Nanay Nene ng Bacoor (Cavite)

SI NANAY NENE…NAGING SINGLE MOM DAHIL INABANDONA NG IRESPONSABLENG ASAWA…ITINAGUYOD ANG MGA ANAK SA PAGTINDA NG TUYO AT DAING SA LOOB NG MAHIGIT 30 TAON…MINALAS NA ANG PANGANAY NA ANAK AY NAGING ADIK KAYA BUMAGSAK SA KANYANG KALINGA ANG PAGPAPALAKI SA MGA APO….SIYA AY 79 TAON NA NGAYON. ANG PUWESTO NIYA AY NASA ILALIM NG HAGDAN NG PEDESTRIAN OVERPASS SA HARAP NG SM CITY (BACOOR CITY).

 

SIYA AY TAGA –SALINAS, ISANG BAYANG NASA TABING DAGAT SA CAVITE, AT TANYAG SA MGA PRODUKTONG TUYO AT DAING. SA KABILA NG KANYANG EDAD, HINDI PUMAPALYA SI NANAY NENE SA PAGLATAG NG KANYANG MGA PANINDA SA ILALIM NG HAGDA…KAHIT MAY ULAN. GUMAGAWA NA RIN SIYA NGAYON NG PAPAYANG ATSARA UPANG MAIDAGDAG SA KANYANG MGA PANINDA.

 

ILAN PA KAYANG “NANAY NENE” ANG NASA ATING PALIGID?…HINDI TUMITIKLOP ANG MGA TUHOD SA HARAP NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY…AT HIGIT SA LAHAT, AY NAGHIRAP DAHIL SA EPEKTO NG DROGA?

nanay-nene

Ang Buhay sa Probinsiya at Lunsod

ANG BUHAY SA PROBINSIYA AT LUNSOD

Ni Apolinario Villalobos

 

Maski saang bansa ay may mga iskwater o mga kapus-palad na nakatira sa kung saan-saang sulok ng lunsod. Hindi naiiba ang kalagayan ng Pilipinas pagdating sa bagay na yan. Nagkaroon ng kahirapan ang bansa nang magdatingan ang mga mananakop na Kastila at Amerikano dahil sa nangyaring pangangamkam ng mga lupain at panloloko sa mga nagtatrabaho sa mga lupain ng mga mangangamkam. Ang mga nahirapan ay nagsilikasan sa lunsod dahil kung hindi man nawalan ng lupang sinasaka, ang kinita nila sa pagiging “casique” sa mga tubuhan o “kasama” o tagasaka ng mga palayan at maisan ay hindi sapat upang mabuhay ang kanilang pamilya.

 

Ngayon, sa lunsod lang ng Maynila ay tumindi ang dami ng mga walang sariling lupa at bahay, o maski lupa lang na kapiraso upang matirikan ng barung-barong. Kung hindi man pag-aari ng pamahalaan ang lupang iniiskwatan nila ay pribadong lupain naman kaya kapag sila ay pinalayas, sa bangketa ang bagsak nila. Kung hakutin man sila sa mga relocation sites na itinalaga ng gobyerno, halos impiyerno din ang kanilang kalagayan dahil bukod sa walang pasilidad tulad ng ligtas na kalsada patungo sa sakayan ng bus o jeep, wala ring tubig at kuryente. Ang nangyayari tuloy, ay binibenta ng mga na-relocate and rights sa bahay at lupa na na-award sa kanila, lalo pa at hindi naman libre ito kaya binabayaran nila buwan-buwan.

