The Desire to Survive

The Desire to Survive

By Apolinario Villalobos

 

All creatures have the innate instinct to survive, either in their sedentary state that do not involve others or in their struggle against their prey. In an urban setting, the ultimate struggle to survive is what scavengers do – live on what can be salvaged from the dump. The indolent on the other hand, live life the easiest way by resorting to evil acts as means to exploit others.

 

Some plants practically take root even in minute crevices of concrete walls and rock faces of cliffs. Still other plants excrete substance that coat their stem and leaves that some insects living around them use as food, thereby, providing their benefactor protection against their prey.

 

The classic manifestations of man’s struggle to survive are the wars; among the animals, are their deadly encounters with their kind; and for the plants, the effort to reach up higher skyward than others for the best exposure to the sun.

 

Without the desire for survival, the purpose of life is lost.

 

 

Mga Tanong na Sinagot ko ng Buong Giliw at Wagas

MGA TANONG NA SINAGOT KO NG BUONG GILIW AT WAGAS

Ni Apolinario Villalobos

 

Tungkol sa isyu ng “sharing” o pakikibahagi ng biyaya sa kapwa, ang nagtanong ay kaibigan kong taga-government agency kung saan ay naging Consultant ako noon. Tanong niya ay simpleng, bakit daw ako nagsi-share sa mga taga-Tondo at natutulog pang kasama ang mga scavenger sa sa bangketa kung minsan. Sagot ko sa kanya pero patanong ay, “familiar ka ba sa mga salitang ‘tulong’ at ‘kahirapan’…may nakausap ka na bang tulad nila upang malaman ang kuwento ng kanilang buhay….at, nadanasan mo na bang hindi kumain sa buong maghapon?” Bilang pagtapos sa usapan namin, sinabihan ko siyang okey lang yon, dahil hindi naman nila alam ang tunay kong pangalan kaya hindi nila alam kung sino talaga ako.

 

Tungkol sa pagma-mountain climbing, ang nagtanong ay taga-kumpanya ding pinagtrabahuhan ko noon. Old maid siya, tuwing break time ay nagbabasa ng Bible, at atat na atat na mahatak ako sa Bible reading nila tuwing Biyerses, pero hanggang mag-resign siya ay hindi ko pinagbigyan. Tanong niya ay kung ano daw ang nakukuha ko at pati mga kasama ko sa pag-akyat ng bundok at kung ano ang ginagawa daw namin sa tuktok. Sagot ko sa kanya ay, “upang diligan ng ihi at abunuhan ng tae namin ang mga tanim sa bundok nang lumago pa sila, at pagdating naman sa tuktok ay umiinom kami ng lambanog upang lalo pang dumami ang aming ihi na pandilig sa mga damo na natutuyo doon dahil mas malapit sila sa araw kaysa mga damo sa kapatagan”… dugtong ko pa, “nature lover kasi kami kaya feeling namin tuwing iihi kami, ito ay nagkokonek sa amin sa lupang inuugatan ni Inang Kalikasan!”

 

Tungkol sa pagiging vegetarian ko, ang nagtanong na nang-inggit pa habang kumakain ng adobong manok at baboy ay kumpare ko. Tanong niya ay kung bakit ayaw ko daw ng pagkaing masustansiya na ay masarap pa, na ang tinutukoy ay tulad ng kinakain niya. Upang hindi humaba ang usapan tungkol sa pagkain, ang sagot ko sa kanya ay kuripot ako kaya ayaw kong bumili ng karne dahil mahal, di tulad ng gulay na mura lalo na ang mga luma at malalanta na. Alam kong hindi siya nagbubukas ng internet kaya masasayang ang pagod ko sa pagpaliwanag ng mga kabuluhan ng gulay at kung paanong nakakakuha ng sakit sa mga karne. Tinanong ko na lang siya kung nakailang balik na siya sa ospital dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure, lalo pa at nalaman kong na-ospital din siya ng matagal dahil sa mild stroke.

 

Tungkol sa hilig kong pamimili ng mga damit sa ukayan,  ang nagtanong ay isang kumpareng mahilig umutang sa akin.  Kahit naghihikahos ay maporma dahil ang mga t-shirt niya ay hindi bababa sa halagang 300pesos bawa’t isa – sale pa daw! Tanong niya ay kung bakit hindi ako sa SM mamili dahil maraming magaganda. Sagot kong patanong ay, “bubulatlatin ba ng mga makakasalubong ko ang kuwelyo ng damit ko upang malaman kung ano ang brand nito?” Sa puntong yon, pinaalalahan ko siya tungkol sa naipon niyang utang sa aking umabot na sa mahigit dalawang libo. Habang nakakapagsuot siya ng hindi bababa sa 300pesos na t-shirt, halos araw-araw ay kung sinong kumpare naman ang inuutangan para may pamasahe sa pagpasok sa trabaho!

