The Harsh Reality of Connivance Against Duterte

THE HARSH REALITY

OF CONNIVANCE AGAINST DUTERTE

By Apolinario Villalobos

 

I WISH FELLOW FILIPINOS WHO HAVE NOT VISITED THE PHILIPPINES FOR A LONG TIME SHOULD STOP MAKING DEEPER IMPRESSIONS THAT PUT DUTERTE IN A BAD LIGHT BASED ON AMERICAN VIEWS WHICH ARE ALSO BASED ON BIAS RELEASES OF AMERICAN BROADCAST NETWORKS, DRUG LORDS AND POLITICAL OPPONENTS WHO WANT HIM DOWN.

 

THE PROBLEM WITH SOME OF THESE FELLOW PATRIOTS, IS THAT WHEN THEY “COME HOME”, THEIR VISIT IS LIMITED TO “SANITIZED” AREAS SUCH AS MALLS AND DRY MARKETPLACES.  AFRAID TO VENTURE TO THE AREAS THAT ARE SUBJECTS OF BLOGS ON THE ISSUE OF ILLEGAL DRUG, THEY OBVIOUSLY FAILED TO HAVE A FIRST-HAND VIEW OF THE VARIOUS SITUATIONS THAT THE DUTERTE ADMINISTRATION HAS INHERITED FROM THE PAST ADMINISTRATIONS.

 

THEIR DISTANCE FROM THE PHILIPPINES MADE THEM FAIL TO NOTICE THAT NOT A SINGLE WORD WAS HEARD FROM AQUINO AND THE REST OF THE PAST PRESIDENTS ABOUT THE DRUG VIRUS THAT HAS BEEN EATING UP THE SYSTEM OF THE COUNTRY AND MORALITY OF THE PEOPLE.  ON THE OTHER HAND, THEY ABHOR DUTERTE’S COURAGE WHO HAS BEEN FIGHTING SUCH MENACE EVER SINCE HE WAS THE MAYOR OF DAVAO. WHAT IS INSTILLED IN THEIR MIND IS THE WRONG IMPRESSION BASED ON BIASED EXPOS THAT HE IS THE PROGENATOR OF THE HEINOUS EXTRAJUDICIAL KILLINGS WHILE DISCOUNTING THE OTHER POSSIBILITIES THAT THEY COULD BE DONE BY VIGILANTES AND DRUG PERSONALITIES WITH SELFISH MOTIVE, FOREMOST OF WHICH IS SURVIVAL FROM BETRAYAL.

 

ALSO, SHOWBIZ PERSONALITIES WHO ARE ON THEIR WAY DOWN SHOULD DESIST FROM USING DUTERTE TO DRAW ATTENTION IN A FUTILE EFFORT TO REVIVE THEIR DYING CAREER.

 

THESE PEOPLE ARE AGAINST THE KILLING OF DRUG ADDICTS AND DRUG PUSHERS, BUT THEY HAVE NOTHING TO SAY ABOUT THE PITIFUL VICTIMS. I JUST CANNOT FATHOM SUCH KIND OF CHARACTER WHICH FAVORS EVIL!

 

 

Kung Bubuwagin ang National Bilibid Penitentiary, isama na rin ang Iba Pang Ahensiyang Tadtad ng Korapsyon

KUNG BUBUWAGIN ANG NATIONAL BILIBID PENITETIARY

ISAMA NA RIN ANG IBA PANG AHENSIYANG TADTAD NG KORAPSYON

Ni Apolinario Villalobos

 

Ngayon lang ako bumilib sa Kongreso dahil sa panukala ng isang kinatawan na buwagin na ang National Bilibid Penitentiary upang maiwasan ang problema sa “tenure” ng mga korap na empleyado na protektado ng Civil Service Code. Maaari nga naman na ang ibigay na dahilan ay isyu ng korapsyong nagpaugat sa kalakalan ng droga sa loob nito, at maging sa labas, dahil nakakapag-operate pa rin ang drug lords na preso, kahit ang gamit lang ay lumang cell phone.

