Lorna at Vanni Quimpo…magpuputo at magtuturon ng Tacurong

Lorna at Vanni Quimpo

…magpuputo at magtuturon ng Tacurong

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakilala ko sina Vanni at Lorna nang minsang kumain ako ng puto na tinitinda nila, napakamura sa halagang Php5 bawa’t isa. Tinikman ko rin ang turon na Php5 ang dalawang piraso. Dahil nasarapan ako, nakakahiya mang i-reveal, nakaubos ako ng 7 puto at 8 turon! Nang time na yon ay napilitan akong uminom ng softdrink na ang halaga naman ay Php10 dahil wala silang mineral water at ayokong mabulunan sa harap nila, dahil lalong nakakahiya. Sa pagkain ko nga lang ng marami nilang paninda ay manghang-mangha sila. Tanghalian ko na ang nilantakan kong pagkain dahil feeling bundat na ako.

 

Ang puto na natikman ko ay talagang gawa sa purong bigas, hindi malagkit. Tama lang din ang tamis kaya siguro hindi ako naumay, tuloy nakabubos ako ng 7 piraso. Ang turon naman ay may halong langka at ang wrapper ay napakalutong! Ang nakakatuwa pa ay hantad ang ginagawang pagluto ng mag-asawa, mula sa pagtimpla ng giniling sa bigas para ilutong puto, at ang deep-fry ng turon. Wala silang trade secret. Pati nga ang tulugan nila ay hantad din kaya na-touch ako sa pagsisikap nila. Tiyempo namang may natanggap akong donation mula sa isang viewer na taga-Koronadal, at para sana sa mga kaibigan ko sa Baseco Compound (Tondo), pero pinagamit ko na muna sa kanila para pambili ng dagdag na trapal para sa “kusina” nila dahil magtatag-ulan na.

 

Sa kuwentuhan namin, nalaman kong naigagapang ng mag-asawa ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa pagtinda ng turon at puto sa loob ng mahigit sampung taon mula nang dumating sila mula sa Iloilo. Dahil sa hindi mabawasan at nadadagdagan pang obligasyon, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapagpundar ng tirahan o nakakapamasyal man lang.

 

Ang puwesto nila ay inamin nilang “iskwat” lamang at alam nilang ano mang oras ay mapapaalis sila kaya ang mga materyales na ginamit nila ay pang-temporary lamang upang madaling baklasin. Bumilib ako sa kanila dahil may dangal sila kahit nang-iiskwat lamang upang kumita, hindi tulad ng ibang iskwater na kailangan pang pakiusapan upang umalis sa iniskwatang lupa…at hihingi pa ng pera!

 

Dalawang anak nila ang may trabaho na, subalit ang dalawang nakakabata ay nag-aaral pa. Tabi-tabi sila sa pagtulog sa isang papag na ang dingding ay pinagtagpi-tagping yero at trapal. Ang lutuan nilang kawa ay nakapatong sa isang lutuan na ginagatungan ng mga hininging basurang papel sa isang opisina. Kung minsan ay nakakabili si Vanni ng ilang sakong bao ng niyog (coconut shell) sa palengke.

 

Si Lorna ay hindi puwedeng magluto dahil operado ang kanyang mga mata kaya hanggang sa pagtinda na lamang siya. Si Vanni ang namimili ng mga iluluto, madaling araw pa lang. Inamin ng mag-asawa na kahit mahigit sampung taon na sila sa lunsod ay hindi sila gaanong nakakapamasyal dahil ang buong panahon nila ay ginugugol sa pagtitinda. Ayon kay Vanni, napakalaking kawalan nila kapag hindi sila nakapagtinda sa loob ng isang araw.

 

Kahit hirap sila sa buhay, pinipilit ng mag-asawang mapagtapos ang dalawa pa nilang anak ng senior high school man lang dahil edukasyon lamang daw ang kaya nilang maipamana sa kanilang mga anak.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s