Ang Kalasingan

Ang Kalasingan

Ni   Apolinario   Villalobos

 

Hindi lamang sa alkohol ng alak, ang tao’y nalalasing

Kundi sa mga bagay na sa hinagap ma’y di natin akalain

Nariyan ang kalasingan sa biglang yaman na naangkin

At  kalasingan sa karangalang, sa katagala’y nakamit din.

 

Hindi masama ang uminom ng alak kung ilagay sa wasto

Lalo na’t sa Misa, ito ay  simbolo rin ng dugo ni Hesukristo

Subali’t sadya yatang may mga taong sa katakawan nito

Sa labis na natunggang alak, ang alkohol ay napunta sa ulo.

 

Kung minsan ‘di natin masisisi, taong sinwerte ang kapalaran

Na dati ay lagi na lang kumakalam ang sikmurang walang laman

Subali’t sa pag-angat ng isinusumpa-sumpa niyang kinalalagyan

Kayamanang nakamit,  halos hindi niya alam kung paano dapaan.

 

Yong iba naman, lahat ng paraan, walang humpay nilang ginawa

Mangiyak-ngiyak na kung minsan dahil sa kawalan nila ng pag-asa

Makamit lang ang inaasam na karangalang sa kanila’y napakahalaga  –

Subali’t nang makamit , mga paang umangat,   hindi na maibaba sa lupa!

 

Ang Mabuhay in this World

Fusion Poetry….

(here’s one sa mga mahilig mag-slang kung mag-Tagalog)

 

Ang Mabuhay in this World

By Apolinario Villalobos

 

Ang mundo is not really full of roses

Not every moment is with happiness

Makulimlim din minsan ang paligid

Nagbabadya ng lungkot nitong bahid.

 

Maganda na sana noong unang time

When paradise was there yet…sublime

But, mahina si Adan, bumigay kay Eve –

Pinalayas tuloy, napatira sa mga yungib!

 

“Maghirap upang mabuhay” was the sumpa

Nakatatak sa dugo, one painful na pamana

Kasalanang tinubos naman by  Christ Jesus

When on Mt. Calvary, he died on the cross!

 

As we live in this slowly dying world, tiis lang

Not only humans suffer, marami ding nilalang

Nandiyan also ang mga trees, fishes, at hayop

Lahat tayong mga nilalang, hirap, nagdarahop.

 

Walang magandang gawin but to say, “salamat”-

Salitang ulit-ulitin mang ilang beses ay ‘di sapat

Hintayin lang our last moment sa planetang ito

And, where we’ll go, depends sa ating pagkatao!