Si Tiya Iskang Madasalin

Si Tiya Iskang Madasalin

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa aming bayan, nakalakhan ko na si Tiya Iska na madasalin.  Ang apelyido niya ay Peñalosa. Maliit siyang babae, may lampas balikat na buhok at maliit ang boses. Bago pumutok ang araw ay makikita siyang naglalakad ng halos isang kilometro papunta sa simbahan, may belo ang ulo. Dahil debuto siya ng Mahal na Birhen, ang kanyang puting damit ay nasisinturunan ng sutlang kulay asul na mapusyaw.

 

Sa misa ay nangingibabaw ang kanyang boses sa pagkanta. At kung oras na ng komunyon, siya ang unang tatayo at halos takbuhin ang harap ng altar upang unang mabigyan ng ostiya. Kung may prusisyon naman, siya ay palaging nasa unahan ng karo ng imahe ng Mahal na Birhen. Namumuno din siya sa mga nobena at pagdasal ng rosaryo. Tuwing Flores de Mayo naman, tumutulong siya sa pagturo sa mga bata ng dasal at kantang pangsimbahan. Nanghihingi din ng tinapay sa mga panaderya upang maipamigay sa mga bata.

 

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nililibak noon, sa kabila ng kanyang mga ginagawa. Wala naman siyang ginagawang pagpapa-istaring. Ang nakikita ko sa kanya ay ang kaseryusuhan niya sa pagsamba sa Diyos, lalo na sa pagtupad sa kanyang debosyon sa Mahal na Birhen.  Isang beses ko lang siyang nakausap, at noon ay nang inalalayan ko siya papunta sa kumbento dahil nahilo. Pauwi na ako nang hapong yon galing sa klase at nakita ko siyang nakasandal sa puno ng kaimito dahil nahilo. Hindi pala nakakain ng tanghalian.

 

Nasa high school ako noong masubaybayan ko ang ilang yugto ng buhay ni Tiya Iska. At naalala ko siya sa panahon ngayon na kailangan ang pagbabalik-loob ng tao sa Diyos. May mga pagpipilian ang mga tao: magbalik-Islam, magpaakay tungo sa iba’t ibang sekta ng Kristiyanismo o magbagong-loob bilang Katoliko.

 

Kung wawariin, hindi dapat ibatay sa kinaanibang grupo o simbahan ang kabanalan o pagkamaka-Diyos ng isang tao. Maging bukal lang sa kalooban ang pagsamba at pagdasal tulad ng ginawa ni Tiya Iska, palagay ko ay maaari na. Dapat walang pagkukunwari ang pananampalataya, tulad din ng ginawa niya.

 

Alam kong marami pang Tiya Iska ang makikita sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila ang salamin natin sa buhay pagdating sa mga bagay na ispiritwal. Iwasan natin ang magng bulag sa katotohanan, bagkus ay dapat maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng ating mga kakulangan upang mapunan natin kung ano man ang mga ito.

Advertisements

Joy and Jaime de la Rosa…the wedding in photos and life as one big family

Joy and Jaime de la Rosa

…the wedding in photos and life as one big family

By Apolinario Villalobos

 

Four days after Jaime Bides and I surprised Jaime de la Rosa at his office in Tantangan, South Cotabato, we surprised him again at his residence, this time, to satisfy our curiosity about his second wife, Joy. During our first meeting, we were warned by Jaime that going to his home is not a joke as we would be gingerly stepping on narrow rice paddies. What he told me was true, as the narrow municipal road came to a dead-end, from which we had to cross a very short “bridge” and finally, trek over soft and moist rice paddies that led to a surprisingly beautiful mango grove, in the midst of which was the de la Rosa ancestral home.

 

But more surprised due to our unannounced visit was Jaime and his new wife, Joy, her parents and two children. Jaime was in the midst of “pasabwag”, a shorter way of planting rice, in which seeds were spread throughout the expanse of the wet fields, instead of having them germinated and replanted after the seedlings have reached a certain height.

