Ang Pulitika sa Pilipinas

Ang Pulitika sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang permanenteng kaibigan sa larangan ng pulitika. Sa larangang ito ay umiiral ang tinatawag sa Ingles na, “survival of the toughest”, o sa Tagalog ay “matira ang matibay” dahil sa makapal na mukha at matibay na sikmura. Ibig kong sabihin sa “makapal na mukha” ay matapang humarap kanino man, hindi nahihiya o nangingimi kung may pinaglalaban. Ang may matibay namang sikmura ay hindi nasusuka sa nakakasulasok na amoy sa loob ng larangang ito. Kung mahina ang fighting spirit mo, huwag kang sumabak sa pulitika. Kung wala kang financial machinery, ibig sabihin ay wala kang “financier” o “investor”, huwag ka nang pumil-ap ng candidacy form sa COMELEC. Sa kabila ng mga nabanggit ko, mayroon pa rin namang mga pulitikong pagkatapos manalo ay nagpapairal ng prinsipyo, subalit, iilan lang sila.

 

Hindi lang sa Pilipinas umiiral ang bilihan ng boto tuwing panahon ng eleksiyon. Matindi nga lang sa Pilipinas dahil sa tagal ng panahon na pag-iral ng ganitong gawi, nagkaugat na ng napakalalim sa kultura ng mga Pilipino. Tanga lang ang mag-iisip na ang mga sumasama sa mga rally at bumabatikos sa corruption ay “malinis”. Hindi magbibilad sa init at magpakapaos ang mga raleyista sa panahon ngayon kung wala silang natatanggap na benepisyo sa ano mang paraan mula sa ma pulitiko. Huwag nilang sabihing ipinaglalaban nila ang idealism at kapakanan ng bansa at mga Pilipino dahil ang iwinawagayway nila ay BANDILANG PULA o KULAY NG KANILANG FINANCIERS! Kaya malinaw na ginagamit sila ng mg taong naghahangad na hindi magkaroon ng katahimikan ang bansa.

 

Hindi lang karunungan at yaman ang namamana ngayon kundi pati na rin puwesto sa gobyerno. Okey lang sana ito kung matitino ang mga nagmamana tulad ng ilang mga kilala ko. Subalit karamihan sa mga napaluklok sa puwesto ay gahaman. Negosyo ang turing sa pulitika sa Pilipinas dahil marami ang namumuhunan upang makapasok sa larangang ito. Kapag nanalo, gusto nilang makuha agad ang “return of investment” nila o ROI at ang pinakamadaling paraan ay mangurakot.

 

Ang 10% na pabiro kung banggitin sa mga usapan, na komisyon daw ng ILANG mga pulitikong nakaupo sa puwesto ay “standard” at “tolerable” kung totoo man. Ang ibang sumisipsip, sa halip na pera ang ibigay sa mga pulitiko ay idinadaan sa regalo….standard practice din yan, maski saang bansa. Subalit ang hindi maganda ay kapag lumampas na sa 10% na umaabot kung minsan sa 70%! Ang malalaking komisyon ay gumimbal sa buong bansa nang isiwalat ni Napoles noong siya ay imbestigahan sa senado. Nasa kulungan na siya ngayon at may mga pulitikong nakakulong din…at kung maaabsuwelto sila, panahon lang at kung sinong presidenteng nakaupo ang makakapagsabi.

 

Ang nakakabahala ngayon, sa kabila ng katapangan ni Duterte ay napapalusutan pa rin siya ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno na naiimpluwensiyahan pa rin ng mga pulitiko….silang mga naghihintay sa pagbagsak o pagbaba niya, kung alin man ang mauna. Dahil may lahi yata ng hunyango ang mga karamihang ungas na pulitiko, papalit-palit sila ng kulay upang umangkop sa kung sinong presidente ang nakaupo sa Malakanyang.

Sa uulitin….ang pulitika sa Pilipinas ay para lamang sa may makapal na mukha at matibay na sikmura.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s