Ang Pilipinas Bilang Isang Bansang Demokratiko

Ang Pilipinas Bilang Isang Bansang Demokratiko

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa isang demokratikong bansa ay may mga grupong nagtatagisan ng lakas upang ang mananaig o mananalo ay siyang magkokontrol sa pagpapatakbo nito. Mapalad ang mga bansang “matured” ang mga pulitiko kaya ang mga talunan ay tinatanggap ang pangyayari kahit hindi bukal sa kanilang kalooban at bumabati pa sa mga nanalo….ang halimbawa dito ay ang Amerika. Pero  iba sa Pilipinas.

 

Minadali ang pagtanim ng demokrasya sa Pilipinas na kinopya sa Amerika. Dahil diyan, matatawag na pilit sa pagkahinog ang kasarinlan ng Pilipinas. At, dahil pa rin diyan, sa Pilipinas, walang kandidatong natalo, sa halip ay dinaya daw ng nanalo. Nagtatagisan ng galing ang mga uupong pinuno at gusto nilang maalala sila pagbaba nila kaya ang mga proyekto ng pinalitang administrasyon kahit anong galing ay winawasak upang palitan ng bagong upong pinuno at may tatak pa ng initial ng pangalan niya.

 

Sa Pilipinas, sa halip na magtulungan ang mga nanalo (majority) at mga kaalyado ng mga natalo (minority), sila ay nagsisilipan ng mga pagkakamali kaya sa halip na sumulong ang bansa, ito ay napipigilan sa pag-usad. Kahit anong ganda ng layunin ng proyekto ng nakaupong pinuno, ito ay pilit na kinukulapulan ng putik ng kontra-partido upang palabasing mali siya. May mga nagbabayad pa ng ilang tauhan ng media upang tumulong sa pagpapakalat ng mga negatibong ulat tungkol sa nakaupong pinuno.

 

Tama lang na may mga taong dapat “magbantay” sa nakaupong pinuno, pero ang hindi maganda ay ang kawalan na ng katuturan sa mga ginagawa ng kontra-partidong pagsabotahe kaya nadadamay ang taong bayan at bansa sa kabuuhan nito. Ang isang paraan ay ang pagpipilit sa nakaupong pinuno na ilahad ang lahat ng kanyang mga “strategies” kahit magreresulta ito sa pagkawasak ng seguridad ng bansa. Ito ay pagpapakita ng kawalan ng tiwala sa namumuno dahil ayaw nilang bigyan ng pagkakataong magpakita ito ng kanyang kakayahan. At, kapag nagtagumpay ang mga naninira sa kanya pero nakadamay naman sa kapakanan ng buong bansa, siyempre, masisisi ang nakaupong pinuno dahil siya ay nabigo, yon nga lang ay sa maduming paraan.

 

Sa ganang ito, kung ilalahad ni Duterte ang lahat ng strategy niya sa pagpuksa ng salot na dulot ng droga sa bansa, paano pa siyang magtatagumpay dahil malalaman na ng mga kalaban ang mga gagawin niya? Kung mga “ugat” ng droga ang pag-uusapan, halos lahat sila ay nasa kulungan na subalit dahil hindi pa tuluyang nalinis ang mga ahensiyang dapat tumulong sa kanya, maingat ang mga hakbang niya. May mga pahaging o insinuation siya na alam niyang nasa paligid lang niya ang “ninja cops”, pero ang mga ito ang nakakaalam kung sino ang pinabebenta nila ng droga sa kalye na pansamantalang natigil. At, ang ginagawa naman ng mga pulis na ito ay pinapatay ang mga dati nilang drug pushers upang hindi sila maituro. Alam na yan ng media pero nag-iingat sila sa pag-ulat. Kung minsan nga lang ay nadudulas ang ilang broadcasters dahil lumalabas sa kanilang editorial commentaries.

 

Kung tatanggalin ni Duterte sa serbisyo ang mga “ninja cops”, sigurado kayang hindi pa rin sila makakapagpabenta ng droga sa pamamagitan ng mga bagong drug pushers dahil pinatay na nila ang mga dati… kung totoo nga ang kumakalat na bulungan? Samantala, ang drogang nakupit sa mga nakumpiska sa pamamagitan ng mga legitimate raid ay siguradong alam din ni Duterte na nakatabi o nakabaon lang at hindi mapapanis kaya pwedeng ibenta pagkalipas ng 6 na taong wala na siya kaya palagi niyang sinasabi na “in my time, gusto kong mawala ang droga”.  Ang mga tiwaling pulis din na ito ang nakakaalam kung sino ang mga “small time” drug lords  na nasa labas ng kulungan. Kaya bakit niya ididispatsa ang mga paggagalingan ng mga impormasyong kailangang-kailangan upang kahit papaano ay mabawasan man lang ang mga sangkot sa droga?

