The “Culture of Entitlement”…a very negative character of Filipinos

The “Culture of Entitlement”

…a very negative character of Filipinos

By Apolinario Villalobos

 

 

The “culture of entitlement” has made many Filipinos, especially, the youth, dependent on their expected inheritance from rich parents and generous relatives. The expectation has resulted to their indolence and loss of drive to strive on their own. This culture was never a part of the Filipino life prior to the arrival of the Spaniards. Early Filipinos were expected to work hard for survival because of the striated society. Instead of “entitlement”, the early Filipinos were “awarded” for their hard-earned accomplishments.

 

In grave contrast, the western nations are devoid of the aforementioned culture. In America for instance, soonest as a member of the family reaches the age of 18, he or she is expected to move out of the house of the parents to be on his or her own. And, even children of billionaires work hard to earn their living.

 

In the Philippines, even children of OFWs and those with high positions in private companies and government tend to take things easy as they are assured of comfortable life, anyway. Some of them even lost interest in pursuing their studies, and develop a vice, instead. They are so conscious about the obligation of their parents to support them, by all means.

 

Unless the attitude of dependence or the culture of entitlement is softened a bit, the character of the Filipinos in general shall continue to be on its downhill trend.

 

 

Advertisements

Mga Kaartehan ng mga Pilipino

Mga Kaartehan ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang masama o problema kung mag-iinarte man ang isang Pilipino….kung kaya niya dahil super rich siya o di kaya ay may kakayahan man lang. Pero kung wala naman…siya ay isang mapagkunwaring wala sa ayos, kaya wala siyang karapatan. Ang mga maarte na wala namang karapatan ang sumisira sa magandang imahe ng Pilipino sa mata ng mga dayuhan, dahil unang-una, karamihan ng mga Pilipino ay mahirap kaya dapat sana, kung ano ang kaya ng bulsa ay siyang ipakita….huwag magmaang-maangang super rich ganoong sa iskwater nakatira, o di kaya ay huwag mag-iinarteng hindi kumakain ng tuyô ganoong, isang beses lang sa isang araw ang kayang kainin sa bahay.

 

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaartehang napansin ko, pero binubulag-bulagan naman ng karamihan….ANG TAMAAN AY HUWAG MAGALIT:

  • Ayaw kumain ng NFA rice ang karamihan ng mga Pilipino dahil hindi puting-puti ang mga butil at hindi pa mabango…. ganoong halos wala na ngang pambili kahit isang kilo man lang na ordinaryong bigas! May amoy daw ang NFA rice…isang katarantaduhang dahilan…bakit? wala bang tubig na panghugas? Kung isang kahig-isang tuka ang kalagayan sa buhay, bakit hindi mag-adjust tulad ng pinahihiwatig ng kasabihang, “matutong mamaluktot kung maikli ang kumot”?

 

  • Ayaw mamili ang ibang Pilipino sa ukay-ukay dahil nakakahiya daw kapag nakita ng kapitbahay o kaibigan kaya dapat ay sa mga boutique ng branded na damit sa mga malls lang upang hindi masabing “naghihirap” na! Ang mga isinusuot sa katawan ay may binabagayan, at ang mga nasasalubong ay hindi sumisilip sa brand tag na nasa kuwelyo ng damit. Kung ang isang tao ay kilalang talagang mahirap, pagsuutin man siya ng tig-sampung libong pisong damit, tingin sa kanya ay nakasuot pa rin ng tig-20pesos ang halaga! Subalit meron talagang maski hindi natin kilala, hindi nababagayan ng damit na alam nating galling sa mall. ANG KATOTOHANAN AY, ANG MGA ORIGINAL NA BRANDED NA DAMIT AY SA MGA UKAY-UKAY LANG MATATAGPUAN, MALIBAN SA AUTHENTIC AT AUTHORIZED NA MGA OUTLET.

 

  • Maraming Pilipino ang ayaw kumain ng gulay dahil hindi daw sila “natutunawan”. Kung di ba naman mga tanga at bobo! Ang mga hibla o fibers ng gulay ay talagang hindi natutunaw kaya nagsisilbi silang “walis” sa loob ng bituka upang tayo ay makadumi o makatae nang maluwag tuwing umaga! Ang katotohanan ay ayaw nilang magkaroon ng impression ang kapwa nila na sila ay mahirap kaya gulay lang ang kayang kainin! Ang katarantaduhang ugaling yan ng mga hangal na mga magulang ay ginagaya tuloy ng mga anak na naii-spoil sa pagkain ng hotdog, tocino, spaghetti, etc…kaya pagtanda nila, nag-uunahan ang kanser, diabetes, at sakit sa bato sa pag-develop sa katawan nila.

