Resourcefulness in Cookery

Resourcefulness in Cookery

By Apolinario Villalobos

 

By the time we have grown old, we must have tasted plenty of dishes, some of which we have learned to like and craved to taste again while disdained by others, that we do not even want to imagine them. And, from those exposures, we are supposed to have learned how to prepare what we like best.  Those who are creative enough may have come up with their own based on what they have tasted using occidental and oriental ingredients to come up with a “fusion cuisine”, or just any that are available.

 

Delectability of foods may be enhanced by the color that they assume when cooked, ready for the taking. For this, some people use roots, seeds, and leaves to add color to their dishes, such as Valenciana rice (arroz Valenciana), Java, and Mindanao rice that are colored yellow using turmeric root or powder. The adobo in some regions of the Philippines is colored red due to “achuete” (istiwitis in Ilonggo). The beef curry of the Tausugs is dark-colored akin to “dinuguan”, due to the milk of the coconut meat “burnt” by roasting before it is shredded.

 

Another come-on of the dish is its aroma that tickles the palate. Herbs and spices are employed in this regard. Pasta dishes, especially, spaghetti becomes more scrumptious if sprinkled with sparsely and thyme, or oregano. Herbs hide and preserve meat…this is the reason why the spices of the orient were so longed-for by Europeans during the time when Spain, Holland, England, and Portugal dominated the maritime exploration of the vast oceans in their search for the “spice islands” in the East.

 

Then, there’s the presentation of the dish. High-end restaurants, in trying to have an exotic ambience, serve food on coconut shells, banana leaves, iron dish for sizzling preparations, earthen pot, etc. The way, even the simple steamed rice as the center piece of the dining is presented counts a lot, too. Roasted suckling pig served on the dining table is always with an apple or orange in its gaping mouth, and the whole glistening roasted carcass is surrounded with other fruits and greens.

 

But my most memorable fried rice was served in a coffee mug. It was simply cooked with small bits of carrots, onion, roasted garlic and an added flavor which could be the secret of my host..  It was served to me by Tiya Prax Lapuz, wife of Tiyo Mending Lapuz, pioneer settlers of Tacurong. Despite my having just taken breakfast when I visited them for an interview on their experiences as they embarked on a journey from Luzon to Cotabato, I delightedly finished the fried rice to the last morsel downed with a cup of coffee.

 

As a race known for innovation, we should come up with more dishes based on locally available ingredients. We should not look down to our herbs and spices. Our vegetables can compare well with the imported, and with that, regional dishes can be “fused” with twists, and which can then, be served during special occasions. We should not be limited to spaghetti topped with ground meat and canned tomato sauce or pancit.

 

Mga Problema ng Nagpapaupa ng Tirahan at ng mga Nangungupahan

MGA PROBLEMA NG NAGPAPAUPA NG TIRAHAN,

AT NG MGA NANGUNGUPAHAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang problema ng mga nagpapaupa ay ang mga propesyonal na mandurugas na nangungupahan na ang style ay pagpalipat-lipat ng mga tirahan kung wala nang pambayad. Sa simula ay advance pa kunwari sa pagbayad pero pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan ay delayed na haggang tuluyang hindi na magbayad dahil wala daw pera, pero kaya namang bumili ng mga mamahaling gadget at palagi pang nagpapainom sa bahay. Kapag malaki na ang naipong utang at pinaalalahanan ng may-ari, sila pa ang galit, at sila pa rin ang unang nagrereklamo sa barangay dahil hina-harass daw.

 

Ang iba namang may-ari ng bahay, apartment o kuwarto na pinauupahan ay hindi man lang tini-check ang background ng gustong umupa. Hindi man lang inaalam kung saang barangay galing, at maski tadtad na ng tattoo ang katawan, may mga hikaw pati ilong at bibig, okey lang. Magugulat na lang ang gahamang may-ari kapag may kumatok nang pulis sa pinto ng nangungupahang drug pusher pala! May isa namang nagpaupa na dahil impress sa kotse at ayos ng mga titira, lalo pa at nagbigay agad ng down payment at ilang buwang advance ay hindi na nagtanong pa tungkol sa uri ng trabaho nila. Ilang buwang makalipas ay hinuli ang mga nangungupahan sa isang grocery sa bukana ng subdivision – mga holdaper pala! Yong isa namang may-ari ng apartment ay tinanggap agad ang mga nag-apply, at hindi pa rin nagduda kahit puro lalaki ang nagdatingan na ang dala ay mga backpack lang, walang gamit pangbahay, pero maraming sasakyang ginagamit. Hindi kalaunan, ni-raid ang apartment dahil ang mga nangupahan pala ay isang grupo ng kilala at notorious na holdaper, ang “Kuratong Baleleng”.

 

Ang iba naman ay tinatarantado ang kubeta ng  inuupahan dahil bago sila umalis ay sinasalaksakan nila ang inudoro ng kung anu-anong bagay upang maging barado na! Ang iba naman ay kinakalikot ang electrical wirings upang magkaroon ng short circuit. Meron pang nagbabawas o nagluluwag ng besagra ng mga pinto, kaya ilang bukas-sarado lang bigla na lang silang matatanggal. Kapag ganito ang nangyayari, kawawa ang landlord lalo pa kung ito ay retirado at ang inaasahang pambili ng gamot ay ang upa.

 

Hindi naman lahat ng nangungupahan ay mandurugas o may bisyo. Ang karamihan ay disente lalo na yong may  maayos ang trabaho. Meron ngang tumatagal ng hanggang nagka-apo na. Ang problema naman nila ay ang switik na may-ari ng inuupahan nila pagdating sa singil sa kuryente at tubig na “common” o batay lang sa isang metro. Mataas ang singil ng mga switik na ito sa mga tenants upang silang may-ari ay makalibre na. Kapag umalis naman ang mga nangupahan, hindi binabalik ng ilang landlord ang deposito kahit walang nasirang bagay sa inupahan. Upang hindi maibalik ay kung anu-anong dahilan ang sinasabi ng mga switik na landlord sa mabait na tenant upang hindi na mabawi ang deposito. Kadalasan din ay pinapangakuan ang mga umalis na tenants na bumalik pero wala namang nangyayari hanggang tamarin na lang sila at upang hindi na magkagastos sa pamasahe.

 

May isang switik na landlord akong alam na na-karma kaya ngayon ay tadtad ng sakit ang katawan, lalo na ng psoriasis, isang sakit sa balat kaya iniiwasan siya. Ang isa namang “propesyonal” na mandurugas na tenant na isa palang drug pusher at nagpapagamit ng inuupahan bilang “drug den” ay nadale sa operasyon “tokhang”.