May Isang Roger…

May Isang Roger…

By Apolinario Villalobos

 

May isang Roger (hindi tunay na pangalan) akong nakilala sa barangay na aking dinaanan. Napansin ko kasi ang isang magandang resort na pang-international and kalibre. Nang magtanong ako ay binanggit ang pangalan niya kaya hinanap ko. Ang nakilala kong may-ari ay naka-short ng maong at t-shirt na kupasin at may mga butas, parehong halatang binili sa ukayan.

 

Ayon sa kanya, hindi siya degree-holder dahil kapos sa pera ang kanyang mga magulang. Magsasaka ang kanyang tatay at may maliit na tindahan naman ang kanyan nanay. Pagtatanim at pag-aani ng palay ang kanyang kinalakihang trabaho at isa pang kapatid na lalaki na si Zaldy (hindi tunay na pangalan). At kahit sa baryo ipinanganak at lumaki, hindi naging hadlang ang kanyang katayuan sa kanyang pinangarap na maginhawang buhay pagdating ng tamang panahon.

 

Wala siyang diplomang pinagmamalaki , pero proud siya dahil ang kanyang kapatid na babae ay naging degree holder at nagkaroon ng mataas na puwesto sa isang government agency, at tatawagin kong Myrna (hindi tunay na pangalan). Hindi rin siya naiimbitahan sa mga pagtitipon sa bayan dahil ang mga barkada niya ay tulad din niyang mga taga-baryo. Lahat silang magkakapatid ay nagsikap sa abot ng kanilang makakaya upang mapakinabangan ang kapirasong lupang kanilang nililinang. Ang buong pamilya nila ay nagsiksikan sa isang maliit na bahay na unti-unting dinugtungan upang magkaroon ng kaluwagan sila sa pagkilos sa loob lalo na sa pagtulog.

 

Hindi siya nasiraan ng loob nang pumanaw ang kanilang mga magulang, at sa halip ay pinag-ibayo pa niya ang kanyang pagsisikap bilang panganay sa mga lalaking magkapatid. Sinubukan niyang mag-buy and sell ng palay at nagtagumpay naman hanggang makapagpatayo ng gilingan (rice mill) at makabili ng trak ng panghakot ng mga palay. Lalo pa siyang nagtagumpay nang makapag-asawa ng isang masinop at magaling humawak ng pera. Sa pag-usad ng panahon nagkaroon sila ng mga anak na naigapang nilang mag-asawa upang lahat ay makatapos ng kolehiyo.

 

Dahil ang kanilang baryo ay nasa paanan ng burol kung saan ay natuklasan ang isang bukal, naisipan niyang magpatayo ng isang maliit na resort na sa kalaunan ay lumaki at lumawak ang nasasakupan. Nagkaroon ito ng mga overnight facilities at mga fish pond na ang inaaning tilapia, hito at dalag ay binebenta rin sa mga taong hindi naliligo sa resort. Sa kabila ng pagiging busy ay nagawa pa niyang tumakbo bilang Barangay Chairman at nanalo naman. Lalo pang naging tanyag ang kanyang resort dahil sa kanyang katayuan bilang opisyal. Sa kabila ng natamong tagumpay, hindi nakitaan ng kayabangan si Roger. Naka-tsinelas pa rin siya palagi, naka-maong na short pants at t-shirt na binili sa ukayan.

 

Bilang pasalamat sa natamong tagumpay, regular na nag-aambag si Roger sa isang parukya (parish) na nag-iipon ng pera na magagamit sa pagpapatapos ng simbahan.

SI ROGER ANG PATUNAY NA HINDI KAILANGANG MAGKAROON NG DIPLOMA UPANG UMASENSO. KAHIT ANG ISANG TAO AY GRADUATE PA SA ABROAD O KILALANG UNIBERSIDAD KUNO (NA ANG MGA ESTUDYANTE AY MAHILIG MAG-RALLY PARA LANG MASABING MATALINO KUNO DAHIL ALAM ANG MGA NANGYAYARI SA GOBYERNO), WALA RIN SIYANG SILBI KUNG WALANG DISKARTE SA BUHAY….ANG NABANGGIT KONG URI NG MGA ESTUDYANTE ANG MASASABI KONG NAKAKAHIYANG BATIK NG LIPUNAN!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s