Sri Lanka

SEASIDEADVENTURES

Travel brings Power and Love back to your life!

Sri Lanka? Hat mich schon immer gereizt!

Nicht nur, weil wir jedes Jahr Besuch von Bekannten bekommen, die von dort kommen, sondern auch, weil mein Papa mir schon immer 

viel von Sri Lanka erzählt hat. Ich war schon als kleines Kind öfter mal dort, kann mich aber leider an nichts erinnern.

View original post 1,499 more words

The Trail to Masiag from Bagumbayan (Sultan Kudarat)…profile of the Filipinos’ endeavor to survive

The Trail to Masiag from Bagumbayan (Sultan Kudarat)

…profile of the Filipinos’ endeavor to survive

By Apolinario Villalobos

(PHOTOS BY RENE AQUINO, Administrative staff – Masiag Annex/BNHS)

 

 

The winding and muddy ribbon of trail shown in the accompanying photos leads to the Masiag Annex of the Bagumbayan National High School. Bagumbayan is a young municipality of Sultan Kudarat province. It is peopled by those from the older towns of Isulan, Esperanza, and Tacurong, with some purportedly, to be current migrants from the Visayas. During the middle of ‘70s, Bagumbayan figured as one of the most affected areas in Cotabato, caught in the midst of altercation between the Islamic “Black Shirts” and Christian “Ilaga”. And, Masiag then, was dotted by huts of farmers which were distributed kilometers away from each other. At the height of evacuation, Bagumabayan was listed as among the origins of both displaced Christian and Muslim families, aside from Esperanza, Lambayong, Tinumiges, Udtong, Katiko, Buluan, Datu Paglas, and unknown sitios beside the Ligwasan Marsh.

 

When Claudio Estante opened the Department of Social Welfare office in Tacurong to cover the Sultan Kudarat province, the primary purpose was to serve the evacuees, I was the lone staff initially hired and the branch was under Region XI based in Davao City, with Agrinelda Miclat at its helm as Director, but today, due to expansion program of the agency, the branch is under Region XII. As we were overwhelmed by the burden of statistics gathering and relief distribution, additional personnel were hired from Notre Dame, and which included, Ruel Lucentales, Renato Hingco, Dominador Lictawa, Mildred Palabrica-Balili and a little later, Felizardo Lazado. Teddy Lapuz volunteered his services for the organization of displaced youth. Soon afterwards, full time Social Workers were sent by the Regional Office to augment the workforce of the Welfare Aides and the lone Youth Welfare volunteer.

 

The trails today are not what we used before when we visited Bagumbayan, as they were more of ruts impressed by wheels of carts and sleds drawn by carabao or water buffalo. Relief distribution was concentrated at Esperanza, but occasionally, on “clear” days, distribution effort was extended up to Bagumbayan to reach out to those who refuse to leave their farm. From where we were posted with military escorts, intermittent exchange of volleys of shots could be heard. Several times, Esperanza and Bagumbayan were cordoned off which practically deferred the travel of buses and private vehicle to Cotabato City for days. DSW was closely in touch with the 12th Infantry Battalion of the Philippine Army at Isulan for updated news on the situation of the towns surrounding Tacurong. There were days that we would encounter jeepneys loaded with casualties and wounded. The two hospitals in Tacurong – Tamondong and Eugenio were always full as they admitted both Christian and Muslim patients.

 

Today, with relative peace that envelops the province of Sultan Kudarat, the local government is exerting much effort in reaching out to those who have gone beyond the last frontier, particularly, toward the slopes of Mt. Dagoma which is profusely covered with forest of hard wood that draw illegal loggers. An aging former lawmaker even admitted on TV that he had been holding on to his logging concessions in that area for a long time in a desperate effort to explain his tremendous wealth, perhaps to convince the people that he did not dip his fingers into the coffers of the government as did some of his colleagues who were involved in “pork barrel” scams.

 

Teachers and office staff of the Masiag Annex are from the Main Bagumbayan National High School. They practically trek their way to their assigned post, rain or shine. Those with single-engine motor bikes are fortunate, though. These altruistic teachers do not hesitate to sacrifice part of their measly wage to buy instruction materials needed to be effective in their vocation. Situations such as shown in photos have necessitated the use of “habal-habal”, motorcycles used as some sort of a commuter service for an affordable fee.

 

For the resourceful Filipinos in Mindanao, what has been kindled by an endeavor for survival has definitely laid down the foundation for progress…as Mindanao is full of such opportunities. Meanwhile, the  Bagumbayanons  and Masiagnons are patiently treading along the trail towards the fulfillment of one!

 

 

Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman

ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION

NG MAHIRAP AT MAYAMAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas” ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:

 

Mahirap                                               Mayaman

 

Araguy! / Aray!………………………….     Ouch!

Nakupo!……………………………………     Oh No! / Omigosh! / OMG!

