Bakit Hindi Muna Pagbigyan si Duterte dahil Wala pa naman Siyang 3 Buwan sa Puwesto?

BAKIT HINDI MUNA PAGBIGYAN SI DUTERTE

DAHIL WALA PA NAMAN SIYANG 3 BUWAN SA PUWESTO?

Ni Apolinario Villalobos

 

 

HINDI KO MAUNAWAAN KUNG BAKIT MAY MGA TAONG GALIT DAY DUTERTE SA KABILA NG GINAGAWA NIYANG PAGLINIS NG SISTEMA NG GOBYERNO AT PAGPIGIL SA PAGLALA NG MGA KRIMEN KASAMA NA ANG MGA DROGA. SA NGALAN NG INUTIL NA “PROSESO” AY PINAPANIGAN NILA ANG MGA KRIMINAL KAYSA MGA BIKTIMA.

 

MAY COMPUTER NAMAN SIGURO SILA KAYA DAPAT AY SUBUKAN NILANG MAG-BROWSE SA INTERNET TUNGKOL SA COLOMBIA AT DRUG CARTEL SA SOUTH AMERICA. LUGMOK ANG EKONOMIYA NG COLOMBIA DAHIL HINDI NA NAKABAWI MULA SA ILANG DEKADANG EPEKTO NG KRIMEN NA ANG UGAT AY ILEGAL NA DROGA. IDAGDAG PA DIYAN ANG PAGKASIRA NG KINABUKASAN NG MGA KABATAAN NILA AT PAGKAWASAK NG MGA PAMILYA. YAN ANG AYAW NA MANGYARI NI DUTERTE SA PILIPINAS KAYA HANGGA’T KAYA NIYA AY GUSTO NIYANG SAWATAHIN ANG BISYO BAGO PA TULUYANG LUMALA.

 

HINDI NILA DAPAT PINI-PERSONAL SI DUTERTE DAHIL LANG IDENTIFIED SIYA SA MGA MARCOS. AT, LALONG HINDI NILA ITO DAPAT PANGGIGILAN DAHIL NAGMUMURA.

 

HINDI DAPAT MAGALIT O UMIWAS SA ISANG BAGAY DAHIL LANG SA ILANG DIPERENSIYA NITO. ANG MANI (PEANUT) HALIMBAWA, NA INIIWASAN NG MGA MAY ALLERGY DITO AY HINDI DAPAT  ITURING NANG MASAMA DAHIL MARAMI PA RIN ITONG PAKINABANG. ANG KABUUHAN NG SIMBAHANG KATOLIKO AY HINDI DAPAT LIBAKIN DAHIL LANG SA IILANG TIWALING PARI. GANOON DIN ANG ISLAM NA HINDI DAPAT PANDIRIHAN DAHIL SA GINAGAWA NG ISIS. SI DUTERTE AY GANYAN….NAGMUMURA AT PRANGKA KUNG MAGSALITA, PERO ANG IBANG BAHAGI NG KANYANG PAGKATAO AY MAY KABUTIHAN NAMAN.

 

ANG PILIPINAS AY PWEDENG IHALINTULAD SA ISANG NANGANGANAY NA BABAENG NANGANGANAK…. HIRAP NA HIRAP SA PAGPAPALABAS NG SANGGOL – ISANG BAGONG BUHAY. MASAMA ANG DATING SA IBA NG MGA NAPAPATAY NA MGA DRUG PUSHER AT MARAMI RIN ANG NASASAGASAAN KAHIT MGA MATATAAS NA OPISYAL NG GOBYERNO, SUBALIT ANG MGA NARARAMDAMANG “SAKIT” NA YAN AY DAPAT TIISIN KUNG KAILANGAN NATIN NG PAGBABAGO….NG BAGONG BUHAY.

 

ANG ISANG TAO AY MAGIGING INUTIL KAHIT BUHAY PA, KUNG ANG MGA BAHAGI NG KANYANG KATAWAN AY MAWAWALAN NG SILBI….PILAY ANG MGA KAMAY AT PAA, BULAG ANG MGA MATA, SIRA ANG PANDINIG, ETC. GANYAN ANG GINAGAWA NI DUTERTE SA SINDIKATO NG DROGA SA PILIPINAS….PILIT NIYANG GINAGAWANG INUTIL HANGGANG MAWALAN NG SILBI AT TULUYANG MAWALA SA LIPUNAN BAGO NITO MAWASAK ANG PILIPINAS!

 

BAKIT HINDI MUNA SIYA PAGBIGYAN DAHIL WALA PA NAMAN SIYANG 3 BUWAN SA PUWESTO? KUNG NATIIS ANG MGA KAPABAYAAN NG MGA NAKARAANG PRESIDENTE, ITONG BAGONG NAGPIPILIT NA MAYROON SIYANG MAGAGAWA AY BAKIT HINDI PAGBIGYAN?