Dapat Maghinay-hinay sa Pagsunod sa Uso

Dapat Maghinay-hinay sa Pagsunod sa Uso

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi masama ang magpati-anod (ride on the current) ng makabagong panahon. Pero, ang magpaka-OA sa pagiging makabago ay hindi OK. Mga halimbawang kahangalan, masabi lang na up-to-date sa makabagong panahon:

  • Pagpa-tattoo ng kilay. May isang gumawa nito, pero dahil “promo package” ang binayarang serbisyo sa isang patakbuhing parlor na ang mga beautician ay kung saang sulok lang galing, ang isang kilay ay tabingi ang pagka-tattoo! Depensa ng tattoo artist, malikot daw ang napatulog na kostumer. Ang kasama sa package na pagpapakulay ng buhok ay palpak din dahil nasobrahan ang gamot sa pampakulay kaya nasunog ang maraming buhok!

 

  • Paggamit ng cute na bag…ibig sabihin ay maliit, kaya hindi kasya ang mga gamit sa loob nito. Ginawa ito ng isang babaeng payat na ay sakang pa na nagsuot ng hapit na hapit na pantaloon at t-shirt na umurong yata dahil labas ang pusod niya. Akala niya ay okey na ang outfit niya, pero naging katawa-tawa ang hitsura dahil hindi bagay sa katawan niya. Binitbit niya ang dalawang cellphone dahil hindi kasya sa bag at dahil mukhang mamahalin ang mga ito, nakursunadahan ng snatcher. Ayaw bitiwan ng babae ang bag at dalawang cellphone kaya siya ay natumba at nakaladkad. Ang tiyan niyang nakalitaw ay nagmukhang curdoroy sa dami ng gasgas! Nabititiwan rin niya ang bag at mga cellphone nang sipain siya ng nainis na snatcher…mabuti at hindi siya nasaksak. Nakita ko ang insidente sa isang sidestreet ng Binondo at dahil sa bilis ng pangyayari, hindin namin inabutan ang kawatang tumakbo sa squatter’s area sa tabi ng ilog.

 

  • Paggamit ng colored na lens sa mga mata upang magmukhang tisay o tisoy dahil sa kulay nito na blue o brown. Nauuso ngayon ang paggamit ng colored lens na walang grado…mahal ang isang pares dahil hindi bababa sa dalawang libong piso. Una, hindi bagay ang mga kulay na ito, lalo na ang kulay asul o blue sa kulay ng balat ng mga Pilipino. At, marami na ring nabulag dahil ang layunin ng karamihan ng mga gumamit ay upang ipang-porma lang, hindi upang luminaw ang paningin kaya hindi nila naaalagaan ng maayos ang mga lens.

 

  • Pagpapaputi ng balat. Sa kagustuhan ng marami, babae man o lalaki na pumuti, lahat ng paraan ay ginagawa, pati ang pagbili ng mumurahing mga gamot sa bangketa. Walang masama sa luhong ito, lalo pa kung ang original na balat ay magaspang, pero dapat ay sa lehitimong derma clinic pumunta at kumunsulta muna sa dermatologist kung pwede ang gluta treatment o hindi dahil sa allergy effect nito. May alam akong gumamit ng pampahid sa mukha, okey ang resulta dahil kuminis at pumuti pero dahil natanggal ang outer dermal layer ng mukha, ang naiwan ay ang “baby skin” na bandang huli ay umitim. At dahil diyan, nagmukhang pinahiran ng uling ang kanyang pisngi na nangingintab!

 

  • Pagpipilit sa magulang na bumili ng maluhong gadgets kahit hirap sa buhay ang pamilya. Ang mga suwail na anak na akala ay kumakahig ng pera ang magulang na nagtitinda lang ng turon o gulay sa palengke ay sumasama ang loob, nagtatampo kapag hindi naibili ng mamahaling cellphone, hanggang maisipan nilang lumayas at upang magkaroon ng biglaang pera ay pumapasok sa beerhouse upang magputa! Ang iba naman ay nagiging magnanakaw o nagpapabayad bilang “runner” o taga-hatid ng shabu sa mga customer…hanggang kalaunan, sila ay nagiging “user” na rin. Alam ko yan dahil marami akong naging kaibigan na tulad nila.

 

  • Pagpipilit na lumiit ang tiyan o puson at matanggal ang iba pang taba sa katawan, sa pinakamabilis na paraan. Sa kagustuhan ng maraming “vanidoso” at “vanidosa” o maaarte na ang gusto ay pumayat tulad ng mga modelo, nagpapa-lipo suction sila pagkatapos utuin ng “beauty consultant” kuno na ahente pala ng mga lipo clinics. Dahil walang ginawang physical check, hindi pa man nangangalahati ang proseso ng lipo, inatake na sa puso ang pasyente! Sa halip na makapagyabang ay sa loob ng kabaong dumiretso ang maluhong wala sa ayos…ang kaibigang “beauty consultant” ay ahente rin yata ng punerarya.

 

May mga pangangailangan ang lahat ng tao sa ibabaw ng mundo, subalit kung kalabisan ang hinahangad, ito ay pagpapakita na ng katangahan. Dapat alalahaning ang asukal, asin, tubig, pagkain, at iba pa ay kailangan ng tao, subalit kapag lumabis na ang mga ito sa ating katawan, sa halip na kabutihan ay disgrasya ang mapapala ng abusado!

Advertisements

Ang Mag-inang taga-Tacub

Ang mag-iinang ito ay bumibiyahe mula sa bulubunduking barangay ng Tacub sa Magon. Madaling araw pa lang ay umaalis sila sa kanila upang magdala ng mga gulay sa “Apilado”, kanto ng highway malapit sa entrance ng public market ng Tacurong. Ang nanay ay “Ati” na nakapag-asawa ng Kristiyanong galing sa Passi, Iloilo. Hindi ko na babanggitin ang pangalan nila upang mapangalagaan ang kanilang privacy.

 

Ang tawag nila sa pedicab na may platform na pinapatungan ng mga kalakal ay “top down”. Akala ko noon, ang ibig niyang sabihin ay four-wheel vehicle na walang bubong, kaya bumilib ako sa kanya dahil sa pagtitinda ng gulay ay nakabili ng ganoong uri ng sasakyan. Nang mataymingan ko ang pagdating nila isang umaga ng Martes,  nakita ko ang sinasabi niyang “top down”. Ang “top down” pala ay motorcycle na may “side car” na may platform. Lalo akong bumilib sa kanya. Madulas ang “trail” pababa mula sa Tacub hanggang highway at delikado ang kalagayan nilang mag-iina pati ang mga sako-sakong gulay na pwedeng mahulog mula sa “platform”. Fluent sa mga salitang Hiligaynon, Karay-a, Tagalog at Ilocano ang nanay. Nang marinig kong mag-usap sila ng kanyang mga anak, nagpalagay agad ako na sila ay hindi Muslim o Kristiyano at nang tanungin ko ay inamin niyang siya ay “Ati”.

 

Ang “Ati” ng Mindanao ay hindi katulad ng mga “Aeta” sa Zambales. Hindi kinky ang buhok ng mga “Ati” sa Mindanao at ang iba sa kanila ay mestisahin at mestisahin.