Unsolicited na mga Payo sa mga Nanalo sa Barangay Election

UNSOLICITED NA MGA PAYO SA MGA NANALO SA BARANGAY ELECTION

Ni Apolinario Villalobos

 

Para sa mga nanalo na naman:

  • Kung nanalo kayo uli sa kabila ng kawalan ninyo ng ginawa, at dahil sa pagbili ng boto

dapat ay makonsiyensiya kayo nang sa ganoon ay magawa na ninyo ang nararapat dahil nabigyan uli kayo ng chance.

 

  • Huwag nang magnakaw sa kaban ng barangay upang hindi madagdagan ang mga ginawa ninyong kasalanan dahil mabubulgar din naman talaga ang inyong pagkabalasubas kaya habang buhay na masisira ang dangal at pangalan ng inyong angkan.

 

 

Para sa mga bagong nanalo:

 

  • Huwag maging “bara-bara” sa pagpapatupad ng mga ipinangako. May mga patakarang dapat sundin na galing sa iba’t ibang ahensiya g gobyerno tulad ng Commission on Audit, DILG at ang mga opisina ng mayor at ang konseho ng sangguniang bayan o panlunsod. Ang barangay ay nakapaloob sa isang bayan o lunsod kaya lahat ng mga kilos at desisyon ng Barangay administration para sa mga constituents ay dapat dumaan sa tamang proseso.

 

  • Huwag pairalin ang pagka-idealistic. Unang-una, imposible ito dahil sa mga sistemang umiiral. Hindi pwede na kung ano ang gusto ay masusunod para lang magpa-impress. Kung napapansing masama ang ginagawa ng mayor, saka ito salungatin para sa kapakanan ng mga constituents.

 

  • Huwag maging swapang sa credit. Kung ano ang magandang nagawa ng natalo na dating barangay chairman ay dapat i-maintain at kung ano ang hindi natapos dapat ay ipagpatuloy…..purihin din ang natalo dahil sa mga magagandang ginawa niya.

 

  • Sa pagpapatupad ng mga programa lalo na ang mgay mga kinalaman sa kalinisan at pagpaganda ng kapaligiran, palaging unahin ang karapatang pantao lalo na ang karapatang mamuhay nang tapat o honest kahit sa pagbenta sa bangketa…huwag silang bugawin na parang langaw.

 

  • Gawing batayan ang mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon para sa gagawing mga pagbabago. Marami ang nangakong gawing malinis o maganda ang barangay…subalit dapat alalahaning may maaapektahang mga tao. Mag-ingat sa gagawing mga hakbang…huwag gumawa ng “short cut” tulad ng pagbubugaw sa mga iskwater o mga vendors na nasa tabi-tabi KUNG WALANG NAKAHANDANG MALILIPATAN NILA.

 

  • Alalahanin ang mga paninirang narinig mula sa mga kalaban ng natalo noong ito ay nakaupo pa…ITO AY MANGYAYARI RIN SA IYO BILANG BAGONG OPISYAL KUNG HINDI KA MAG-IINGAT. HIGIT SA LAHAT, HUWAG MAGING BINGI DAHIL SA NATAMONG KARANGALAN….MAKINIG SA MGA PAYO.

 

Hindi madali ang mamuno sa Pilipinas dahil sa malalim na pagkakaugat ng masamang kultura na may kinalaman sa eleksiyon tulad ng vote buying at karahasan na umaabot sa patayan. Kapag nasa puwesto na, ang dating mga malinis at may magandang layunin ay may pagkakataong mabahiran ng dumi dahil sa hindi pag-ingat o paninira ng mga kalabang ayaw tumanggap ng pagkatalo.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s