Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Ni Apolinario Villalobos

 

1.Karunungan  – sa sobrang kayabangan ng ilang tao dahil sa natanggap na papuri tungkol sa kanilang karunungan, akala nila ay mas matalino pa sila sa Diyos, at lalong higit ay ang pag-akala nilang sila na ang pinakamagaling sa balat ng lupa. Gumawa din sila ng mga bagay na nakakapinsala sa buhay tulad ng droga, bomba, lason, atbp.

 

2.Pananampalataya sa Diyos – ginamit ng maraming hangal na makasarili at may isip-demonyong mga tao ang pananampalataya upang makapag-fund raising. Nagtatag sila ng “charismatic groups” upang makapagpayaman. At, yong ibang tumanda na sa propesyong ito ay ginamit ang pananamapalataya sa pagbatikos sa LAYUNIN ng mga taong kumakalaban sa droga dahil hindi nila ina-analyze ang “kalaliman” ng isyung ito na ang isa sa mga collaterals ay pagkalagas ng mga buhay.

 

3.Tubig – Hinaluan ng alcohol na nakakalasing at mga kemikal na nagbibigay ng panandaliang kasiyahan at pagkalimot sa sarili….mga party drinks.

 

4.Hangin – binugahan ng tao ng usok mula sa kanyang sasakyan at mga pagawaan kaya naging lason.

 

5.Pananim – inispreyhan ng insecticide kaya naging masama sa kalusugan sa halip na makatulong.

 

6.Teknolohiya – ang mga resulta ng makabagong teknolohiya ay may  kapakinabangan sa tao subalit halos lahat ng mga ito ay inabuso at ginamit sa kasamaan tulad ng internet, cellphonoe, atbp.

 

7.Tiwala ng Kapwa – maraming tao ang umabuso sa tiwala na ibinigay sa kanila ng kapwa kaya nagkaroon ng trauma o nadala ang mga mababait na tao…ayaw nang tumulong sa iba.

 

8.Oras – Obvious ito lalo na sa mga kabataan ngayon…ang tawag sa nag-aabuso sa oras ay batugan, makupad, tamad, atbp.

 

9.Tulong ng Kapwa – maraming mga natulungan ang hindi kuntento sa ibinigay sa kanila at hindi nila naisip na hindi lang sila ang nangangailangan ng tulong….ang gusto nila ay mapunta sa kanila ang lahat ng tulong kaya ayaw na nilang magsikap upang makaraos kahit kaya na nila.

 

10.Sariing katawan – sa sobrang kaartehan ng ilan, sa halip na ayusin lang ang mga bahagi ng katawan nila upang hindi masagwang tingnan ay inabuso nila ito kaya may mga nagmukhang ibinabad sa arena ang balat o di kaya ay mukhang bangkay dahil sa sobrang putla na akala nila ay “kaputian”. Ang iba ay nangingintab ang mukha sa astringent na naglulusaw ng outer layer kaya kalaunan ay nangitim dahil nasunog pagkatapos ma-expose ang “baby skin” sa araw. Ang ibang minalas na nagpa-butox ng mga bahagi ng mukha upang mawala ang kulubot ay hindi na makangiti dahil na-paralyze ang mga ugat. Ang puwet at suso naman ng iba ay nagmukhang kamote na may mga ulalo dahil sa hindi maayos na paglagay ng silicone. Ang mga nagpa- tattoo ng mga kilay sa mga dispalinghadong beauty artists ay nagmukhang palaging nagugulat dahil sa sobrang taas ng pagkapuwesto ng mga kilay. Ang iba naman ay nagmukhang kekay dahil sa laki at haba ng tattoo, hindi proportion sa mukha….mas matindi ang malas na inabot ng mga tinubuan ulit ng original na kilay na pinaahit upang malagyan ng tattoo…nagkaroon sila ng “double surprise look” dahil sa dalawang set ng kilay!

 

11.Gamot – maraming gamot ngayon, lalo na ang iba’t ibang anti-biotics ang pinagbabawal nang gamitin dahil sa pag-abuso ng mga karaniwang tao na sa kaunting lagnat ay iinom agad ng gamot na “nirekomenda” ng kaibigan. Ganyan din ang nangyari sa mga paracetamol at pain relievers.

 

12.Pag-ibig – hindi masama ang umibig, huwag lang itong maging sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi rin dapat gamitin ang pagkahumaling na palatandaan ng nakakadiliryong pag-ibig upang ang nawawala sa sarili dahil sa sobrang pag-ibig ay buntisin o huthutan!

