May Galit din ako kay Marcos, pero Hindi Hangal para Maki-ingay sa mga Laban sa Libing Niya

MAY GALIT DIN AKO KAY MARCOS PERO HINDI HANGAL

PARA MAKI-INGAY SA MGA LABAN SA LIBING NIYA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Muntik na akong mapahamak dahil sa lintek na Martial Law….

 

Nang ideklara ang Martial Law ay nasa fourth year college na ako. Tahimik ang bayan namin subalit biglang may dumating na mga “MISG” at tumira sa bahay ng Guillermo family na malapit sa eskwelahan namin. Isang araw makalipas ideklara ang Martial Law ay pinatawag ng namayapang mayor Jose Escribano ang lahat ng mga estudyanteng nasa kolehiyo sa plaza upang mapaliwanagan niya tungkol sa ginawa ni Marcos. Ang mga estudyante ay hindi kuntento sa mga paliwanag. Nang magtanong si Escribano kung sino ang gustong magsalita, mistulang itinulak ako ng mga classmate at ilang teacher ko sa stage kaya napilitan akong harapin ang mayor.

 

Habang nagsasalita ako laban sa Martial Law ay narinig ko ang sinabi ng close-in bodyguard ni Escribano sa kanya na, “ti ano mayor, ako na bahala sa iya?” (so, mayor, will you let me do something to him?)…na ang tinutukoy ay ako. Subalit narinig ko rin ang sagot ni Escribano na, “indi, kay kilala ko ang pamilya sina” (no, because I know his family) Vice-mayor kasi ang tiyuhin ko at ang bahay namin ay nasa tapat lang ng plaza kung saan ay may pinagawang “resort” si Escribano at doon na siya nag-opisina. Ganoon pa man, ilang sandali lang ay may mga putok nang sunud-sunod na nagmula sa di-kalayuang highway. Nag-black out ako, pero naramdaman kong parang may humila sa akin mula sa stage at nang nagkaroon ako ng hinahon ay nakita kong nagtatakbuhan ang mga estudyante. Nawala ang kapares ng sapatos na hiniram ko lang sa kuya ko. At ang lalong masakit, ay ako pa ang sinisi ng ilang teachers ko kaya daw nagkagulo at nag-alala silang baka biglang isara ang eskwelahan namin. Sa inis ko, ang dalawa sa kanila ay hinarap ko at sinumbatan din dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako napaakyat sa stage. Mula noon kasi, ay palagi nang may nakikitang “MISG” sa gate ng eskwelahan namin at halatang sinusundan ako sa gabi hanggang makauwi ako sa bahay pagkatapos kong ihatid ang isang kaibigan.

 

Tatlong araw makalipas ang pangyayari sa plaza, may lumapit sa aking kaibigan at nagsabi na may isang “Carmen Plana (Planas ?)” daw na “stranded” sa kumbento ng mga madre. Hindi ko siya kilala at bandang huli ko na lang nalaman na anti-Marcos pala siya. Bago ideklara ang Martial Law ay nag-iikot na pala siya sa General Santos, Koronadal at ang huli sana ay ang bayan namin subalit inabot siya ng pagdeklara nito. Humihingi daw ito ng tulong para “malusutan” ang checkpoint papuntang General Santos at kailangan pa ng sasakyan. May napakiusapan naman akong may-ari ng sasakyan na iminaneho ng kaibigan ko. Ang commander ng 12 Infantry Battalion (12IB) na nakatalaga sa amin ay kilala ko at namumukhaan din ako ng karamihan sa mga sundalo. Ginawan ko kasi sila ng isang kanta na ang title ay, “Ballad of the 12IB” dahil sa pakikisama ko sa kanila.  Nang panahon yon ay working student ako at nagtatrabaho sa DSW. Ang mga sundalo ng 12IB ang escort namin tuwing maghahatid kami ng relief goods sa mga lugar na may mga enkwentro sa pagitan ng “Ilaga” at “Black Shirts”.

 

Hindi na kami ininspeksyun nang dumaan sa checkpoint kaya hindi nila nakita kung sino ang mga nasa loob ng sasakyan. Nang dumating kami sa General Santos ay idineretso namin si Carmen sa isang address na sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos namin siyang ihatid sa General Santos.

