On the Exploitation of the Weak

On the Exploitation of the Weak

By Apolinario Villalobos

 

Natural resources are gifts and blessings from the Creator of the universe and as such should be properly and justly exploited as a show of respect to the Giver. However, the problem in this world is that, practically, the strong overruns the weak in their greedy effort to control anything that got to do with survival. Looking back, history is a mute witness to this desire of powerful nations such as Portugal, Spain, Holland, England, and later, America, Russia, Germany, China, and Japan. Earlier in the history of nations, Portugal and Spain, practically divided the world into two hemispheres for appropriation between the two of them. Later, war was used as an instrument for the appropriation of the weak nations among the strong ones.

 

Much later, with the blazed marine trails that lead to practically all continents, strong nations overran all of them, with America and her “Manifest Destiny” ideals, leading the pack. Her obsessive drive was masked with a supposedly noble intention to save the “barbarian” and “pagan” inhabitants of forcefully occupied lands from their misery of ignorance, although, beneath it, was the desire to bleed the lands of their natural resources, and the Philippines was among those that suffered this harrowing fate. It should be noted that long before the Spaniards colonized the Philippines, the early inhabitants had a healthy commercial intercourse with other nations, aside from having their own spiritual leaning which was Mohammedan or Islamic. The Americans did not “convert” the Filipinos into Christianity, as when they came, the Spanish colonizers already did it….all they did was turn the face of the Catholic inhabitants towards Protestantism.

 

If our forefathers fought for the preservation of our nation’s patrimonial rights, today, the Philippine government practically offers it to the highest bidders- whoever they are, if foreigner, the better because of their dollar. The Philippine Constitution meanwhile haplessly and practically turned into a doormat, as provisions after provisions are changed to fit the desires of foreign investors. The apex of irresponsibility was the passing of a law authored by Gloria Arroyo when she was yet a senator, allowing foreigners to own the 100% rights over claimed land intended for mining…this is the root cause of the scandalous mining incidents in the country that to date, have even claimed lives.

 

The Philippine Mining Law passed in 1995 is a glaring example of how lawmakers can be so naïve to the far-reaching effects of nature-related ventures in the country. They do not seem to understand what displacement, pollution, cultural debacle, immorality, and corruption mean. All that they perceive are the dollar and peso, as well as, the glitter of gold…gains that find their way to the pocket of the corrupt government officials instead of the inhabitants of the affected lands. From a national point of view, practically, no significant benefit has ever been “felt”, “observed”, or “enjoyed”, by the citizens, in case the gains have reached the national coffer. Tangible projects on which these gains are spent, are hideously pockmarked with commissions at different levels of transaction….so, what benefit are the greedy talking about?

 

Soil erosion and flood are the effect of the careless exploitation of natural resources while on the part of the inhabitants, forced displacements that lead to their migration to slums of urban areas where they eventually succumb to the pummeling of poverty, are the dismal disheartening results, made more grievous by the wearing down of their cultural values. Many girls and boys turn to prostitution to help eke out a living for their starving families. Families live on sidewalks and “mobile homes” – the pushcart which is the most practical way to carry around collected junks from garbage dumps. Fathers who turned “barkers” in jeepney terminals are lured into easy money by big time drug pushers, dangled temptation that they bit, for which they paid with their life.

 

Catholic bishops and human rights advocates kuno wonder how and why the above-mentioned Filipinos became bad, to the extent of being killed due to their involvement in drug trafficking. These hypocrites are obviously short-sighted because what they see are just the slums where the unfortunate victims live. They fail or refuse to look beyond the slums, so that they will be able to perceive where they came from….and, what made them endure the hellish life in the city!