 

Kung mabubuwag ang ahensiya upang mapalitan ng bago, dapat ring baguhin ang karamihan ng mga provision sa Operating Manual, at lalong dapat LAHAT ng empleyado ay tangganlin at mag-recruit ng mga bago. At, upang siguradong hindi maakit sa “lagayan”, ay taasan na rin ang suweldo nila. Dapat ding gawing “confidential” ang status ng kanilang trabaho upang kontrata lang ang kanilang panghahawakan, at hindi protektado ng Civil Service Code, kundi ng Labor Code lang. Kapag ganyan ang mangyayari, sinumang mahuling gumawa ng kaaliwaswasan ay pwedeng tanggalin ng diretso pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon na magpapatunay ng ginawang kasalanan.

 

Napagkaganda ng nasabing panukala, kaya’t sana ay maipasa agad upang maipatupad. Hinggil dito, sana ay ganoon din ang gawin sa iba pang korap na mga ahensiya tulad ng LTO, LTFRB, Bureau of Customs, BIR, etc. Nagkakaroon ng problema sa pagtanggal ng mga tiwali at korap na mga empleyado dahil sila ay protektado ng Civil Service Code kung saan ay nakapaloob ang “security of tenure” sa bisa ng ordinaryong “eligibility” at “career service certification”. Kung nagkakaroon man ng imbestigasyon, dahil sa katiwalian din mga huwes, nakakalusot pa rin sila. Dahil diyan, kahit ilang beses magpapalit-palit ng mga hepe, kung ang mga tauhang civil service  at career service qualified, ay nasa puwesto pa rin, walang mangyayari sa “paglilinis” na gagawin ng bagong administrasyon. Para lang nagputol ng sanga ng kahoy na magkakaroon uli ng mga panibago dahil ang ugat ay naiwan!

Missing Misses

Missing Misses

By: Kevin Norbert G. Lopez

 

You’ve been gone for long,

Then I composed a song

For you to listen and feel,

What I feel, oh, so real.

 

I miss you already,

How long has it been?

Once you see me, are you ready?

Missing you so much, every night I keen.

 

Sometimes I stop to wonder,

Do you miss me too?

Or is it just me missing you?

When I think the latter, I become sadder.

 

Oh! My dear damsel in distress,

Where art thy missing misses?

 

Duterte has nothing to Explain to the Whole World

DUTERTE HAS NOTHING TO EXPLAIN TO THE WHOLE WORLD

By Apolinario Villalobos

 

DUTERTE HAS NOTHING TO EXPLAIN TO THE WHOLE WORLD ON HIS EFFORT TO RID THE PHILIPPINES OF ILLEGAL DRUGS. ALL THAT MALACAṄAN NEEDS IS SPEND FOR A TRUSTED PUBLIC RELATIONS FIRM JUST LIKE WHAT THE PAST ADMINISTRATIONS DID TO DO THE EXPOSITIONS. HE SHOULD STOP GIVING PRESS CONFERENCES, AS CLEARLY, HE EASILY GETS IRRITATED BY IMPERTINENT QUESTIONS THAT DRIVES HIM TO CUSS AND SAY UNCALLED FOR REMARKS. HE SHOULD ALSO FORCE HIMSELF TO LIMIT HIMSELF TO PREPARED “SITUATIONAL SPEECHES” PREPARED BY HIS SPEECH WRITERS. FOR QUESTIONS, HE SHOULD PARRY THEM TOWARD HIS SECRETARIES OF AGENCIES AND OTHER APPROPRIATE STAFF. MOST OF ALL HE SHOULD STOP GIVING THREATS. HE SHOULD PUT HIS APPOINTEES TO TASK TO LESSEN HIS BURDEN THAT GIVES HIM EMOTIONAL DISTRESS.

 

HIS CHALLENGE TO THE UNITED NATIONS AND MOST OF ALL OBAMA IS USELESS IF THERE IS NO PR FIRM TO EXPOSE FAIRLY THE RESULT OF HIS MEETINGS WITH THEM BECAUSE THE “PR MACHINERY” OF THE OPPOSITION WHICH IS OBVIOUSLY AND HANDSOMELY PAID WILL STILL CONTINUE CRUSHING HIM AT ALL COST.

