A Survivor’s Story

Color My World

Lieutenant Colonel Fermin Carangan is the Commanding Officer of TOG 8, the Air Force unit tasked to provide air support for the islands of Samar and Leyte. On the morning of Friday, November 8, he and his troops were in their office near the Tacloban Airport on red alert, having been informed of an incoming Super-Storm named Haiyan (local name: Yolanda). Here’s how he narrated his ordeal to Lt Col Allan Taguba, as Haiyan unleashed her fury on the city of Tacloban on that fateful Friday morning.

We were out of the office at 6 am Friday observing. Winds brought by Yolanda were already strong around that time. We (the Air Force troops in Tacloban) were prepared for the possibility of rescue missions days before the expected landfall of Yolanda. Just before 7 am, the rains started to pour, so we took shelter.

2h28

Around the same time, we noticed that…

View original post 816 more words

Ang Mga “Pagkakamali” ni de Lima

ANG MGA “PAGKAKAMALI” NI DE LIMA

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa kagustuhan ni de Lima na malusutan ang akusasyon sa kanya, lalo na ang sex video na isa sa mga sinasabing ebidensiya na nagkokonek sa kanya sa drug bagger sa loob ng NBP na si Dayan, pilit niyang pinapaling o nililihis ang atensiyon sa direksiyon ni pangulong Duterte gamit ang pinangungunahan niyang imbestigasyon sa Senado laban sa extrajudicial killings. Subalit, sa kamalasan, sa halip na makatulong sa kanya ang mga ginagawa ay lalo pang nagdiin sa kanya ang mga ito….nag-boomerang sa kanya kaya ayon, semplang na semplang siya sa pagkakatimbuwang nang patihaya!

 

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga “PAGKAKAMALI” ni de Lima:

 

  • Na-underestimate niya ang simpatiya at antas ng karunungan ng karamihan sa mga senador nang ipilit niyang imbestigahan si pangulong Duterte tungkol sa extrajudicial killings sa Davao na gusto niyang ikonek ngayon sa mga pangyayaring extrajudicial killings din kuno sa Maynila.

 

  • Ginamit niya si Matobato bilang” star witness” kuno, na nag-akalang nakasandal siya sa pader (de Lima) kaya malakas ang loob na umaming siya ay miyembro ng DDS para magkaroon siya ng dahilan na ituro ang ilang pulis-Davao na mga nagpapatakbo kuno ng DDS. Ang pagpipilit niyang siya ay miyembro ng DDS ay siyempre nasundan ng mga pagyayabang na marami siyang pinatay upang lumabas na kapani-paniwala ang mga sinasabi niya. Samantalang totoo ngang may mga pinatay batay sa filed records at mga nakaraang mga balita sa Davao, tumanggi naman ang mga pulis-Davao na kanyang idinamay na may kinalaman sila. Lumutang pa ang kaso niyang kidnap-for-ransom na itinago ni de Lima upang palabasing wala siyang masamang record …. ang resulta, hindi na kukunan ng statement si Matobato dahil sa pagkalusaw ng kanyang kredibilidad. Nagmistula naman ito ngayong daga na naghahanap ng lunggang masisiksikan dahil hinahanting siya ng Davao pulis sa pag-amin niya bilang miyembro ng DDS na itinuturing na illegal na vigilante group, lalo pa at umamin siya sa mga pagpatay. Nadagdag pa ang kaso ng illegal possession of firearms kamakailan lang. Dahil sa nangyari kay Matobato, nadagdag ito sa mga pasaning uukilkil sa konsiyensiya ni de Lima habang siya ay nabubuhay…nakahatak na naman siya ng isang buhay tungo sa kapahamakan!

 

  • Hindi pinagsalita ni de Lima si Dayan at JB Sebastian upang mula sa bibig nila manggaling ang pagtangging may kaugnayan sila sa kanya, subalit hindi niya ginawa, sa halip ay kung anu-anong pagtatakip ang kanyang pinagsasabi kahit obvious o malinaw na ang mga pagkakakonek nila sa kanya.

 

  • Noon pa mang unang pumutok ang eskandalo na dulot ng sex video niya kuno, dapat ay nilusaw na niya ang haka-haka na siya ang nakita doong babaeng nangangabayo sa lalaking kaulayaw. Kinasuhan na sana niya ang mga unang nag-upload ng nasabing video, kung hindi sila ni Dayan ang nagtatampisaw sa batis ng kaligayahan, na kasabay ay pahalinghing at paimpit na pagbubulungan ng sweet nothings. At, kung sa motel nangyari ang kulukadidangan nila ni Dayan na sana ay hindi totoo, dapat malaman niyang karamihan sa mga ito ay may mga hidden camera na nilalagay ng mga tarantadong staff at hindi alam ng management. Pero, upang mapairal ang “due process” na nagiging slogan na nila ni Trillanes at iba pang advocates kuno ng human rights, tama lang ang pagkakataong ibinibigay sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan.