 

 

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na Educational System ng Pilipinas

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na

Educational System ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa pagputok ng balita tungkol sa disgrasyang inabot ng mga estudyanteng patungo sana sa Tanay (Rizal), kanya-kanya na namang hugas-kamay ang mga ahensiyang may kinalaman sa edukasyon. Sa tindi ng pagkawalang puso ng may-ari ng eskwelahan, nagsalita pa ang isa sa kanilang opisyal na ipagpapatuloy pa rin daw ang sinasabi nilang leadership training. Mabuti na lang at may kumilos upang ito ay mapigilan dahil sa tindi ng ngitngit ng mga magulang ng mga namatay, nasugatan, at mga nakaligtas.

 

Wala na talagang pinagbago ang CHED at DepEd dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang ginagawa upang matigil na ang walang silbing mga field trip at kung anu-ano pang kataranduhan ng mga private schools na hatala namang ginagamit lang para sa junket. Pwede namang gumamit ng documentary films na kuha sa aktwal na pasilidad na gusto nilang pasyalan, bakit hindi nila gawin? Ang sinasabi ng iba ay nakakalibre daw ang ilang titser at opisyal ng eskwelahan sa pagsama sa mga estudyanteng gumagastos ng kung ilang libong piso para lang “makapasa”. At ang matindi, ay ginagamit pa ito ng ibang eskwelahan upang pagkitaan! Kung pinatigil man ang mga walang silbing “field trips”, ito ay PANSAMANTALA na naman!

 

Walang silbi ang diploma sa panahong ito dahil karamihan ng meron nito ay wagas na nagsasabing pampayabalang lang daw naman nila, at sa pag-apply ng trabaho, bahala na daw kung may makita o wala . May alam akong walang interes sa pag-apply kaya apat na taon mula nang makatapos ay istambay pa rin. Kung babae naman, nagkandalosyang na sa kapapanganak ay ni hindi man lang nakapasok maski probationary job. Ang kailangan sa panahong ito ay tiyaga at sipag na maaaring dagdagan ng diskarte. Yong iba ay namumuhunan lang ng laway o “sales talk”, pero kumikita….pero wala silang diploma. Hindi nangangahulugang ayaw ko nang mag-aral o makapagtapos ng kurso ang mga kabataan. Ang ibig kong sabihin dito ay baguhin ang pananaw tungkol sa edukasyon at ang sistema upang hindi mahirapan ang mga estudyante at mga magulang…hindi yong eskwelahan lang ang kumikita.

 

Merong mga eskwelahan na sumisingil ng “security fee”, pero wala naman silang security guard. Ang para naman sa mga magulang, kung hindi kaya ang gastos sa kolehiyo halimbawa, bakit hindi ipasok ang anak sa TESDA? Ang masaklap pa dito, dahil sa K-12 program, sa halip na 4 na taon lang ang high school at pagkatapos ay pwede nang mag-vocational school na mura, nagkaroon pa ng dagdag na gastos sa extended high school na tinawag na “senior high school” na bukod sa mahal na tuition ay halos wala ring napapag-aralan ang mga bata.

 

May isa akong kaibigan na nagkuwentong ang nanay nila ay hanggang Grade Four ang inabot subalit naging matagumpay bilang negosyante na ang inumpisahan ay isang maliit na sari-sari store. Lahat silang pitong magkakapatid ay nakapagtapos ng mga matataas at mamahaling kurso tulad ng “Engineering”. Noong nasa elementary pa daw siya, tinuturuan niya ang nanay nila kung paano isulat ang tamang spelling ng mga pangalan ng produktong tinitinda. At, ang nakakatuwa, madalas daw umutang sa kanila ang principal ng kanilang eskwelahan…at lahat ng mga titser niya! Ang sabing pabiro sa kanya ng nanay niya minsan, “….kita mo na, kung naging principal ako, hindi ko kayo napag-aral lahat…”.

 

Yong isa ko pang kilala, hindi rin nakatapos ng high school kaya nagtanim ng palay at mais at namili pa ng mga ito, pati bigas bilang negosyo. Ngayon, may gilingan siya ng palay at mais at dumami na rin ang mga taniman ng palay, at may international resort pa na sikat sa internet!

