente at iba pa na wala sa regular payroll na binadyetan, subalit kailangan upang mapaganda ang operasyon nila. Ganoon din ang ginagawa ng mga Kagawad ng Barangay na kusang nag-aambagan din sa kabila ng kaliitan ng kanilang allowance. Hindi nila alintana ang sakripisyong nabanggit dahil nababawasan naman ng suportang binibigay ng kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng lubus-lubusang pag-unawa.

 

Ang nanay ni Kapitan BJ na si Aling Sofie ay umaming sa kabila ng katungkulan ng kanyang anak,  silang mag-asawa ay tumutulong pa rin dito. Isang umagang napadaan ako sa bahay nina Kapitan BJ ay natiyempuhan ko si Aling Sofie na nagpaunlak sa request kong samahan ako sa kagagawa pa lang, pero kulang pa rin sa gamit, na Multi-Purpose Hall ng Real Dos. Bilang isang ina, natutuwa siya na nagkaroon ng bunga ang katututok ng kanyang anak sa City Hall, upang magkaroon ng Multi-purpose Hall ang Barangay, kaya kahit sabihin pang damay siya sa sakripisyo ng anak ay okey na rin sa kanya. Natiyempuhan din namin ang “volunteer” na si Aling Amparing na siyang naglilinis ng kapaligiran ng Multi-Purpose Hall, kasama na ang basketball court na nasa harap nito. Wala siya ni pisong kabayaran, subalit dahil nakita niya ang kabuluhan ng maliit na gusali ay hindi siya nagpatumpik-tumpik sa pagkusa ng tulong sa abot ng kanyang makakaya na paglilinis tuwing umaga.

 

Nadagdagan din ang mga street lights sa Barangay Real Dos dahil na rin sa “pangungulit” ni Kapitan BJ sa city government, kahit pa ang naging resulta ay dagdag-bayarin sa kuryente na maituturing na malaking kabawasan sa budget ng barangay. Subalit naalala ko noong nabanggit niya na mas mabuti daw na nakikita ng mga taong nagagastos sa maayos ang pera ng barangay, kaysa naman daw nakatabi lang. Ibig sabihin, hindi baleng sagad ang gastos basta napapakinabangan naman agad ng mga tao ang pinagkagastusan.

 

Ipinapakita ng Barangay Real Dos ang kahalagahan nito bilang matatag na pundasyon ng lunsod ng Bacoor sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad. At, pinapakita ring lalo ng mga opisyal ng nasabing barangay na hindi totoong lahat ng nagsisilbi sa bayan o sa madaling salita ay mga opisyal ng gobyerno ay korap…dahil sila mismo ay abunado at naghihirap. At, alam ko ring marami pang Real Dos sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na sumasagisag sa tunay na kahulugan ng “tamang paninilbihan sa bayan”.

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang ibang opisyal ng gobyerno ay nakakatawa at nakakaawa tuwing magkamot ng ulo habang nagsasabing lahat ay ginawa na nila sa sistema ng ahensiya nila, subalit wala pa rin silang natatamong pagbabago. Ang tinutumbok ko rito ay ang wala pa ring pagbabago sa mga kulungan sa buong Pilipinas, lalo na yong malalaking nasa Muntinlupa at ang Manila City Jail. Pati si de Lima na nagpakita ng katigasan at katapangan ay wala ring nagawa dahil ilang buwan pa lamang makalipas ang mga “raid” na siya pa ang nanguna sa Muntilupa na nagresulta sa paglipat ng mga high-profile na mga preso, at pagpalit ng hepe, ay bumalik uli sa dati ang sitwasyon makaraan  lang ang ilang buwan na parang walang nangyari.

 

Napalitan nga ang hepe, pero ang tanong ay: pinalitan ba nila ang mga nasa ibaba?. Kung ang sagot ay hindi, eh di, mauulit pa rin talaga ang mga kapalpakan. Ang may diretsahang nakakakontak sa mga nakakulong ay itong mga taong sa isang tingin ay aakalaing mga inosente at walang kapangyarihan. Sino ba ang nakakadaupang-palad ng mga preso 24/7, hindi ba itong mga bantay na maliit ang suweldo? Pero hindi ko pa rin nilalahat, dahil siguradong marami pa ring tapat sa kanilang trabaho kaya nadadamay lang. Kung may nalalaman man sila ay hindi pa rin sila makakapagsalita dahil maaaring natatakot sa mga kasama nilang sangkot sa mga raket.

