Ang King David Basketball Clinic (KDVC) ng Imus City (Cavite)…at si Pastor Ariel Hernandez

ANG KING DAVID BASKETBALL CLINIC (KDVC)

NG IMUS CITY…at, si Pastor Ariel Hernandez

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang King David Basketball Clinic (KDVC) ay matatagpuan sa Camella Homes na nasa Barangay Bayang Luma 3 sa Imus City. Naging tanyag ang KDVC dahil sa mga basketball clinic o pagsanay sa mga kabataan mula pa noong 2006. Subalit ang pagtatag ng pundasyon nito ay ginawa ni Pastor Ariel Hernandez nang magsimulang manirahan ang kanyang pamilya sa subdivision noong 1989. Nagsimula namang mabuo ang covered basketball court noong kapanahunan nina Barangay Chairmen, Boy Santiagel at Tonying Tagle at sa tulong pa rin ni Emmanuel Maliksi na noon ay Vice-Mayor pa lang ng Imus City. Ngayon, ay lalo pang naging aktibo ang proyekto sa ilalim ng kasalukuyang presidente ng Camella Homeowners’ Association na si Obet Arambulo. Si Emmanuel Maliksi naman na mayor na ngayon Imus City ay patuloy pa ring tumutulong.

 

Ayon kay Pastor Ariel, ang orihinal na pangalang “King David Basketball Camp” ay binuo ng mga unang miyembro na sina Jerson Canaynay at James Ryan Enriquez. Ito agad ang pumasok sa kanilang isip dahil, ang pinakapundasyon ng nasabing grupo ay ang pananampalataya sa Diyos. Ayon sa Bibliya, si David na anak ni Solomon ay naging hari sa batang gulang at sa kapanahunan niya nabuo ang Templo ng Herusalem. Symbolic ang pangalang ito dahil ang pakay ng Basketbll Clinic ay mailayo sa bisyo ang mga kabataan ng Imus City, at ang adhikaing yan ay nakasandal naman kay Pastor Ariel na isa sa mga ministro ng Word for the World. Sumabay ang pormal na pagbuo ng KDVC sa masidhing pagnanais ni Pastor Ariel na mabago ang kanyang buhay noon. Nagsimula ang pagsisikap niya sa pamamagitan ng regular na Bible study sa maliit na garahe ng kanilang bahay, hanggang humantong sa pag-aral niya upang maging ganap na pastor sa tulong ni Pastor Eli Famorcan ng Word for the World Christian Fellowship (Imus). Sa pagsisikap niya ay hindi rin siya pinabayaan ng asawang si Precy na laging sumusuporta sa kanya.

 

Nakatulong ng malaki ang basketbol sa pagmi-ministro ni Pastor Ariel dahil ito ang larong madaling makaakit ng kabataan. Nang makilala siya, marami ang nahikayat na sumali sa kanilang basketball clinic na pinasigla ni mayor Emmanuel Maliksi. Nakakatuwang malaman na ang ibang nagsasanay ay naggagaling pa sa malalayong bayan ng Cavite at pati na sa Mandaluyong na nasa Maynila. Nasaksihan ko ang pagdatingan ng mga kabataang ang gulang ay pang-Midget class hanggang Junior class ng basketbol nang umagang pasyalan ko si Pastor Ariel. Mataman din niyang inoobserbahan ang mga manlalaro upang matandaan ang mga may potential na maging sports scholar ng mga eskwelahang nilapitan na niya.

 

Nagulat ako nang malaman kong marami pala ang nagbo-volunteer na mag-coach sa kanilang clinic, at ang isa ay Amerikanong darating sa susunod na taon. Ang iba naman ay mga naging kilalang coach at basketbolista ng mga koponang nasyonal. Ang malaking tulong ay naipapaabot naman ni Joe Lipa, Consultant ng Mahindra-Kia, dahil ito ang nagsisilbing tulay upang makahanap si Pastor Ariel ng mga eskwelahang mapapasukan ng mga sinanay nila upang magkaroon ng scholarship. Ang regular namang nagko-coach ay sina Jun Hernandez former Varsitarian ng Letran at Adamson na dumarating sa basketball court nang wala pang ala-siyete ng umaga. Kapag maaga namang dumating si Arlord Marcial na ama ng isang nagsasanay ay malugod din siyang nagboboluntaryo sa pagko-coach upang makatulong ni Jun Hernandez. Maliban sa mga lalaki ay marami ring mga babaeng sinasanay ang KDVC.

