Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili

Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili

Ni Apolinario Villalobos

Walang masama sa pamumustura o yong tinatawag ngayong “bonggang pag-aayos” na kung minsan ay umaabot sa puntong kailangan pang  pumunta sa parlor upang magpa-facial. Kailangan yan ng mga professional lalo na ang mga direktang humaharap sa tao….HUWAG LANG MAGPASOBRA.

Sa dami ng ukay-ukay ngayon, madaling magpustura, gamit ang mga murang damit na mabibili….siguraduhin lang na bagay sa katawan at kulay ng balat. Ang advantage ng mga ukay na damit ay original sila at siyempre mura. Dahil diyan, walang dahilan ang may kaya namang bumili ng maayos at murang damit upang “magmukhang tao”. Sa panahon ngayon, bilib ako sa mga kabataang Pilipino na marunong mag-ayos kahit sa murang gulang dahil sa naglipanang ukay-ukay outlets. Yan ang sinasabi ko na hindi dapat idahilan ang kahirapan kaya nanlilimahid ang ayos.

Ang pagpa-parlor naman ay huwag gawin kung ikakasira lang ng budget dahil baka ang perang dapat gamitin sa pamamalengke ay magastos. May mga nanay kasi na halos magliyab ang mga kuko sa tingkad ng kyutiks na pula pero ang mga anak ay pumapasok sa eskwela na walang laman ang tiyan. Yong iba pa ay malakas ang loob na magpa-manicure ganoong palagi naman sa bukid at nagtatanim…kahit pwede namang sila na lang ang pumutol ng kuko nila sa pamamagitan ng nail cutter. Ang masama pa ay ang hilig ng ibang gumamit ng “astringent” na nabibili lang sa tabi-tabi. Gandang-ganda sila sa epek na namumula nilang mukha pero ang di nila alam ay tinutuklap ng kemikal ang outer layer na balat ng kanilang mukha at kapag exposed na ang “baby skin”, ilang linggo lang, mangingitim na ito.

Sa pag-aayos ng babae, dapat ang batayan ay kung ano ang gusto ng lalaki, hindi yong nanggagaya ng kapwa nila babae dahil sa inggit. Hindi lahat ng mga pampaayos ng katawan, lalo na ng mukha ay bagay sa lahat ng babae dahil may binabagayan silang kulay ng balat at pigura ng mukha o facial features. Ang nauusong pagpapakulay ng buhok halimbawa ay hindi bagay sa mga babaeng talagang kayumanggi o brown ang kulay ng balat dahil magmumukha lang silang “aborigine”. Subalit okey lang sa mga Pilipina na ang kulay ay brownish-red dahil sa kaunting dugong Kastila. Iba naman kapag ang nahalong lahi ay dugong-Intsik o Hapon dahil mapusyaw, o maputla, o sa Ingles ay “pale” ang balat, kaya lalong ang dapat na kulay ng buhok ay itim.

Kung ang isang tao ay lecturer sa mga seminar o nagi-emcee sa mga parties dapat lang talaga na maayos na maayos ang kanyang mukha at pananamit dahil may pagka-showbiz ang ganoong uri ng trabaho. Kailangang bago humarap sa mga participants o mga dumalo sa programa, ang mukha ay kaaya-ayang tingnan. Ang buhok ay nagsisilbing “kuwadro” ng mukha kaya dapat mag-ingat ang mga nagpapaayos nito. Hindi lahat ay binabagayan ng mahabang buhok, boy’s cut, o pagpupungos. At, hindi lang kulay ang nagpapaganda ng buhok, kundi ang tamang pag-trim para bumagay sa hugis ng mukha.

Sa kabila ng mga binanggit ko, wala pa ring tatalo sa mukhang malinis at katawang binalot ng angkop na hugis ng damit kahit mumurahin ito. Dapat pakatandaan na hindi pare-pareho ang nababagay sa bawa’t tao.

Advertisements

Mga Suggestions na Wild Ideas

Mga Suggestion na Wild Ideas

Ni Apolinario Villalobos

  • Ilibing ang mga namayapang mahal sa buhay, sa madaling araw, pagkatapos ng huling lamay sa gabi. Sa ganitong paraan ay magiging tuluy-tuloy na ang pagpapagod ng mga namatayang kaanak at ng mga nakikiramay na mga kaibigan. Kapag sa araw kasi ang libing, lalo na sa hapon, babalik pa ang mga nagpuyat sa huling lamay para makipaglibing naman. Para sa malalaking lunsod, malaking kabawasan ito sa trapik. Kasama sa serbisyo dapat ng punerarya ang pailaw sa prusisyon papuntang sementeryo at sa sementeryo mismo kung saan ilalagak ang labi ng namayapa.

  • Gawing renewable ang marriage contract, civil man o ginawa sa simbahan, at bigyan ng option ang mag-asawa kung ire-renew nila o hindi. May “renewable of vows” nga pero talagang renewal lang na purely ceremonial. Ang choice ay para sa kapakanan ng mga gustong maghiwalay nang legal pero hindi magawa dahil sa kamahalan ng proseso na inaaabot halos kalahating milyong piso. Ganoon din naman kasi ang nangyayari sa mga nagkasawaan na….kanya-kanya sila ng diskarte sa pagli-left turn na may kasamang patay-malisya. Ang umabot sa 50 years o mahigit pang pagsasama ay bigyan ng lifetime na supply ng asin na traditional na symbol ng preservation, pero yong pink salt na galing sa Tibet para may class.

  • Ikulong sa Muntinlupa o Bilibid ang mga pabayang huwes na naipunan ng mga kaso, na ang iba ay kinamatayan na ng nagreklamo o inireklamo. Magsasama sila doon ni de Lima na nang tumakbo bilang senadora ay kinalimutan na ang pangakong aaksyunan niya ang mga nakabinbing mga kaso, lalo na ang Ampatuan case.

  • Pakainin ng shabu na nilutong pulburon ang mga drug lords 3 times a day kapag sila ay nahuli, at sa halip na asukal, apog ang ihalo.

  • Ang mga mahuling kabataan na nagdo-droaga ay dapat ipasailalim sa seminar na ang magka-conduct ay MISMO mga matatandang obispong Katoliko na bumabatikos kay Duterte. Saan man ang mga kabataang nahuli ay dapat puntahan ng mga obispong ito… kahit sa Tawi-tawi o Batanes o Marawi. Sa ganyang paraan ay madanasan nila MISMO kung gaano kahirap ang gumawa ng hakbang upang mawala ang bisyong droga sa Pilipinas.

  • Tanggalin ang separation ng simbahan at pamahalaan upang pati mga tauhan ng iba’t ibang simbahan ay magkaroon pagkakataong mamuno. Dapat bigyan sila ng pagkakataon upang patunayan ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng gobyerno mula sa barangay hanggang national level upang maiwasan na ang sisihan. Kung noong panahon ng Bibliya, ang mga “patriarch” ay namumuno sa taong bayan…bakit hindi ulitin ngayon?

Kung minsan, makakaisip ng maraming bagay na sa panahong kasalukuyan ay imposible, subalit, sa mga susunod na dekada, imposible pa rin kaya ang mga ito?…ganyan ang nangyari sa inimbentong eroplano at barko na pinagtawanan sa simula dahil paano raw lulutang ang eroplanong sa hangin at barko sa tubig dahil sa bigat nila?