 

Lingguhan mang magpalit ng mga hepe kung ang mga tauhang akala ng lahat ay “harmless” o inosente o walang kamuwang-muwang ay nasa puwesto pa rin nila o di kaya ay inilipat lang ng duty pero sa loob pa rin compound, hindi pa rin mawawala ang katiwalaan. Ang suhestiyon ko noon ay drastic change – tanggalin lahat ang mga guwardiya mula sa kasalukuyang puwesto nila at pagpalit-palitin ang area assignment. Halimbawa ang mga nasa Maynila ay ilipat sa penal colony ng Palawan o Davao. Ang mga nasa dalawang nabanggit na probinsiya naman ay ilipat sa Maynila. Sa ganitong paraan ay mawawala ang halos ay “magkumpare” o “fraternal” nang relasyon ng mga preso at bantay nila.

 

Para nang nakakaloko ang sinasabi palagi ng pamunuan ng mga kulungan na kulang sila ng mga tauhan. Bakit hindi isinasama itong problema sa mga rekomendasyon na ang pinakamagandang pagkakataon sana ay nang mamuno ng raid si de Lima?  Bakit hindi isinasama sa nirerekomendang taunang budget? Samantala, kung hindi maipatutupad ang drastic change na pagpalit-palit ng area assignment ng mga guwardiya, baka pwedeng magtalaga ng mga sundalo  para magbigay ng “task force duty” (TDY). Ang pagtalaga ng mga sundalo bilang guwardiya ay mas makatao kaysa maka-hayop na ginagawa sa Indonesia, kung saan ang ginagamit na guwardiya sa mga kulungan ay buwaya!

 

Kailangang matanggal ang sinasabi nilang “fraternal” na pakikisama ng mga bantay sa mga nakakulong lalo na ang mga mayayaman. Hindi pwedeng ang ganitong pakisama ay walang katumbas na pera, kaya sino ba naman ang hindi kakagat sa libo-libong nakakaakit na suhol? Ang mga lumang modelo at second-hand na cellphone na nabibili daw lamang ng tatlong daan sa mga bangketa ay nabebenta ng patago sa mga nakakulong sa libong halaga. Dahil diyan, paanong mapuputol ang koneksiyon ng mga nakakulong na drug lords sa mga tauhan nila sa labas ng kulungan? Nakakatawa na tuloy ang sinasabi ng mga namumuno na tuwing nagri-raid sila sa mga kulungan, daan-daang mga cellphone ang kasama sa mga nakukumpeska o nasasamsam na deadly weapons, at “sinisira” daw nila! Bakit sinisira kung totoo man, ganoong dapat ay ipasailalim sila sa forensic examination upang ma-check ang memory na naglalaman ng mga pangalan ng kontak nila sa labas? Bakit pa sabihing gumagamit ng alyas ang mga kontak, hindi ba pwedeng gawaan ng paraan upang mabusisi ang mga impormasyong makukuha?

 

Hindi kailangan ang sobrang katalinuhan upang makapag-analisa sa totoong nangyayari sa loob ng mga kulungan….bakit hindi magawa ng mga taong itinalaga dahil “matalino” naman yata sila tulad ni Pnoy?