 

Nang makatapos ako ng kolehiyo ay napasok ako sa PAL at na-assign sa Tablas station (Romblon) pero hindi naman tumagal doon at na-assign sa Tours and Promotions Office sa Manila. Kainitan noon ng mga protestang madugo laban kay Marcos. Ang hindi alam sa opisina at mga kasama ko sa boarding house sa Baclaran ay sumasama ako sa mga martsa mula US embassy hanggang Mendiola, kung day off ko. Ang nasasamahan kong mga grupo ay panggabi dahil iba naman ang grupong pang-umaga. Magulo ang martsa dahil lahat ng mga poste ng ilaw na madaanan ay niyuyugyog at ang mga plant boxes sa tabi ng mga bangketa ay hinahataw kaya ang mga maninipis ay talagang durog. Sinasabayan ang martsa ng mga sigaw. Nakagawa pa ako ng dalawang “Makabayan songs” na kinakanta ng maliit na grupong dinikitan ko. Subalit nang malaman kong ang nagpapagalaw pala sa mga nagra-rally ay mga komunista, kumalas na ako…hindi na sumama. Lalo pa akong nadismaya nang malaman ko na ang union ng ground employees ng PAL, ang Philippine Airlines Employees Association (PALEA) ay na-infiltrate na rin daw kaya nahahatak sa mga rally na ino-organize ng mga “pulahan”….bandang huli ay nahati ang union kaya nagkaroon ng gulo sa pamamalakad.

 

Ayaw ko sanang ilabas ang impormasyong ito,  pero gusto ko lang ipabatid na hindi ako ignorante sa mga pangyayaring may kinalaman sa Martial Law, at mabuti na lang dahil ako ay  nahimasmasan agad…kung hindi ay baka na-erase na ako sa magulong mundong ito! Ang mga nagra-rally laban sa pagpapalibing LANG sa isang bangkay, alam kaya ang ginagawa nila?.. o gusto lang nilang makita sa TV at diyaryo ang mga mukha nila!

 

Ngayon, hindi ako hangal upang harangan ang pagpapalibing sa isang patay na nang kung ilang napakaraming taon…PARA ANO PA?

 

Ang pinakahangal na balak ay ang paghain ng isang kongresista ng panukala niya sa korte upang makalkal ang pinaglibingan ni Marcos at mailabas ang bangkay niya sa sementeryong nakakainis nang banggitin ang pangalan dahil nasalaula nang paglibingan din ng isang aso! Kahit sa isip lang, ang balak na paghukay ng libing ng patay, ang sa palagay ko ay PINAKA-NAKAKARIMARIM at SUKDULAN sa PAGKAMALA-DEMONYO…DAHIL MALINAW NA HINDI MAKA-KRISTIYANO! WALA PA AKONG NALAMANG BANGKAY NA HINUKAY SA LIBINGAN DAHIL LANG SA PUTANG INANG PRINSIPYO NA DISINTUNADO!

 

 

Ang “Purpose in Life”, si Marcos, ang Martial Law, at si Duterte

ANG “PURPOSE IN LIFE”, SI MARCOS,

ANG MARTIAL LAW, AT SI DUTERTE

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa mga nakiki-uso, siguradong alam nila ang sinasabing best seller na librong may pamagat na “Purpose in Life”. Tulad ng sinabi ko sa isang blog na hindi ko man nabasa ang librong yan, alam kong ang mga nilalaman ay tungkol sa mga papel natin dito sa mundo, dahil pinapahiwatig na ng titulo. Simple lang naman ang ibig kong sabihin….ang layunin ng Diyos kay Ferdinand Marcos ay maging diktador ito at magkaroon ng Martial Law sa Pilipinas upang gumising tayong mga Pilipino, subalit dahil sa SOBRANG katigasan ng ulo natin ay hindi pa rin tayo natuto. Nagkaroon ng NAPAKARAMING PAGKAKATAON upang tayo ay magbago pero halal pa rin tayo nang halal ng mga tiwali sa puwesto na kung hindi kurakot ay pabaya sa trabaho…kasama na diyan ang lahat ng mga presidente na pumalit kay Marcos kaya namana ni presidente Duterte ang sanlaksang problema nang siya ay maupo. Ganitong-ganito ang style na ginawa ng Diyos ng mga Israelitas noong panahon ng Bibliya, kung kaylan, basta gusto niyang parusahan ang mga ito ay gumagamit Siya ng mga pagano upang sila ay lusubin, pagpapatayin, at alipinin.

 

Ang “purpose in life” ni Duterte na ibinigay ng Diyos sa ganang akin, ay upang gisingin uli ang mga Pilipino, subalit dahil sagad sa buto ang katigasan ng Pilipino, sa halip na makipagtulungan, pati ang mga tauhan ng simbahang Katoliko ay nagpapagamit sa mga gustong magpabagsak sa kanya. Ang isang halimbawa ng dapat sana ay nagbukas ng kanilang mga mata ay ang pag-amin ni de Lima na nakipagkangkangan siya sa dati niyang driver na si Dayan. Hindi lang sampal ang inabot ng mga pari, madre, estudyante at iba pang supporter ni de Lima, kundi boldyak at tadyak  pa!

