Ang Mga Dapat Umiral sa mga Paruko (Parishes) ng Pilipinas

Ang Mga Dapat Umiral sa Mga Paruko (Parishes)

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ko maiwasang maglabas ng saloobin sa isyung ito dahil sa dami ng napuntahan kong mga paruko na ang mga simbahan ay gustong palakihin ng mayabang na kura paruko (parish priest), nalaman ko na ang resulta ay ang pagtiwangwang ng mga ito pag-alis ng mayayabang na pari na may limit o hangganan ang tour of duty. Ang kawawa ay ang mga parishioners na nagtitiis sa hindi natapos na pagpapalaki ng simbahan nilang maayos pa rin naman sana.

 

Sa isang bayan sa southern Luzon, ang isang mayabang na pari na gustong magpasikat ay umutang sa kanilang Archdiocese nang kung ilang milyong piso upang mapalaki ang dinatnang simbahan na maayos naman ang pagkagawa at hindi naman umaapaw kung Linggo. Ang kawawa ay ang mga parishioners na pinapatawan ng “assigned amount” na donation kuno. Palagi ring nagpa-fund raising at ang binebentahan ng mga tiket ay mga naghihirap din na mga parishioners. Ang masaklap pa, pati ang inutang sa Archdiocese ay pilit na binabayaran pa rin ng mga parishioners kahit umalis na ang pari.

 

Sa isa pang bayan sa central Mindanao, ang isang bahagi ng simbahan na kagagawa lang ay binakbak upang magkaroon ng extension…ang halaga ng project ay milyones! Sa inis ng maraming parishioners, tuloy pa rin silang nagsisimba pero hindi naman nagbibigay ng donation. Ang iba naman ay sa kabilang paruko na nagsisimba. Ang nakakabahala ay ang malaking utang na iiwanan ng mayabang na pari at ang nakatiwangwang na simbahan kapag umalis na ito.

 

Sa panahon ngayon, napapaghalata na nawala na ang pagka-ispirituwal NG ILANG mga pari na ang tour of duty ay kung ilang taon lang, na hindi inaabot ng sampung taon, isang indikasyon ng politicization ng sinasabing “vocation” or calling na ito….nagiging professional na. May kuwento tungkol sa mga bagong naitalagang mga pari sa kanilang parish, na ang ginagawa daw ay mag-apply agad ng “car plan” dahil pasok sa panahon ng installment period….hindi ko na sasabihin kung saan manggagaling ang pangbayad na installment.  At hindi lang diyan nagtatapos ang joke, dahil nag-aagawan daw sila sa malalaking paruko na mayaman ang mga parishioners…Joke yan!

 

Pagdating sa mga proyekto, dapat ang umiral ay desisyon ng mga parishioners na may mga representative naman sa Parish Council….HINDI ANG SA NAKATALAGANG PARI NA PANSAMANTALA LANG ANG ITATAGAL.

 

Ang nabanggit na dahilan kung bakit nagsusulputan ang mga Christian Communities na binubuo ng mga dating Katoliko na tumiwalag dahil sa nakita nilang kaaliwaswasan ng mga paring baluktot ang pananaw at desisyon. DAPAT UNAWAIN NG MGA PARING ITO NA SILA AY ITINALAGA UPANG MAGMISA AT GUMAWA NG IBA PANG SPIRITUAL FUNCTIONS.  MINISTERIAL LANG ANG KANILANG FUNCTION BILANG “PARISH PRIEST” DAHIL ANG MGA DESISYON SA LAHAT NG MGA PANGYAYARI SA PARUKO AY DAPAT IKINUKUNSULTA SA COUNCIL.

DAPAT DIN AY MAY TRANSPARENCY SA MGA EXPENSES SA PAMAMAGITAN NG NAGPAPASKIL O PAGLAGAY NG NOTICE SA BULLETIN BOARD TUNGKOL SA LAHAT NG MGA PINAGGASTUSAN NG PERANG INABULOY NG MGA NAGSISIMBA. KAPAG HINDI GINAWA YAN NG NAKAUPONG PARISH PRIEST, NANGANGAHULUGANG IBINULSA NIYA ANG PERA!…NAKAKAHIYA SIYA!

 

Gusto ko lang linawin na hindi lahat ng parish priest ay mala-demonyo ang ugali. Marami sa kanila ay mababait. Pero hindi talaga maitatago ng puting sotana ang maitim na budhi at kawalan ng kaluluwa ng ilan sa kanila….DAHIL TAO LANG RIN SILA!

sySg01HaiyanMass171120132e_2x

Hindi Magkakaproblema sa Pagkain kung may Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang Mamamayan

Hindi Magkakaproblema sa Pagkain Kung

May Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang Mamamayan

Ni Apolinario Villalobos

 

Tulad ng dapat asahan, lumutang na naman ang pangamba na magkakaroon ng krisis sa bigas at tulad pa rin ng dapat asahan, nag-uumpugan ang magkaibigang pananaw ng mismong mga nasa loob ng National Food Authority (NFA). Ang isang grupo ay nagpipilit na umangkat ng tone-toneladang bigas mula sa mga nakasanayan nang karatig-bansa tulad ng India at Thailand. Ang isa namang grupo naman ay nagsasabi na hindi kailangan dahil sapat ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka at ang nakaimbak na bigas ng gobyerno. Ang ganyang eksena ay hindi na bago kahit mula pa noong hindi pa presidente si Duterte… kaakibat kasi niyan ang isyu pa rin sa korapsyon dahil sa sinasabing “komisyon” sa pag-angkat ng bigas.