 

Ang punong kahoy na nagkaugat na ng malalim, putulan man ng mga sanga at tanggalan ng lahat ng dahon, subalit hindi bubunutin ay tutubuan pa rin ng mga bagong  talbos na magiging dahon at sanga, at lalong lalago pa. Patuloy pa rin itong mabubuhay dahil sa tumibay nang ugat na lumalim pa ang pagkabaon. Ganyan din ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi natatanggalan ng mga taong nasa “ibaba” na may alam tungkol sa mga katiwalian. Magpalit man ng mga namumunong itatalaga sa mataas na puwesto, na hindi tumatagal dahil political appointees lamang, ay hindi pa rin mawawala ang katiwalian dahil ang mga nasa “ibaba” na “malalim” na ang kaalaman sa masistemang katiwalian ay nasa puwesto pa rin. Ang nangyayari sa mga kulungan ay hindi malayong nangyayari rin sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

 

Ang mga ugat na nasa ilalim ng lupa ay nakatago, hindi nakikita subalit malaki ang nagagawa upang mapalago ang isang puno dahil sila ang sumisipsip sa lupa ng mga sustansiyang nagbibigay ng buhay sa punong kahoy.

 

Ang “Authority without Responsibility” o “Responsibility without Authority”

Ang “Authority without Responsibility”
O “Responsibility without Authority”
Ni Apolinario Villalobos

Sa Senate hearing kung saan ay sinupalpal at binoldyak ni senadora Miriam si Purisima, parang may nabanggit siyang ibinigay niya kay Napeῆas na “authority without responsibility” o “responsibility without authority”, hindi ko lang sigurado kung alin sa dalawa, pero ang mga ito ay parehong mali kung ang pinag-uusapan ay maayos na relasyong propesyonal ng isang nakakataas sa isang nakakababa sa puwesto.

Paanong ang isang tao ay makakapagpatupad ng kanyang responsibilidad kung wala siyang poder o kapangyarihan? …eh, di pagtatawanan lamang siya ng mga uutusan niya! O, di kaya ay aanhin ng isang tao ang isang poder o kapangyarihan kung wala naman siyang ipapatupad na responsibilidad?…eh di nasayang lang ang nasabing kapangyarihan, dahil tutunganga na lamang siya! Sa dalawang nabanggit, ang dapat na ginamit ni Purisima ay “with” sa halip na “without” upang pagbali-baligtarin man ay parehong tama, upang tuloy ang paghuhugas niya ng kamay mula sa mga sagutin dahil sa mga bulilyaso na nagresulta sa pagmasaker ng 44 na SAF commandos.

Palagay ko ay na-rattle siya dahil halos hindi makasingit na rumerepekadang sinasabi ni senadora Miriam. Hindi na nahiyang magbanggit si Purisima ng mga prinsipyo o alituntunin o batas, ganoong ang kaharap niya ay international ang kalibre ng pagka-abogada…graduate pa ng UP…iskolar ng bayan! Sa nangyari, hindi lang siya nagmukhang talunan, kundi kawawa – mistulang basang sisiw sa ilalim ng ulan ng mga pangungutya, dahil trying hard ang dating niya sa harap ng isang intelehenting mambabatas.

Pero kung pangangatawan niya ang sinabi niya, alin man sa dalawang nabanggit sa titulo, ay lalabas na talagang kinawawa niya si Napeῆas dahil pinagmukha niyang tanga, kaya ngayon ay napasama sa dinidekdek sa mga mga imbestigasyon. Pagsabihan ba naman niyang huwag makipag-coordinate sa mga dapat kausapin dahil siya na ang bahala! Sa pinakita niyang lakas ng loob sa pakikialam, animo ay hindi siya suspendido bilang hepe ng PNP! Kanino siya kumukuha ng lakas ng loob upang magawa ang mga dapat ay hindi niya ginagawa sa ngalan ng delikadesa?

Ang mga nagoyo namang nagmamatigas sa pagsinungaling at pagtatakip, may mga pinangako kaya sa kanilang trabaho maski mawalan sila ng benepisyo kung matanggal sa pwesto? Sabagay, maganda ang lupain sa Nueva Ecija, at malawak ang tubuhan sa Tarlac.

Ang “Chain of Command”…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!

Ang “Chain of Command”
…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!
ni Apolinario Villalobos

Wala daw “chain of command” sa PNP ayon kay Purisima dahil wala ang mga ganoong salita sa Saligang Batas na tumutukoy sa Philippine National Police. Kung tinuruan siya ni de Lima at Lacierda, dahil halata naman sa masyado niyang confident na pananalita sa hearing, mali sila! Dahil sa paniwala ni Purisima na “civilian” ang PNP, para sa kanya ay wala itong “chain of command”, na ang tunog ay “military”. Mabuti na lang binara siya ni senadora Miriam.