 

Ngayon, sa issue naman ng pagpapalibing sa isang bangkay sa sementeryo na pinaglibingan din daw ng aso ni Cory ay nag-iingay sila! Anong kasagraduhan ang sinasabi nila tungkol sa sementeryong yan na pinaglibingan ng isang hayop na sinasabi na lang na naging “sundalo” din daw upang makalusot ang mga hangal na sipsip na nagsulsol kay Cory na doon ilibing ang aso niya? At, anong “libingan ng mga bayani” ang sinasabi nila ganoong malinaw sa talaan ng Kongreso na ang talagang “Libingan ng Mga Bayani” ay nasa Quezon City!

 

AYON KAY SENADOR GORDON ANG TUNAY NA PANGALAN NG SEMENTERYONG MAY NAKAKABIT NA “BAYANI” AY “REPUBLIC MEMORIAL CEMETERY”. Kaya ang malinaw ngayon ay gusto lang talagang mambulabog ng mga nagra-rally sa mga proyekto ng bagong administrasyon. Ang masama pa, nandamay pa ang mga leftist na organizers ng mga estudyanteng walang kaalam-alam tungkol sa isyu ng Martial Law…kaya para lang siguro maka-experience ng pagsisigaw sa kalye ay sumama na rin. Ang hindi nila naliwanagan ay ang katotohanang PATAY na ang taong kinakalaban nila, subalit ang mga PWEDE pang kasuhan na buhay ay NANDIYAN PA!…subalit hindi ginagawa ng mga grupong nagmamaang-maangan na makabayan kuno.

 

Sa isang banda, ang “purpose in life” ng mga nagra-rally na mga grupong hilong- talilong na yata sa mga isyu ay upang mahantad sa buong sambayanang Pilipino na sila pala ay talagang walang silbi at magaling lang sa panggugulo. Kaya ituloy lang nila ang panggugulo nila na lalo lang nagdidiin sa kanila!…mabuti nga upang lalong magalit ang taong bayan sa kanila.

 

Galit din ako kay Marcos pero nagbago ang pananaw ko makalipas ang napakaraming taon na desperasyon dahil sa kawalang aksiyon ng mga pumalit sa kanya. Kaya naisip ko, ano pa ang silbi kung mag-iingay man ako upang ilabas ang himutok ko, dahil mismo ngang pamilyang Aquino ay tanggap na ang lahat ng pangyayari sa kanilang buhay kaya hindi na sila kumibo nang animo ay pagapang na bumalik sa Pilipinas ang pamilya Marcos.  At, isa pa, kahit papaano ay may ginawang kitang-kita ang mga Marcos tulad ng Cultural Center Complex, pagpaayos at pagpalaki ng PGH, ang matibay na LRT, mga dalubhasaang ospital tulad ng Kidney Institute, Philippine Heart Center, atbp. Kung sasabihin ng mga pulitiko na may kapalit ang mga ginawa nila ng limpak-limpak na salaping nakurakot kuno…ang tanong ko sa kanila, sinong presidente ang hindi man lang INDIRECT RESPONSIBLE sa pangungurakot ng mga opisyal sa ilalim ng administrasyon nila?…hindi pwedeng maghugas ng kamay maski si Cory at anak niyang si Pnoy dahil sa tinatawag na COMMAND RESPONSIBILITY. Sa ngayon, ni hindi nga mamintina ang mga pasilidad ng gobyerno, lalo na ang hinayupak na MRT!

 

Ang pagtuwid ng kasaysayan ng Pilipinas na binaluktot ni Marcos ay pwedeng ituwid at hindi kailangan ang  mga rally para diyan. Isang batas lang ay pwede na at mga taong mapapagkatiwalaang magpapatupad….silang  mga nakatalaga sa mga ahensiya na may kinalaman sa isyung ito. Dapat tumigil na ang mga nagpapapansing mga grupo para lang masabing sila ay makabayan KUNO!…nice try, anyway!

 

 

Ang Nagpakabayani sa Rehimeng Marcos at mga Panggulong Sulsol Ngayon

ANG MGA NAGPAKABAYANI SA REHIMENG MARCOS

AT MGA PANGGULONG SULSOL NGAYON

Ni Apolinario Villalobos

 

Alam ng mga namatay, pinahirapan at nawala noong panahon ng Martial Law ang kahihinatnan nila sa pagsagupa kay Marcos. Hindi naman sila mga attack dogs na basta na lang mangangagat dahil inutusan ng amo nila. Ang mga nakipaglaban kay Marcos noon ay may matatag na adhikain na ang katumbas ay kamatayan nila kaya noon pa man ay tanggap na nila ang magiging kahihinatnan nila. Kung hindi nila tanggap dapat ay tumiwalag na sila sa grupo nila nang maramdaman mainit na sila sa pamahalaan, pero hindi….bagkus ay nagpatuloy sila kahit pa siguro tutol ang mga magulang nila. Nangyari nga ang pinangangambahang kamatayan at pagkawala nila. Nang mawala si Marcos sa Pilipinas walang ginawang aksiyon ang mga pumalit na presidente upang mapanagot ang mga sangkot na ang iba ay nagpalit lang ng kulay kaya may puwestong matataas pa sa gobyerno tulad ni Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile….bukod sa mga heneral.