 

Ang pagpili ng kalagayan sa pagitan ng probinsiya at lunsod ay parang tinatawag sa Ingles na pagpili, “ between the devil and the deep blue sea”….demonyo at karagatang malalim, na parehong may nakaambang paghihirap at kamatayan. Halimbawa na lang, ay:

 

  • Totoong pwedeng magtanim ng gulay sa probinsiya, subalit kung ibenta naman sa palengke ay binabarat kaya sa maghapon na pagtitinda, ang kinita ay hindi pa rin sapat para sa pangangailangan ng pamilya….kung makapagbenta, pero paano kung walang nabenta?
  • Masarap pakinggan na sariwa ang gulay sa probinsiya…pero hindi naman pwedeng araw-araw na lang ay talbos ng kamote, kangkong, upo, at iba pa ang kakainin dahil kailangan din ang isda kahit daing o tuyo man lang, kahit ang karne ay isang beses sa loob ng isang taon man lang. Paano ang asin, asukal, kape, bagoong, patis, toyo, mantika at lalo na ang bigas?…paano ang pag-aaral ng mga bata?
  • Sa probinsiya pwede na maski hindi mamasahe sa pagpasok sa eskwela o trabaho kuno. Paano ang mga nakatira sa mga liblib na baryo o barangay, kaya kailangan pang tumawid ng ilang burol o ilog bago makarating sa bayan?
  • Karamihan ng mga probinsiya ay hindi na tahimik dahil napasok na rin sila ng droga na nadagdag sa problema sa NPA at pangingidnap ng Abu Sayyaf na wala nang sinasanto. Kahit mga ka-tribung Tausug sa Jolo, Basilan, at Tawi-tawi ay binibiktima na rin. Dahil diyan, hindi nakapagtataka ang pagdagsa ng mga Badjao at iba pang mga kapatid na Muslim sa mga lunsod dahil ayon sa mga nakausap ko, ginagamit daw sila ng mga kidnapper.
  • Hini nagkakalayo ang presyo ng mga bilihin ng mga prime commodities sa pagitan ng Maynila at mga probinsiya. Ang pagkakaiba ay sa sweldo dahil hindi hamak na mas maliit ang suweldo sa probinsiya samantalang mahal ang mga bilihin. Samantalang sa Maynila, mataas ang minimum wage, at napapagkasya depende sa diskarte kung mamalengke, lalo na kung pairalin ang pagtitipid o sabihin na nating pangunguripot.

 

Dahil sa mga nabanggit, pagtatakhan pa ba kung bakit maraming nagtitiyagang tumira sa mga bangketa ng Maynila, na ang mga gamit ay nasa kariton upang kung saan man sila abutin ng gabi dahil sa pamumulot ng mga mapapakinabangan sa mga basurahan, ay doon na rin matutulog? Kahit papaano, sa maghapong pamumulot, may kikitain silang hindi bababa sa isang daang piso at nadadagdagan na lang ng “pagpag” o mga napulot na itinapong tirang pagkain sa basurahan ng mga restaurant,  o mga gulay na napulot sa tambakan ng mga palengke.

 

Marami akong nakausap na nakatira sa bangketa na nagsabing kahit papaano ay naigagapang nila ang pag-aaral ng mga anak, lalo na ang mga nasa elementarya man lang….bagay na mahirap gawin kung sila ay nakatira sa kabundukan ng probinsiya o liblib na barangay sa tabing dagat.

 

Ang mga taga-Tondong kaibigan ko at mga anak nila ay gumigising ng madaling araw upang mamulot ng mga itinapong gulay sa tambakan upang ibentang pa-tumpok nang sa ganoon ay may  pambaon ang mga bata sa eskwela. Sa probinsiya lalo na ang mga liblib, walang tambakan ng mga gulay na binibenta sa talipapa o maliit na palengke, dahil karamihan sa mga ito ay halos walang laman.