 

Tungkol sa pagmumura ko, ang nagtanong ay isang kumare na miyembro ng religious group. Ang tanong ay kung bakit hindi ko na raw itigil ang pagmumura, dahil hindi ito maka-Diyos, at ugaling masama pa . Ang sagot ko ay, “mas mabuti nang nagmumura ako  pero wala namang tinutukoy na tao, kaysa manakit kung ako ay nagagalit, tulad  halimbawa ng pagsabunot ng buhok ng anak o pagpingot ng tenga niya sa harap ng ibang tao, kahit dalagita na ito”. Tiningnan niya ako nang naniningkit niyang mga mata sa galit at nagtanong ng, “ako ba ang pinapasaringan mo, pare?” Ang sagot ko ay isang matamis na ngiting tulad ng kay Mona Lisa habang nagtuturo ako sa itaas! Dahil sa nangyari, nasira ko ang araw niya…galing pa naman siya sa pagsimba dahil Linggo noon!…hindi kasi muna tumitingin sa salamin kung may dumi siya sa mukha bago tumingin sa mukha ng iba! Padabog niya akong tinalikuran at nagbubusang naglakad palayo, pero tinawag ko pa rin, at nang lumingon ay sinigawan ko ng, “Praise the Lord!”.

 

 

I Almost Lost my Future due to Illegal Drugs when I was in College

I ALMOST LOST MY FUTURE DUE

TO ILLEGAL DRUGS WHEN I WAS IN COLLEGE

By Apolinario Villalobos

 

Friends who do not know much about my past will surely be surprised by my declaration in the title of this blog. Though it is very embarrassing, I have to do it to explain why I hate illegal drugs so much. On the other hand, those who knew me in PAL, will be equally surprised and be wondering how it could have happened as I finished my college in a “parochial school” of a far-flung and a struggling town, having just been weaned from her “mother municipality”, hence, expected to be free from bad influence, unlike Manila and other big cities where marijuana and other vices had been proliferating as early as the 1960’s.

 

What happened to me is happening today in remote areas as the evil of illegal drug is spread by notorious drug lords and their pushers. The pusher entices his unsuspecting victims after friendship with them has been established. That was what exactly happened to me when I was in college. My awareness about marijuana, though, came when I was yet in high school, when two transferees, one from Manila and another from Iloilo City were belatedly admitted in our school. Not known to my schoolmates, they were smoking marijuana in any available vacant room and since nobody among us knew what marijuana looked and smelled, whatever whiff of the smoke that got into our nostrils was not given much attention. We did not mind the two, as we thought they were just smoking ordinary cigarettes. They were able to attract followers because of their image as “City boys”. The guy from Iloilo City introduced me to the peculiar smell of marijuana, while smilingly inviting me to try it, but I declined…he left our town the following year. On the other hand, the guy from Manila stayed to pursue his college studies, albeit, irregularly, in our school.

 

When I entered college, another transferee from Manila who was admired in the way he dressed himself with the then, popular brand “Golden Award” shirts and denims, was admitted. He got close to the guy from Manila, as he was also into the same vice… smoking marijuana. Unfortunately, I got close to them via music, as one of them was very adept in playing the guitar. He taught me how to pluck the notes of the popular American folk song, “House of the Rising Sun”, aside from the strumming techniques for other songs. They also got close to one of my best friends, who l learned later to have gotten hooked to marijuana which forced his parents to stop from sending him to school.

 

The simple friendship developed into the influence that I unknowingly imbibed from such relationship. My classmates did not know that I spent at least one hour with them before attending my classes. During the time I was with them, we enjoyed singing folk songs and sniffs of marijuana. I had my free sniffs as I was literally only a hanger-on in their company. Later, they introduced me to “Madrax”, a depressant that came in tablets and capsules, which they told me got a stronger kick than marijuana, and better taken with two bottles of beer. They gave me tablets for free. Later on, they tried to introduce me to “Corex”, a cough syrup that I declined because of its taste.