 

Ang basketball clinic ng KDVC ay lalong naging tanyag dahil sa regular sa tulong ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, isang pagpapakita ng seryosong pag-akay sa mga kabataan tungo sa Tamang Landas. Tuwing makatapos ng training session, nagkakaroon ng maikling pep talk si Pastor Ariel upang paalalahanan ang mga manlalaro tungkol sa pag-iwas sa mga bisyo. Natutukuran ang KDVC ng ispiritwal na katatagan dahil sa pinapairal na pagdasal pagkatapos ng pep talk. Nalaman kong bawal ang pagmumura at paggamit ng mga abubot sa katawan tulad ng hikaw. Sa pep talk ay may mga paalala rin tungkol sa iskedyul ng Bible Study.

 

Nabanggit rin ni Pastor Ariel na maraming naakay pabalik sa Tamang Landas ang KDVC…mga kabataang, mismong mga magulang ang nagdadala sa kanya. Ang iba sa mga napabago niya ay matagumpay sa napili nilang propesyon bilang manager, at iba ay mga propesyonal sa ibang bansa. Nadadarama rin sa grupo nila ang pagtutulungan dahil ilang beses na silang nag-ambag ng tulong para sa mga nangangailangang miyembro. Maluwag din ang kamay niya sa paghugot ng pambili man lang ng pagkain ng ilan sa kanila, o mabigyan ng pamasahe….mga kakapusang hindi naging hadlang sa mga kabataang matuto ng maayos na paglaro ng basketbol.

 

Ang pangarap ni Pastor Ariel ay maging isang uri ng Sports Foundation ang KDVC na ang mga adhikaing pilit na pinamamahagi sa pamamagitan ng basketball clinic ay “Empower, Lead, Motivate”. Ang mga adhikaing nabanggit ay ibinahagi ni Mayor Emmanuel Maliksi na wala ring patid ang pagtulong sa abot ng kahit personal niyang kakayahan.

 

May mga kuwento si Pastor Ariel na nagpapatunay na pinupunan ng Diyos ang kakulangan sa ano mang pagsisikap ng tao ayon sa kasabihang, “nasa Diyos ang awa, pero nasa tao ang gawa”. Maraming pagkakataong basta na lang daw dumarating ang biyaya sa kanyang buhay upang maipagpatuloy ang adbokasiyang ispiritwal at pakikibahagi ng kaalaman sa basketbol upang maiwas ang mga kabataan sa bisyo. Dumadating ang mga biyaya sa panahong halos lahat ay ginawa na niya subalit may kakapusan pa rin. Dahil diyan, napakarami niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos lalo pa at ang pagsikap niya noong marating at matahak ang Tamang Landas ay natupad at nakakaakay pa siya ng iba.

 

 

 

Intimidation, Insecurity, and Envy

INTIMIDATION, INSECURITY, AND ENVY

By Apolinario Villalobos

 

 

Life could be complicated for those who just want to live simply and work hard and honestly, because of people around them, who, they unknowingly intimidate, hence, become incredibly insecure and finally become unbelievably envious. Many people would just be surprised why all of a sudden they have “enemies”.  This is an ordinary occurrence in job sites where the honest and sincere performance of an employee can intimidate his lethargic colleagues.