 

Yong nakausap kong babae sa isang karinderya sa Sta. Cruz (Manila), akala ko ay katulong, yon pala ay may-ari. Hanggang Grade Two ang inabot subalit may karinderya pa sa Blumentritt, Cubao, Pasay at Baclaran. Yong isa namang akala ko ay driver ng isang SUV na mamahalin, yon pala ay mismong may-ari at ang malaking junk shop sa di-kalayuan ay kanya….hindi rin siya nakatapos ng high school.

 

Masama mang sabihin, pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay lulong o adik sa mga gadget at barkada kaya maski simpleng report na gagamitan ng English ay hindi magawa….at karamihan ay mayayabang pa.  Makapag-submit man ng project na ni-research daw ay kinopya pa pati tuldok (period) at kudlit (comma) sa internet. Kaya pagkatapos gastusan ng magulang, pagkakuha ng diploma at maisabit sa dingding, balik uli sa mga bisyo – barkada, basketball, lakwatsa, at gadgets. Ang mga masisisi diyan ay mismong mga magulang at ang inutil na educational system ng Pilipinas!

 

 

Mga Berdugo ng Sangkatauhan at Kalikasan

Mga Berdugo ng Sangkatauhan at Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang uri ng dugo ang nananalaytay sa ugat ng mga berdugo ng sangkatauhan at kalikasan – kulay itim na dugo ng kasakiman. Sila ang mga kurakot sa gobyerno, mga drug lords na pasimuno sa illegal na droga, mga illegal loggers at kapitalista ng minahan…mga ganid sa yaman na wala na yatang kasiyahan sukdulan mang masagasaan nila ang karapatan ng ibang tao at masira ang kalikasan.

 

Dahil kahit papaano ay may konsiyensiya din kuno, nagtatago sila sa likod ng maskara na abot-tenga ang ngiti para masabing may busilak silang puso. Upang makapagkunwaring sila ay maka-Diyos, may mga iskolar kuno na pinapaaral, yon pala ay kinakalabaw sa pagtrabaho sa kanilang kumpanya bilang kontraktwal na mga empleyado. Nagpapatayo din sila ng mga simbahan at namimigay ng mga donasyon tuwing may kalamidad, yon nga lang karamihan ay expired o pa-expire na kaya kailangang makain agad at kung hindi ay ibabaon ng DSW na naman sa lupa tulad ng ginawa nila sa Tacloban. Sila yong may mga “Foundation” na itinayo upang magamit lang palang pang-discount sa buwis na dapat nilang bayaran!…mga wise talaga!

 

Mas masahol pa sa on-the-spot na kamatayan ang dulot ng mga berdugong ito dahil unti-unti nilang pinapahirapan ang mga biktima hanggang sa hindi na makagulapay at bumigay….kung hindi dahil sa pagka-adik sa droga ay natokhang nang maging drug runner dahil ang lupang sinasaka sa probinsiyang iniwan ay kinamkam ng mga banyaga upang mapagminahan ng ginto at iba pang likas na yaman.

 

Sila yong nagkakalbo ng dating luntiang kagubatan, ang naghuhukay ng mga lupang nilason ng kemikal na ginamit nila sa pagmimina, na ang tagas ay dumaloy sa mga ilog hanggang sa mga baybaying dagat at pumatay sa mga isda at iba pang yamang-dagat. Sila rin yong nagko-convert ng mga dating sakahan o taniman ng palay at mais upang maging mga subdivision kaya ang bansa na dati ay isa sa mga exporter ng bigas, ngayon ay importer na lang, kaya ang halaga ay halos hindi na kayang abutin ng malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas.

 

Ang mga berdugong ito ay maaaring kapwa Pilipino o mga banyagang dumayo sa ating bansa, nagpundar pero ang kinita ay pinapadala naman sa pinagmulang bansa.