Si Bhai Guianida Tulino at ang Mababait niyang Mga Anak

SI BHAI GUIANIDA TULINO AT ANG MABABAIT NIYANG MGA ANAK
ni Apolinario Villalobos

 

Nagkakape ako sa paborito kong pastillan this morning, bandang 5:30AM nang may dumating na isang tricycle at nagsibabaan ang mga pasahero na ang nanay ay halatang nag-oopisina at ang tatlong kasama ay mga estudyante, pero ang pinakabunso ay halatang hindi pa pumapasok sa eskwela.

 

Ang dumating ay sina BHAI GUIANIDA TULINO, mga anak niyang siya BHAI PRINCESS, BHAI QUEEN, DATU HARIPHEN, at ang bunso na si DATU PRINCE. Si Bhai Guianida ay isang teacher sa Datu Saudi (Maguindanao), Si Bhai Princess, 16 years old ay nag-aaral sa SKSU, si Bhai Queen, 14, ay sa SMIT, at si Datu Hariphen, 12 ay sa Tacurong Pilot Elementary School. Ang bunso na si Datu Prince ay hindi pa nag-aaral at isinasama ng kanyang nanay sa school. Parehong consistent top students sa kanilang school sina Bhai Princess at Bhai Queen.

 

Umaalis ang mag-iina sa kanilang bahay pagkatapos nilang magdasal sa madaling araw, bandang 4:30AM. Pagdating sa pastilan ay pinapakain niya agad ang mga anak at binibigyan ng baon. Tila ritwal na sa kanila ang kanilang ginagawa tuwing umaga, kasama ang pagmamadaling pag-alis ni Bhai Guianida upang humabol sa first trip o second trip man lang ng aircon van na may biyaheng Cotabato City. Pagdating daw sa junction na patungo sa Datu Saudi ay sumasakay na siya sa tricycle papunta sa school nila.

 

MATINDING OBLIGASYON ANG GINAGAMPANAN NI BHAI GUIANIDA NA ISANG WIDOWER…SINCLE MOM…PERO DINADAAN NIYA ANG LAHAT SA NGITI.

Nang magkita kami sa pastilan ay nagtiwala agad sila sa akin kay pinagbigyan nila ang hiling kong kuhanan sila ng larawan na kailangan ko sa blog na sana ay maka-inspire sa mga single moms at mga estudyante upang maging seryoso sa kanilang pag-aaral.

 

MABUHAY KA BHAI GUIANIDA AT ANG IYONG MGA ANAK!
CONGRATULATIONS DIN SA PAGKAROON NG MABABAIT AT MATATALINONG MGA ANAK!…AT SA MGA ANAK NAMAN…ANG PAYO KO AY MAHALIN NINYO ANG INYONG NANAY DAHIL MAPALAD KAYO SA PAGKAROON NG ISANG URI NG NANAY NA TULAD NIYA…HANDANG MAGSAKRIPISYO PARA SA INYO!

1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s