Kurikong (sakit sa balat)………………    Chicken Asthma

Bakukang…………………………………….     Skin eruption

Galis o galis-aso / eczema……………    Skin allergy

Duling  (doble-tingin)…………………..     Chicken eyes

Banlag (hiwalay-tingin)……………….     Fish eyes

Ulekba / maitim………………………….      Morena (dapat ay “ebony” o kahit “dark-skinned” na lang)

Payat…………………………………………..     Slim (kahit mukhang may TB)

Mataba……………………………………….     Healthy /chubby (kahit laylay na doble na ang baba)

Bansot / pandak………………………….     Cute

Bobo……………………………………………     Average

Madaldal…………………………………….     Chatty

Mutằ…………………………………………..      eye spot

Tae / Ipot / Dumi………………………..      Echas

Kalbo / Panot………………………………     Wise guy

Kuripot……………………………………….      Thrifty

Lasenggo……………………………………      Alcoholic

Adik …………………………………………..      Drug dependent

Drug pusher ………………………………      Drug financier

Bagoong dilis …………………………….      Anchovy

Bagoong dilis (katas)………………….      Fish sauce

Bagoong alamang……………………..       Shrimp sauce

Kalabasa …………………………………..       Pumpkin

Bilbil ng lalaki …………………………..       Love handle

Bilbil ng babae            ………………………….       Unwanted fat

 

Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang “pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey, pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least, masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!

 

Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila, kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”. Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”, dahil bumagay naman sa ganda niya,  kung ayaw niyang gamitin ang “ulekba”  lalo pa at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente, tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)

 

Yong isa namang broadcaster na nagbalita tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na niya ay “drug dependent”!

 

Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”, samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!

 

Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na “pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas tayo!

 

Ang Mga Iresponsableng Nagpapa-interbyu at ilang “Scoopido” na taga-media

ANG MGA IRESPONSABLENG NAGPAPA-INTERBYU

AT ILANG “SCOOPIDO” NA TAGA-MEDIA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

DAHIL SA STYLE NG ILANG TAGA- MEDIA SA PILIPINAS NA GUSTONG MAKA-SCOOP SA ANO MANG PARAAN, O YONG TAWAG KO AY MGA “SCOOPIDO”, KAHIT ANG MGA HINDI DAPAT IBALITA AY IBINABALITA. MARAMI NAMANG MGA TAGA-GOBYERNO ANG HINDI NAG-IINGAT SA PAGBIGAY NG PAHAYAG DAHIL HINDI NILA PINAPALIWANAG NA MABUTI ANG MGA SINASABI.

 

ANG ISANG HALIMBAWA AY ANG SINABI NG ISANG TAGA-DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA AYON SA MEDIA AY NAGSABING “PWEDENG GAMITIN ANG MARIJUANA BILANG GAMOT PARA SA COMPASSIONATE CASES”….YON LANG. KINABUKASAN, NANG INTERBYUHIN NG ISANG RADIO STATION ANG DOKTORANG TAGA-DOH AY SAKA PA LANG NIYA SINABING ANG TINUTUKOY NIYANG MARIJUANA AY ANG IMPORTED NA NAPROSESO NA, AT HINDI ANG MGA DAHON NG MGA TANIM NA PINATUYO AT BINIBILI NG MGA ADIK. SA KASAMAANG PALAD, SA LOOB NG 24 ORAS NA LUMIPAS, KUMALAT NA ANG UNA NIYANG SINABING PWEDENG GAMITING GAMOT ANG MARIJUANA, KAYA MARAMING ADIK ANG TUWANG-TUWA. DAPAT SANA, SA UNANG INTERBYU PA LANG AY SINABI NA NIYANG “IMPORTED,  PROCESSED AND INJECTIBLE” MARIJUANA   ANG SINABI NIYA AT  HINDI “MARIJUANA” LANG.

 

MAGANDA NA SANA ANG SINABI NG HEPE NG GRUPO NG MGA PULIS NA HUMULI KAY MARK ANTHONY FERNANDEZ DAHIL AYON SA KANYA, MAITUTURING LANG NA GAMOT ANG MARIJUANA KAPAG ITO AY NA-PROSESO O PINAGHIWA-HIWALAY ANG MGA ELEMENTO O KEMIKAL NA NAKAPALOOB SA DAHON UPANG MAKUHA ANG KAILANGAN LANG. SUBALIT GINULO NG TAGA-DOH ANG PALIWANAG NANG MAGSALITA ITO, AT DAHIL TAGA-DOH AY ITINURING NA MAS MABIGAT ANG SINABI NIYA.

