Si Jun Taladtad, walang mga paa, pero masipag…

Ito si Jun Taladtad, 27 years old, nagtatrabaho sa barangay San Pablo ng Tacurong bilang caretaker ng puwestong nagbebenta ng culled chicken. Stay-in siya at ang tinutulugan niya ay ang maliit na kuwarto sa likod ng puwesto. Mabait ang taong nagtiwala sa kanya…sana ang ibang employer ay ganoon, hindi tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng taong iha-hire. Si Jun naman ay masikap at masipag dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagtatrabaho na siya mula noong siya ay bata pa. Nang makausap ko siya isang umaga ay may balahibo pa ng manok sa kanyang ulo, palatandaang sumuot siya sa ilalim ng mga kulungan upang walisin ang mga dumi…may advantage ang kanyang height! Mabuhay ka Jun!!!!

IMG9648

Advertisements