 

Bloggers, too, are not safe from the envious viewers whose bloated ego made them believe that they are the best and cannot take the success of low-profile, though, serious internet users who just want to share their ideas with others. They are the bashers and the trolls who make fun of the well-intent bloggers. These bad guys enjoy in spoiling the day of unsuspecting bloggers with their uncalled for comments which, as viewed from all angles are not related to the blogged issue. These spoilers do not even know the bloggers personally and worse, the former may not even be capable of articulating extensively what they have in mind, otherwise, they should not be commenting only, or copy/paste materials taken from other sites, and which they tag with either favorable or unsavory remarks, then post on their facebook.

 

The cradle of learning, the school, is not spared by this “phenomenon”. Many stories have surfaced in the internet about bullying which is a clear indication of insecurity masked by “superiority complex” on the part of the perpetrator. Victims are students with strong personality due to their intelligence or good looks.

 

The family is not spared by insecurity felt among siblings. And, most often, the parents are to be blamed due to their favoritism that makes the non-favorites among the brood, feel unloved. Rebellious manifestations in the acts of the “neglected” siblings follow. Ironically, parents wonder why they have a “black sheep” in the family.

 

Finally, many hardworking and serious employees resign from their job because their commendable performance has intimidated envious colleagues who resorted to doing all possible to pull them down. Specifically, on the national level of politics, many envious and ambitious  officials have been intimidated by Rodrigo Duterte. As he is not corrupt, they could not put him down using this issue, so they focused on his personality – brash, cussing probinsiyano, not-good looking, etc. But there is an adage that says, “you cannot put a good man, down”. It is happening to Duterte, and I personally hope, that his persistence to do good can see him through his six-year term…as long as he does not listen to the whispers of what he says is from “God” that tells him to stop his cussing….(joke only!)

 

 

Fall Fell!

DSC04556

The Aspens are showing their true colors.

DSC04923

And Banff National Park is holding it’s breath waiting for winter.
DSC03787
The air is bracing now with chill.

DSC04555
Its time for the bears to sleep, and Jim and I to head home to The Holler.

DSC03708
We must leave before snow blankets the park and avalanche threats make the roads a challenge.

DSC03712
Cheers to you from the last days of autumn!

View original post

Sedna~

dsc03319
Alien Talking Heads.

dsc03454
Sedna’s Queens. Obviously we are not in Sedna, but we may as well be. I also made up these names.

dsc03277
The surface of Sedna. Sedna is thought to be the most distant dwarf planet in our solar system and was discovered in 2003.

dsc03460
The enthroned Queen. We are in Arches National Park in Utah which looks like a cross between Petra, Egypt, and some alien world.

dsc03263-1

The Four Pharoahs.

dsc03275

Valley of the Kings.

dsc03287

Tower of Babel.

dsc03305
Balancing Brain.
dsc03318

Climbing Devils Thumb. (Click to enlarge the photo and you can see the technical climber about thrity feet from the summit.)

dsc03363
Anteojos. (Glasses in Spanish)
dsc03382
Six-shooter.
Cheers to you from Arches National Park in Utah~
We are traveling between Arches and Canyonlands National Parks, and Monument Valley Navajo Tribal Park, so internet is spotty, but I will touch base with you when I can.

View original post

Pastor Ariel Hernandez…Nagpapatunay na Posibleng Mabago ang Nasirang Buhay

PASTOR ARIEL HERNANDEZ…NAGPAPATUNAY

NA POSIBLENG MABAGO ANG NASIRANG BUHAY

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang magbukas ang Perpetual Village 5 sa Bacoor City (Cavite) ay isa ako sa mga naunang tumira, at naging unang Presidente rin ng Homeowners Association. Hirap kami noon dahil sa pagmamadali naming lumipat agad ay hindi na namin hinintay na magkaroon muna ng street lights at maayos ang mga kalsada. Todo tiis ang ginawa namin sa pagsuong sa trapik ng Zapote, Las Piἧas sa pagpasok sa trabaho dahil wala pang Coastal Road noon.

