Farewell…Eboy (for Eboy Jovida)

Farewell…Eboy

(for Eboy Jovida)

By Apolinario Villalobos

 

In this world you’ve ceased to live

But in our heart and mind

You shall linger with a smile –

And, it shall never fade in time.

 

You’ve tried to be the best you could –

Husband, father… friend

In songs you have crooned

Even the calm you well feigned.

 

Farewell…to the best father, farewell!

Friend, you’re a delight

Ride on the glory of our love

As you journey towards that Light!

Eboy Jovida

 

 

 

Ang Tao Bilang Nilalang ng Diyos

ANG TAO BILANG NILALANG NG DIYOS

Ni Apolinario Villalobos

 

PAALALA: Ang blog na ito walang layuning magpasimula ng pagtatalo tungkol sa iba’t ibang paniniwala sa Diyos lalo na sa relihiyon at tradisyon, kaya WALANG KARAPATAN ANG IBANG KWESTIYUNIN ITONG MGA PANSARILI KONG PANANAW. Walang karapatang magbigay ng paalala ang mga nagmamaangan-maangang maka-Diyos daw. At, dahil wala akong binabanggit na relihiyon o tradisyon dito, ang pakiusap ko ay huwag ding magbanggit  nito ang sinumang gustong magkomento. Ituturing kong pansariling pananaw ng nagbasa ang komentong sasabihin niya, kahit hindi umaayon sa mga inilahad ko, kaya hindi ko rin dudugtungan ng tanong o komento. At, lalong ayaw kong ipilit sa iba itong mga pananaw ko.

 

  1. Ang haharap sa Diyos pagdating ng panahong mawala sa mundo ang isang tao ay ang kanyang ispiritu…HINDI ANG KANYANG KATAWANG LUPA. Pagdating ng kanyang kamatayan, HUMIHIWALAY ANG ISPIRITU SA KATAWANG LUPA. Kaya ang mahalagang gawin ng isang tao ay magpakabuti habang buhay pa upang mabawasan man lang ang kanyang mga kasalanan, nang sa ganoon, pagharap niya sa Diyos ay hindi siya mahihiya, at makaakyat siya sa langit kung meron man nito. Ang naiwang katawan na kini-cremate o nilalagay sa kabaong upang ilibing ay wala nang silbi subalit dapat respetuhin. Kahit bendisyunan o basbasan pa ito ay wala ring mangyayari kung ang iniisip ng iba ay makakatulong ang pagbendisyon upang mawala ang mga kasalanan niya, dahil ang katawan ay itinuturing bilang “lupa” na lamang, kaya sa Ingles, ang tawag sa bangkay ay “remains” – natirang bagay.

 

Sa pagkabulok ng bangkay, ito ay hahalo na sa lupa, hindi aakyat sa langit o magdudusa sa impyerno kung meron man nito. Ang Diyos naman ay maaaring “magtatanong” sa ispiritu kung ano ang pinaggagawa ng katawan niya noong buhay pa ito, at hindi magtatanong kung ang bangkay ba niya ay binendisyunan o binasbasan sa isang katedral, simbahan, kapilya, punerarya, bahay, Multi-purpose Hall, o bangketa kung saan ginawa ang lamay. Hindi magtatanong ang Diyos kung mahal ba o mura o donated ang kanyang kabaong, o di kaya ay diretsong inilibing ang kanyang bangkay, o sinunog ba, o kung marami ang nakipaglamay, o kung sino ang nagbasbas, o kung may videoke ba o nagpasugal nang gawin ang lamay upang makalikom ng pera.

 

  1. Ang mga ispiritwal na bagay ay may kaugnayan sa Diyos o pananalampalataya kaya hindi dapat ihalintulad sa mga maka-mundong gawain tulad ng pagpapatakbo ng negosyo, gobyerno, o organisasyon na magiging kadahilanan ng pagkapagod kaya kailangan ang isa o dalawang araw na day off. Hindi rin saklaw ng panahon ang mga ispiritwal na bagay kaya hindi dapat kinokontrol ng oras o araw, hindi tulad ng mga maka-mundong bagay o gawain. Ang pagpapahinga ng Diyos na sinasabi sa Bibliya tungkol sa “creation”, kung saan ay binanggit ang pagpahinga niya sa ika-pitong araw ay isang alamat o legend. Hindi ito dapat gamiting batayan upang magpahinga ng isang araw ang isang bahay-sambahan, sa pamamagitan ng pagsara ng kanilang “opisina” dahil nagagawan naman ng paraan upang maging tuloy-tuloy ang pagsilbi sa mga pangangailangang ispiritwal ng mga kasapi.