 

BESIDES, OBAMA IS ON HIS WAY OUT, SO WHY WASTE HIS TIME TALKING TO HIM? THE UNITED NATIONS  ON THE OTHER HAND IS SUPPOSED TO BE A NEUTRAL ORGANIZATION OF NATIONS SO THAT ON THEIR OWN AND AS PART OF THEIR MANDATE, THEY SHOULD COME TO THE PHILIPPINES, INSTEAD OF WAITING FOR DUTERTE TO INVITE THEM WHICH IS TANTAMOUNT TO HIS BEING DEFENSIVE – A STANCE WITH A NEGATIVE IMPRESSION.

Ang “Pro-life” na Panukala ni de Lima Laban sa Extrajudicial Killing

ANG “PRO-LIFE” NA PANUKALA NI DE LIMA

LABAN SA EXTRAJUDICIAL KILLING

…NAPAKAHALAGA, KAYA CONTINUE READING…

Ni Apolinario Villalobos

 

Highlight ng panukala ni senador de Lima upang maiwasan kuno ang extrajudicial killing ay ang  paggamit ng megaphone sa halip na pagpapaputok ng baril at paggamit ng hindi nakamamatay na sandata sa pakikipaglaban sa hinuhuli. Dahil diyan, dapat habang hinahabol ng pulis ang huhulihin ay sinasabayan niya ng pagsigaw sa megaphone. Upang siguradong magaling siya sa ganito, dapat ay ituro ito sa PNP Academy (PNPA) – ang pagpapahaba ng paghinga, at pagtakbo habang bumibirit ng kahit anong kanta ng grupong “Aegis”. Kapag binaril ng drug addict ang pulis, dapat hawak pa rin niya ang ebidensiya para ebidensiya na sinunod niya ang batas ni de Lima.

 

May iba pang gustong mangyari ni de Lima upang walang mapatay na kriminal na na-aktuhang nang-rape, o nanaksak, o nang-hostage, etc. Na-derail na yata si de Lima dahil nakalimutan din niyang may immunity ang presidenteng balak daw niyang sampahan ng kaso sa Supreme Court…good luck!… lalo pa at sabay niyang gagawin ang dalawang plano. Hindi na niya alam ang gagawin upang matanggal sa kanya ang attention ng taong bayan dahil sa pagdiin sa kanya ng mga Bilibid witness, bilang “protector” ng Bilibid drug trade.

 

Sa isang banda, kalakaran sa kongreso at senado ang pagkunsulta sa mga ahensiya at grupong apektado ng mga panukalang batas na balak ihain ng mga mambabatas. Sa kaso ng extrajudicial killing, dapat ay kunsultahin din de Lima ang mga kaalyado niyang mga Obispo at human rights groups, para lalo pang “tumibay” ang kanyang panukala. Kapag ginawa niya ito, baka makadagdag pa sila ng mga provision na olrayt, tulad ng mga sumusunod:

 

  • pagsigaw sa megaphone ng, “in the name of god… surrender u… pulis we ar…or 2 hell u go!” – linyang madaling i-memorize ng mga pulis at angkop na magagamit sa mga adik na mahilig mag-text…upang madaling magkaintindihan;

 

  • kapag successful sa paghuli, dapat ay i-pray over muna ang nahuli at pagsuutin ng rosary bago dalhin sa kulungan na ang mga dingding ay napapalibutan ng mga krus na umiilaw sa dilim – yong made in China, at painumin din sila ng welcome drink – marijuana tea;

 

  •  padalhin ang mga pulis ng water gun na palaging puno ng holy water dahil binasbasan kuno ng mga Obispo, sa halip na kalibre 45, upang “pambaril” sa mga taong actual na gumagawa ng krimen, at upang siguradong hindi maubusan ng holy water kuno, dapat bawat isa ay may baong tig-isang gallon nito na nakalagay sa backpack;

 

  • kapag tumagal ang hostage-taking, magdasal ng rosary at novena ang mga pulis kahit pa-morningan pa sa lugar ng pangyayari…yong tipong prayer vigil;

 

  • kapag nagpambuno o nagpang-abot ang hinuhuli at ang pulis, habang gumugulong sila at nagsasampalan o nagsasabunutan, dapat kilitiin ng todo ng pulis ang hinuhuli upang manghina ito sa katatawa, kaya dapat kasama rin ito sa training nila sa PNPA;

 

  • dapat may nakahandang mga satchet ng shabu at sticks ng marijuana ang mga pulis kung ang huhulihing nangho-hostage ay bangag o malakas ang tama para ibigay sa “nakakaawang” adik na hostage-taker (baka bitin pa kasi) upang magpakasawa ito to the max hanggang sa magkandaduling sa pagka-high at manghina habang humahagikhik sa tuwa…makakatakas na ang na-hostage…kapag ligtas na ang na-hostage, dapat sabay sa pagsigaw ang mga pulis ng, “Hallelujah!!!”

