Ang Malakas na Pagkatao ni Rodrigo Duterte

ANG MALAKAS NA PAGKATAO NI RODRIGO DUTERTE

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa lakas ng pagkatao o strong personality, si Duterte ay nakaka-intimidate kaya lahat ng kilos at salita niya ay binabantayan ng lahat. Ang mali lang sa mga nagbabantay sa kanya ay ang pagsasang-alang-alang ng ugali niyang sarcastic o di kaya ay mapagbiro sa halip na ang mga ginagawa niyang kabutihan sa nakararami ang pagtuunan ng pansin. Ang isang paraan upang ipakita niya ang pagkainis ay ang pagbitaw ng mga salitang sarcastic o may lamang nakakainsulto sa kausap, at ang kahulugan ay nakapaloob lamang sa mga salita…hindi hantad, kaya hindi “mababasa” ng sinumang hindi sanay sa kanyang ugali. Ang isa pang paraan sa pagpahapyaw ng kayang pagkainis ay pagbitaw ng biro bilang sagot, lalo na kung ang kausap o nagtatanong ay makulit tulad ng nangyari sa isang babaeng taga-media na nangulit ng tanong na kung ilang beses na niyang nasagot sa iba’t ibang pagkakataon. Ang mga napapansin sa kanyang pagkatao ay ginagamit ng mga taga-media na gutom sa scoop. Dahil diyan, baka kung umutot lang ang presidente habang sumasagot sa tanong ay gawin pa nilang headline!

 

Ang iba namang nagbabantay na halatang mga “through and through detractors” ay nag-aabang ng para sa kanila ay mga “mali” sa kanyang sinabi…pero para sa iba ay tama naman. Ang mga detractors ni Duterte ay nabubulagan ng galit nila kaya ang mga naririnig nila ay puro mali dahil binabatay nila sa makasarili o selfish nilang pananaw. Dahil pa rin diyan, pati ang sinabi ni Duterte na kinausap daw siya ng Diyos ay sineryoso ng mga hangal na taga-media!…malinaw naman na ang “kundisyon” ng Diyos kung hindi siya titigil sa pagmumura ay “ibabagsak” daw ang eroplano…tanga lang ang kakagat sa sinabi ni Duterte dahil napakalinaw na isang biro ang sinabi niya! At, ang nakakatawa pa, may isang radio station na paulit-ulit na tinatalakay ang isyu, sa halip na tuldukan na dahil sa paliwanag ni Duterte. Alam kasi nilang maraming interesadong makinig kaya maski tatlong araw na ang lumipas ganoon pa rin ang topic nila.

 

Sana ay magpakatalino naman ang mga miyembro ng local media upang hindi sila magmukhang katawa-tawa. Dahil sa kanilang pagka-literal marami tuloy ang nag-iisip na karamihan sa kanila ay hindi karapat-dapat sa kanilang ginagawa dahil nililito lang nila ang mga tao. Unfair din ang pagpilit na iwasan na ni Duterte ang pagmura dahil malinaw namang ang mga makukulit na taga-media ang nagbibigay sa kanya ng dahilan upang gawin ito. Subukan nilang kahit minsan lang ay huwag mangulit ng walang kuwentang tanong, at baka mapa-hallelujah sila sa matiwasay na sagot ng presidente!

 

Ang masama pa, animo ay sinasadya ng ilang taga-media na inisin si Duterte upang siya ay makapagmura upang may maisusulat silang scoop! Marami tuloy ang nagtatanong kung mga bayaran sila ng mga mayamang detractor ni Duterte na gustong magpabagsak sa kanya. Sana ay hindi, pero magkaganoon man, lalabas pa rin na “sumasakay” lang sila sa personalidad ni Duterte upang magkaroon ng scoop. Para silang mga hayok na buwitre na naghihintay ng biktimang malalapằ!