 

Masuwerte ang mga buhay at pinakawalan mula sa kulungan. Ang paglaya naman ng mga naiwang political detainees ay pinaglalaban hanggang ngayon…AT, ANG ISYUNG YAN DAPAT NA PAGTUUNAN NG PANSIN NG MGA NAGSISISIGAW SA MGA KALYE AT HARAP NG US EMBASSY, HINDI ANG ISYU SA PAGKALIBING NI MARCOS SA ISANG SEMENTERYO.

 

HINDI RIN DAPAT NA ISINISIGAW PA NILA ANG ISYU NG MGA NAMATAY NA O DI KAYA AY NAWALA. ANG DAPAT NILANG GAWIN TUNGKOL SA MGA KASAMA NILANG YAN AY MAG-RESEARCH KUNG SINO SILA – PANGALAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN AT ESKWELAHANG PINASUKAN. IBIGAY ANG LISTAHAN SA KAALYADO NILA SA KONGRESO AT SENADO AT HIKAYATIN ANG MGA ITO NA GUMAWA NG PANUKALA NA MAG-DEKLARA SA MGA NAMATAY AT NAWALA BILANG, “MGA BAYANI SA PANAHON NG MARTIAL LAW”. SA PAMAMAGITAN NIYAN, MAITATALA ANG MGA PANGALAN NILA SA LAHAT NG MGA AKLAT SA BANSA TUNGKOL SA MARTIAL LAW. PWEDE DING MAGLAGAY NG MARKER NA MAY MGA PANGALAN SA MGA ESKWELAHAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN NILA.

 

Siguradong may pera ang mga organisasyong maka-kaliwa o pulahan na panggastos sa suggestion ko. Huwag nilang ibulsa ang mga “donasyon”. Kung hindi nila magagawa, ang kalalabasan nila ay talagang malinaw na “TAGA-PANGGULO” lamang kahit sino pa ang presidente….ang tawag diyan ay “SULSULERO”. Kung ihambing sila sa kulisap, para silang kuto o kuyumad sa ulo o hanep sa balat na nagsasanhi ng kati kaya nakakainis!

 

Ang isa pang Dapat Gawin ng mga Pasaway na Nagra-rally

ANG ISA PANG DAPAT GAWIN NG MGA

PASAWAY NA NAGRA-RALLY

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa halip na sa harap ng US embassy o mag-martsa sa kalye ang mga pasaway na raleyista na karamihan ay hinatak lang mula kung saan, dapat sa harap ng kongreso, senado, Office of the Ombudsman, at Department of Justice nila gawin ang mga protesta at ang mga placard nila ay may nakasulat na pangalan ng mga corrupt na ibinoto ng tao. Kung matatandaan, maraming nasa senado pa ngayon ang dapat ay sinampahan ng kasong plunder ng Ombudsman at Department of Justice noong panahon ni de Lima. Marami ang nagtaka kung bakit hindi itinuloy kahit hanggang “first base” man lang ang mga kaso para sa mga susunod pang batch kung saan ay kasama ang pangalan ng ilang senador at mga kongresista.

 

Dapat kulitin ng mga raleyista ang kasalukuyang Department of Justice at Ombudsman para maipagpatuloy ang mga kaso. Ang nakakasuka pa ay ang pagsama sa mga pasaway na raleyista ng mga napangalanang may mga kaso. Ang mga hudiputang mga opisyal ay nagmamalinis at nagpapakita sa taong bayan ng pagkakaroon nila ng “konsiyensiya” kuno  laban sa Martial Law, yon pala, pinalipas lang ito, dahil nang sila na ang umupo ay nangurakot din!

 

Siguradong kinakabahan ang mga nagmamalinis na mga opisyal sa mga susunod na gagawin ni Duterte dahil nakasalang na ang balak na pagkalkal sa mga nabinbing mga kaso laban sa nangurakot na ang sukdulan ay sa kapanahunan ni Pnoy Aquino.

 

 

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit by Melvyn Avancena Aradanas

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit
By: Melvyn Avanceña Aradanas

 

Mabuti pa si Celia Laurel at naiintindihan na karapatdapat si Marcos na mailibing sa LNMB.

Sa mga di pa nakakaalam, dadalawa lamang ang dahilan upang ma-disqualify ang isang tao upang mailibing sa nasabing Libingan.

 

Una, kung ito ay natanggal sa serbisyo sa pamamagitan ng “dishonorably discharged”.

Pangalawa, kung ito ay nasentensiyahan with finality sa isang krimeng patungkol sa moral torpitude.

Sa dalawang nasabing disqualification, si Marcos ay hindi dishonorably discharged at lalong hindi nasentensiyahan ng korte “for committing a crime involving moral torpitude”.