 

  • Mahilig siyang gumamit ng “bluff” upang maipakitang inosente siya sa mga inaakusa sa kanya at tama naman siya sa pag-akusa kay Duterte na pasimuno kuno sa extrajudicial killing sa Davao na nangyayari naman ngayon sa Manila. Itong style niya ang ginamit sa kanya ni DOJ secretary Aguirre sa isyu ng sex video sa pagsabi bandang huli na wala itong videong hawak upang ipakita sa senate hearing, kundi witness na nakakita. Sa Ingles kung tawagin ito ay, “ a dose of your own medicine”. Siguradong sa kahahalakhak ni Aguirre dahil sa kanyang tagumpay ay umaalsa din ang kanyang sideburns!

 

  • Lumutang din ang ugali niyang hindi maaasahan o kung sa salitang kalye ay “pagka-traidor” nang sabihin niyang “government asset” si JB Sanchez. Dahilan niya ito upang mailusot ang pagbisita niya dito sa kanyang kubol kung saan ay tumatagal siya ng ilang oras. Inilagay niya sa balag ng alanganin ang buhay ng convicted criminal na “kaibigan” niyang si Sanchez dahil pinaliligiran ito ng mga drug lords na anumang oras ay pwedeng magpapatay sa kanya.

 

  • Akala niya ay nakatulong ang “drama” sa muntik nang pagkamatay ni Sanchez sa Bilibid upang ipakita na delikado nga ang buhay nito sa loob dahil nga “asset” siya….bagay na hindi bumenta sa mga tao. Ang malinaw ay, gusto itong patahimikin ng TAONG MADIDIIN niya pagdating ng “tamang panahon”….at sino yon?…eh di si de Lima! Ang isang “asset” ay hindi nagkukuwento ng mga ginagawa niya na dapat ay lihim, na taliwas sa ginagawang pagyayabang ni Sanchez sa kaugnayan nito sa kanya.

 

  • Ang isang advertisement na ginamit niya noong nakaraang kampanyahan para sa eleksiyon 2016 kung saan ay may taong nagdadala kuno ng pera na panuhol ay inakala niyang makakatulong sa kanya upang ipabatid sa madla na malinis siya dahil ang ad na yon ay nagpapahiwatig na hindi daw niya ito papayagang mangyari sa kanya…dinadalhan ng suhol. Batay sa ad na yon, pumasok tuloy sa isip ng tao si Dayan na nagdadala sa kanya ng mga bag na namumutok sa pera. Dagdag pa nila, akala ni de Lima ay lusot na siya dahil pinangunahan niya ng paghuhugas-kamay ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Nag-boomerang din ang ad sa kanya!

 

  • Nagmistula siyang batang inagawan ng kendi nang magtatarang o magpakita ng tantrum kaya halos nawala siya sa sarili na umabot sa sukdulang pambabastos sa nagaganap na senate hearing noong gabi ng October 4, nang mag-walk-out siya. Ang unang hiningan niya ng paumanhin kinabukasan ay ang mga tao….anong pakialam nila sa hearing, ganoong ang binastos niya ay ang mga senador? Sa galit ni Gordon ay nagsabi itong hindi niya tatanggapin ang anumang apology ni de Lima, at sa halip ay hihingi siya ng suporta sa iba pang senador upang mapatawan ito ng karampatang parusa….dapat lang!

 

Sana ay magbago na ng paraan o style si de Lima sa pagsira kay Dutere….na malamang ang kautusan ay nanggagaling sa kung kanino o kung saan man. Lumalabas tuloy na siya ay nagigiling sangkalan o kung tawagin sa Bisaya at “tapalẳn” (accent on the last syllable) ng mga taong ito. Hanggang kaylan kaya iindahin ng sangkalan ang mga bagsak mula sa mga  matatalas at mabibigat na kitchen knife kung may tinatadtad na karne?

 

Sa panahon ngayon, isa sa mga masasakit na katotohanan sa larangan ng pulitika, tulad din sa show business, ay ang kawalan ng permanenteng taong mapapagkatiwalaan….

 

Ms. Necessity…My Best Teacher, Ever!

In commemoration of the World Teachers’ Day/ October 6… (a reblog)

 

 

Ms. Necessity…My Best Teacher, Ever!

by Apolinario Villalobos

 

Each of us has one teacher in our lifetime that stands out. While others consider their Math teacher as the best, some consider their English teacher as one. Mine, is Ms. Necessity…my best teacher…ever!

 

Born without the proverbial silver spoon in my mouth since childhood, struggle has become synonymous with my life…but Ms. Necessity was always just a few feet ahead of me to show the way. For my thirst for knowledge at an early age, Ms. Necessity made me collect old newspapers that lined the inside of boxes of dried fishes that my parents sold in the market. For doing so, I earned not only bouts of pinches from my elder sister but ear- twitching, as well, because the bundles of papers that I brought home made them pinch their nose. I had to keep them under a bed and would bring them out when I was alone to admire the big letters that I would copy on our dusty yard. Every space of our yard would be filled with words copied from newspapers that smelled of dried fish…and so was I, too, at the end of the day.