 

Makalipas ang isang taon ay may lumipat sa subdivision na mag-asawang galing sa Makati, sina Ariel at Precy Hernandez at anak nilang musmos pang si Jaymie. Nang pasyalan ko sila upang i-welcome sa lugar namin ay nalaman kong basketbolista pala si Ariel kaya agad-agad ay pinakiusapan kong mgaging Sports and Youth Officer ng homeowners association. Hindi naman ako napahiya dahil malugod siyang pumayag kahit may trabaho siya sa bangko mula Lunes hanggang Biyernes at kung minsan ay hanggang Sabado. Hindi ako nabigo sa pagtalaga sa kanya dahil makaraan lang ang ilang linggo ay naging aktibo na agad ang mga kabataan sa lugar namin. Ang pagkilala sa kanya bilang coach ng basketball ay nakarating hanggang sa “bukid” at mga kalapit-subdivision na sakop din ng Barangay namin. Mula noon, basta mabanggit ang basketball, si Ariel agad ang sasagi sa isip ng mga nakarinig. Noon pa lang ay nakitaan ko na siya ng compassionate attitude – madaling dumukot ng pera para sa mga nangangailangan kahit walang matira sa bulsa. Nai-intimidate lang ang ibang hindi siya gaanong kilala dahil noong kabataan niya at nasa amin  ay para siyang “pader”, malaki kasi ang katawan,may katangkaran, at dumadagundong pa ang boses.

 

Si Ariel din ang humimok sa mga homeowners na mag-jogging mula sa amin hanggang Imus Cathedral/Plaza tuwing Linggo ng madaling araw. Walang magawa ang tamad gumising dahil nagtitiyaga siyang manggising sa mga homeowners sa madaling araw, at sa laki ng boses niya ay talagang mapapagising ang tatawagin niya. Isa rin siya sa nagpursige na mabuo ang basketball court ng subdivision namin. Bumigay ang katatagan niya dahil sa sobrang  pakisama sa mga barkada na humantong sa madalas niyang pakikipag-inumang naging sanhi naman ng palaging pag-away nilang mag-asawa.  Hindi sila iba sa akin, kaya madalas ko siyang payuhan subalit dahil bata pa siya noon, madalas din siyang makalimot sa mga pinapayo ko. Sa kabila ng lahat, hindi pa rin nagkulang si Ariel sa pagtaguyod ng nasimulan niyang adhikain na maipamahagi sa mga kabataan ang kaalaman niya sa basketball. Pati ang mga magulang ng mga kabataan ay nahimok din niyang maglaro kung may espesyal na okasyon o di kaya ay bilang pampalipas ng oras.

 

Makaraan ang ilang taon, lumipat sila sa Camella Homes ng Bayang Luma 3, sa Imus City. Malaking bagay ang paglipat nila dahil maski papaano ay nailayo siya ni Precy sa mga barkadang mahilig uminom. Subalit hindi rin maiwasang siya ay pasyalan ng mga ito, at nadagdag pa ang mga bago kaya naudlot ang pagtahak sana niya sa “Bagong Landas”. Ganoon pa man ay itinuloy pa rin ni Ariel ang pakikibahagi ng kaalaman sa basketbol sa mga kabataan ng Barangay Lumang Bayan 3 na nasimulan niya noong 2006. (Ang tungkol sa adbokasiya sa larangan ng basketbol ay iba-blog ko nang hiwalay dahil makulay din ang sinuong niyang mga pagsubok upang tuluyang magtagumpay at lalo pang makilala.)

 

Humantong ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa tampuhan hanggang pansamantalang iwanan si Ariel ng kanyang asawa upang makitira sa anak nilang si Jaymie na may pamilya na. Ang tikisan ay inabot ng halos isang taon, Subalit naging tulay ang kanyang panganay na kapatid at bayaw na sina Nora at Jett Crisostomo upang  mapahinuhod si Precy na bumalik sa bahay nila. Sa pagkakataong ito ay naging aktibo sila sa spiritual sharing kaya nag-host na rin sila ng Bible Study sa kanilang garahe. Dahil nakitaan si Ariel ng pagpupunyaging magbago, pinag-aral siya upang maging pastor ng WWCF-Imus sa pamumuno ni Pastor Eli Famorcan.

