Ang Matayog na Pangarap ng PNP at ang Paghubog ng Kabataan

Ang Matayog na Pangarap ng PNP

At Ang Paghubog ng Kabataan

Ni Apolinario Villalobos

 

ANG MATAYOG NA PANGARAP NG PNP NA MABABAGO ANG UGALI NG MGA PULIS KUNG PAIIGTINGIN O PAGBUTIHIN PA ANG SISTEMA NG EDUKASYON NILA AY HANGGANG PANGARAP LANG. KUNG TALAGANG NAKATANIM NA SA ISIP NG ISANG RECRUIT NA GUSTO NIYANG PUMASOK SA PNP DAHIL GUSTO NIYANG YUMAMAN SA ANO MANG PARAAN…MANGYAYARI YAN.

 

ANG MGA ITINUTURO SA MGA MALALAKI AT HIGH-TECH NA UNIBERSIDAD AY HINDI BASTA-BASTA PERO PALPAK ANG KARAMIHAN SA MGA NAGTAPOS SA KANILA.

  • BAKIT ANG MGA GRADUATE AY MALI PA RIN ANG PAGBIGKAS NG LETRANG “R”?
  • BAKIT MARAMI PA RIN SA MGA GRADUATE ANG BOBO SA SECOND LANGUAGE NA ENGLISH?
  • BAKIT ANG MGA IBINOBOTO NG TAONG BAYAN SA GOBYERNO AY GUMAGAWA PA RIN NG KATIWALIAN….MGA KORAP?

 

ANG BASICS NG DISIPLINA AY HINDI NAITUTURO SA MGA ESKWELAHAN. ITO AY NATUTUTUHAN SA TAHANAN, ITINUTURO AT IPINAPAKITA NG MGA MAGULANG SA KANILANG KILOS AT PANANALITA. KUNG NAKIKITA NG MGA ANAK ANG ARAW-ARAW NA PAG-AAWAY NG MGA MAGULANG, ITO ANG MAITATANIM SA ISIP NILA. KUNG NAKIKITA NILANG NAGPAPALUSOT O NANLOLOKO ANG KANILANG MAGULANG, ITO ANG MATUTUTUHAN NILA, ATBP.

 

ANG MASAMA PA, PAGPASOK SA ESKWELA, HALOS WALANG NATUTUHAN ANG MGA BATA PAGDATING SA DISIPLINA. NI HINDI NATUTURUAN KUNG PAANONG MAGTIPID DAHIL MISMONG ILANG ESKWELAHAN ANG NAGPAPAKITA NG WALANG HUMPAY NA PAGGASTOS SA PAMAMAGITAN NG MGA REQUIREMENTS TULAD NG MGA MAHAL NA WORKBOOKS AT ASSIGNMENTS NA PAGDATING SA BAHAY, NANAY DIN PALA ANG GUMAGAWA!

 

HUWAG NANG MANGARAP PAGDATING SA EDUKASYON….AYAW KONG MAG-SUGGEST DAHIL DRASTIC ANG MASASABI KO TULAD NG PAGTANGGAL AGAD SA HALIP NA –RETRAINING PARA SA MGA TAMULMOL NA MGA TIWALING PULIS; PAGSARA AGAD SA MGA ESKWELAHANG MUKHANG PERA ANG MGA MAY-ARI….AT HIGIT SA LAHAT, HUWAG TANGGAPIN SA TRABAHO LALO NA PARA SA MGA SENSITIBONG POSISYON, ANG MGA BOBONG HINDI MARUNONG NG TAMANG  PAGBIGKAS NG LETRANG “R”!