 

Those were the days when some of my classmates noticed changes in my behavior, such as avoiding their company and kicking chairs inside the classroom if I caught them staring at me. Despite what happened to me, I was able to hold on to my slot in the Dean’s List every semester which I direly needed to maintain my scholarship, as well as, my job as a “working student” (janitor, assigned to clean the whole building of the Training Department). The job was granted to me by Fr. Robert O. Sullivan, O.M.I. , the school Director, who got exasperated due to my pestering plea to him that I needed it so badly. At first he declined as there would be some sort of duplication of benefits because while the job entailed a monthly allowance, I would also be enjoying an academic scholarship. In other words, the job would have been better given to another needy student. But when he learned that I was an orphan and on my own since high school, he finally conceded. He was also delighted when I told him that I got his book, “Imitations of Christ” that I won in the extemporaneous writing contest when I was yet in First Year High School and pitted against the upper class students. Although the Irish priest was known to be strict, I got close to him because of that book as he would always ask me about it.

 

Some friends did not leave me in my distress, and one of them was Ruel Lucentales (who at the time of his demise was a DSW Assistant Secretary). Although, somewhat fearful and apprehensive, another friend, Erna Diaz (who today works as Consultant in a school after retiring as Principal of Notre Dame of Isulan), also stood by to add her support to the effort of Ruel. Our closeness was such, that Ruel and I called Erna our “agot” or youngest sister in the dialect. The three of us were taking the same course, Bachelor of Arts (English/History).

 

Every school day, Ruel would fetch me at my quarters in the Training Department as early as 1PM, to make sure that I did not stray into the company of my drug-using friends. We would meet Erna in the library or any of the rooms vacated by high school students for the shift of college students. At this juncture, a special friend, Tessie de la Vega also stood by me. She brought honors to the school with her streak of triumphs in the inter-school elocution competitions that brought her to Cotabato City and Koronadal City. They practically became my cordon sanitaire, as while in school, I was with both Ruel and Erna being classmates, after classes in the evening I was obliged by Tessie who was taking another course, to walk her home. On weekends, she would also check me at my boarding house (Biἧas residence) during which she would bring gifts such as home-made pickled papaya or “achara” and other delicacies, to show that she was among those who sincerely cared for me.

 

My life made a complete turnaround when I was hired by Claudio Estante, to work as his lone assistant in the newly-opened Department of Social Welfare that served the whole province of Sultan Kudarat. The province was virtually in turmoil due to conflicts between the Christian “Ilaga” and Islamic “Black Shirts” since the start of the 1970s but reached its peak when I was in fourth year college. Assured that I passed my course and foregoing the graduation ceremony, after thanking Mr. Estante for his trust, I went to Manila to undergo medical check -up and training for a job in Philippine Airlines, that brought me to Tablas (Romblon) for my first assignment.

 

This revelation is embarrassing, but I had to do it if only to show the viciousness of illegal drug. I would shiver every time I recall those days. Had it not been for my three friends, I might not have had the chance to work with DSW, an airline, finish a book, and most especially….be blogging now! I am thankful that the adage, “regrets happen last”, did not apply to me. I can also honestly say that God indeed, is good…as I have proven it…but such goodwill must be earned by dint of hard work which I can honestly say, I did!

Ang United Nations, Amerika, European Union, at Panduduro nila kay Duterte

ANG UNITED NATIONS, AMERIKA, EUROPEAN UNION

AT PANDUDURO NILA KAY DUTERTE

Ni Apolinario Villalobos

 

 

ANG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NG UNITED NATIONS AY NAGPAPAKITA NG UNFAIRNESS SA PILIPINAS. NAKIKISAWSAW ITO SA MGA PAGPUNA NA GINAGAWA NG ESTADOS UNIDOS AT EUROPEAN UNION KAY DUTERTE.  NAGBANTA PA NA SIGURADONG MAKAKARATING SA KANILA ANG ISYU TUNGKOL SA EXTRAJUDICIAL KILLING SA PILIPINAS, DAHIL PINAPALABAS NITONG KORTE NA STATE POLICY KUNO ANG NANGYAYARING PAGPATAY SA MGA ADIK, DRUG PUSHER AT DRUG LORD. PRE-JUDGEMENT ANG GINAWA NG NASABING KORTE, GANOONG MALINAW NA TULAD NG NANGYAYARI SA SOUTH AMERICA, ANG PATAYAN SA PILIPINAS AY SA PAGITAN NG MGA TAONG SANGKOT SA DROGA.  ANG MGA PINAGHIHINALAANG MGA SANGKOT NA “NINJA COPS” AY HINAHABOL NG MGA KAPWA NILA PULIS BILANG PATUNAY NA LABAN DIN ANG GOBYERNO SA MGA TIWALING PULIS. ANG HINDI BINIBIGYAN NG PANSIN NG MGA BUMABATIKOS AY ANG POSIBILIDAD NA ANG MGA HUWES NA BAYARAN AY MALAMANG NASA PUWESTO PA RIN AT NAGPAPALAMIG LANG. ANG MGA BAGAY NA YAN ANG DAPAT NILANG PAGTUUNAN NG PANSIN….HINDI SI DUTERTE!

