Hindi Dapat Ikahiya ang mga Trabahong Housekeeper, Domestic Helper, at Caregiver sa Abroad

Hindi Dapat Ikahiya Ang Mga

Trabahong Housekeeper, Domestic Helper at Caregiver sa Abroad

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi dapat mahiya ang mga titulado o professional o mga galing sa mayamang pamilya sa Pilipinas na naging housekeeper sa ibang bansa dahil ang kaalaman nila sa pagsalita ng Ingles at pag-asikaso ng bahay upang maging maayos, pati pagluto ng iba’t ibang pagkain ang tama at angkop na kaalaman sa trabahong nabanggit. Bago naging sikat ang mga Pilipino sa pag-asikaso ng mga elders at pag-manage ng mga bahay at gardens sa Amerika, ang palaging hinahanap ng mga kliyente ay mga Britons o British. Sila ang mga kinukuha bilang “mayordomo”, “butler” at “nanny” dahil mga edukado sila.

 

Sa Amerika, ang mga anak ng mayayamanng business moguls ay nagtatrabaho bilang receptionists, food attendants, dishwashers, hotel staff, at iba pa, pagtuntong nila sa edad na 18 taon. Ang mga nabanggit din ang ginagawa ng mga artista sa Amerika na nagsisimula pa lang, kung wala silang available na assignment.

 

Ang pamilya ng mag-asawang artistang Pilipino na sina Eddie Guttierez at Annabel Rama ay nagtinda ng mga kaldero sa Amerika, mamahaling klase nga lang. Nagtiyaga silang kumatok sa mga bahay upang mag-alok ng kanilang mga paninda….at hindi nila ikinahiya ito dahi palagi nilang binabanggit ito sa mga interbyu nila nang magbalik-pelikula sila sa Pilipinas.

 

Ang mga pinagmamalupitang mga domestic helper sa Middle East ay mga Pilipinong kulang ang kaalaman sa pagluto at paglinis ng mga bahay dahil hindi sila familiar sa mga kasangkapan ng kanilang amo. Yan ang dahilan kung bakit pumasok sa eksena ang TESDA na nagti-train at nagsi-certify ng mga domestic helpers na pupunta sa Middle East at ibang bansa. Samantala, noon pa man ay marami nang mga Filipino professionals na nagtatrabaho sa Amerika at Europe bilang caregiver, nagmama-mange ng bahay at gardens at personal secretary at cook ng mga kilalang tao.

 

DAPAT TANDAANG HINDI NAKAKAHIYA ANG ANUMANG TRABAHO BASTA HINDI NAKAKALAMANG SA KAPWA, LALO NA ANG PAGNANAKAW AT PAGBEBENTA NG DROGA! HANGAL AT UNGAS ANG MGA PILIPINONG IKINAHIHIYA ANG MGA KAANAK NA NAGTATRABAHO SA ABROAD BILANG DOMESTIC HELPER, WAITER, CAREGIVER, DRIVER, ETC! ANG HINDI NARARAMDAMAN NG MGA UGOK NA ITO AY ANG SAKRIPISYO NG MGA NANDOON NA NAGTITIIS SA LUNGKOT DAHIL NAPALAYO SILA SA MGA MAHAL NILA SA BUHAY! MAKAPAL ANG MUKHA NG MGA HANGAL, UGOK AT UNGAS NA ITO DAHIL UMAASA DIN NAMAN SILA AT NAKIKINABANG SA PINAGPAGURAN NG MGA IKINAHIHIYA NILA!!!!!!