 

Kung ang namumuno sa isang bahay-sambahan ay magpupumilit ng patakaran tungkol sa araw ng pamamahinga at tatanggi sa mga suhestiyon bilang paraan kung may problema, lumalabas na siya ay makasarili o mayabang dahil gusto niyang manaig ang pansariling pamamalakad, kaya sa halip na makahikayat ng mga bagong kasapi ay magtataboy pa siya ng mga dati nang kasama…at ang gawaing nabanggit ay pagsalungat sa kagustuhan ng Diyos.

 

  1. Hindi nangangahulugang dahil namumuno na ang isang tao sa isang bahay-sambahan, ay marami na siyang alam at ang mga pinamumunuan niya ay wala o maraming hindi alam. Wala siyang karapatang kumilos na animo ay pantas sa larangan ng relihiyon, dahil ang kaibahan lang niya sa iba ay ang “diploma” lang naman mula sa eskwelahan ng pananampalataya kung saan siya kasapi. Sa makabagong panahon ngayon, marami nang paraan kung paanong mapalawak ng isang tao ang kanyang kaalaman sa anumang larangan, kasama na diyan ang tungkol sa Diyos at relihiyon, at hindi niya kailangang magkaroon ng diploma dahil dito.

 

SA MATA NG DIYOS, LAHAT NG KANYANG NILALANG AY PANTAY-PANTAY AT KUNG MAY MGA NAITALAGA MANG  “MAMUNO” KAYA KAILANGAN NILANG MAG-ARAL PA,  SILA AY HINDI DAPAT MAGYABANG DAHIL ANG MGA PINAG-ARALAN AY DAPAT GAMITIN SA TAMANG PARAAN UPANG MAKAHIKAYAT PA NG MARAMING KASAPI, AT ANG PAMUMUNO AY MAY HANGGANAN ….SA IBABAW NG MUNDO.

 

Bakit Hindi Pwedeng Paghiwalayin ang Ispiritwal at Materyal na mga Bagay sa Tao

Bakt Hindi Pwedeng Paghiwalayin

Ang Ispiritwal at Materyal na mga Bagay sa Tao

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaipokrituhang sabihin na dapat paghiwalayin ang mga bagay na ispiritwal at materyal sa buhay ng tao. Ang dalawa ay mga bahagi ng tao. Sa isang banda, maaari lamang mangyari ito – ang paghiwalay ng ispiritu ng tao sa kanyang katawan kung siya ay patay na. Ang tinutumbok ko rito ay mahirap ipaunawa sa isang tao ang mga salita ng Diyos kung siya ay gutom. Ang taong kung ilang araw nang gutom ay kadalasang nawawala sa sarili o di kaya ay hinihimatay dahil sa kahinaan ng katawan, kaya paano niyang mapapakinggan ang mga salita ng Diyos? Paanong mapapalakad ang isang tao patungo sa simbahan o religious rally kung nanghihina ang kanyang mga tuhod dahil sa gutom at upang matiis ay namimilipit na lang sa isang tabi? Common sense lang…dapat busugin muna ang katawan ng tao bago siya magkaroon ng hinahon nang sa ganoon ay pwede na siyang makinig ng mga salita ng Diyos dahil hindi na maingay ang kanyang bituka!

 

Ang hihilig magsabi ng mga pastor o pari o kung sino mang hangal na “okey lang basta busog ang ispiritu ng tao ng mga salita ng Diyos kahit gutom ang katawan”. Sila kaya ang gutumin ng ilang araw? Masasabi pa kaya nila ang mga kahangalang linya na nabanggit?…o di kaya ay makakaya pa kaya nilang magbukas ng bibliya dahil nagkakanda-duling na sila sa gutom?