 

 

Ang Pilipinas at mga Pilipino…isang pagtanaw sa nakaraan

ANG PILIPINAS AT MGA PILIPINO

…isang pagtanaw sa nakaraan

Ni Apolinario Villalobos

 

Bago dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno ng mga Pilipino ngayon, na noon ay nakatira sa mga kalat-kalat na mga isla ay may narating na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa sibilisasyon. Sila ay nakikipagkalakalan na sa iba’t ibang lahi na dumadayo pa galing Japan, Tsina, Malaysia, Indonesia, Arabia, at India. May kaalaman na rin sila sa pagmimina dahil kabilang sa ginagamit nila sa pakikipagkalakalan ay ginto at iba’t ibang uri ng mga kagamitan na yari sa tanso.

 

Ang mga komunidad ay organisado na sa pamumuno ng “lakan” o “datu”. Nang dumating si Magellan, ang Cebu ay maituturing na isang pederasyon ng mga datu at ang kinilala nilang pinuno ay si Raha Humabon. Ang pumatay kay Magellan ay si Lapu-lapu na isa sa mga “mababang datu” o “lesser chieftain” na ang pinamumunuang komunidad ay nasa Mactan. Ang mga nasa Maynila ay pinamumunuan naman ng mga “lakan”, na ang madalas mabanggit ay si Lakan Dula.

 

Ang mga nasa norte o hilaga ay mga tribung pinamunuan ng mga “pinakamatapang” at “pinakamalakas” na ama ng tahanan. Ang mga miyembro ng tribu ay magkakamag-anak, kaya ang pinaka-pinuno ay itinuring na “ama” na rin ng lahat. May sinasamba na rin silang sariling Diyos nang panahong yon, na kung tawagin nila ay “anito”, subalit hindi matanggap ng mga Kastila, kaya ang turing sa kanila ay mga pagano. Para kasi sa mga Kastila, ang hindi “binyagan” sa loob ng simbahan ay pagano, pero nakaligtaan nilang karamihan ng seremonyas sa simbahang Katoliko at mga piyesta ay halaw sa mga tradisyong pagano!

 

Patunay ang hagdan-hagdang palayan o “rice terraces” sa hilaga, ng katalinuhan ng mga sinaunang Pilipino, na ngayon ay itinuturing na isa sa mga nakakamangha sa buong mundo. Sinasabi pa na kung pag-uugpungin ang mga hinagdang palayan, mapapalibutan nito ang buong daigdig. Sa Mindanao naman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga sinaunang Pilipino doon ay nakakagawa na ng mga bagay na yari sa ginto, bakal,pilak,  at tanso, na ang isa sa mga pinagmamalaki ay ang “lantaka” o kanyon. Bukod pa diyan ay ang “kris” at mga instrumentiong pantugtog, tulad ng “agong” at “kulintang”.  Patunay ang mga nabanggit na nakakapagmina sila tulad ng mga taga-Visayas, na ginamit nila sa pakikipagkalakalan at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang pangalang “Visayas” naman ay halaw sa “Shri-Vishaya Empire”.

 

Hindi pwedeng sabihin na dahil sa Kristiyanismo ay dapat may tinatanaw tayong utang na loob sa mga Kastila. Dapat unawain na ginamit ng mga Kastila ang pananampalataya o relihiyon upang masakop ang mga Pilipino na bandang huli ay kanilang nilamangan o in-exploit o sa madaling salita – niloko. Nagkaroon na ng pananampalataya sa Diyos ang karamihan ng mga Pilipino, lalo na sa Mindanao bago dumating ang mga Kastila dahil sa mga misyonaryong Muslim galing sa Arabia at mga kalapit-bansa.

 

Ang unang misyonaryong Muslim na nakarating sa Pilipinas ay si Mudum (Makdum) na dumaan muna sa Malaysia bago pumunta sa Jolo. Sinundan siya ni Raja Baginda na galing naman sa Sumatra, sumunod ay sina Abu Bakr (Abubakar) at Serif (Shariff) Kabungsuan. Mula sa Mindanao ay kumalat ang pananampalatayang Islam sa Visayas at Luzon kaya nang dumating si Legazpi ay nadatnan na niya ang ganitong relihiyon sa Maynila. Ang mga misyonaryong Muslim ay walang ginawang pananakop, bagkus ay hanggang sa pananampalataya lamang ng Diyos ang kanilang sinaklaw. Sa isang banda naman, upang makapaghikayat ang mga prayleng Kastila ng mga Pilipino ay nagdaos sila ng mga mala-paganong piyesta na kinulayan ng Kristiyanismo, upang ipakita na “masaya at makulay” ang relihiyong ito.

 

Kung hindi sinakop ng Espanya ang Pilipinas, malamang ay isa itong Muslim na bansa tulad ng Malaysia at Indonesia kung saan unang nagka-ugat ang pananampalatayang Islam. Wala namang masama kung ganito ang nangyari dahil parehong Diyos pa rin naman ang pinaniniwalaan yon nga lang ay iba ang katawagan dahil sa Islam ang tawag sa kanya ay “Allah”. Maski papaano ay aasenso pa rin ang mga Pilipino at malamang ang kultura ay talagang dalisay o puro, waling bahid ng kanluraning impluwensiya galing sa Espanya at Amerika.