 

The Problem with the Hypocrites

THE PROBLEM WITH THE HYPOCRITES

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Naging maayos lang ang buhay dahil ang asawa ay nakapagtrabaho sa Saudi o nakasakay sa barko bilang seaman, nakalimot nang noon ay halos hindi makatapos ng highs school dahil mahirap ang magulang….ibig sabihin, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, kaya pati lasa ng tuyo o dried fish ay nakalimutan na. At sa sobrang pagka-trying hard na mayaman, halos punuin ang bahay ng mga gamit na hindi naman alam gamitin kundi pinangdi-display lang dahil sa kayabangan.
  • Nakatapos lang college ay ikinahiya na ang magulang na nagtatrabaho sa abroad bilang domestic helper o di kaya tricycle driver o di kaya ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Kahit sa bahay ay pa-ingles ingles pa at pinagtatawanan pa ang mga magulang na nakatulala dahil hindi makaunawa ng Ingles.
  • Nagkataon lang na naging apo ng kinikilalang pamilya, naging mayabang na ganoong ang yaman ng mga lolo at lola ay hindi naman pinaghirapan ng mga magulang kundi minana lang o mamanahin pa lang.
  • Nagkaroon lang ng mga kaibigang mayaman, kumikilos nang mayaman din kahit mahirap lang ang pamilya kaya ikinahihiya ang mga magulang.

 

MAGBAGO NA KAYO!

Ang Mga Taong Isinusulat ko ang Kuwento ng Buhay

Ang Mga Taong Isinusulat Ko ang Kuwento ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaya ako nagsusulat ng mga kuwento ng buhay ng mga tao ay upang magsilbi silang inspirasyon sa iba. Kung mapapansin, sila yong mga nagsimula sa “ibaba” hanggang umangat o umasenso. Sila rin yong mga hindi nahihiyang magtrabaho kahit galing sa may sinasabing pamilya o mayayaman. Sila yong mga nagsikap upang makatapos ng kolehiyo kaya pumasok na student assistants sa pinapasukan nilang unibersidad o kolehiyo. Sila rin ang mga naghahabol ng schedule ng klase mula sa mga pinapasukang food outlets tulad ng Jollibee at MacDonalds, at iba pa.

 

Ang iba pang mga naisulat ko na ay naging biktima ng pagkakataon kaya “kumapit sa patalim” upang mabuhay o di kaya ay nagsakripisyo para sa pamilya. Mayroon ding mga pari at pastor na MABABAIT at karapat-dapat na tawaging mga pastol na Itinalaga ng Diyos sa mundo upang gumabay sa mga Kristiyano.

 

Hindi ako basta-basta nagsusulat lang dahil PINIPILI ko ang mga taong bina-blog ko….mga karapat-dapat na nakaka-inspire ang buhay. Ang problema ay ang mga HYPOCRITE na kaanak ng mga taong dapat ay maging inspirasyon ng iba dahil sa pagsisikap nilang kumita para sa pamilya kaya nangibang bansa, at ang iba ay na-rape pa nga….IKINAHIHIYA KASI NG MGA WALANG UTANG NA LOOB NA ITO NA ANG MGA KAANAK NILA SA ABROAD AY HINDI MANAGER NG OPISINA KUNDI HOUSEKEEPER, YAYA, GARDEN CLEANER, CAREGIVER, ETC.  Ang mga nahihiyang magbanggit man lang ng uri ng trabaho ng mga kaanak sa abroad ay mga UGOK AT MAKAKAPAL ANG MUKHA dahil SOBRA-SOBRANG  umaasa din pala sa mga padala ng mga nasa abroad!

Taimtim na Dasal (para sa Ied Il Fitr)

Dasal para sa Eid Il Fitr…

 

Taimtim na Dasal

…bukod-tanging natira nating pag-asa

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pabago-bagong panahong dulot ay pinsala

sa halip na biyaya…

Sa harap ng kagutumang ating nararanasan –

walang katapusan…

At, sa harap ng mga kinatatakutang krimen –

‘wag munang tapusin ang dasal ng “amen”.

 

Magdasal pa tayo ng marubdob at taimtim

‘wag maging sakim…

Sa panahong ang patayan ay kalat sa mundo

piliting ‘wag masiphayo…

basta’t  namumutawi ang dasal sa ating bibig –

sa pag-asa, tayo’y nakahilig!