 

DAHIL WALA NAMANG AKTUWAL NA KAALAMAN ANG UNITED NATIONS AT MGA BANSANG PANAY ANG PAGBATIKOS KAY DUTERTE, MALINAW NA SILA AY NASUSULSULAN NG MGA GROUPO NG MGA BANYAGA AT PILIPINONG DRUG LORDS, AT ANG HINALA PA NG IBA, AY PATI NA NG CIA NG AMERIKA, NA NOON PA MANG PANAHON NI MAGSAYSAY AY NAKIKIALAM NA SA PILIPINAS. HALATANG MALAKAS ANG MGA GRUPONG NANINIRA SA PANGULO NA SABI NG IBA AY NAKATIGIL SA AMERIKA AT MAY MGA KONTAK SA PILIPINAS.

 

ANG MASAKLAP LANG,  PATI MGA TAONG SIMBAHAN NA INAASAHANG MAGSUPORTA SANA SA PANGULO UPANG MASUGPO ANG KRIMEN AY NAKIKISAWSAW DIN TULAD NG MGA HUMAN RIGHTS ADVOCATE KUNO. NAKIKIINGAY DIN SILA PARA LANG MASABING LABAN SILA PAGPATAY DAHIL “IMMORAL”, SUBALIT ANG MGA PINAPANIGAN NAMAN AY MGA KRIMINAL, SAMANTALANG HINDI NAMAN NILA BINIBIGYANG PANSIN ANG MGA BIKTIMA…NASOBRAHAN YATA  SILA SA PAGKA-PROLIFE KUNO!

 

DAPAT ANG PAGTUUNAN PA RIN NILA NG PANSIN AY ANG MGA PINANGGAGALINGAN NG DROGA NA AYON SA BALITA AY NORTH KOREA AT CHINA. SAMANTALANG ANG MGA HIGH-END NA PARTY DRUGS NA GINAGAMIT NG MAYAYAMANG ADIK AY GALING NAMAN SA AMERIKA AT EUROPE….MISMONG SA BAKURAN NG MGA BUMABATIKOS KAY DUTERTE! BAKIT HINDI NILA BATIKUSIN ANG NORTH KOREA AT CHINA TUNGKOL SA BAGAY NA ITO, PATI NA ANG MGA BANSA SA EUROPE NA PINANGGALINGAN NG PARTY DRUGS, DAHIL MAY MGA RECORD NAMAN KUNG SAAN GALING ANG MGA ITO?

 

NOONG ‘80s, NANG PUMUNTA AKO SA GERMANY KASAMA ANG DALAWANG KAIBIGAN NA TAGA-PHILIPPINE AIRLINES DIN,  GINAWA NAMIN ANG GERMANY NA JUMP-OFF POINT SA PAGLIBOT NAMIN SA EUROPE. DOON AY NAPANSIN KO ANG TALAMAK NA PAGGAMIT NG MARIJUANA….HALOS HANTARAN. HINDI RIN PINAPANSIN ANG MGA NAGBIBILOT NG MARIJUANA KAHIT SAANG KANTO. PAGDATING NG HAPON, NAGTITIPON ANG MGA HUMIHITIT SA MGA CAFÉ AT BAR AT NAGPAPASAHAN NG MARIJUANA. ANG KAIBIGAN KONG NAGSAMA SA AKIN SA EUROPE AY MGA MARIJUANA SMOKER KAYA MAS GUSTO NILANG MAGBAKASYON SA EUROPE DAHIL SA KALUWAGAN DOON SA BISYONG ITO. ANG MGA GUMAGAMIT NG MARIJUANA SA EUROPE AY MAY LAGAYAN PA NA MAY TATAK NG DAHON – MGA BELT BAG AT PALAWIT NG KUWENTAS NA MALAKING SACHET NA GAWA SA TELA. MAY INABOT KAMING MUSIC FESTIVAL SA GERMANY AT SA MALAWAK NA OPEN AREA, ANG MGA KABATAAN AY WALA RING PAKUNDANGAN SA PAGHITIT NG MARIJUANA.