 

Hindi dapat ipangalandakan ng mga “spokespersons” ng mga simbahang Kristiyano ang ginawa ni Hesus na pag-aayuno ng 40 na araw sa disyerto. Sabihin mang totoo ito, dapat hindi i-encourage ng simbahan ang pag-aayuno nang ganoon na lang. Dapat ay may kasamang pasubali na ang gagawa nito ay mag-ingat o magpakunsulta muna sa doktor.

 

Ang pinagpipilitan ko dito ay: dapat hindi gutom ang katawan ng tao kung siya ay makikinig sa salita ng Diyos. Dagdag pa rito, dapat makialam ang mga simbahan sa mga isyu na magiging dahilan ng pagkagutom ng mga tao, tulad ng kapabayaan ng DSW na mas gusto pang mabulok ang mga inabuloy na pagkain para sa mga sinalanta ng kalamidad, kesa ipamahagi agad. Dapat din silang makialam sa pamamagitan ng pagpuna sa mga kurakot sa pamahalaan. Hindi sila dapat dumistansiya sa mga problema ng mga kasapi nila pagdating sa kahit isyu man lang ng pagkain. Kapag patuloy silang hindi makikialam ay para na rin silang buwitre na nakatanghod sa isang tao habang ito ay unti-unting namamatay dahil sa gutom!

 

Kung sasabihin ng mga pilosopo na bawal makialam ang mga simbahan sa mga bagay na nabanggit dahil ito ang nakasaad sa Saligang Batas….aba, eh di dapat ay wala na ring eleksiyon dahil ang pagboto sa mga kandidato ay isang paraan ng pakikialam ng mga simbahan sa pulitika sa  pamamagitan ng mga kasapi nila!

 

Dahil lahat ng mga kasapi at opisyal ng lahat ng simbahan maliban na lang sa mga sektang hindi naniniwala sa eleksiyon, ang nagluklok sa mga opisyal sa pamahalaan, may karapatan silang magreklamo kung ang mga ito ay nagkamali, lalo pa at naging korap. Ang ibang sekta ay may mga programa sa radio at TV. Bakit hindi gamitin ang mga ito sa pagpuna sa mga korap na mga opisyal upang sila ay “masindak”, sa halip na puro na lang mga linya sa bibliya ang inuulit ng kung ilang libong beses ng mga nagsasalita na may kasama pang sigaw at kumpas, at paninira ng ibang sekta?

 

Ang payak kong interpretasyon sa nakasaad sa Saligang Batas na bawal ay ang pagtakbo ng mga opisyal ng simbahan para sa anumang puwesto sa gobyerno. Dapat unawaing may obligasyon ang mga opisyal ng mga simbahan na tumulong sa mga tao upang sila ay iligtas mula sa anumang kapahamakan habang sila ay nabubuhay sa ibabaw ng mundo….hindi lang mula sa hatak ng demonyo!

The Passage to the Other Life…if indeed, there is one

The Passage to the Other Life

…if indeed, there is one

By Apolinario Villalobos

My experience of a “near- death” was when I rolled down Mt. Hibok-hibok resulting to a series of bumps that my head suffered from the boulders. What I felt was a floating sensation while I was enveloped by a blinding light. I did not see the light at the end of a tunnel as other near-dead claim. When I came to, I found out that it happened in split second…so fast that I did not feel so much physical pain. What pained was my pride.

There are stories about spirits of those who encountered sudden death that still linger at the site of accident. There are also stories of those whose spirits still cling to their worldly wealth. Still, there are stories of those who died without taking the Sacrament of Extreme Unction, so that their spirit kept roaming around to seek help by way of prayers. And, finally, the spirit of those who died without talking to their adversaries to seek forgiveness, are said to be lingering in limbo, waiting for dispensation.

The belief in the afterlife is not universal. Some religions do not advocate such, while some even claim rebirth in another body, or reincarnation. Some religions do not believe in hell, hence, for them there is no heaven, too. But some believe in such two eternal destinations of spirits.

Whatever is our belief, it should be noted that there are just two things that we can do in this world: to do good or to do bad. The universal view is that if we do good, we make others happy, and if we do bad things, we make others suffer. It is important therefore, that we leave the world with a clean record, by seeking clemency for our wrong deeds while we are still gasping for breath, so that others will not remember us for our bad deeds.

i