Mahirap Palang Maging Idealistic Para sana sa Mga Dapat Mangyari

MAHIRAP PALANG MAGING “IDEALISTIC”

PARA SANA SA MGA DAPAT MANGYARI

Ni Apolinario Villalobos

 

Madaling mangarap ng magagandang bagay na sana ay mangyari. Pero kung talagang “idealistic” ang isang Pilipino, mahirap pala talaga. Nadadanasan ko yan bilang isang manunulat sa cyberspace o “blogger”. Hindi ako “perfectionist” na gustong palabasin ng mga humahadlang o ayaw umunawa sa akin. Pakialamero daw ako. Ang gusto ko lang naman sanang gawin ay tumulong sa pamamagitan ng paglahad ng mga nakakaligtaang bagay na dapat gawin ng mga kAbabayan o di kaya ay pagpitik sa kanila kung sila ay nagbubulag-bulagan. Sa kalilibot ko at pakikipag-usap sa maraming tao, dalawang bagay ang nakikita kong mga dahilan kung bakit may mga hindi ginagawa o ayaw gawin….at ito ay dahil sa KATAMARAN AT KAWALAN NG PERA. KATAMARAN DAHIL TALAGANG TAMAD. WALANG PERA DAHIL TAMAD DING KUMILOS AT BOBO KAYA HINDI NAKAKAISIP NG DISKARTE. AT, KUNG SA PANIG NAMAN NG BAYAN NA WALANG NAKIKITANG PROYEKTO PARA SA MAMAMAYAN, AY DAHIL NAKURAKOT ANG BUDGET.

 

May mga government officials na ang hangad lang sa pagtakbo sa puwesto ay upang makilala ng taong bayan at ang iba naman ay upang mangurakot. Hindi lang ako ang nakakaalam niyan…buong sambayanang Pilipino. Noon pa mang panahon ni Quezon ay nangyayari na ito.  SUBALIT MAYROON NAMANG TALAGANG TAPAT SA TUNGKULIN…IILAN NGA LANG SILA. Dahil sa kalagayang yan, tila nakagapos ang mga kamay ng mga government officials na gustong kumilos para sa kapakanan ng taong bayan…wala kasing pakikipagtulungan mula sa mga inutil na inihalal sa puwesto o mga napoprotektahang ng “civil service eligibility”.

 

Sa isang barangay naman na napuntahan ko na napeste ng black bug, ang mga patay na kulisap ay hinayaang nakatambak sa isang sulok ng basketball court. Ang kabuuhan ng compound ng barangay ay tila junk shop dahil sa dami ng mga nakatambak na mga kung anu-anong bagay. Ang mga damo ay nagpipista sa pagtubo sa lahat ng panig ng maruming compound. Sa isang sulok ng compound ay may mga CVO na nag-uumpukan. May isang kagawad akong tinanong kung ano ang plano nila sa nakatambak na black bug na nangangamoy na. Ang sagot sa akin ay “lilipas din yan”, na ang tinutukoy ay ang pagdagsa nila dahil sa kabilugan ng buwan…ibig sabihin ay hindi na sila dadagsa kapag hindi na kabilugan ng buwan. Inulit ko ang tanong ko kung ano ang gagawin nila sa nakatambak na patay na black bug…hiindi na siya sumagot. MALINAW NA NAGHIHINTAYAN SILA KUNG SINO ANG UNANG KUMILOS SA PAGBAON MAN LANG NG MGA PATAY NA KULISAP. DAhil sa resulta ng usapan namin, parang gusto kong kausapin ang barangay chairman na noon ay umaatend daw ng seminar (na naman) upang i-suggest na gamitin ang mga nagkakapalang damo sa livelihood project nila…tirahan ng mga ahas na pambenta sa mga restoran ng Intsik.

 

Ang nabanggit na barangay ay potential na tourist spot dahil sa isang magandang resort sa teritoryo nito, subalit paano akong makakapagsulat ng maayos na blog kung ang maliit na palengke na dapat sana ay mapupuntahan ng mga turista upang bumili ng mga souvenir ay madamo at marumi? ….wala rin akong napansin na  kahit isang tindahan na malinis na nagbebenta ng mga bagay na mabibili bilang souvenir. Ang mismong landmark ng barangay na nasa bukana ng palengke ay marumi at madamo rin…daanan pa mandin ng barangay chairman tuwing uuwi siya. May eskwelahan din na maganda sanang pasyalan ng mga bumibisitang estudyante subalit hanggang doon na lang sila siguro…huwag na lang pumunta sa sentro ng barangay.

 

Marami a akong sinabihang mga government officials na upang gumanda ang kanilang lugar, dapat ay malinis lang ito at may mga tanim…hindi kailangang may mga makabagong structures na bandang huli ay manlilimahid lang din dahil hindi mami-maintain. Minatyagan o inobserbahan ko kung may gagawin sila..SA AWA NG DIYOS – WALA!

 

Pagdating naman sa pagkain…dahil sa nagsisiritang presyo ng lahat ng bilihin sa palengke, nag-suggest ako sa mga kaibigan ko na magtanim ng mga gulay sa kani-kanlang bakuran….wala ring nangyari. Ang nakakatawa pa ay maski kangkong, papaya o saluyot, binibili sa palengke! …pero kung makareklamo sila ay abot-langit ang pag-iingay!

 

Yong pinasyalan kong kaibigan, habang nagkakape kami sa kusina, ang misis naman ay naghahanda ng mga biniling gulay upang mailutong pinakbet, pero ang bunganga ay rumeretekada sa pagreklamo dahil sa kamahalan ng presyo. Parang gusto kong pag-untugin ang mga ulo ng mag-asawa dahil ang buong paligid ng bahay nila ay bakante, tinutubuan ng mga damo, at ni isang pirasong puno ng gulay ay wala akong makitang nakatanim! Sa inis ko ay umalis na lang ako pagkaubos ko ng kape…hindi ko na hinintay na maluto ang pinakbet dahil baka maempatso lang ako.

 

Mga simpleng bagay ang binanggit ko…kayang gawin. Subalit dahil hindi nagagawa, masisisi ba ako kung uulitin ko ang pagbanggit ng mga salitang KATAMARAN, KABOBOHAN, AT PANGUNGURAKOT?

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s