 

The old house was practically surrounded with various flowering plants and fruit trees, such as bird of paradise, camia, ground orchids, mangoes, pomelo and coconut. The paradise-like nook was separated from the residential area of New Iloilo by rice fields.

 

I found out that as Jaime was working at the nearby town of Tantangan and while Joy had to do her rounds of direct selling, going home at night is a sacrifice as they had to light their way over the narrow rice paddies with a flashlight. And, more difficult it is when the trek is made under the heavy pelting rains. But, despite the difficulty, they still persisted.

 

Jaime de la Rosa confided that before his first wife died their children were already grown up and were given the liberty to be on their own. This liberal gesture made the children decide not to live in the ancestral house, leaving their father alone when their mother died. Fortunately, the paths of Jaime and Joy again met and as they had already established a close friendly relationship before, a wedding proposal was not a problem. The best part was when the family of Joy consented to live with them. Not long after then, Joy’s parents and children moved in together with another relative……Jaime, in no time, reaped the fruit of his “investment” – a brand new family, complete with parents!

Si Merly…nagtitiyaga sa barya-baryang kita

Si Merly…nagtitiyaga sa barya-baryang kita

Ni Apolinario Villalobos

 

6:30AM noon nang mapadaan ako sa puwesto ni Merly. Papunta ako sa isang bakery na may kapehan subalit nang maamoy ko ang nilulutong ulam na kabisadong-kabisado ko ay bigla akong napatigil at nagdesisyong sa puwesto niya ako magkakape at kakain ng niluluto niyang tortang talong, isa  sa mga paborito ko. Pagkatimpla ko ng kape ay kumuha agad ako ng dalawang pirasong torta at inilagay sa platito, subalit nadismaya ako nang malaman kong wala pang kanin…hindi pa daw siya nakapagsaing dahil nag-iipon pa ng kita upang pambili ng kahit dalawang kilong bigas na isasaing.

 

Ang ginawa ko ay inubos agad ang dalawang torta at sinundan ng dalawa pa kaya may 40pesos na siya dahil 10pesos lang ang tortang talong. Nang maramdaman kong kaya ko pang lumamon ng torta, kumuha uli ako ng dalawa pa kaya sa kabuuhan, may 60pesos na siyang pambili ng bigas dahil binayaran ko na agad ang kape na 10pesos. Dali-dali siyang umalis upang bumili ng bigas sa di-kalayuang tindahan at ipinagbilin sa akin ang puwesto. Hinabol ko siya ng bilin na ang bilhin niya ay ang manila-nilaw na nakita kong tig-32pesos lang kada kilo, na siya ngang binili. Buhaghag ang uri ng bigas kaya hindi malata o masyadong malambot.

 

Habang nagluluto siya ay ikinuwento niya ang kanyang buhay. Siya ay taga-San Pablo, isang barangay ng Tacurong at may 61years old na asawang nagda-drive ng tricycle. Nang tinanong ko siya kung may mga anak siyang nag-aaral ay sumagot siyang meron at iginagapang nilang mag-asawa upang makatapos ng junior high school man lang, na ang equivalent sa dating sistema ng edukasyon ay 4-years high school. Si Merly ay 58 years old at kahit mahina ang katawan ay nagpipilit na gumising ng maaga upang makapagluto ng pagkain, makapaglaba at makapaglinis bago pumunta sa maliit niyang karinderya na katabi ng mga puwestong nagtitinda ng uling, junks, at mga coco lumber.

 

Pagdating ni Merly sa puwesto ay naglalaga agad siya ng mga itlog at nagpapakulo ng tubig parasa thermos. Iisa lang ang lutuan ni Merly kaya hirap siya subalit wala siyang magagawa dahil puhunan nga lang daw ay kinakapos na siya. Ang lutuan niya ay nakapatong sa lupa at ginagatungan ng uling o kahoy. Nakapagsaing lamang siya nang maubos niyang i-torta ang mga talong na nakababad sa binateng itlog.

