Ang Kapabayaan ng Mga Ahensiya ng Gobyerno sa Pangangalaga ng Files at Tapes

Ang Kapabayaan ng Mga Ahensiya ng Gobyerno

sa Pangangalaga ng Files at Tapes

ni Apolinario Villalobs

 

MALINAW NA SINASADYANG BURAHIN O ITAGO NG MGA TIWALING OPISYAL NG MGA AHENSIYA ANG TAPE NG KANILANG CCTV UPANG PAGTAKPAN ANG NANGYARING KATIWALIAN.

DAPAT KASUHAN NG ADMINISTRATIBO ANG NAMUMUNO DAHIL SA KAPABAYAAN, LALO PA AT MAY BATAS TUNGKOL SA PAG-IINGAT NG FILES.

 

ANG MGA FILES AY MAY “BUHAY” O “VALIDITY” KAYA HINDI BASTA-BASTA PINAPATUNGAN ANG MGA RECORDED INCIDENTS NG MGA BAGONG RECORDINGS DAHIL SA PAGTITIPID KUNG ITO ANG GUSTONG PALABASIN NG MGA AHENSIYA.

 

LAHAT NG FILES NG MGA AHENSIYA NG GOBYERNO AY MAHALAGA KAYA DAPAT AY NILILIPAT AGAD ANG MGA ITO SA MGA “BACK-UP”  – MICRO FILMS O ARCHIVE NG MGA FILES. MAY ISANG BUREAU ANG GOBYERNO PARA MANGALAGA SA GANITONG BAGAY. ANG MALAKING TANONG AY BAKIT HINDI ITO KUMIKIBO?…BAKIT HINDI SILA MAGLABAS NG PAALALA?

 

DAHIL SA PANGYAYARING NABANGGIT, ANG KAPABAYAAN AY MAITUTURING NA MALAKING “CONSPIRACY IN IRRESPONSIBILITY”. YAN ANG SINASABI KO NOON PA MAN NA INUTIL ANG BUONG SISTEMA NG GOBYERNO….WALANG SILBI. ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT PARANG MGA TANGANG NAKANGANGA SA KAWALAN ANG MGA IMBESTIGADOR TUWING MAY HAHANAPING TAPE NA NABURA DAW!…WALANG COORDINATION ANG BAWA’T ISA DAHIL SIGURO SA KANYA-KANYA RING MASAMANG INTENSYONG MANGURAKOT….AT KANYA-KANYANG TURUAN KAPAG SUMABOG ANG MGA ISYUNG KINASASANGKUTAN NILA!