 

When I finally entered a school room as a “visitor” (equivalent of the prep today), Ms. Necessity told me to use discarded plastic bags found in a dump beside a bakery near our home for my “school bag”, so I went there and gathered as many sturdy bags as I could find. I got me plenty of “school bags”, some of which I kept as spare. Our parents could not afford to buy us real school bags which during the time were considered as novelties that only the rich in our town could afford. Ms. Necessity also told me to make my own raincoat out of the discarded plastic bags. Not only was I able to make one for me, but also another one for an elder brother.

 

For school allowance, Ms. Necessity told me to sell ripe fruits of our star apple in the market on Saturdays and Sundays. Ms. Necessity also told me to ask our neighbor for their fallen ripe tamarind fruits so that I could sell them in school. Due to the abundance of bulgur wheat and oatmeal doled out by American missionaries in our school that I and my brothers brought home, Ms. Necessity told us to persevere on them for breakfast and lunch rather than go to school with empty stomach. Some months, the school was also given yellow corn meal that the Home Economics teacher cooked and given to the children during recess period. Ms. Necessity told me to fashion a cup out of pad paper to hold the gruel cooked into thick and sticky consistency that I slurped down without the use of spoon as I had none. The rest of the pupils brought cup or saucer and spoon. Those were my colorful elementary days, with Ms. Necessity beside me.

 

Later in life, after overcoming the pains of loss of loved ones and consistent wants, Ms. Necessity told me to persist and just go ahead in following my dreams which I did. She made me accept things as they were without any regret or complaint. Ms. Necessity told me that despite the vastness of life, it was brimming with opportunities for those who were not finicky and could be grabbed by dint of hard work. Many times did she remind me about it…that I proved to be just true.

 

What is nice about Ms. Necessity is that she never leaves me until now. I thank God, for giving me such a great teacher as Ms. Necessity!

 

 

Si Mark Anthony Fernandez at ang Marijuana

SI MARK ATHONY FERNANDEZ AT ANG MARIJUANA

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ni Mark Anthony Fernandez ay lusot na siya sa pagsabing kaya siya tumutsungki ng marijuana ay upang makaiwas sa cancer. Hellowwwww!!! Gusto pa niyang gawing ogag ang mga tao sa ganitong palusot.

 

Ang marijuana ay kinilalang “gamot” sa Amerika, para sa mga sakit na may kinalaman sa baga o lungs at mga kaugatan o nerves sa utak na ang resulta ay epilepsy….AT, HINDI LABAN SA KANSER. Subalit mas nauna ang mga arbularyo sa Pilipinas sa paggamit nito bilang gamot sa sakit ng tiyan;  sa mga babaeng umiinda ng sakit tuwing datnan ng buwanang “bisita”; at, sa mga nahihirapan sa paghinga. Subalit nang ito ay abusuhin at dineklarang illegal drug, hindi na ito ginamit ng mga arbularyo.

 

Ngayon, dahil sa pagkakahuli sa kanya na may dalang mahigit isang kilong marijuana, ang anak ni Alma Moreno at ang namatay na Rudy Fernandez ay nagsasabing “tinamnan”  siya ng “ebidensiya”. Anong dahilan ng mga pulis upang tamnan siya ng marijuana, ganoong hindi naman siya nakalista sa “narcom list”?…ni hindi nga siya binabanggit sa mga balita tungkol sa mga artistang gumagamit ng shabu. At, bakit hindi nagpakita si Alma Moreno nang hulihin siya, bagkus ay pinadala na lamang niya ang kanyang secretary? Ang malinaw ay natiyempuhan siya!

 

Yan ang hirap sa mga taga-showbiz, eh. Bistado na ang ginagawa ng ilan sa kanila ay pilit pa rin silang nakikipaglaban sa pagsabing “malinis” sila. Noon pa man ay putok na putok na ang mga nangyayari sa loob ng mga high-end na bar sa Pasig at Makati. Lalo pang umalingasaw ang isyu tungkol sa mga taga- showbiz na may kinalaman sa droga, nang mabisto ang sistema ng mga organizer ng show o concert ng mga kilalang rock band, kung saan, ayon sa mga witness ay nagkakaroon ng “drug orgy”. Kaylan lang ay bumulaga sa madla ang pagkamatay ng mga dumalo sa isang rock concert pagkatapos nilang uminom ng mga softdrink na hinaluan ng gamot.

 

Balik sa kaso ni Mark Anthoy….siguradong gagamitin niya ang kuwento tungkol sa kanyang tatay na si Rudy Fernandez na namatay sa cancer, sakit na maaaring namana niya, kaya dapat niyang tsumungki ng marijuana, at kailangan niya ng steady supply upang mawala ang mga cancerous cells na nananalaytay sa kanyang mga ugat. Yan ay batay sa paniniwala niyang panlaban ang marijuana sa cancer.

 

Ang mali niya, nag-drive siya ng kotseng walang plaka kaya siya napansin…kaya siya nasita…kaya siya natiyempuhan! Ang kamalasan nga naman, kung bumagsak…talagang lumalagapak! Ginagamit tuloy siya ngayong leksiyon at warning sa iba pang mga taga-showbiz!