 

Ang unang pag-abusong naitala sa Bibliya na itinuturing na alamat at bahagi ng babasahin ng mga Kristiyano ay ang pag-sira sa kabaitan ng Diyos na ginawa nina Adan at Eba…na ang sanhi ay ang pag-abuso naman ni Eba sa tiwala sa kanya ng kanyang partner na si Adan…ang pasimuno ng siraan ng tiwala sa sinasabing paraiso ay ang ulupong naman. Nagkawing-kawing ang abusong ginawa nina Adan, Eba, at ulupong….bagay na nangyayari din ngayon sa buong mundo….kapwa sa kapwa…pamilya sa pamilay, bansa sa bansa!

 

 

 

Ang Pagsusulat

Ang Pagsusulat

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat tayo ay may kakayahang magsulat, sanaysay man o tula, o kung sa Ingles ay essay o poem. Yon nga lang, ang karamihan ay napipigilan ng hiya kaya atubili sila sa pagsulat ng kanilang saloobin o laman ng diwa tulad ng isang naging kaibigan ko…..

 

Ang kaibigan ko ay kilala noong dekada sitenta dahil sa pagiging unang babaeng direktor ng pelikulang Pilipino. Siya ay nagtapos sa Univeristy of the Philippines at nagpakadalubhasa sa larangan ng pagdi-direk ng pelikula sa Amerika. Nang siya ay tumigil sa pag-direk ng pelikula sa Pilipinas, inimbita siyang maging radio broadcaster dahil maganda ang kanyang boses. Narinig niya sa isang kaibigan ang tungkol sa mga naisulat kong mga tula na nalathala noon sa isang magasin. Sinubukan niyang banggitin sa radyo ang pangalan ko bilang panawagan na interesado siyang makausap ako at kung maaari daw ay baka pwede ko siyang tawagan sa istasyon dahil “on board” siya noon at dahil kauupo pa lang niya, may mahigit isang oras  pa siyang natitira dahil isang oras at kalahati ang kanyang programa.

 

Nagkataong paborito ko ang istasyon ng radio dahil kahit AM ay marami silang pinapatugtog na mga folk songs na gusto ko. Nang mag-usap kami, inamin niyang curious siya sa akin at siguro bilang pagsubok kung totoo nga ang narinig niyang kuwento, nag-request siya ng tula para sa kanyang mama na ang birthday ay kinabukasan. Hiningan ko siya ng detalya tungkol sa kanyang mama at sabi ko ay patawagan ako after ten minutes. Pero dahil natapos ko agad ang tula in less than ten minutes ay ako na lang ang tumawag uli dahil may pupuntahan pa ako. Nagulat siya at pinabasa sa akin “on air” o sa ere ang tula. Maraming tumawag sa kanya pagkatapos nang ginawa at hindi ko na inalam kung ano ang mga pinag-usapan nila dahil pumunta pa ako sa Tondo. Kinabukasan ay inenterbyu niya ako on air at nang malamang pumunta ako sa Tondo ay nag-request naman ng tula tungkol sa Tondo na ginawa ko naman at binasa “on air”. Dahil wala naman akong pupuntahan noon ay tumutok ako sa programa at narinig ko ang sunud-sunod na mga tawag ng mga Tondo na natuwa. Ang mga caller na dating taga-Tondo na tumawag din.

 

Pagkalipas ng dalawang araw ay tinawagan niya ako pagkatapos ng kanyang programa at inimbita sa kanyang opisina sa Katipunan Ave. Pagdating ko doon ay tinapat niya agad ako tungkol sa tulong na gusto niyang hingin sa akin. Nang tanungin ko kung tungkol saan, binuksan niya ang dalawang cabinet ng puno ng mga folder. Sabi niya, tingnan ko raw ang mga laman na ginawa ko naman. MGA HANDWRITTEN POEMS PALA NA GINAWA NIYA MULA PA NOONG SIYA NAG-AARAL SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES!

 

Pinapa-edit sa akin ang mga poems pero sabi ko, kung walang mali sa spelling ng words, walang dapat baguhin sa porma, at kung sakali man ay very minimum lang at sa pagpupuwesto lang ng tuldok at comma. Sa tantiya ko ay mahigit isang libo ang mga naisulat niya….nakakagulat!

 

Pero ang ikinagulat ko pa ay nang tanungin niya ako ng, “pwede na ba ang mga iyan, Bot”? Sa halip na sumagot ay tiningnan ko siya ng matagal at napailing ako. Akala niya ay “hindi” ang ibig kong sabihin, pero nang makapagsalita ako ay sinabi kong, “hindi ako makapaniwala….nalula ako”!