 

Kung bubuksan at palalawakin lamang nitong mga di sumasang-ayon sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB ang kani-kanilang isip at pag-intindi, napakaliwanag na naayon sa regulasyon ng Libingan ang nasabing pagpapalibing.

 

At tama rin naman ang Korte Suprema sa pagpapasyang hindi inabuso ni Pangulong Duterte ang kanyang diskresyon sa pagsangayon sa pagpapalibing.

 

Maintindihan sana ng marami na wala sa Korte Suprema o alin mang korte, ang jurisdiction upang payagan o hindi ang pagpapalibing kay Marcos o kaninuman sa nasabing LNMB, na ayon sa history nito ay pinalitan ang pangalan nito sa panunungkulan ni dating Pangulong Magsaysay. Pero ito ay maari nating pag-usapan sa susunod mating artikulo.

 

Sa reklamo naman na umano ay palihim (stealthily/secret ayon sa iba), na pagpapalibing, karapatan ng pamilyang Marcos ang pagpapasya kung kelan ito gagawin at wala silang obligasyon kaninuman upang magpaalam pa.

 

Ang lagi pa nga nating tanong tuwing ating napagaalaman na merong namatay na kakilala ay, ” Kelan ang libing?”, “Meron pa bang hinihintay na kamaganak galing abroad?”.

Never tayong nagdidikta sa pamilya ng namatay kung kelan nila dapat ilibing.

 

Hindi rin naman tayo umaasa at naghihintay ng imbitasyon upang makipaglibing.

Bakit ngayon kay Marcos ay nànggagaliiti itong mga tulad nina Leni, Kiko, Riza at iba pa nuong ipalibing na si Marcos gayung matagal nang nailabas ang pasya ng Korte Suprema?

 

Nakisali pa ang marami sa pagprotesta na lingid sa kaalaman ng marami na ang dahilan ng masidhing galit ng mga rally organizers ay nabigla sila samantalang di pa nila naisasaayos ang pangangalap ng mga tao at di pa natatapos ang placards at tarpauline para sa binabalak nilang kilos protesta.

 

Kung sana ang bawat isa sa atin ay maging màpagmatyag, himayin ang mga issue at sikapin at isipin ang kapakanan ng mas nakakarami bago pa man makilahok sa anumang mga pagkilos, mas higit na magiging maayos, tahimik at progresibo itong ating bayan.

 

Nawa’y magsilbing paalala sa bawat isa ang mga salita ni Rev. Martin Luther King, Jr. na ” we must learn to live together as brothers or perish together as fools”.

Mabuti pa talaga si Celia.

 

 

Nang Sumaya at Mapaluha si “Mamang” dahil sa Electric Organ na Second Hand

NANG SUMAYA AT MAPALUHA SI “MAMANG”

DAHIL SA ELECTRIC ORGAN NA SECOND HAND

Ni Apolinario Villalobos

 

Nai-blog ko na noon si “Mamang” na ang tunay na pangalan ay Erlando Almaez Ayuste. Tulad ng sinabi ko noon sa blog, nag-iisa sa buhay si Mamang at ang pinagkikitaan ay ang paggawa ng mga alahas na beads at pagtinda ng kape sa bangketa ng F. Torres St., sa Sta. Cruz district ng Manila. Nakakalibre siya ng tirahan dahil siya ang pinangasiwa ng may-ari ng tinitirhan niyang lumang commercial/residential building. Kasama sa responsibilidad niya ay ang paglinis dito. Sa labas lang ng pinto ng building nagpupuwesto si Mamang gamit ang isang lumang maliit na mesang pinapatungan niya ng mga tasa para sa tinitindang kape at mga materyales sa paggawa ng bead jewelries. Ang dinidispleyhan ng ilan lamang sa mga nagawa niyang alahas ay ang poste kung saan nakasabit ang mga ito, pero kung may gustong tumingin ng iba pa ay saka niya nilalabas upang mapagpilian. Mura ang benta niya ng mga alahas at madalas ding wala siyang benta kaya ang inaasahan niya ay ang kape.

 

Natutong tumepa ng teklado ng piyano si Mamang sa pamamagitan ng pagmasid sa piyanista ng simbahan ng Sta. Cruz church. May organ siya noon subalit nasira ng baha, kaya mula noon ay hanggang pangarap na lang ang kanyang ginagawa tuwing makita niya ang mga musical scores na naipon niya. Tuwing mag-usap kami ay palagi niyang nababanggit ang masasayang araw niya noong may organ pa siya.