 

Kabilang si Pastor Ariel ngayon sa mga ministro ng  Word for the World Christian Fellowship-Worldwide at nakatalaga sa Noveleta. Sa grupo ng mga pastor, siya ang “pinakamatanda” pagdating sa edad, subalit “pinakabata” pagdating sa karanasan dahil nagsimula siya sa pagmi-ministro noon lang 2010. Hindi madali ang maitalagang ministro ng simbahang bagong “tanim” sa isang komunidad dahil kailangan ang ibayong pagpapakilala upang makaakit ng mga miyembro. Masuwerte ang mga pastor na sinusundan ng mga dating kapanalig dahil nakakatulong sila sa pagpapalago ng sampalataya.  Kasama rin ang responsibilidad sa pagkalap ng pondo dahil ang inaasahan lang ay mga love offerings o tithes ng mga kapanalig. Ganoon pa man ay tiniis ni Pastor Ariel ang lahat ng pagsubok nang siya ay  palipat-lipat na italaga sa Imus, General Trias, at sa kasalakuyan ay sa Noveleta.

 

Buong pagpapakumbaba niyang inaamin na mahina siya sa Ingles, kaya hangga’t maaari ay Tagalog ang ginagamit niya. Epektibo at maganda ang ginagawa niyang paggamit ng Tagalog at binabatay naman niya ang mga pinamamahagi niya sa mga tunay na pangyayari sa paligid at buhay ng tao. Ang isang payak na mensahe mula sa Bibliya, halimbawa, ay nagagawa niyang palawakin upang mai-apply sa buhay ng mga nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng pagbigay ng mga halibawang nakikita sa paligid.

 

Ang “preaching style” niya ay hindi siguro niya sinasadyang maging hawig sa ginagamit ng mga sikat na “Born Again Christian” preachers na ang mga pagtitipon ay dinadagsa ng libu-libong tagasunod. Hindi siya ang tipo ng preacher na halos lahat ng sinasabi ay quoted mula sa Bibliya na sa tingin ko ay “complicated” dahil magdudulot ng kalituhan sa mga nakikinig. Paano halimbawang maitanim sa isip ng nakikinig ang tungkol sa hypocrisy o pagkukunwari kung puro galing sa Bibliya ang sasabihin, samantalang marami naman ang puwedeng banggitin na mga pangyayari sa paligid na siyang magbubukas ng kanilang isipan?

 

Samantala, ang nangyari kay Pastor Ariel ay pagpapatunay na lahat ng tao na may hangaring magbago ay may pagkakataong matamo ito basta siya ay magsisikap. Nakakabilib din ang pag-iwas ng kanyang asawa dahil sa hindi nila pagkakaunawaan noon kaya hindi humantong sa tuluyan nilang paghihiwalay. Maidadagdag dito ang pagpursige ng mga kaibigan nilang namagitan kaya ang lamat ng pagsasama nilang mag-asawa ay tuluyang natapalan. Upang lalo pang tumibay ang love na naging stronger the second time around, nagba-bonding ang buong pamilya sa bahay ni Jaymie, kasama ang asawang si Aris (Gatdula), at dalawang anak na sina Lance Quint at Luke James. Nag-iisang anak si Jaymie na hindi natuloy sa pagka-abogada tulad sana ng kanyang lolo na ama ni Ariel, subalit mapalad namang nakapagtrabaho sa Regional Trial court sa Las Piἧas. Si Precy naman ay sa Regional Trial Court ng Imus nagtatrabaho.

 

Mapalad si Pastor Ariel dahil kabilang  sa mga naniniwala sa kanya ay ang kasalukuyang mayor ng Imus City na si Emmanuel Maliksi na kumuha sa kanya bilang Sports Consultant simula pa noong 2008, at si Joe Lipa, Consultant ng Mahindra-Kia, na nakakatulong upang makakalap siya ng sports scholarship para sa mga karapat-dapat na naging bunga ng Basketball Clinic na ginagawa ng King David Basketball Camp. Maraming napariwarang kabataan ang napabago ng Basketball Clinic nina Pastor Ariel. Ang iba ay lalong nagkaroon ng tiwala sa sarili kaya nakatapos ng pag-aaral, o naging manager sa kumpanyang pinasukan at ang iba ay nakapagtrabaho sa ibang bansa.

