Ang Utang

Ang Utang

Ni Apolinario Villalobos

 

Tatlong uri ang utang – ang may collateral, ang walang collateral, at ang utang na loob.  Ang may collateral ay talagang negosyo dahil may pirmahang nangyayari, subalit ang walang collateral ay maituturing na banal dahil nakasandal lang sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan. Ang pagkakaroon naman ng utang na loob ay nangyayari sa panahon ng pangangailangan ng inaabutan o nag-aabot.

 

Ang collateral ng SSS o GSIS loan ay ang naipong contribution ng umuutang na miyembro. Sa mga malakihang utang na ang pinapataw na interes ay kapareho na halos ng Bombay style na 5/6, and kalimitang collateral ay bahay at lupa o upa, o di kay ay kotse at alahas na mamahalin. Sa ganitong uri ng utangan, kadalasang panalo ay ang nagpautang makapag-remata man o hindi dahil sa laki ng interes. Marami pang ibang utang na tulad ng nabanggit.

 

Sa mga walang collateral na utangan sa pagitan ng magkakaibigan, ang batayan ay ang magandang samahan, at ang iba ay “pay when able” pa. Masaya ang ganitong uri ng utangan dahil sa nangyayaring “taguan” kapag nakahalata ang nagpautang na ang kaibigang umutang ay walang intensiyong magbayad. Ibig sabihin, inabuso ng umutang ang magandang samahan. May umuutang pa na nanunumbat kapag siningil na kung ang nagpautang naman ang nangailangan. Sasabihin ng balasubas na kaibigan sa kawawang inutangan na, “ang yaman-yaman mo na nga naniningil ka pa”. Ugaling hudas ang ganitong uri ng kaibigan na sana ay tamaan ng kidlat!

 

Ang “utang na loob” ang pinakamatinding uri ng utang at maraming bansa ang nasira dahil diyan. Sa panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon, namimigay ng pera ang mga tusong kandidato. Ang makakatatanggap ay automatic na nagkaroon ng utang na loob kapag tinanggap niya ang pera na sa katotohanan ay halaga ng boto niya. Kapag nanalo ang namili ng boto, ang mga taong naging biktima niya ay nagkaroon ng utang na loob. Wala na silang magawa kapag nangurakot ang nanalong kandidato sa kaban ng bayan upang mabawi ang nagastos na pinambili ng mga boto!….ganyan sa Pilipinas!…kaya hindi nakapagtataka kung bakit lugmok na lugmok ang mga Pilipino sa mahirap i-describe na pagdurusa. Marami pang ibang uri ng utang na loob na kung ililista lahat ay aabutin ng maraming pages.

 

Ang pinakamadaling bayaran na utang ay ang utang sa Panginoon dahil sa pagbigay Niya sa atin ng buhay. ANG MGA SIMPLENG KABAYARAN LANG SANA AY: MAGPAKABAIT TAYO, MAKISAMA NG MAAYOS SA ATING KAPWA, HUWAG MANLAMANG….AT HIGIT SA LAHAT MAGMAHAL AT MAGRESPETO SA KANYA. BAGO TAYO MAMATAY MAGBAYAD TAYO NG MGA UTANG LALO NA SA ATING PANGINOON!

 

Bali Inspired: Nasi Goreng, Filipino Style

Tita Celine

My husband and I first tried Nasi Goreng when we were in our honeymoon in Bali. Our AirBnb host Wayan Sueta’s wife cooked us staple Bali dishes and had us at first bite.

img_1058-1_2The first in the list is Nasi Goreng. It literally translates into fried rice. We, Filipinos, have our own version wherein we fry a day old leftover rice in oil and garlic then toss in or top it with diced ham, sliced hotdog, danggit (crispy fried fish), scrambled eggs, salt or soy sauce to taste. etc. Filipino fried rice is also a distant cousin of Chinese’s Yang Chow fried rice wherein bits of shrimps are added for more flavor.

However, Nasi Goreng is cooked differently. Balinese use newly cooked rice. Half way through the rice cooking, they stir in homemade seasonings made with chilis, sugar, and other herbs which add aroma and distinct flavor to the rice…

View original post 213 more words