 

Ang hind ko makalimutan sa sinabi ni Merly ay, “ayaw kong maging katulad namin ang aming mga anak dahil kaming mag-asawa ay hanggang grade 2 lang….gusto naming matutong magbasa ng maayos at makapagsulat ang mga anak namin upang hindi maloko ng ibang tao….alam mo naman sa panahon ngayo…”. Yan si Merly, magiting na ina!

Huwag Magpaka-kampante (Don’t be too confident)

HUWAG MAGPAKA-KAMPANTE

(Don’t be too confident)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang terorismo ay parang tubig na pilit naghahanap ng butas, kahit kasing-liit ng buhok upang malusutan. Nangyayari na ito ngayon sa Europe kung saan ay kabi-kabila ang pagpapaputok ng bomba na inaako naman ng mga terorista. Sa kabila ng makabagong gamit sa mga airport at mga daungan at pagka-istrikto ng mga guwardiya, nakakalusot pa rin ang mga terorista sa ilang bansa sa Europe….sa Pilipinas pa kaya na kapos sa mga gamit?

 

Noon ang mga terorista sa Pilipinas ay mga maka-kaliwa o leftist, kilala agad dahil gumagamit sila ng pula bilang kulay at ordinaryong bomba, pero ngayon, sophisticated na ang mga bomba at kayang pasabugin ng isang remote control gamit ang cellphone. Nadagdagan ang mga local na terorista nang pumasok sa eksena ang Abu Sayyaf at Maute Group. At, ang mga ito ay may mga kamag-anak sa mga komunidad na akala ng lahat ay tahimik. Sa mga lugar na yan nagtatago ang mga terorista, kapiling ang kanilang mga pamilya na ang kinakain ay galling sa masamang ginagawa bilang terorista.

 

Kaylan lang ay nilusob ng Maute Group ang Marawi City na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming residente, kasama na ang mga pinugutan ng ulo. Para sa akin, hindi dapat asahan ang sinasabi ng militar na kontrolado na nito ang sitwasyon. Ganyang-ganyan ang pangako ng mga opsiyal ng military na kontrolado na kuno nila ang Abu Sayyaf at ilang linggo lang ay “mapupulbos” na ang grupo….hanggang ngayon ay may kidnapan pa rin. Ang malaking tanong ay, bakit NAPAKA-PALPAK ANG INTELLIGENCE SYSTEM ng military at PNP….saan napunta ang malaking budget na hantarang alam ng publiko at ang budget na hindi na ina-audit na “intelligence fund” nila?

 

Ang kalakhang Maynila, partikular ang casino ng Resorts World sa Pasay, ay ginimbal din ng mga pagsabog at putukan, at ito ay malapit lang sa NAIA Terminal 3. Ano ngayon ang masasabi ng mga taga-Maynila tungkol sa Martial Law sa Mindanao, lalo na si Trillanes? Masasabi pa ba nila na atat na atat si Duterte na maging diktador kaya nag-declare ng Martial Law sa Mindanao?

Kapag minalas-malas ang Pilipinas, baka ang malalaking lunsod sa Luzon at Visayas ay “testingin” din ng mga terorista.

 

Ang mga hinayupak na mga human rights advocate ay hadlang sa mga hakbang ni Duterte upang magkaroon ng katahimikan ang bansa. DAHIL SA KABOBOHAN NILA HINDI NILA INUUNAWA ANG PAGKAKAROON NG “COLLATERAL DAMAGE” KAPAG NAGSAGAWA NG MGA OPERATIONS. ANG MGA “COLLATERAL DAMAGE” NA ITO AY ANG MGA TAONG MAY MATITIGAS NA ULO DAHIL AYAW UMIWAS SA MGA OPERATION AREAS O DI KAYA AY AYAW MAKIPAGTULUNGAN. IILAN LANG BA ANG MGA NAMAMATAY NA ITINUTURING NA “COLLATERAL DAMAGE” KUNG IKUKUMPARA SA DAMI NG MAKIKINABANG?….YAN ANG HINDI INIISIP NG MGA IPOKRITONG HUMAN RIGHTS ADVOCATES KUNO!….SILANG MATATAKAW SA PUBLICITY, KAYA MAKAPAG-INGAY LANG AY OKEY NA!