 

  • tuwing may hostage-taking incident, dapat tumawag ng Obispo o human rights advocate upang ipakausap dito…face to face, hindi sa pamamagitan ng sigaw o megaphone…tingin rin lang nila sa sarili nila ay kasangga sila ng mga adik kaya ayaw nilang masaktan man lang ang mga ito….kaya feeling pa nila ay “tagapagligtas” sila ng mga drug pusher at drug lords na “naliligaw ng landas”….samantalang hindi man lang nila inisip ang mga biktimang itinulak ng mga hangal na ito sa bangin ng kapahamakan!

 

Kapag may napatay pa sa pagpapatupad ng batas ni de Lima….ewan ko lang…DAHIL PRO-LIFE NA PRO-LIFE saang anggulo man tingnan…mula sa itaas, harap, likod, gilid… huwag lang mula sa ilalim dahil baka ang makita ay pang sex video lang!

 

Ang Magandang Babae sa Farmers’ Mall (Cubao)

Ang Magandang Babae sa Farmers’ Mall (Cubao)

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang araw ng Sabado nang manggaling ako sa Antipolo dahil sa pagbisita sa isang dating kasama sa PAL, ay sumakay ako ng jeep na biyaheng Cubao kung saan ay sasakay pa sana ako ng MRT papuntang Baclaran. Ang bilihan ng tiket ay nasa bahagi ng Gateway at Farmers’ Mall. Dahil sa ugali kong palaging nagmamadali ay hindi ko sinasadyang makabangga ng babaeng muntik nang matumba kung hindi ko nahawakan sa braso pero sumabog naman ang laman ng dalawang eco-bag niya na puno ng mga basyong plastic na bote ng softdrinks- kulay green at blue. Habang tinutulungan ko siyang ipunin ang kumalat na mga bote ay noon ko napansing may kasama pala itong batang lalaki. Subalit ang nakakuha ng pansin ko ay ang malaking pagkahawig ng babae sa bida ng isang popular noontime show…ito yong may ka-partner na popular din at ang tandem nila ay nagkaroon ng mahigit isang milyon na viral views. Ibig sabihin ay artistahin ang babae…maganda.

 

Inasahan kong magagalit siya at mumurahin ako kaya abut-abot ang pagsabi ko ng sori. Nang tapatin ko siyang may kamukha siyang artista ay ngumiti siya….mabuti na lang. Nang tingnan ko uli ang bata na tahimik na nakamasid lang sa amin ay naisipan kong imbitahin sila sa Jolibee na nang marinig ng bata ay napangiti na rin. Pinilit kong pumayag ang babae para na rin sa kasama niyang bata na anak pala niya.

 

Habang kumakain kami sa Jolibee ay pinagtapat niyang ang mga may kulay na bote ay gugupitin daw niya sa hugis ng maliliit na halaman upang maging pandekorasyon sa mga mesa at dashboard ng mga jeep. Tinuruan daw siya ng kapitbahay nilang kalalabas lang sa “Munti” (short cut ng Muntinlupa kung saan matatagpuan ang New Bilibid Prison). Ang mga halaga ay naglalaro sa pagitan ng beynte at treynta pesos bawa’t isa. Nakita ko na ang ganitong “street art” noon sa Avenida at Taft Avenue, at nai-blog ko pa. Naglilibot daw silang mag-ina upang mamulot ng ganitong uri ng bote. Subalit pati mga basyong aluminum na lata ng softdrink (popular na tawag ay “in can”) ay pinupulot rin nila sabay pagpakita ng laman ng backpack niya at ng anak. Tinatambayan nila ang mga fastfood centers ng malls at nagti-check din sila sa mga basurahan upang mamulot ng mga ito.  Kailangan daw ang doble- kayod para may pambili ng mga gamit ang anak niyang nasa Grade Three na. Lahat daw ay gagawin niya para sa anak. Sa pagkakataong yon ay nahiya akong magtanong kung nasaan ang tatay ng bata dahil baka isipin niyang tsismoso ako.