 

Noong November 11, nang pasyalan ko siya ay masaya niyang ibinalitang magbi-bertdey siya at aabot na siya sa gulang na 80 taon, subalit naging matamlay uli nang banggitin niya ang organ. At, dahil sa desperasyon ay nasabi niya na gusto niyang sumulat kay presidente Duterte upang humingi ng tulong sa pagkaroon ng organ. Muntik na akong mabilaukan ng kape sa sinabi niya, pero dahil nakita kong seryoso talaga siya ay nangako akong ako na ang gagawa ng sulat niya at sisiguraduhin kong makabagbag-damdamin. Talagang bilib siya sa pagka-mahirap ni presidente Duterte kaya may pagka-inosente na pati ang pangarap niyang organ ay gusto niyang ilapit dito. Hanggang sa umuwi ako ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Mamang dahil awang-awa ako sa kanya, lalo pa at simple lang ang pinapangarap upang sumaya siya kahit nag-iisa sa buhay at hindi na rin siya tatagal sa mundo.

 

Nang banggitin ko isang umaga, sa isang kaibigan ang tungkol kay Mamang sabay tanong kung may kakilala siyang nagbebenta ng pinagsawaang organ ay nabanggit niya ang ginagamit niyang may kaunting diperensiya – biyak sa isang kanto at isang teklado sa bandang “itaas” o isa sa higher notes na  hindi tumutunog. Sa sobrang tuwa ko ay sinabi kong pwede na, kahit hindi pa niya sinasabi kung ibebenta niya ito at kung magkano. Lalo akong natuwa nang pumayag siya kahit wala pa kaming napag-usapang presyo. Isinama ako ng kaibigan ko sa loob ng bahay at tinesting ang organ na buo nga.

 

Nang hapong yon ay binalikan ko si Mamang at pinangakuang  ihahatid ko ang organ kinabukasan, Sabado ng madaling araw, bandang alas singko. Naisip ko yon upang makaiwas sa trapik mula sa Cavite, at ang pinakamahirap ay ang paghagilap ng malaking taksi na dapat ay ang modelong “Avanza” dahil hindi ko na tinanggal ang pagkakabit ng mga bahagi o ini-dismantle.

 

Kinabukasan, alas dos pa lang ng madaling araw ay gumising na ako upang maghanda, pero tiyempo namang umulan subalit naging ambon na lamang bandang alas kuwatro, kaya nakapag-abang ako ng taksi sa highway at dahil madalang, ay inabot ako ng lampas alas kuwatro bago nakakuha. Sa madaling salita ay nakarating ako kay Mamang pasado alas singko na. Kahit umaambon ay napansin kong nagpapakulo siya ng tubig sa lutuan niyang ginagamitan ng gaas (kerosene) sa bangketa para sa ibebentang kape. Alas kuwatro pa lang pala ng madaling araw ay inabangan na niya ako, kaya mabuti na lang at natuloy ang paghatid ko ng organ.

 

Maluha-luha pero tuwang-tuwa si Mamang habang hinihimas ang organ. Ayaw ko sanang gawin dahil sa pangakong hindi ko kukunan ng retrato ang mga nababahaginan ng biyaya, subalit naalala kong nabigyan ko pala siya ng printed copy ng unang blog ko sa kanya at nandoon ang tunay kong pangalan, kaya itinuloy ko na lang ang pagkodak sa kanyang nakatayo sa likod ng organ dahil nang madaling araw na yon ay naka-shorts lang siya. Masaya kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga unang tutugtugin niyang piyesa. Next na project ko sa kanya ay ang paghagilap ng mga piyesa upang maipandagdag sa collection niya.

 

Ang nakakatuwa kay Mamang ay hindi niya alintana ang pagiging otsenta anyos na niya dahil hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin siya sa simbahan bilang miyembro ng Sta. Cruz Church Choir.

 

(Huwag sanang isipin ng mga nakakabasa nito na mayaman ako dahil nagagawan naman ng paraan kung paanong ang biyayang tulad ng pinangarap ni Mamang ay matatamo….maraming paraan.)

1-mamang

 

 

Inupuan ng mga Presidente ang mga Isyu Laban kay Marcos

INUPUAN NG MGA PRESIDENTE

ANG MGA ISYU LABAN KAY MARCOS

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang palitan ni Cory Aquino si Ferdinand Marcos bilang presidente, ang nahirang na mamuno sa Philippine Commission on Good Government (PCGG) ay si Jovito R. Salonga. Pero sa librong isinulat niya na, “Presidential Plunder (The Quest for Marcos Ill-gotten Wealth)”, nakasaad doon

ang orihinal na pakay ng PCGG na para sa pangkalahatang pagbago tungo sa kabutihan ng pamahalaan. Nang aminin ni Salonga na hindi niya kaya ang responsibilidad, niliitan ang masasakop ng PCGG sa pagbawi na lamang ng nakaw na yaman. Sa kabila ng desisyong iyan ay hindi pinalitan ang pangalan ng komisyon na dapat sana ay limitado na ang tinutukoy sa ill-gotten wealth. Ito ay isang indikasyon na sa panahong yon ay walang direksyon ang administrasyon ni Cory Aquino, lalo pa at nakasaad din sa libro na bandang huli ay nahirapan na si Salonga na makipag-usap sa kanya dahil napaligiran na ito ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak na unti-unting nagsulputan. Ang iba ay dating maka-Marcos na nagpalit lang ng kulay na animo ay mga hunyango. Resulta: hanggang sa bumaba si Cory ay walang nangyari sa magaganda sanang plano ni Salonga.

