Ang Mithiing Pagbabago (alay kay Rodrigo Duterte at sambayanang Pilipino)

Ang Mithiing Pagbabago

(alay kay Rodrigo Duterte at sambayanang Pilipino)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kay daling sambitin, katagang “pagbabago”

Marami ding kahulugan ang tukoy nito:

Ugali na maaaring lalo pang pasasamain

O kabutihan na lalo pang paiigtingin;

Di kaya’y pagbago ng tinatahak na landas-

Na maaring patungo sa magandang bukas

O di kaya ay tungo sa maahas na palanas!

 

Makakamit lang ang minimithing pagbabago

Kung may pakikipagtulungan ang mga tao

Dahil sila rin ang dahilan ng mga pagsikap

Upang makamit ang matagal nang pangarap;

Kaliwa’t kanang batikos ay hindi dapat alintana

Dahil nasimulan nang isulong ang isang panata

At paninindigan sa ngalan ng napariwarang bansa!