 

  • Ang gusto ng ilang magulang ay sa kilalang mga unibersidad o kolehiyo mag-aral ang mga anak sukdulan mang ipangutang nila ng pang-matrikula upang sigurado daw na makapagtrabaho agad pagka-graduate. Tanga ang mga magulang na may ganitong pananaw. Kahit sa mga ganoong uri pa ng paaralan nagtapos ang mga anak nila, KUNG LIKAS ANG KABOBOHAN, O TALAGANG BOBO hindi pa rin sila matatanggap sa mga inaaplayan dahil sa IQ tests na ibinibigay ng mga kumpanya. Hindi nakakatulong ang pangalan ng unibersidad o kolehiyo na nakalagay sa diploma kapag nag-aaplay ng trabaho, lalo pa’t pagdating sa interview ay bulol sa Ingles. Bistado ang ginagawa ng maraming estudyante na pag-plagiarize ng nire-research nila sa internet upang makapag-submit lang ng thesis. Alam ko yan dahil nag-eedit ako ng mga thesis ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga prestigious universities na hindi ko na lang babanggitin dahil nakakahiya sa mga kaibigan kong nag-aral sa mga iyon.

 

  • Ang ilang Pilipino ay ayaw kumain ng tuyô o sardinas dahil allergic daw….pero pamasahe nga lang sa pagpasok sa trabaho ay inuutang pa o di kaya ang ATM ng pension o suweldo ay nakasangla!

 

  • Ang isang kaartehan ng maraming Pilipino na hindi maintindihan ay ang pagtitira ng pagkain sa pinggan kahit dalawang kutsara na lang, kanin man o ulam…..BAKEEETT?!…FOR THE GODS BA? O TALAGANG KAYABANGAN LANG!….ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS….DAHIL SA “GABĂ”, O “BAD KARMA”.” Ang hindi alam ng mga hinayupak na ito ay apektado ang buong populasyon ng Pilipinas ng maaksaya nilang ugali dahil kung iipunin ang mga inaksaya nilang kanin ay aabot sa kung ilang libong toneladang sa loob ng isang taon!

 

  • Karamihan pa rin ng mga Pilipino ay pinipili ang “makinis” o “makintab” na gulay sa palengke tulad ng talong at kamatis. Ang hindi nila alam, kaya nagkikintaban at nagkikinisan ang mga iyan ay dahil inilublob sa kemikal upang magmukhang sariwa kahit sa loob ng isang linggo, pero ang laman ay bulok na! ….yan ang ginagawa sa Maynila, pero sa mga probinsiya ang modus ay pag-ispray ng chemical sa bagong naaning gulay upang magmukhang NAPAKASARIWA kapag ibenenta sa palengke. Ang mga hindi hindi inilublob sa kemikal o inispreyhan ay nagmumukhang lanta pagkalipas ng isang araw, subalit may sustansiya pa rin….subalit iniisnab naman ng mga maraming Pilipino.

 

  • Ayaw kumain ang maraming Pilipino ng maliliit na isda tulad ng tamban, dilis, galunggong, at iba pa dahil pang-mahirap lang daw….ugali yan ng mga mahihirap na ipokrito. Bibili sila ng malalaking isda na pang-isang beses na kainan, at sa mga susunod na araw ay nakanganga dahil wala nang pera!

 

Napakarami pang kaartehan ang napakaraming Pilipino kaya hindi sila umaangat mula sa mahirap nilang kalagayan….na isang kahig-isang tukâ. Pero, ang nakakatawa ay nagtataka pa sila kung bakit hanggang sa katandaan ay mahirap pa rin sila. AYAW KASI NILANG MAGPAKATOTOO!…palibhasa ay mga tanga at bobo!…kapag hindi pa sila nagising sa mga sundot ko na yan, ibig sabihin ay manhid din sila….wala nang pakiramdam dahil sa kasanayan sa pagkukunwari!