 

Noong panahon pa rin ni Cory ay halos wala ring nangyari sa mga reklamo laban sa mga opisyal at taga-military na nagmalupit sa mga estudyante at iba pang mga anti-Marcos na mga Pilipino…na ang iba ay hindi malaman kung patay na o buhay pa dahil basta na lang naglaho. Ang mga grupong sumuporta kay Aquino sa pagpatalsik kay Marcos ay animo “natulog” dahil walang narinig mula sa kanila, kahit hanggang sa panahong bumalik sa Pilipinas ang pamilya Marcos, hanggang pati ang bangkay ng dating diktador ay naiuwi sa Ilocos. Unti-unting bumalik sa pulitika ang mga Marcos – lahat sila, maliban kay Irene na walang hilig sa pulitika. Sa kabila niyan ay walang ginawang pag-iingay ang mga grupong anti-Marcos dahil ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang walang kamatayang anti-US rallies.

 

Nang pumalit ang iba pang presidente ay matamlay ang aksyon tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa Martial Law lalo na ang pagbawi ng ill-gotten wealth. Nang maging presidente si Pnoy Aquino, lalong walang nangyari. Ang mga rally ng mga anti-Marcos kahit walang kadahi-dahilan ay ginagawa pa rin ng mga maka-kaliwa sa harap ng US embassy, sa halip na magsampa ng mga kaso laban sa mga Marcos. Nang pumutok ang balitang natatalo na ang Pilipinas sa isyu ng ill-gotten wealth….wala pa rin silang ginawa. Nang magalit si Imelda Marcos dahil nakita niyang suot ng isang asawa ng isang government official ang mga alahas niya na dapat sana ay nasa pangangalaga ng Central Bank…wala ring ginawa ang mga leftist groups na ito. Nang magsalita si Imelda Marcos tungkol sa ill-gotten wealth na nagkamali daw ang gobyerno dahil hindi siya kinakausap upang mapag-usapan ang isyu….wala ring ginawa ang mga anti-Marcos.

 

Subalit sa isyung paglibing ng isang sundalo na naging presidente sa isang sementeryo na nagkaroon lang ng katagang “bayani” ay umalma ang mga grupong makabayan kuno. Napakalinaw naman ang mga dahilang naging sundalo at presidente si Marcos kaya may karapatan itong malibing sa sementeryong tinutukoy, subalit ayaw nilang tanggapin, dahil gusto na naman yata nilang magpa-istaring dahil sa tagal ng panahon ay hindi sila narinig. Kung ayaw nilang idugtong sa pangalan ni Marcos ang katagang “bayani”, pwede naman itong gawin kapag binabanggit ang pangalan niya sa mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at mga textbooks na ginagamit sa mga eskwela. Bahala na ang National Historical Commission, Department of Education, Culture and Sports, at Commission on Higher Education dito na ibabatay sa batas na kailangan lang ipasa, kaya hindi na dapat pang mambulabog ang mga maka-kaliwa.

 

ANG TANONG KO ULI…BAKIT HINDI HINARANG NG MGA MAKABAYAN KUNONG MGA GRUPO PATI NA ANG MGA MADRE AT MGA PARI, ANG PAGBALIK NG MGA MARCOS, LALO NA ANG BANGKAY NG DATING PRESIDENTE, SA PILIPINAS? BAKIT HINDI NILA TANGGAPIN ANG KAPABAYAANG YAN NA NAGING DAHILAN NG ANIMO AY “PAGAPANG” NA PAGBALIK NG PAMILYA AT BANGKAY NG PADRE DE FAMILIA NILA SA PILIPINAS?

 

TAMA SI DUTERTE SA PAGSABING KUNG MAY PROBLEMA ANG MGA GRUPONG ITO LABAN SA MGA MARCOS AY DAPAT SILANG MAGHAIN NG MGA KASO SA KORTE…SA HALIP NA MANGGULO SA KALYE NA LALONG NAGPAPALALA SA TRAPIK. GAMITIN NILA  DAPAT ANG PINANGANGALANDAKAN NILANG “DUE PROCESS”.

 

MAGKAKAROON BA NG TRABAHO ANG MGA PILIPINONG MATAGAL NANG NAKATAMBAY KUNG HINDI ILILIBING SI MARCOS SA SEMENTERYONG TINUTUKOY? BABABA BA SA 20PESOS ANG HALAGA NG BIGAS KUNG SA LAOAG ILILIBING SI MARCOS? MAWAWALA BA ANG PROBLEMA SA DROGA KUNG IPAPAKALKAL ANG NGAYO’Y NAKABAON NANG BANGKAY NI MARCOS?

