APO….
(Alay sa Mt. Apo)
ni Jose Oscar S. Mondia
Mahal na Apo, muli ako’y narito upang masilayan
walang kupas mong kagandahan
Ano ba talaga ang meron sa iyo
at maraming nahuhumaling,
pati na mga dayo.
Aking sinuyod napakahabang ilog,
masukal na gubat akin ng sinugod,
walang humpay na akyatan
“kalbaryo” ang tawag ng ilan
Marating at makita ka lamang
t’yak pagod ay maiibsan.
Mahal na Apo wala kang kasingtulad
kayat pangalagaan natin at di itulad… sa iba,
gubat ay malinis na.
Mag-isip kapatid bago ang lahat ay huli na.
Paraiso kang tunay para sa akin,
angking kagandaha’y parang langit na rin.
Kulay luntian ang lahat ng kapaligiran,
iba’t- ibang uri ng halaman
mula kay inang kalikasan.
Malawak na damuhan sa gitna ay lawa,
paraisong hardin tanging si Bathala ang may gawa,
mala- yelong hangin iyong malalanghap,
purihin ang Panginoon walang kasing sarap.
Pinagmamasdan ka habang nakahiga sa “venado”,
tila natutulog na dyosang nasa harap ko,
mahal na Apo wala kang kasintulad,
napamahal ka na sa akin at mga lumad!