 

Tinutugaygayan si Pastor Ariel ng alituntunin niya sa buhay tungkol sa pagkakaisa ng mga tao na maaaring mangyari kung iiral ang unawaan sa isa’t isa, lalo na ng iba’t ibang mga pananampalataya o relihiyon. Nanliit lang ako nang sabihin niya sa akin na ang alituntuning yan ay lalo pang pinatibay ng mga nakita niyang mga ginawa ko at pakiharap sa iba’t ibang tao, sino man o anuman ang kanilang paniniwala, noong sa subdivision pa namin sila nakatira. Sa kababasa din daw niya ng mga isinusulat ko ay lalo pang tumibay ang  paniniwala niya tungkol sa “universal love” na dapat ay walang hangganan. Tumaba naman ang puso ko nang banggitin niyang ipinagmamalaki niya ako sa mga kapwa niya pastor at mga kaibigan….subalit higit sa lahat ay masaya ako dahil may nagpapakalat pala ng adbokasiyang naging timon ko sa buhay….at isang new Christian pastor pa!

 

Ang Pagkamatay ni Espinosa…”Pagpapatahimik” lang kaya? o “Sabotahe” kay Duterte!

ANG PAGKAMATAY NI ESPINOSA…“PAGPAPATAHIMIK” LANG KAYA?

O  “SABOTAHE” KAY DUTERTE!

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat noon pa lang ay inilipat si Espinosa sa Manila bilang pag-iingat sa kanyang seguridad dahil hindi pa siya tapos sa pagsisiwalat tungkol sa operasyon ng droga sa Visayas, sa kabila ng pagbanggit niya ng maraming pangalan. Ayon sa anak niyang si Kerwin na nakakulong sa Abu Dhabi, may mga pulis sa kanilang probinsiya na involved sa operation nilang mag-ama, kaya maaari pa siyang magpahamak ng mga taong nasa Visayas lang. Isa ito sa mga maaaring dahilan upang siya ay patahimikin. Malaking tulong sana ang mga sasabihin ni Espinosa sa mga ginagawa ni Duterte laban sa droga kung hindi ito pinatay sa loob ng kulungan. Kung hindi maparusahan ang may kagagawan ng kamatayan ng matandang Espinosa, lalabas na kaya palang paikutan o lokohin si de la Rosa ng mga taong akala niya ay mapapagkatiwalaan niya…yan ay dahil sa SOBRA niyang tiwala sa mga pulis, na mismong nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Maaaring pinagtatawanan siya ng mga pinalampas niya!

 

Hindi dapat magbulag-bulagan si Duterte at de la Rosa sa katotohanang hindi lahat ng mga tiwali sa gobyerno ay natanggal sa puwesto dahil sa isyu ng “illegibility” nila….kasama na diyan ang mga pulis na ang mga pinaghihinalaang iniimbestigahan ay itinapon lang sa Mindanao. Hindi rin lahat ng mga naiwang bulok na mga ordinaryong empleyado at opisyal ng BJMP ay panig kay Duterte. May takot man sila sa bagong presidente ay hanggang pagkimkim na lang sila subalit nadagdagan ng pagkainis dahil natigil ang kanilang raket. Dahil sa layunin ng presidente laban sa droga na dapat ay mawala ang mga sangkot, inaasahan ng mga bugok na itong sila pa ang papanigan palagi….at kasama na diyan ang nangyari kay Espinosa…na dahil tumahimik na ay wala nang maituturong kasabwat!