 

Ano man ang plano ni Duterte sa mga tiwaling pulis at iba pang sangkot sa krimeng ito, siya lang ang nakakaalam. Siguradong nag-iingat lang siya dahil ang “demokrasya” na umiiral sa Pilipinas ay mistulang nagahasa…luray-luray…lupaypay… kaya hindi maaasahang makakapagbigay ng proteksiyon lalo na sa mga taong may mabuting layunin.

 

 

Ang Batas

ANG BATAS

Ni Apolinario Villalobos

 

Tulad ng sinabi ko sa mga nauna kong blogs, sa sarili kong pananaw WALANG BATAS  NA PATAS PARA SA LAHAT, at kasama na diyan ang mga batas ng ibang bansa na sumasaklaw sa ibang bansa…ibig sabihin, batas nilang MAY PAKIALAM sa ibang bansa. Nadanasan yan ng Pilipinas mula sa Amerika kung saan nilitis si Marcos, at hindi sa Pilipinas, kaya hanggang sa ibalik ang bangkay ni Marcos ay walang kasong naihain laban sa kanya sa Pilipinas. Paanong kakasuhan ang isang bangkay? Kapabayaan yan ng mga administrasyong humawak sa gobyerno na pumalit sa pinairal na Martial Law ni Marcos. Noong nilitis sa America si Marcos ay first time na gumamit sa korte nila ng “TRO” (temporary restraining order) na palasak o pangkaraniwang ginagamit sa Pilipinas. Pagpapakita lang ito na sa Amerika ay diretso at walang liku-liko, walang delay ang paglilitis kaya mabilis ang paghatol, hindi tulad sa Pilipinas na lahat ng paraan upang magkaroon ng delay ay ginagamit, lalo na ang TRO ay ginagamit….YAN ANG BATAS SA PILIPINAS!

 

Pagbalik ng  demokrasya kuno pagkatapos ng Martial Law, nagkapatung-patong uli ang mga katiwalian dahil sa mga kapabayaan at pagkamakasarili at pagkagahaman ng mga tiwali sa gobyerno na nagkanya-kanya sa pangungurakot. Hindi namalayang nalilimas na pala ang kaban ng bayan at ang droga ay kalat na sa buong bansa. Mahina ang hustisya at naglitawan ang magagaling na abogado kaya mahirap patunayan ang mga kasalanan ng mga tiwali. Ang dahilan?…hangga’t hindi napatunayan sa korte ang kasalanan, inosente ang mga mambabatas, opisyal, at mga empleyadong pinagbibintangan…YAN ANG BATAS!

 

Sa Samar, sa tagal ng panahon ay nagtiis ang mga nasasakupan ni mayor Espinosa at ng kanyang anak na si Kerwin.  Masama man ang loob lalo na ang mga buhay pa na naging biktima at mga kaanak ng mga namatay na mga biktima ay walang magawa kundi manahimik dahil pader ang mababangga nila.  Naglabasan ang mga text ng mapatay ang matandang Espinosa sa loob ng kulungan, at nagsasabing totoo nga na drug lords sila. Pero sa korte ay hindi ito pwedeng gamitin kung hindi magsasalita ang mga testigo mismo. Kung totoo man, ang konsuwelo na lang ay patay na ang isa sa kanila, pero ang isa ay buhay pa at may mga binabayaran pang mga tauhan sa Samar. Kung sasabihin ng detractors na hindi makatarungan ang pagpakatay kay mayor Espinosa na kilalang sangkot sa droga, ang tanong ko: makatarungan ba ang pagpakalat niya ng droga? Samantala, ang buhay na si Kerwin, kung hindi mismo umaming drug lord siya, may magkakalakas-loob bang tumayo laban sa kanya sa korte kung saan siya dapat patunayang guilty?…YAN ANG BATAS!

 

 

Nang mangyari ang kalunus-lunos na Maguindanao Massacre, sa kabila ng pagdagsa ng mga witness sa korte laban sa mga Ampatuan, AYAW pa rin ng huwes na sila ay patawan ng parusa dahil hinihintay pa ang ibang sangkot na HINAHANAP PA UPANG DAKPIN, class suit daw kasi kaya nabinbin ang kaso at inabot ng siyam-siyam.  Ang mga taong nadedehado dahil sa hindi patas na mga batas ay kailangang magsakripisyo at tanggapin ang katotohanang yan, lalo pa at may kasabihan sa Ingles na, “you cannot please everybody”….YAN ANG BATAS!