 

Tinanong ko rin siya kung seryoso ba siya sa pagkuha sa akin bilang editorial consultant niya, sabay paliwanag kung saan ako nagtapos at kung anong kurso ang natapos ko. Ang nakakabilib na sagot niya ay, “wala akong pakialam kung saan ka nagtapos…basta nakitaan kita ng pruweba”….yon lang. Dahil sa pinakita niyang tiwala ay pinagbigyan ko siya.

 

Ang gusto kong ipakita sa kuwento ay ang hindi maiwasang paghingi ng “assurance” ng isang tao sa kanyang kapwa dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili sa larangan ng pagsulat. Sa larangang ito, bawa’t isa ay may sariling “style” na hindi dapat kuwestiyunin ninuman. Subalit para sa mga nag-aaral pa lang, dapat ay sumunod muna sa  mga literary rules na itinuturo sa loob ng klase…. magtiyaga na lang para hindi bumagsak. At, kapag nakatapos na, saka na lang magpakasawa sa paggamit ng sariling “style”…na ginawa ko at ginagawa hanggang ngayon.  Gusto ko lang iparating sa iba ang “assurance” na, “KUNG KAYA KO, KAYA NYO RIN”.

 

Mga Iba’t ibang Uri ng Kaibigan

HAPPY FRIENDSHIP DAY!

 

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

 

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

 

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

 

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?…na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

 

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

 

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

 

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

 

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

 

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!…at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

 

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

 

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!

 

 

 

 

Sincere Friendship

HAPPY FRIENDSHIP DAY!

 

 

SINCERE FRIENDSHIP

By Apolinario Villalobos

 

The best way to realize or put into practice our purpose in life is by befriending the needy…reaching out to them. The needy do not need millions or thousands or hundreds of pesos. All they need are handfuls of rice, few pieces of coins, old but still wearable clothes, slippers, and so many other things that most of us just throw away or leave to rot in the backyard or stockroom.

 

But many people WOULD RATHER befriend affluent or influential people who are friends of their friends, friends of these friends, still friends of these friends, and so on. They exert all efforts to find connections that they can use to realize their selfish motive of riding on the fame or worse, benefit from the financial affluence of other people. Sometimes this happens during the christening of children. Some parents endeavor to include influential people in the long list of godparents, for obvious reasons already mentioned, other than what is expected of them as “second parents” of the godchildren. Along this line, some couples, also, ask friends who know mayors or barangay chairmen or other local officials to stand as sponsors during their wedding, for the same aforementioned reason. In other words, many would like to befriend people for selfish motives, most especially, for prestige and financial security.

 

In this regard, even the mass weddings sponsored by mayors, and which are viewed by many as done with sincerity, are in fact used as a political tool. For delicadeza’s sake, the mayor could have just spent for the snacks and pay the honorarium of the conducting priest or pastor or minister, AND ASSIGN ANY OF HIS NON-POLITICAL STAFF TO STAND AS SPONSOR, PERHAPS, THE REGISTER OF DEEDS, CHIEF OF THE REVENUE OFFICE, ETC. What happens is that, when election time comes, these “inaanak” become the campaigners for their “ninong mayor”…a puking reality! Truth is, there is not even a slight trace of sincere friendship out of the said “connection”, as several days after the ceremony, the “ninong mayor” may not even remember the names of those for whom he stood as “ninong”. This is about “mass wedding”, not the wedding of people who are personal acquaintances of the mayor. This happens most often in slum areas and barangays or remote villages and towns. So, there’s your “friendly” mayor just because he is sponsoring “mass wedding” using people’s money!

 

Prestige and security in life can be possibly achieved even without employing make-believe friendship with prominent personalities. True friendship with a REAL PURPOSE should be initiated by a person with utmost sincerity without any taint of selfishness. On the other hand, those who belong to the lower stratum of society should never dream of gaining the friendship of people who belong to the upper, and whom they do not know personally. One should endeavor to earn recognition instead of gaining it through connections. To call people who do not know you personally as “friends” is embarrassing enough. In plain language it is “name dropping”. It should also be noted that friendship is supposed to be a “two-way” relationship…with sincerity from both sides.

 

 

Hagdan Tungo sa Pangarap

Hagdan Tungo sa Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

 

Pangarap –

Pangarap na hinahabi

Hinahabi at sana ay mangyari

Mangyari at matupad na mga inaasam

Inaasam at tinatanaw nang may agam-agam

Agam-agam na nagbibigay din ng mga alalahanin

Alalahaning baka hindi mapagtagumpayang mga mithiin

Mga mithiin ito na nagbibigay ng lakas at sa atin ay nagtutulak

Nagtutulak sa ating likuran at lakas na sa harap pa rin ay humahatak!