 

Nagtitinda din daw siya ng mga gamit ng mga kaibigan at pinapatungan niya ng kaunting tubo. Lahat daw ay tinitinda niya – mga maaayos na lumang damit, sapatos, sandals at dinagdagan ng pabirong, “maliban sa puri”.  Tinanong ko kung nagpi-facebook siya, sagot niya, “malay ko sa facebook na yan”. Ipinakita niya ang lumang cellphone na Nokia, yong basic model na pang-text at tawag lang, na may flashlight. At sinabi din niya na hindi pa siya nakakapasok sa internet café na madalas nilang madaanan. Busy daw siya sa kanyang “business”.

 

Upang hindi siya ma-turn off at mag-isip ng masama tungkol sa akin ay hindi na ako sumubok na kunan sila ng anak niya ng retrato, kahit talagang gustong-gusto ko dahil sa ganda ng mukha niya. Lalabas kasi akong presko dahil noon pa lang kami nagkakilala. Nang banggitin niyang sa iskwater ng Tala (leprosarium) compound sila nakatira ay nagulat ako dahil nakarating na ako doon, subalit hindi ako nagpahalata. Nagkunwari akong may kamag-anak sa Malaria na madadaanan papunta sa kanila. Dahil diyan ay ibinigay niya ang address nila dahil sinabi ko ring interesado ako sa mga binebenta niyang second-hand cargo shorts na maraming bulsa.

 

Bago kami naghiwalay ay nagpalitan kami ng cellphone number upang masigurong nasa bahay silang mag-ina kapag matuloy ang pamamasyal ko sa kanila. Cherry ang ibinigay niyang pangalan sa akin….

 

A Person’s Right to Life Ends Where the Right of Others Begins

A PERSON’S RIGHT TO LIFE

ENDS WHERE THE RIGHT OF OTHERS BEGINS…

By Apolinario Villalobos

 

DRUG PUSHERS WHO DESTROY THE LIFE OF OTHERS CLEARLY SHOW THAT THEY ARE GOING BEYOND THE DEMARCATION LINE OR INTRUDE INTO THE RIGHTS OF OTHERS TO HAVE A SERENE LIFE. IN THIS REGARD, WHAT RIGHT TO LIFE THE HUMAN RIGHTS ADVOCATES ARE TALKING ABOUT, FOR CRIMINALS WHO HAVE BREACHED THE RIGHT OF OTHERS THAT EVEN RESULT AT TIMES TO THEIR DEATH?

 

HOW CAN A DRUG PUSHER OR A DRUG ADDICT WHO HAS RAPED AND KILLED A GIRL BE JUST PENALIZED WITH A “REHABILITATION” FOR WHICH THE GOVERNMENT WILL EVEN HAVE TO SPEND, AFTER THE VIOLATOR HAS TAKEN AWAY THE LIFE OF HIS VICTIM? WHERE IS THE LOGIC IN REHABILITATING A PERSON WHO CHOSE TO BE A CRIMINAL AND IN THE PROCESS TOOK AWAY THE LIFE OF OTHERS, OR TO PUT IT LIGHTLY, DESTROYED THEIR FUTURE? ARE THE VICTIMS OF DRUG PUSHERS AND ADDICTS NOT ENTITLED TO JUSTICE AND RIGHT TO LIFE?

 

HOW CAN THE CATHOLIC CHURCH LOOK THE OTHER WAY, AFTER A DERANGED DRUG ADDICT HAS CAUSED THE BURNING DOWN OF A DEPRESSED COMMUNITY OR CAUSED LONG HOURS OF TENSION AFTER HOLDING A HOSTAGE? HOW CAN THE CATHOLIC CHURCH LAMBAST PRESIDENT DUTERTE FOR HIS EFFORT IN CHECKING THE FURTHER PROLIFERATION OF DRUG MENACE THAT INVOLVES MANY MANY MANY  CATHOLICS?