BULUAN (tula or Filipino poem)

BULUAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sinapupunan ng kulturang Magindanaw

Emperyong maharlika na malawak ang saklaw

Kutabato na sa kasaysayan ay malalim ang tatak

Dahil katapangan ng mga ninuno ay ‘di mahahamak.

 

Magandang buhay, bigay ng lawa at ilog

Mga dalag, tilapia, bagtis, taruk na malulusog

Mga biyaya na bigay ni Allah, hindi ipinagdamot

Pinapasalamatan kahit minsan, huli’y kakarampot.

 

Mayamang kulturang sa INAUL ay ipinakita

‘Di lang ang bansang Pilipinas dito’y humanga

Kahit sa ibang sulok ng mundo ito ay napansin din

Napagtagumpayan na sa katagalan ay isang hangarin.

 

Naging tahanan ng mga Ilokano at Bisaya

Sinundan ng ibang may hangaring guminhawa

Hindi naman pinagkaitan ng mga ninunong datu

Pagkakataon na nakita rin ng mga dumayong Tsino.

 

“Ina” na maituturing ng Tacurong at Quirino

Malawak na bayang nagbigay-buhay sa mga ito

Katotohanang kinikilala ng mga mamayan ngayon

Hindi kalilimutan sa lahat ng pagkakataon at panahon.

 

Oh, Buluan, sa iyo kami ay nagbibigay-pugay

Ang masambit ka, nagpapasigla sa aming buhay

Napadako man kami sa iba’t ibang lunsod at bayan

Ugat ka pa ring maituturing na aming pinanggalingan!

 

I LOVE YOU TACURONG! (poem in English, Tagalog, Hiligaynon and Cebuano)

I LOVE YOU TACURONG!

Ni Apolinario Villalobos

 

Maskin ano pa ang ihambal nila

Indi gid nila ako mapasala kon sin-o ako

Kay diri sa Tacurong ako ginbata

Nga ginapadayaw ko gid sa iban nga tawo.

 

Nawala man ako ng ilang dekada

Lumingon pa rin ako sa mga nakaraan –

Mga araw na tigib ng saya’t ligaya

Talagang ‘di makakalimutan kaylan man.

 

I will not be what I am today

As I trace my roots to beloved Tacurong

For which more progress I pray

And praises that I could shout in a song!

 

Daghan pud ko ug gipangandoy

Bisan ug sa kalsada sige pud ko ug dulâ

Nangandoy ug maayong kinabuhi

Maningkamot, di gyud mangayo’g kalu-oy!

 

Ang pagsisikap ko ay nagbunga

Kaya sa maliit na paraan ay ibinabalik ko

Mga biyaya na aking natamasa

Pagtanaw ng utang loob na noo’y ipinangako!

 

Here I am, my beloved Tacurong

Indi ta gid tana pag-ikahuya maskin san-o

Dahil kung hindi sa iyong pagkanlong

Basi’g wâ gyu’y nahitabo sa akong pagkatawo!

 

I LOVE YOU TACURONG!

31957472_567389016994368_1226207837248552960_n