 

NGAYON, HINDI LANG MARIJUANA ANG TALAMAK SA EUROPE, KUNDI PATI MGA HIGH-END DRUGS NA ANG PINAKA-BASE O MAHALAGANG BAHAGI SA PAGGAWA AY COCAINE.  KALAUNAN, DAHIL SA “KATALINUHAN” NG MGA PILIPINONG NEGOSYANTE NA GUSTONG KUMITA AGAD NG MALAKING PERA,  ANG INAANGKAT NILANG PARTY DRUGS AY PINAPADAMI SA PAMAMAGITAN NG PAGLUTO ULI AT PAGDAGDAG NG INDUSTRIAL CHEMICALS NA NAKAKA-HIGH DIN, AMOY PA LANG. BINEBENTA NILA ANG MISTULANG LASON NA PAMPA-“HIGH” SA MGA ROCK CONCERTS NA INO-ORGANIZE NILA. KAYA PALA AYAW NILANG MAGPAPASOK NG MGA PULIS AT SNIFFING DOGS SA MGA VENUE NA INUUPAHAN NILA PARA SA ROCK CONCERTS!

 

DAHIL SA  KATANGAHAN O PAGTATANGA-TANGAHAN NG OTORIDAD  AT PATI NG MGA VENUE OWNERS NOONG HINDI PA UMUUPO PA SI DUTERTE, HINAYAAN NILANG MANGYARI ANG ANIMO AY “DRUG TIYANGGE” TUWING MAY ROCK CONCERTS. HINDI PWEDENG HINDI ALAM ANG MGA PANGYAYARI DAHIL SA PANIG NG MGA OTORIDAD, AY MAY MGA “INTELLIGENCE UNITS” SILA AT PALAGING NABA-BLIND ITEM PA SA MGA BALITA ANG PAGGAMIT NG DROGA SA LOOB NG CONCERT VENUES NA ANG MGA TIKET AY SOBRANG NAPAKAMAHAL KAYA MGA MAYAYAMAN LANG ANG MAY KAYANG BUMILI. KALAT DIN ANG BALITA TUNGKOL SA BENTAHAN NITO SA MGA HIGH-END NA BAR O INUMAN SA MAKATI AT PASIG, SUBALIT KUMILOS LAMANG SILA NANG UMUPO NA SI DUTERTE. SA PANIG NAMAN NG VENUE OWNERS, NAGBUBULAG-BULAGAN NA LANG SILA, DAHIL MAS MAHALAGA ANG KIKITAIN KAYSA KAPAKANAN NG MGA MABIBIKTIMA, SUKDULAN MANG UMABOT SA KAMATAYAN NG MGA ITO, NA NANGYARI NA NGA KAMAKAILAN LANG SA CONCERT ARENA NG MALL OF ASIA.

 

HINDI NA KAILANGANG IPALIWANAG PA ANG LAWAK NA SAKLAW NG PAGKASANGKOT NG AMERIKA SA PAGKALAT NG DROGA SA BUONG DAIGDIG. SA BANSANG IYAN NAGSIMULA O NAGKAUGAT ANG BISYONG ITO. PATI  ANG PAGGAMIT NG MGA “MUSIC FESTIVAL” TULAD NG “WOODSTOCK ” NOONG DEKADA ‘70 AY GINAWANG PANTAKIP NG MGA ADIK UPANG MATABINGAN ANG TUNAY NILANG LAYUNIN – ANG TODO-TODONG PAGWAWALA NA UMABOT PA SA PAGHUBAD AT “OPEN SEX”… NA KALAUNAN AY GINAYA NG MGA KABATAAN SA EUROPE, NA GINAYA NA RIN NGAYON NG MGA PILIPINONG TIWALI SA PAMAMAGITAN NG PAG-SPONSOR NG MGA “ROCK CONCERTS” NA “TIYANGGE” PALA NG DROGA! SA NGAYON UMABOT NA SA $13T ANG GINAGASTOS NG AMERIKA UPANG MASUGPO ANG BISYO, NA SA HALIP MABAWASAN AY LALO PANG LUMALALA. SA KABILA NG KATOTOHANANG YAN, HINDI NA NAHIYA SI OBAMA SA PAGBATIKOS KAY DUTERTE UPANG MASAWATA ANG DROGA SA PILIPINAS!