Historically, ang PNP ay nag-evolve sa Philippine Constabulary, isang sangay ng Armed Forces of the Philippines. Hindi dahil kinonvert ang ahensiya upang magkaroon ng mukhang pangsibilyan ay nawala na ang nakagawiang alituntunin nito na may pagka-miltar. Ang salitang “chain of command” ay pang-military, kaya lumalabas na upang makalusot ang mga taga-Malakanyang, si de Lima, lalo na si Purisima ay kung anu-ano na lang ang ini-imagine na paliwanag, at iniangkla ang paliwanag sa pagka-sibilyan daw ng PNP. Hinanap nila ang mga salita sa mga provision ng Saligang Batas na tumutukoy sa PNP bilang sibilyan na ahensiya. Ganoon ang takbo ng isip nila…literal, kaya puro sila semplang…dahil sa ugaling palusot!

Ang “chain of command” ay hindi naiiba sa pangsibilyan na “chain of supervision” o “chain of authority”. Kung gusto ni Purisima ay palitan ang “chain” ng “flow” para talagang maging tunog “civilian” ito. Sa isang private organization o sa isang sibilyang ahensiya ng gobyerno, hindi ba may ranking, mula sa pinakahepe o simpleng puwesto na manager hanggang sa pinakamababang puwesto? Paanong dumaloy ang poder o authority? Hindi ba kung pababa ay mula sa manager hanggang sa mga clerk, at kung pataas ay mula sa mga clerk hanggang manager? Ang ganitong prinsipyo ay may kaakibat na respeto sa nakakataas at responsibilidad ng nakakataas sa nakakababa sa kanya. Kung hindi man ito binanggit na literal sa Saligang Batas, dapat nakalagay ito sa Operating Manual ng PNP, kung meron sila nito.

Sa usaping Mamasapano massacre, kung ihahalimbawa ang simpleng daloy ng poder na pangsibilyan, ang clerk ay si Napeῆas at ang pinaka-manager ay ang OIC niya sa PNP, at ang isa pang boss niya ay ang kalihim ng DILG. Sa ganoong sitwasyon, obligado si Napeῆas na magreport sa dalawa. Bakit hindi niya ginawa? Hindi naman si Purisima ang boss niya dahil suspendedo ito, para sundin niya ang lahat ng utos. Dahil ba dikit si Purisima sa pangulo?

Ang pagpapatupad ng responsibilidad ay may kaakibat na respeto sa nakakataas, ano mang organisasyon ang kinasasaniban ng isang tao. Ito ay isang prinsipyo na nakatuntong sa common sense. May unawaan na basta subordinate ay kailangang makipag-alaman sa nakakataas sa lahat ng pagkakataon kung ano ang ginagawa niya, dahil responsibilidad siya ng nakakataas sa kanya.

Binubulasaw ng mga taga-Malakanyang at mga tauhan ng pinaghihinalaang presidente, lalo na ni Purisima at de Lima ang mga simpleng alituntunin ng mga nanahimik na ahensiya. Nanggugulo sila gamit ang kanilang pagmamarunong at pagmamagaling upang mailusot si Purisima at ang pinaghihinalaang presidente. Kung ipipilit nilang walang alituntunin na sumasaklaw sa respeto sa nakakataas sa PNP, para na rin nilang sinabi na magkanya-kanya na lang ang mga pulis ng diskarte….tanggalan ng mga rangko…lahat puro “pulis” na lang…wala nang P01 o P02 o P03, SP01 o SP02 o SP03, etc. Kung ganoon ang pinipilit nila, aba’y hayaan nang magbarilan ang mga pulis kung feel nilang gawin halimbawang mainit ang ulo nila, dahil wala naman silang nirerespetong nakakataas! Dahil sa ganitong takbo ng isip nila, nagulo na nga ang administrasyon ng kinabibiliban nilang presidente!