Ang Kalagayan ng Pilipinas Ngayon

ANG KALAGAYAN NG PILIPINAS NGAYON

Ni Apolinario Villalobos

 

HINDI KAILANGANG MAGING PANTAS O WISE ANG ISANG PILIPINO UPANG MAUNAWAAN ANG MGA NANGYAYARI SA PILIPINAS MULA PA NOON NA NAGDULOT NG PAGHIHIRAP NG NAPAKALAKING BAHAGI NG SAMBAYANAN, TULAD NG:

 

  • Hilaw ang demokrasya ng Pilipinas. Noon pa man ay ayaw pa ng ilang Amerikanong mambabatas na bigyan agad ng kalayaan ang bansa subalit nagpilit ang mga apuradong pulitiko na may pansariling layunin kaya nagkaroon agad ng Commonwealth.

 

  • Hindi lahat ng naging presidente mula pa noon ay 100% na malinis at pwedeng masabing “modelo” ng ugaling Pilipino. Si Quezon ay matinding magmura pero sa Kastila nga lang…si Qurino ay sinasabing may “golden arenola”, etc.

 

  • Panahon pa lang ng Amerikano, may mga iskwater nang naninirahan sa loob ng Intramuros at baybayin ng Tondo na bandang huli ay umabot sa tinawag na Isla Puting Bato at Baseco Compound. Hind sila nakontrol ng mga umupong presidente noon kaya dumami nang dumami…lalo pa at ginamit sila ng mga tiwaling pulitiko bilang mga “boto” na kailangan nila tuwing eleksiyon. Sila din ang mga hinahakot ng gobyerno at ng leftist groups tuwing may rally….mga bayarang makabayan kuno.

 

  • May nagpapagalaw sa mga grupong “makabayan” kuno na halatang walang direksiyon. Tuwing may uupong bagong presidente ay kinakalaban nila…tinatawag na tuta ng Amerika. NGAYON KAY DUTERTE AY HINDI NILA MAGAWA YAN…LALONG HINDI NILA MATAWAG NA TUTA SIYA NG AMERIKA. Nagkaroon ng problema ang bansa laban sa Tsina dahil sa West Philippine Sea or South China Sea pero sa harap sila ng US embassy nagra-rally hindi sa labas ng Chinese embassy. Maraming alam ang mga grupong ito pero ang nakakapagtaka ay parang wala silang alam tungkol sa CIA ng Amerika.

 

  • Ginagamit na stepping stone ng mga ambisyoso ang mga grupong makabayan upang maabot ang mas mataas na “puwesto” sa senado o kongreso kaya napapaghalata ang makasarili nilang layunin dahil kahit nasa bulwagan na sila ng mga batasan ay wala pa rin silang nagawang tulong sa masa….lalong lumawak ang saklaw ng squatting sa Manila at malalaking lunsod….may unemployment pa rin, yon nga lang ay seasonal dahil sa contractualization, kaya gutom pa rin ang inaabot ng maraming pamilya kapag “finished contract” na ang kumakayod para sa pamilya.

 

  • Hindi nawawala ang cartel sa bigas dahil hindi na bumalik sa dating presyo ang staple food na ito ng mga Pilipino….halatang may nagkokontrol na grupo. Ang nakakabahala ay ang hindi napapansing pagmahal ng mga de-boteng tubig na baka sa bandang huli ay magiging mas mahal pa kaysa kurudo o gasoline.

 

  • MAY MGA NAKAUPO PA RING MGA LINTA AT TAMAD SA MARAMING PUWESTO NG IBA’T IBANG ANTAS NG GOBYERNO AT MGA AHENSIYA….MGA  WALANG PAKIALAM SA MGA DAPAT NILANG AKSYUNAN AYON SA KANILANG JOB DESCRIPTION. MGA NAGHIHINTAY NG UTOS NI PRESIDENTE, O NI GOVERNOR, O NI MAYOR….MGA WALANG PAGKUKUSA AT KAPAG PUMUTOK ANG MGA KAPALPAKAN AY SAKA MAGTUTURUAN AT MAGSISIHAN. SI KAWAWANG “BADYET” ANG PALAGING NASISISI….NA PARA BANG LAHAT NG MAY KINALAMAN SA IKAGAGANDA HALIMBAWA NG PALIGID AY KAILANGANG GASTUSAN NG MALAKI, GANOONG PWEDE NAMANG MAGTANIM NG MGA HALAMAN AT PUNO AT MAY GAGAWA NAMAN DAHIL KASAMA SA TRABAHO NILA.
Advertisements