Parking Lot (Isang Etnograpiya tungkol sa Trapiko sa EDSA)

dukhangmanlilikha

Mainit. Masikip. Matagal.

Ilan lamang yan sa mga pang-uri na naglalaro sa aking isipan kapag ako ay sumasakay sa bus. Madalas kong nararanasan ang bagsik ng trapiko kapag uwian na. Aabutin ng tatlo hanggang apat na oras sa pagsakay lamang ng bus mula Makati hanggang Muñoz. Nagmimistulang paradahan pa ng mga sasakyan ang kahabaan ng EDSA lalo na kung naabutan ka ng rush hour.

Talaga nga namang matagal na nating iniinda ang trapiko sa Pilipinas, lalong lalo na sa Kalakhang Maynila. Base sa inilathala ng The Philippine Star, ang bansa ay panglima sa may pinakamalubhang trapiko sa buong mundo (Flores, 2015). Isa lamang ang trapiko sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas. Hindi malayong manatili pa ang ganitong kalagayan dahil sa maraming kadahilanan at mukhang ang mga lansangan sa Kalakhang Maynila ay magmimistulan pa ring parking lot o paradahan ng mga sasakyan.

Sa etnograpiyang ito, hihimayin ko ang mga salik…

View original post 1,339 more words

Of the Sarimanok Costume

Darangen Women Today

             “Given the country’s long history of colonization, its relatively short life as an independent nation and its current economic  and political woes, the Philippines is especially in need of cultural symbols of a proud, strong, authentic, pre-colonial past.”

                                                                                                William Peterson

            Ever since Philippines joined international beauty pageants, our contestants  capture the hearts of  the crowd and become media favorites. Oftentimes, they bring home a crown. Adding to our list of titlists is Megan Young’s recent Miss World crown in 2013. Young enamored the audience with her “Sarimanok costume” and her dancing of the Singkil, both popularly attributed to the Meranaos, the people of the Lake (Lanao). The costume was slit thigh-high, baring her shapely long legs. First, there is really no Sarimanok costume. If you go to Marawi City looking for a Sarimanok, you will definitely find one. It could either be made of brass or wood-carving. It…

View original post 960 more words

Si Jomong…scavenger na may ginintuang puso

SI JOMONG…scavenger na may ginintuang puso

Ni Apolinario Villalobos

 

Una kong nakita si Jomong sa F. Torres mahigit sampung taon na ang nakaraan. Malinis at maayos pa ang kanyang pananamit at ang buhok na hindi pa gaanong mahaba ay nakapungos na. Parang napadayo lang siya noon upang magbenta ng relos at pilak. Madalas din siyang ngumiti noon habang nakikipagtawaran. Subalit makalipas ang ilang taon ay unti-unti na siyang naging madungis, yon pala ay sa bangketa na siya natutulog. At, nitong mga araw ay may kariton na rin siya kung saan ay nakatambak ang mga gamit niyang dala niya saan ma siya pumunta.

 

Nang umagang nagkakape ako sa isang bangketa ay nakita ko si Jomong na tumutulong sa pagbukas ng puwesto ng isang sidewalk vendor. Pagkatapos ay nagwalis siya sa kalsada kaya makalipas lang ang halos isang oras ay malinis na ang bahaging yon ng F. Torres St.

 

Hindi na masyadong nagsasalita si Jomong at halos hindi na rin ngumingiti, pero dahil namumukhaan na niya ako ay malakas ang loob kong tanungin ko siya tungkol sa kanyang pinanggalingan. Nabanggit lang niya ang isang lugar sa Zambales at dahil hindi ko sigurado ang pagbaybay ay hindi ko na lang isusulat. Sa kabila ng katipiran niya sa pagsagot ng mga tanong ko ay nalaman kong wala siyang naiwang pamilya sa probinsiya. Nagbakasakali lang daw siya sa Maynia pero kahit naging palaboy dahil hindi sinuwerte ay hindi na siya bumalik sa probinsiya.

 

Kumikita siya sa pamumulot ng mga kalakal sa basurahan na nabebenta sa junk shop. Ang madalas niyang tulugan ay ang bangketa sa Avenida dahil hindi gaanong istrikto ang mga guwardiya doon. Napansin kong totoo nga dahil tuwing dadaan ako sa madaling araw sa Avenida ay nakikita ko ang mga helera ng mga natutulog na mga “babaeng Avenida” na ang tawag ko ay “mga hamog” dahil para silang dew drops na nakikita sa mga bangketa pagdating ng umaga sa paglipas ng malamig na magdamag.

 

Isang umagang dumaan uli ako sa tinatambayan ni Jomong ay natiyempuhan ko siyang nagpapakain ng isang batang babae na sa tantiya ko ay dalawang taon gulang, anak daw ng babaeng nagtitinda ng “buraot” o junk items sa bangketang yon. Ipinagbilin sa kanya ang bata dahil titingin lang ito sa basurahan ng isang popular na nagtitinda ng sandwich at baka may makitang pwedeng pang-almusal nilang mag-ina. Bumili siya ng pan de sal at kape para sa kanila ng bata mula sa kinita niya sa pagbenta ng kalakal (junks). Bumili na rin ako ng kape ko at ibinili ng Milo at ilang balot ng biscuit ang bata na pwedeng itabi para sa tanghali.

 

Habang nagkakape kami, tinanong ko siya kung may balak pa siyang umuwi sa probinsiya, ang sabi niya ay “oo”…kaya ang sabi ko sa kanya ay may pag-uusapan kami sa susunod naming pagkikita dahil balak ko ring kausapin ang ina ng bata.

 

img8361