 

Ang mga Dapat Gawin ng mga Anti-Marcos Groups sa Halip na Magpapansin sa Pamamagitan ng mga Rally

ANG MGA DAPAT GAWIN NG MGA ANTI-MARCOS GROUPS

SA HALIP NA MAGPAPANSIN SA PAMAMAGITAN NG MGA RALLY

Ni Apolinario Villalobos

 

 

KUNG MAGKAKAISA ANG LAHAT NG MGA NAGSASABING NAKADANAS NG PAGMAMALUPIT NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW, SA HALIP NA MAG-IINGAY UPANG MAKATAWAG LANG NG PANSIN, AY PWEDE SILANG MAGSAMPA NG KASO SA MGA BUHAY PANG HENERAL LALO NA KAY FIDEL RAMOS, JUAN PONCE ENRILE, AT ANAK NI VER. SINA RAMOS AT ENRILE AY MAY MALALAKING PANANAGUTAN DIN DAHIL NANG LUMIPAT SILA SA KAMPO NI CORY AQUINO AY NAKAGAWA NA SILA NG MGA BAGAY NA AYON SA MGA BIKTIMA NG MARTIAL LAW AY NAGPAHIRAP SA KANILA.

 

BAGO LUMIPAT KAY AQUINO ANG DALAWA AY NAKAPAGPAKULONG NA SILA NG MGA DAAN-DAANG KALABAN SA PULITIKA, AT MAAARING SANGKOT DIN SA PAGKAWALA NG MGA SINASABING “DESAPARECIDOS”. INAMIN NI ENRILE NA ISA SIYA SA MGA BUMALANGKAS NG MARTIAL LAW. ANG ANAK NI GENERAL VER NA SANGKOT DIN AY BUHAY PA. KUNG MAGRI-RESEARCH ANG MGA ANTI-MARCOS GROUPS AY MARAMI SILANG MAILILISTANG MGA PERSONALIDAD NA SANGKOT UPANG MAKASUHAN.

 

DAHIL DIYAN AY HUWAG MAGBULAG-BULAGAN SI LAGMAN LALO NA SI TRILLANES, AT IBA PA NA MAINGAY SA PAGBATIKOS KAY MARCOS SA KATOTOHANANG SANGKOT DIN SINA RAMOS AT ENRILE, AT IBA PANG MGA HENERAL SA MGA PAHIRAP NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW. HUWAG NILANG I-SENTRO LAMANG KAY MARCOS ANG PAG-AALBURUTO NILA, LALO PA AT PATAY NA ITO. HUWAG NILANG SISIHIN ANG MGA ANAK NI MARCOS DAHIL BILANG MGA ANAK AY HINDI SILA PWEDENG MAGBINGI-BINGIHAN SA MGA MASASAKIT NA SALITA LABAN SA KANILANG TATAY KAYA NAPIPILITAN NA RIN SILANG SUMAGOT.

 

KUNG PAPANSININ, ANG MGA TAGA-MAYNILA LANG NAMAN ANG MAIINGAY SA PAGBATIKOS SA PATAY NANG SI MARCOS. ANG MGA NASA IBANG PANIG NG BANSA AY TAHIMIK DAHIL GUSTO NILANG MAG-MOVE ON NA LALO PA AT MARAMING PROBLEMA ANG KINAKAHARAP ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MINANA NITO MULA SA MGA NAGPABAYANG MGA PRESIDENTE MULA KAY CORY AQUINO HANGGANG SA ANAK NIYANG SI PNOY AQUINO. DAHIL KUNG NOON PA LANG PANAHON NI CORY HANGGANG SA MGA SUMUNOD PANG MGA ADMINISTRASYON AY TUMULUY-TULOY LANG ANG PAGKAKASO LABAN SA MGA TAUHAN NI MARCOS NA BUHAY PA, PATI SA PAGBAWI SA SINASABING NAKAW NA YAMAN, SANA NGAYON KUNG MAY NATIRANG PROBLEMA AY KAUNTI NA LANG. AT, MALAMANG AY NAHARANGAN ANG PAG-UWI NG PAMILYANG MARCOS PATI ANG BANGKAY NG PADRE DE FAMILIA NILA.

 

SA ISANG BANDA AY KADUDA-DUDA ANG BIGLANG PAG-IINGAY NG MGA GRUPONG ITO NA HALATANG GUSTONG BULABUGIN LANG ANG MGA GINAGAWA NI DURTERTE….GUSTO NILANG MAKADAGDAG NG PROBLEMA.  NAGKAROON SILA NG BUTAS NA MASISILIP….AT SINO KAYA ANG PROMOTOR????!!!