Si Cacai…masugid na pupil ng Maria Z. Bayya Elementary School

Si Cacai…masugid na pupil

ng Maria Z Bayya Elementary School

Ni Apolinario Villalobos

 

Si Caca, 6 na taong gulang ay anak ni Eke. Grade 1 siya sa Maria Z. Bayya Elementary School sa Carmen, Tacurong City. Nakita ko ang sarili k okay Cacai dahil sa kanyang sigasig sa pag-aaral. Ayaw niyang mapahiwalay sa kanya ang kanyang mga gamit pang-eskwela kahit pa sumasama sa kanyang nanay na si Eke na nag-oovernight sa bahay kung saan siya ay naglalaba at naglilinis. Hapon pa lang pagkatapos ng kanyang klase ay pumupunta na silang mag-ina sa bahay na kanyang pagtatrabahuhan. Si Eke ay civilian volunteer din sa Barangay Hall ng Carmen kaya pagkatapos ng duty pa lamang siya nakakapagdiskate ng “sideline” na paglilinis ng bahay at paglalaba. Magaling sa paglinis si Eke ng bahay kaya siya palagi ang tinatawagan ng kanyang kamag-anak na si Neneng upang magkaroon din ng extra income. Napag-alaman ko rin na bilang volunteer ay nagbabantay din siya ng Barangay Hall sa gabi.

 

Ayaw ni Cacai na iwanan ang kanyang mga gamit sa school dahil nag-aaral din siya sa gabi. Kahit pa ilang beses siyang sinabihan ng kanyang tatay na si Roy na mag-aabang ito sa gate ng school kinabukasan upang iabot ang kanyang bag, ayaw pa rin niyang pumayag. Isang beses ay sinagot daw niya ang kanyang tatay ng, “paano akong makakapag-aral kung iwanan ko ang bag ko?”. Dahil, sa sinabi ng niya ay hinayaan na lang siya na bitbitin ang kanyang bag kapag sumama kay Eke.

 

Sumasabay siya sa paggising ng kanyang nanay, 4:00AM ng umaga upang mag-ayos. Wala siyang reklamo kahit walang ulam sa almusal at tuyo ang baon sa eskwela. Kapag nagtrabaho si Eke sa bahay ng kanyang kamag-anak, kinabukasan ay nagmamagandang-loob naman ang kapatid nito na si Toto na ihatid si Cacai sa school 6:30AM pa lang. Nanggagaling pa sila sa President Quirino na mahigit sampung kilometro ang layo sa school. Ang bahay naman nina Cacai ay pwedeng lakarin mula sa school kaya pag-uwi niya sa hapon ay kasama na niya sa pag-uwi ang kanyang nakakatandang kapatid at sa bahay na sila nagkikita uli ni Eke na nakauwi na rin mula sa pinagtrabahuhan.

 

Nang ako ay sa kaparehong edad ni Cacai, nagkaroon ng sunog sa bayan namin. Nang magkatarantahan sa paglabas ng mga gamit sa bahay upang mailipat sa katapat na plaza, ang binitibit ko ay ang plastic bag na ang laman ay mga gamit ko sa eskwela. Ang mga binitbit naman ng mga kapatid ko ay mga damit nila. Dahil sa ginawa ko ay piningot ako ng aking ate. Minsan naman, may nagbirong classmate ko na nagtago ng mga gamit ko. Nang malaman ko kung sino ang nagtago na ang pangalan ay “Anselmo”,  hinabol ko siya ng panudsod ng damo na palaging kong dala bilang requirement upang makapaglinis kami sa assigned area naming sa bakuran ng eskwelahan. Noong nasa elementary ako, walang pwedeng makialam sa mga gamit ko sa eskwela kahit mga kapatid ko.

 

Pareho rin kami ni Cacai dahil kaya naming kumain ng kanin kahit walang ulam. Sana sa paglaki niya ay matuto rin siyang kumain ng tutong na sinabawan ng tubig at binudburan ng asin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s