 

Ang mga nangurakot na mga mambatatas at mga sinasabing involved sa maling paggamit ng pondo nila, sa kabila ng kawing-kawing na ebidensiya ay hindi man lang nakasuhan dahil sa mga “technicalities”.  May nakulong man pero hindi pa convicted ay nangyari dahil sa pulitika. “Technicalities” din ang binabanggit upang maabsuwelto sa kanilang kaso ang  ang mga mayayamang suspek na kayang magbayad ng magagaling na abogado. Ganyan din ang nangyayari sa mga holdaper at drug pusher na may mga financier at protector na dapat ay nagpapatupad ng batas…palaging absuwelto dahil sa “technicalities”… YAN ANG BATAS!

 

Ang “pinsan” ng “technicalities” ay “due process” na palaging binabanggit ng mga human rights advocates dahil NAAAWA sila sa namamatay na mga drug lords at drug addicts na kalaunan ay naging drug pusher…mga asal-hayop na nawalan ng katinuan kaya hindi maituturing na tao. PERO HINDI NAMAN NAMAN NAISIP NG MGA HUMAN RIGHTS ADVOCATES NA ITO ANG  KAPAKANAN NG MGA INOSENTENG BIKTIMA. Nakailang dekada na at ilang presidente na ang sinasabi nilang “due process”…may nangyari ba? Lalo pang lumala ang kriminalidad dahil nagkaroon ng dahilan o palusot ang mga kriminal para sila maabsuwelto. Kung ipipilit naman nila na dapat ay igalang ang “justice system”…ilang dekada na bang nirespeto ito magmula ng kasarinlan ang Pilipinas mula sa America, pero may nangyari ba?…WALA!

 

Ngayon, ang mga detractors ni Duterte ay nagpipilit na siya ang promotor ng extra-judicial killings. Sa mga rally yan ang sigaw. Yan din ang sinasabi ng mga taga-media na bumabatikos sa kanya. Ang hamon ni Duterte…patunayan nila sa korte dahil…. YAN ANG BATAS!

 

Ang “Human Rights” Kuno na Pinaglalaban ng Ilang Pilipino

Ang “Human Rights” Kuno

na Pinaglalaban ng Ilang Pilipino

Ni Apolinario Villalobs

 

Ang “human rights” kung Tagalugin ay “karapatang pangtao”, ibig sabihin ay para sa tao. Sa madaling salita, hindi ito angkop sa mga taong ang ugali ay mala-hayop. Kabilang diyan ang mga rapists, mamatay-tao, holdaper, kidnapper, lalo na mga drug addict na ay pusher pa at mga drug lords. Nawalan sila ng karapatang “makatao” nang gumawa sila ng karumal-dumal na krimen sa kanilang kapwa. Pasalamat sila at kahit papaano ay may batas na nagpo-protekta sa kanila kaya sinasabi ng mga kapanalig nila na dapat ay dalhin sila sa husgado upang patunayan nilang wala silang kasalanan. Ibig sabihin, kahit naaktuhan silang gumawa ng masama kaya pinatay ng nagtanggol sa sarili, ang may kasalanan ay ang nag-self defense pa!

 

Bago umupo si Duterte ay kalat na ang balita tungkol sa “recycled drugs” na pinabebenta sa mga scavengers, driver, at cigarette vendor ng mga tiwaling pulis sa kalye. Ang mga mahuli namang pusher ay napapakawalan dahil sa “technicalities” ayon naman sa mga tiwaling huwes. Yan ang dahilan kung bakit namamayagpag ang krimen sa Pilipinas dahil talagang “bulag” ang hustisya. Pwedeng sabihin ng iba na wala tayong magagawa dahil nasa ilalim tayo ng demokrasya…fine, pero sana naman ay hindi dumating ang panahong ang nagsasabi nito mismo ang maging biktima ng mga kriminal!

 

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga karumal-dumal na nagawa na ng mga kriminal na pilit pinaglalaban ng mga kapanalig nila sa ngalan ng “human rights”:

 

