Ang Vatican at Pilipinas…Ngayon

Ang Vatican at Pilipinas…Ngayon

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang Vatican ay merong Santo Papang mapagpakumbaba, piniling tumira sa apartment sa halip na sa marangyang “palasyo” ng Vatican, at ang mga kasabay na kumain ay ang mga ordinaryong pari na bumibisita sa Vatican. Hindi maganda ang mga kuwento tungkol sa kanyang nakaraan, kasama na diyan ang pagtrabaho niya bilang bouncer sa isang bahay-aliwan. Marami din siyang nakabanggang nakatataas sa kanya nang siya ay naging pari hanggang sa maging Obispo. Sa simula pa lang ng pag-upo niya bilang Santo Papa, nagbanta na siyang lilinisin niya ang simbahang Katoliko na ang korapsyon at iba pang eskandalo ay pilit na itinago sa mahabang panahon. Hanggang ngayon ay tinutuligsa niya ang mga animo ay demonyo na nakasuot ng sotana at nagpapanggap na mga “ama” ng komunidad, ganoong mayroon palang mga minumulestiya. Nanawagan siya sa mga ito na lisanin na ang simbahan upang hindi madamay ang mga matitino, subalit matitigas ang ulo nila dahil siguro hindi nila maiwanan ang karangyaang INI-ENJOY nila.

 

Ang Pilipinas ay mayroon ngayong Rodrigo Duterte na umaming madilim ang kanyang kahapon bilang estudyante dahil pumapasok siya sa klase maski nakainom. Wala sa mga naging classmate niya ang nakaalala na nagpakita siya ng katalinuhan. Pati ang isang propesor niya noon na ininterbyu ay umaming hindi niya maalalang naging estudyante niya si Duterte, ganoong nababanggit siya nito (Duterte) sa mga talumpati. Nang maging mayor ng Davao city, ang lunsod ay biglang tumino dahil nawala ang mga NPA at drug dealers na nakatira sa mga depressed areas lalo na sa Agdao kaya tinawag ito noon na “Nicaragdao”. Matindi ang pagbatikos ni Duterte sa mga tiwali sa gobyerno na bahagi ng mga dahilan kung bakit namayagpag ang problema sa droga.

 

Ang dalawang lider ay parehong binabatikos ng mga ayaw magbago o tumanggap ng pagkakamali. Pareho rin silang nagpahayag ng pagtanggap ng kanilang kapalaran nila kung sakaling hindi sila umabot sa itinakdang panahon. Si pope Francis ay nagpahayag noon na baka mag-retire siya ng maaga upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang Obispo na maging lider ng simbahang Katoliko, at si Duterte naman ay nagsabing handang bumaba kung magawa agad ang bagong porma ng gobyerno na Pederalismo. Sa madaling salita, pareho silang hindi ganid o sakim sa kapangyarihan.

 

Ang Vatican ay isang maliit na lunsod sa loob ng Italya pero nirerespeto ng mga makapangyarihang bansa. Ang Pilipinas naman ay isang maliit ding bansa, watak-watak pa dahil ang kabuuhan nito ay kinabibilangan ng mga isla, subalit dahil kay Duterte, kahit papaano ay nasapawan ng imahe niya ang nakasanayang pagtukoy dito na bansang korap. Kung noon ang Vatican at Pilipinas ay nilibak dahil sa mga katiwalian, ngayon sila ay nirerespeto ng buong mundo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s