 

Ang hindi nabibigyan ng pansin ay ang pagsirit ng presyo ng mga gulay na “native” o likas sa Pilipinas tulad ng alogbate, sitaw, ampalaya, ,kamatis, bawang, at iba pa. Ang mga ito ay pwedeng itanim sa bakuran ng mga bahay lalo na sa probinsiya…pwede kahit sa paso o junk na plastic containers kung sa mga lunsod naman, PERO HINDI GINAGAWA. May mga nagpipilit na gumamit ng “sibuyas Bombay” o yong bilog na uri na mahal ang presyo, samantalang pwede namang gumamit ng “sibuyas dahon” o spring onion na noon pang unang panahon ay ginagamit na ng mga Pilipino. Ang “sibuyas dahon” ay pwedeng itanim kahit sa mga maliliit na lata o sa gilid ng bakod, PERO HINDI GINAGAWA. Hindi pwedeng sabihin na may mga putahe na ang dapat gamitin ay “sibuyas Bombay” , pero kung panahon ng kakapusan, ang dapat pairalin ay RESOURCEFULNESS at ADJUSTMENT upang mapunan ang matinding pangangailangan. BAKIT IPIPILIT ANG HINDI KAYA?

 

Ang mga guro ay dapat ding kumilos sa pagsabi sa kanilang mga mag-aaral bilang paalala tungkol sa mga bagay na pwede nilang gawin tulad ng pagtanim ng gulay upang mabawasan ang problema ng kanilang pamilya sa pagkain dahil hindi na bibili at sa halip ay pipitas na lang sa garden, pero ang tanong ay, GINAGAWA BA NILA? Palagi din ba silang nagpapayo sa mga mag-aaral na palaging kumain ng gulay para sa kanilang kalusugan, maliban sa mahal ang isda at karne? Kasalanan ng KARAMIHANG Pilipino kung bakit nagkakaroon ng problema sa pagkain ang bansa. Kasama diyan ang nabanggit nang KATAMARAN sa pagtanim ng gulay. Idagdag pa diyan ang KAYABANGAN at BUWISIT NA UGALING PAGTIRA NG PAGKAIN SA PINGGAN.

 

Ang isang paraan upang makatipid sa bigas ay ang pagkain ng NILAGANG KAMOTE, SAGING AT KAMOTENG KAHOY KUNG MINSAN, PERO HINDI GINAGAWA DAHIL SA TINGIN NG MARAMING PILIPINO, ANG MGA NABANGGIT AY PAGKAIN NG MAHIHIRAP…HINDI TULAD NG PUTING BIGAS NA SOSYAL. Para sa mga mayayabang na Pilipino, nakakahiyang malaman ng kapitbahay na kumakain sila ng nilagang kamote sa almusal. Para sa mayayabang na estudyanteng mahirap din naman ang pamilya, nakakahiyang magbaon sa school ng nilagang talong o talbos ng kamote o ginisang sitaw…dapat ay hotdog o longganisa o piniritong tuna o hamburger o isda….diyan lumalabas ang kasalanan ng magulang na nagkulang sa pagdisiplina sa mga anak….silang mga magulang na umuutang ng pambili ng pambaong hotdog, lonnganisa, etc.

 

 

Naging ugali na ng Pilipino ang palaging manisi sa gobyerno kapag may problema…okey lang sana kung malinis ang gobyerno pero hindi, dahil sa mga korap na nakaupo sa iba’t ibang ahensiya nito. At kahit malinaw pa sa sikat ng araw na walang mangyayari sa mga reklamo, ay wala pa ring ginagawang paraan upang kahit papaano ay mabawasan ang paghihirap. Ginagamit pa ng mga grupong may pansariling layunin ang mga estudyante, kasama na ang mga tinaguriang mga iskolar ng bayan upang mag-rally sa kalsada at magsisigaw ng mga nagtataasang presyo kaya kailangang itaas ang sahod.

 

DAHIL SA MGA NABANGGIT, PAANONG UUSAD ANG PILIPINAS NA PILIT BINABAGO NI DUTERTE?…ASAHAN NA KAPAG NADAGDAGAN ANG PROBLEMA SA PAGKAIN, PRESIDENTE NA NAMAN ANG SISISIHIN….KAWAWANG DUTERTE NA MAGANDA SANA ANG MGA LAYUNIN.

 

ANG MALAKING TANONG AY, NAKIKIPAGTULUNGAN BA SA KANYA ANG MGA MAMAMAYAN?