  • Adik na anak, kapag bangag sa droga ay ginagahasa ang nanay na mahigit 60 na ang edad. Pinagpaparausan niya ang nanay kapag nalibugan na sa pinapanood na video. Walang magawa ang nanay dahil baka siya patayin ng anak.
  • Adik na apo ginagahasa ang lola dahil ang tingin niya dito ay tin-edyer kapag siya ay bangag sa droga. Walang magawa ang lola dahil baka daw bugbugin ang apo niya kapag nakulong kung isumbong niya sa pulis.
  • Tatay na adik na nagalit sa sanggol na anak na iyak nang iyak, habang siya ay sumisinghot ng shabu, kaya hinawakan ang mga paa nito at inihampas sa kalsada.
  • Tatay na bangag sa droga, tinakpan ng unan ang mukha ng sanggol na anak dahil tingin niya dito ay tiyanak.
  • Adik, hinubaran ang asawa at pinaglakad sa kalsada nang ayaw siyang bigyan ng perang pambili ng shabu. Ang pinagkikitaan lang ng asawa ay pagbenta ng sigarilyo at kendi sa bangketa at ang adik na asawa ay nangingikl sa mga jeepney driver.
  • Mga adik na high school students, nanggahasa ng batang babae, pinasakan ng sanga ng ang puke, at tinadtad pa ang katawan.
  • Mga anak-mayamang adik, pinagtripang gahasain ang isang hostess at binuhusan pa ng rugby ang puke at tinadtad ng staple wird ang dalawang suso.
  • Mga anak-mayamang adik pinagtripan ang isang salesman na nagda-drive ng van, ginahasa kaya inabot ng ilang stitches ang puwet dahil napunit.
  • Mag-asawang adik na nang mabangag ay masayang nag-camp fire sa loob ng barung-barong kaya ang compound na may iba pang barung-barong ay naabo.
  • Adik na high school student, palaging ginagahasa ang kanyang ate.
  • Mga nanay na adik, binebenta ang mga anak na tin-edyer, babae man o lalaki sa Avenida.
  • Kumare kong nakatira sa Dagat-dagatan (Malabon), pinasok ng adik na kapitbahay ang tinitirhan at sinaksak silang mag-ina. Mula sa likod ay lumusot hanggang sa harap ng kumare ko ang itak na pinangsaksak sa kanya, mabuti na lang sinuwerte pang mabuhay.
  • Adik na bangag sa Quiapo, nilaslas ang dalawang pulso at habang sumisirit ang dugo ay humahalakhak pang pinapakita sa mga tao.
  • Nanay na adik, pinakukunan ng retrato ang anak na sampung taong gulang sa mga kostumer niya sa pagpuputa sa Avenida, habang ang anak ay pilit niyang pinagma-masturbate.
  • Kilalang artistang bangag sa droga, inihian sa set ng shooting ang isang beteranong actor na kasama sa pelikula.
  • etc. etc. etc.

 

Nang mabalita ang resulta ng imbestigasyon ng NBI tungkol sa kamatayan ng nakakatandang Espinosa sa loob ng kulungan at lumabas na “rubout” ang nangyari, maraming text messages ang natanggap ng radio station na nagbalita. Ang mga text ay mula sa mga taga-Samar na nagsabing talagang salot sa buong Samar ang mag-amang Espinosa at nalulungkot sila na maraming hindi nakakaalam ng istorya nila sa Samar. Sa tagal daw ng panahong kontrolado sila ng mag-ama, kalat na kalat ang droga kaya sila yumaman. Dapat nga daw, pati si Kerwin ay patayin na rin.

 

Ang palaging sinasabi ng mga ungas, dapat daw ay  mga drug lords ang habulin upang makasuhan, sa halip na ang mga drug addict at drug pusher. Paanong hulihin at kasuhan ang mga demonyong drug lords na nasa Bilibid na, pero hanggang ngayon ay nakakapagtransaksyon pa ng droga dahil sa iba’t ibang paraan kahit walang cellphone? Kaya nga ang gusto SANA ni de la Rosa na itigil na rin ang dalaw sa mga ito dahil ang mga bisita nila ang binibigyan na nila ng instruction, pero pag ginawa yan, papalag na naman ang “human rights” advocates….at kontrabida na naman siya at si Duterte! At, paanong hindi sawatahin ang mga drug pushers at drug addicts na ang ginawang pagsuko noong kasagsagan ng panawagan sa kanila ay “palabas” lang pala kaya balik na naman sila sa dating ginagawa?

 

Madali para sa iba ang magsalita at pumanig sa mga human rights advocates at mga kriminal dahil hindi sila direktang nabiktima, o di kaya kapamilya o kaibigan man lang nila. Wala rin silang nakita, kundi nabasa lamang sa diyaryo at narinig sa TV o radyo. Kaya para sa kanila ay madaling magsabing dapat bigyan ng pagkakataong “makatao” ang mga kriminal na sumira sa buhay ng mga taong nananahimik. Pwede ba ang mga kriminal na ito sa karapatang pangtao lamang, gayong masahol pa sila sa hayop dahil sa mga ginagawa nila?

 

Ang mga nabanggit na kriminalidad ay nasaksihan ko o sinabi sa akin ng mga kaibigan kong kamag-anak ng mga adik mismo na gumawa ng mga kademonyuhan.