Dasal Para sa Mga Dapat Pasalamatan at Dapat Magbago

Dasal Para sa Mga Dapat Pasalamatan

At Dapat Magbago

Ni Apolinario Villalobos

 

Lord…

Salamat sa mga biyayang ibinigay Mo at kasabay niyan ay isinasama namin ang mga sumusunod, pati na rin ang dasal para sa mga dapat magbago….

 

  • ang mga sardinas na nagpakatanga upang maisiksik sa lata at may makain ang mga kinakapos ng budget o tamad magluto

 

  • ang mga isdang itinahaya sa ilalim ng matinding init ng araw upang maging daing na paboritong pangsahog sa mga gulay

 

  • ang mga isdang tunsoy (variety ng tamban) na pinausukan upang maging masarap na “tinapang tunsoy” ng Cavite

 

  • ang mga hayop na kinatay upang ang kanilang bangkay ay malaplapan ng mga karneng gagawing bacon, tocino, steak at marami pang ibang mga pagkaing pina-“gwapa” ng mga kemikal upang malapang ng mga carnivorous na human beings

 

  • ang mga isda sa karagatan na nilambat upang mailutong paksiw, inihaw at pinirito

 

  • ang mga tanim na tinalbusan upang maging green salad ng mga vegetarian

 

  • ang mga mister na nagpapakabayani sa pagluto para sa mga tamad na asawa at anak na walang ginawa kundi magkipagtsismisan sa kapitbahay at mag-chat, respectively

 

  • ang mga misis na nagbubulag-bulagan sa pakikiapid ng kanilang mister for the sake of their children, kaya ayaw humiwalay

 

  • ang mga balasubas na ayaw magbayad sa traysikel at jeep na sinakyan…sana sila ay madapa, eheste…magbago na

 

  • ang mga estudyanteng nagka-copy/paste ng mga nire-research kuno sa internet upang gawing thesis…na sana ay magbago ng ugali, upang hindi masanay sa pandadaya na delikadong maging ugali at magamit nila kung empleyado na sila ng gobyerno

 

  • ang mga walang kaluluwang mga nagtitinda sa palengke na naghuhugas ng mga gulay sa pamamagitan ng sabon panlaba at nagbababad sa formalin ng mga isa, at tawas sa mga gulay tulad ng talong, langka, kamatis, sitaw, pipino, at marami pang iba….na sana ay magbago na

 

  • ang mga nagpaparetoke ng mukha hanggang magmukhang inambalsamo kaya masakit sa paningin….na sana ay itabi na lang ang pera at ilimos sa mga pulubi

 

  • ang mga alagad ng simbahang ayaw pumasok sa mga squatter’s area dahil takot tamaan ng “Indian pana”…upang sana ay maging matapang tulad ni Superman at Tarzan

 

  • ang mga pa-ingles-ingles na mga Pinoy kahit ang kaharap ay alam na nilang ang pandinig sa salitang nabanggit ay Latin o Greek….sana ay bumaluktot ang dila ng ilang oras lang upang magkaroon ng katinuan at magsalita uli sa Tagalog o sariling dialect

 

  • Etcetera, etcetera, etcetera pa…dahil All Knowing po naman Kayo ay alam Nyo na kung sino ang mga tinutukoy kong hindi na mailista dahil nakakapagod na ang pagsambit…

 

AMEN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s