 

NGAYON, DINUDURO SI DUTERTE NG MGA BANSANG PINANGGALINGAN MISMO NG BISYONG SUMISIRA SA KINABUKASAN NG MGA KABATAANG PILIPINO DAHIL SA GINAGAWA NIYANG PAGWALIS NG IKINALAT NITONG “DUMI” SA BUONG BANSA …AT GINAGATUNGAN PA NG MGA PILIPINONG TINGIN SA SARILI AY MALINIS AT MAKA-DIYOS!…DAHIL DIYAN BABANGGITIN KO NA NAMAN ANG KASABIHANG, “SA PAGDURO NG ISANG TAO SA KAPWA NIYA, HABANG ANG NAG-IISANG DALIRING HINTUTURO AY NAKATURO SA TAONG INAAKUSA NIYA, ANG TATLONG NAKATIKLOP NAMAN AY NAKATURO SA KANYA!…NA ANG IBIG SABIHIN AY, HABANG MAINGAY SIYA SA PAG-AKUSA SA IBA, TAHIMIK NAMAN SIYA TUNGKOL SA MAS MARAMI NIYANG PAGKAKAMALI KAYA NAKATIKLOP ANG TATLONG DALIRING NAKATURO SA KANYA!

Nang Mabigong Pagmurahin ng Detractors si Duterte

NANG MABIGONG PAGMURAHIN

NG DETRACTORS SI DUTERTE

Ni Apolinario Villalobos

 

AYON KAY JUSTICE CARPIO NG KORTE SUPREMA MAI-IMPEACH SI PRESIDENTE DUTERTE KUNG ISUSUKO NITO ANG KARAPATAN NG PILIPINAS SA SCARBOROUGH SHOAL (WEST PHILIPPINE SEA) SA CHINA, SA KANYANG PAGBISITA DITO.

 

KUNG SAGOT NIYA ITO SA TANONG NG ISANG REPORTER NA DETRACTOR IN DUTERTE, ANG NAGTANONG AY NAGPAPAKITA NG KAMANGMANGAN AT WALANG  KARAPATAN SA TRABAHONG GINAGAWA NIYA, NA NANGANGAILANGAN NG TALAS NG PAG-IISIP AT TALINO, HINDI UGALING MAKULIT SA PAGDULDOL SA INI-INTERVIEW NG MGA TANONG NA NASAGOT NA O KAYANG SAGUTIN NG MASKI BATA, KAYA NAKAKAGALIT. MARAMING MGA REPORTER NA TALAGANG WALANG ALAM AT INUULIT LANG ANG MGA TANONG NG IBANG REPORTER, UPANG MASABING MAY GINAWA SILA. ANG IBA PA, KAHIT TINATAGALOG NA NG INI-INTERVIEW AY PANAY PA RIN ANG PAG-ENGLISH KAYA HALATANG NAGPAPA-IMPRESS.

 

HINDI BOBO AT TANGA SI PRESIDENTE DUTERTE UPANG GAWIN ANG NASA ISIP NG MGA DETRACTORS NIYA AT IDINIIN NIYA ITO SA DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT BAGO SIYA LUMIPAD PATUNONG BRUNEI (OCTOBER 16), SA PAGSABI NA WALA SIYANG KARAPATANG MAMIGAY NG HINDI KANYA. UPANG MATULDUKAN ANG INAASAHAN NG MGA IMPERTINENTENG REPORTER NA NAG-AKALANG MAPAPAGMURA NA NAMAN NILA SI PRESIDENTE DUTERTE O DI KAYA AY BIGYAN NG DAHILAN UPANG AWAYIN SI JUSTICE CARPIO, TAHASANG SINABI NITO NA, “TAMA SI CARPIO”….KAYA NABIGO NA SILA!

 

LALONG NABIGO ANG DETRACTORS NA PAGALITIN SIYA NANG SABIHIN NI DUTERTE NA SUSUNDIN NIYA ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA TUNGKOL SA PAGPAPALIBING KAY MARCOS SA LIBINGAN NG MG BAYANI DAHIL INAASAHAN NILANG IPAGLALABAN NITO ANG KAGUSTUHAN NG MGA MARCOS.