 

Kung ang mga nakatira sa mga bangketa ng Maynila ay hirap dahil sa kawalan ng kubeta, ganoon din naman sa probinsiya dahil ang ginagamit ay ang malawak na paligid, yon nga lang ay may matataas na talahib o mga puno na pwedeng kublihan. Sa Maynila naman ay “flying saucer” ang sistema….babalutin at ihahagis sa Pasig river o sa natatanaw na basurahan. Noon, ang mga tarantadong nakatira naman sa tabi ng riles ng tren ay pinapabiyahe pa ang “binalot” hanggang Laguna dahil sa bubong ng tren hinahagis ito, subalit nagawan ng paraan ng PNR…ginawang paumbok o pakurbada kaya hindi na flat ang mga bubong, resulta: ang itatapon sa mga bubong ay ii-slide agad pababa at hindi na madadala ng tren sa Laguna o kung saan pa mang destinasyon.

 

Ang bentaha ng mga taga-probinsiya ay kung namatayan sila dahil maluwag ang sementeryo at kahit papaano ay pwedeng ilibing agad ang mga labi ng namatay kaya walang problema ang mga walang perang panggastos sa lamay. Sa Maynila, nagkakatarantahan kapag kapus-palad ang namatayan dahil bukod sa mahal ang pagpapalibing ay marami pang mga hinihinging pangangailangan ang gobyerno upang magawa ito. Ang masaklap lang ay ginagawang negosyo ng mga tarantado at walang konsiyensiyang namatayan ang bangkay na pinapaupahan sa mga sindikato upang gamiting dahilan ng kung ilang buwang pagpapasugal! Yong isang kabaong na nakita kong pinasugalan ng tatlong buwan ay nagkaroon na ng tagas (katas ng gamot at naagnas na bangkay) at amoy!

 

Sa panahon ngayon, ang matatakbuhan na lang ng isang taong may natitira pang pananampalataya sa Diyos ay Siya na lang….at wala nang iba.

T’boli

In commemoration of the National Indigenous People’s Month/October

 

T’boli

By Apolinario B Villalobos

 

Gentle people of South Cotabato –

Epitome of strength who moves with agility

But graceful enough to sway with the wind

With innocent smile easily parting their lips

And laughter that crease their gentle face.

 

Fortunate people, contentedly they live –

In the fastness of green, rivers, hills and valleys

By God’s will, long- hidden from lowlanders

Which did them good, but then time came –

The haze was parted, and finally, they were seen.

 

Clothed in patiently – pounded fibers

And woven into the smooth cloth – t’nalak

The men stand proud in the earth-colored garb

While women looking regal in their vivid dress

Seen from afar, they seem to float in the breeze.

 

People of the rainbow, these people are –

And placid that made them prey to the greedy

But to them, God is kind, made them secured

From harm that only the heartless could inflict

And nature’s wrath, to them could easily wreak.

 

Straight from their heart, to God they pray

Sincere praises are mumbled by betel-red lips

No pretensions in their offered dances

Pleadings are for their safety and health

That for them are well- cherished wealth…

 

 

(The T’boli is one of the indigenous tribes of the Philippines, found in the southern part of the archipelago, particularly, South Cotabato province, island of Mindanao)

 

 

 

 

The Priest is a Painter…Fr. Bong Villalobos

THE PRIEST IS A PAINTER…FR. BONG VILLALOBOS

By Apolinario Villalobos

 

Despite his busy schedule as assistant secular priest who is assigned to numerous areas such Nueva Ecija, Mandaluyong, Quiapo, Sta. Cruz, and today, Caloocan, Fr. Bong still has the time to delve on painting. Even during his student days, he has been expressing his inner feelings and emotions through sketches and paintings. Aside from painting, he has drafted a book on the discipline of meditation complete with inspiring religious figures. He is a member of the Tuesday Club, an active organization of painters who holds exhibits occasionally.

 

During our early morning meeting, he gave in to my request to take photos of his paintings available at the time, as some are displayed in the office of a friend. He also promised to show the portfolio that contains a complete set of his paintings. I was fortunate during my visit because his mother, Aurora, was around and also consented to my request for a photo opportunity with her son. In my future blog, the rest of his paintings from the portfolio shall be shared with viewers.