Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman

ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION

NG MAHIRAP AT MAYAMAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas” ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:

 

Mahirap                                               Mayaman

 

Araguy! / Aray!………………………….     Ouch!

Nakupo!……………………………………     Oh No! / Omigosh! / OMG!

Kurikong (sakit sa balat)………………    Chicken Asthma

Bakukang…………………………………….     Skin eruption

Galis o galis-aso / eczema……………    Skin allergy

Duling  (doble-tingin)…………………..     Chicken eyes

Banlag (hiwalay-tingin)……………….     Fish eyes

Ulekba / maitim………………………….      Morena (dapat ay “ebony” o kahit “dark-skinned” na lang)

Payat…………………………………………..     Slim (kahit mukhang may TB)

Mataba……………………………………….     Healthy /chubby (kahit laylay na doble na ang baba)

Bansot / pandak………………………….     Cute

Bobo……………………………………………     Average

Madaldal…………………………………….     Chatty

Mutằ…………………………………………..      eye spot

Tae / Ipot / Dumi………………………..      Echas

Kalbo / Panot………………………………     Wise guy

Kuripot……………………………………….      Thrifty

Lasenggo……………………………………      Alcoholic

Adik …………………………………………..      Drug dependent

Drug pusher ………………………………      Drug financier

Bagoong dilis …………………………….      Anchovy

Bagoong dilis (katas)………………….      Fish sauce

Bagoong alamang……………………..       Shrimp sauce

Kalabasa …………………………………..       Pumpkin

Bilbil ng lalaki …………………………..       Love handle

Bilbil ng babae            ………………………….       Unwanted fat

 

Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang “pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey, pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least, masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!

 

Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila, kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”. Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”, dahil bumagay naman sa ganda niya,  kung ayaw niyang gamitin ang “ulekba”  lalo pa at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente, tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)

 

Yong isa namang broadcaster na nagbalita tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na niya ay “drug dependent”!

 

Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”, samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!

 

Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na “pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas tayo!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s