Ang Sobrang Sexual Attraction ay Nakamamatay o Nakawawala ng Katinuan ng Pag-iisip

ANG SOBRANG SEXUAL ATTRACTION AY NAKAMAMATAY

O NAKAWAWALA NG KATINUAN NG PAG-IISIP

Ni Apolinario Villalobos

 

May pelikulang Ingles noon na ang title ay “Fatal Attraction”. Hindi ko napanood dahil nanghinayang ako sa pambayad pero sa mga kuwento ng mga kaibigan kong nakapanood, ito ay tungkol sa ugali ng tao na nawawala sa sarili dahil sa sobrang nararamdamang pagmamahal sa iba, kaya kung tatagalugin ang titulo, ito ay magiging, “Nakakamatay na Pagka-akit”. Maaaring ito ay magreresulta sa kamatayan ng nagmamahal o sa minamahal. Maaaring magpapakamatay ang desperadong nagmamahal kapag siya ay iniwan. Maaari ding patayin ng isang tao ang sobra niyang minamahal na balak siyang iwanan upang pumunta sa iba.

 

Ang nakakabahala ay ang epekto din nitong damdamin na nagpapawala sa katinuan ng taong nagmamahal….nawawala siya sa sarili dahil iniwan ng minamahal. Yong iba ay nakakalimutan na ang pag-ayos sa sarili, nalululong din sila sa alak o droga, at ang iba pa ay nagiging baliw. May alam akong natanggal sa trabaho dahil iniwan ng nobyo….palagi na kasing late kung pumasok at amoy alak pa. Yong isang babae rin ay pansamantala o temporarily na nawalan ng katinuan sa pag-iisip ng mamatay ang lalaking sobra niyang minahal…mabuti na lang at medyo nakaka-recover na ngayon dahil nililibang ko sa pamamagitan ng pagturo sa paggawa ng tula. Yong isa namang hindi naka-recover ay naging baliw na talaga kaya kung minsan ay naghuhubad sa kalye…patay na siya ngayon. Pero noong buhay pa at natitiyempuhan kong naghuhubad sa kalye ay nagtatakip na lang ako ng mga mata.

 

Maraming pelikula, na ang tema ay tungkol sa paggamit ng seksuwalidad upang makapangalap ng mga impormasyon ng ibang bansa at ang pinaka-popular ay ang kuwento ni “Mata Hari”, isang seksing espiya. Okey lang sana kung ang paggamit ng seksuwalidad ay upang makatulong sa ibang tao o bansa…ibig sabihin ay nagsakripisyo ang nagsangkalang ng kanyang puri dahil sa magandang layunin. Subalit ang hindi maganda ay ang basta na lang ma-attract ang isang babae, halimbawa, sa mga lalaki dahil lang sa nararamdaman niyang kati sa katawan at higit sa lahat ay kung naggamitan sila ng mga kaulayaw niya upang makapanloko ng iba. Ito yong sinasabi na “scratch mine and I will scratch yours”, opps! “Scratch my back, and I will scratch yours”, pala….sorry!. Sa nasabing sitwasyon, ang mga nagkamutan ay pare-parehong nakarating sa glorya, superduper pa ang kinitang limpak-limpak na kadatungan!…abangan ang susunod na mga kabanata….

 

Note: kadatungan – plenty of money