 

Sa isang banda, kung hindi sa panloloko ng mga Bristish na sumakop sa Malaysia, hindi sana nagulo ang kontratang nagpapatunay na inupahan lamang nina Gustavus Baron de Overbeck at Alfred Dent ang Borneo mula sa Sultan ng Jolo na si Mohammed Jamalul Alam, batay sa pinirmahan nilang kasunduan noong January 28, 1878. Nang bitiwan ng Inglatera ang Malaysia, tila sinadyang hindi nag-iwan ng “bilin” na hindi kasama sa teritoryo nila ang Borneo, dahil pag-aari ito ng Sultan ng Jolo at inupahan lamang ng dalawang negosyanteng British na sina Overbeck at Dent. Patunay din dito ang taunang “upa” na hanggang ngayon ay tinatanggap ng mga naiwang tagapagmana ni Sultan Alam.

 

Nang binitiwan ng Espanya ang Pilipinas sa kamay ng Amerika, magkahalintulad na panloloko rin ang ginawa ng bagong mananakop sa mga Pilipino. Ang sinasabing “tulong” upang mahubog kuno ang katinuan ng mga Pilipino sa sinasabi nilang “demokrasya” ay may kaakibat palang makasariling layunin. Dahil diyan, lalo pang nagdusa ang Pilipinas dahil animo ay ginahasa nang walang puknat ang likas-yaman (natural resources) nito. Idagdag pa diyan ang pagturing sa mga Pilipino na “unggoy” dahil hindi raw sibilisado tulad ng mga Amerikano. Ang tawag na “unggoy” ay nakatala sa maraming aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Pinakita ng mga Amerikano ang kanilang mala-barbaro na ugali noong panahong pilit nilang sinupil ang mga rebelyon. Noon nadanasan ng mga nag-aklas ang iba’t ibang uri ng makahayop na parusa, pati ang pag-masaker (massacre) o paglipol sa mga rebelde at inosenteng sibilyan nang walang habas, na ang hindi makakalimutan ay ang nangyari sa Samar at Jolo.

 

Sa panahon ngayon, di tulad ng Espanya na talagang nagrerespeto na sa Pilipinas bilang isang malayang bansa, ang Amerika ay tila hindi ito matanggap dahil ang turing nito sa Pilipinas hanggang ngayon ay parang isa pa ring “kolonya” o “colony”. Ang masakit pa, bumitaw man sila noon, humirit pa rin sa huling pagkakataon dahil ang unang Saligang Batas ng Pilipinas ay presidente ng Amerika na si Roosevelt ang nag-apruba noong March 23, 1935. Pinahapdi pa ang sakit sa pagsingit ng “parity rights” na nagsasaad ng pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa paggamit ng lahat na likas- yaman ng bansa, at mga bagay na may kinalaman sa pangangalakal ng Pilipinas!

 

Ngayon, ang Pilipinas sa pamumuno ni Rodrigo Duterte ay pilit nagbabago upang matanggal ang makapal na pagkakulapul ng korapsyon mula pa noong bago pa lang ito nagkaroon ng kalayaan mula sa Amerika, na pinasahol ng iba’t ibang krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga. Ang patunay na iniismol pa rin ng Amerika ang Pilipinas ay ang tahasan at walang pasubaling pagkastigo ni Obama kay Duterte na akala niya ay “empleyado niya sa opisina”. Sino ang hindi makakapagmura sa pambabastos na yan? Pwede naman niyang ipadaan sa embahada ng Amerika kung mayroon man siyang mga pagpuna, subalit hindi niya ginawa, dahil nga malinaw na wala siyang respeto sa Pilipinas, at gusto niyang ipakita sa mundo na “kayang-kaya” pa rin ito ng Amerika!

 

Ang isa palang “disadvantage” kung sakaling hindi nagkaroon ng “western influence” ang Pilipinas ay baka walang international beauty queen na Pilipina, dahil kung mapapansin, ang mga nananalong “Pilipina” sa international beauty pageants ay may pangalang banyaga at ang “karakas” o mukha ay halatang banyaga rin!

 

A magnificent crystalline world in China

e MORFES

ice-cave-china-3

This cave in Ningwu county, Shanxi, with a history of over three million years, provides remarkable spectacle of icicles, icefalls and ice stalagmites to visitors.  It is called “Wanniandong” in Chinese, or “10,000-year cave”.  Curiously, there is a dormant volcano just 200 meters away from the ice cave, which the locals refer to as “millennium volcano”.
Photo sources: people.cn,  Xinhua/Zhan Yan

View original post 3 more words