 

Mula sa isa pang anggulo, ang insidenteng pagpatay kay Espinosa ay isang “high level” na pagpapatahimik sa mga taong pwedeng magkanulo ng mga kasabwat nila at hindi pwedeng walang kinalaman ang mga tiwaling pulis at opisyal ng gobyerno. Ang “low level” na pagpapatahimik ay ginagawa naman ng mga drug lords at mga “police ninja” na pumapatay ng dati nilang “drug runners” at “drug pushers” upang hindi sila maituro pagdating ng tamang panahon. Dahil sa pagkamatay ni Espinosa, maaalala ang nangyari sa mag-asawang sinasabing drug lords na pinatay sa Caticlan, na nangakong magsisiwalat ng mga importanteng impormasyon tungkol sa drug operation sa Iloilo at mga karatig-probinsiya, at nakakonekta din sa mga Espinosa. Dahil sa pagpamatay ng mag-asawa nakahinga ng maluwag ang mga drug distributors at mga protector nila sa isla ng Panay.

 

Sa isang banda naman, pwedeng lumabas na sinabotahe si Duterte. Alam na ng lahat na todo ang pag-iingat ng administrasyon tungkol sa operasyon laban sa droga lalo pa at darating na sa susunod na taon ang arbitrator ng United Nations upang mag-imbestiga sa extra-judicial killings sa bansa, batay sa imbitasyon ng Malakanyang. Dahil diyan, walang dahilan upang mismong taga-administrasyon ang magpapatay kay Espinosa lalo pa at tumutulong ito sa pagtagpi-tagpi ng mga koneksyon ng mga drug operations sa Visayas na umalagwa hanggang Mindanao at Manila at makakadagdag ang tulong na maibibigay ng anak na si Kerwin sakaling maiuwi na ito sa Pilipinas.  Makakatulong sana ang mag-ama sa pagbigay ng impormasyon sa arbitrator ng UN upang mapatotohanan ang mga sinasabi ni Durterte tungkol sa matinding paglala ng problema ng droga sa bansa. Nauwi sa wala ang lahat dahil sa sobarang tiwala ni de la Rosa sa mga kapulisan at ng DOJ sa mga tauhan nitong nagbantay kay Espinosa….nagpabaya sila dahil sa over self-confidence. Akala nila ay wala na silang problema dahil popular si Duterte. Upang ipakita ng DOJ at PNP na patas sila, dapat ay kasuhan ang LAHAT ng pulis at empleyado na may kinalaman sa pagkamatay ni de la Rosa….ang kamatayan ni Espinosa ay isang malaking ebidensiya ng kapabayaan na hindi na kailangan ang imbestigasyon.

 

Dahil sa mga pangyayari, dapat ay mag-ingat ang presidente sa mga susunod pang mga pagsasabotahe na ang isa ay siya mismo ang nagbanggit – ang serye daw ng rally o demonstrasyon laban sa kanya sa susunod na taon. Ang gumagastos daw sa mga sabotahe ay isang mayamang babaeng Negra-Amerikana, na kung tingnan ng mataman ang isa sa mga koneksiyon ay nakaturo sa dating administrasyon.

 

Ang malinaw na pagsanib- puwersa ng mga detractor na nasa bansa at financiers nila sa Amerika laban kay Duterte ay talagang malaking problema. Kung sabihin ni Duterte palagi na wala siyang magagawa kung sakaling magtagumpay ang mga magpapabagsak sa kanya dahil sa sinasabi niyang “destiny” niya, magiging unfair siya sa mga nagtiwala sa kanya. Dapat ay bigyan din niya ng importansiya ang mga nagsusuporta sa kanya. Dapat alalahanin din nya na kung pagkatiwalaan lang niya ang mga Pilipino, ang People Power na nagpabagsak kay Marcos noon ay pwede din niyang sandalan ngayon. Kung noon ay diktatorya lang ang kalaban ng mga Pilipino, ngayon pa kaya na ang kalaban ay droga at krimen na kalaban din ng buong mundo?

 

Leksiyon ang pagpatay kay Espinosa para kay Duterte. Hindi siya dapat magpaka-kampante sa LAHAT ng mga pinagkakatiwalaan niya.