Dapat Bawasan na ng DOJ Secretary ang mga Sinasabi sa Interview

DAPAT BAWASAN NA NG DOJ SECRETARY

ANG MGA SINASABI SA INTERVIEW

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat nang iwasan ng DOJ secretary ang pagpapa-interview palagi upang hindi makompromiso ang mga hawak nilang ebidensiya laban sa illegal drug trade sa Bilibid na nagdidiin kay de Lima. Hindi siya dapat mag-alalang isipin ng mga taong wala siyang ginagawa tungkol dito dahil mas malaking problema kung sa kasasalita niya ay may mabanggit siyang mga impormasyong hindi pala dapat ibunyag. Halimbawa ay ang sinabi niya pakikipag-ugnayan niya sa mga bangko tungkol sa mga deposito ng mga kaibigan ni de Lima, pero inamin din niya na WALA PANG EBIDENSIYA na magtuturo sa mga ito na may direktang kaugnayan kay de Lima. Bakit pa niya sinabi ito sa mga reporter na alam naman niyang madalas nagmi-misquote sa kanila at kay pangulong Duterte? Ang resulta niyan ay baka siya pa ang mademanda dahil sa pakikialam niya sa mga bank deposits ng mga tao dahil wala naman pala siyang batayan.

 

Dapat, kung may mahalaga man siyang impormasyon upang madiin si de Lima, ilabas na lang niya sa hearing upang hindi ito makapaghanda ng karampatang buwelta o depensa pagdating ng araw ng hearing. Sana ay gamitin nilang leksiyon si pangulong Duterte na habang dumadami ang mga sinasabi ay kanda-habol din sila sa pag-“explain why” o pagpapaliwanag o di kaya ay pagbawi sa mga sinasabi nito dahil ang iba ay offending at nakakaapekta sa imahe niya bilang presidente ng bansa.  Dapat isaalang-alang ni Aguirre ang kasabihang, “less talk, less mistake”.

 

Iwasan SANA ng mga cabinet officials ang animo ay pakikipag-agawan sa mikropono upang marinig ng taong bayan ang kanilang sasabihin. Ang kailangan nilang ipakita ay ang resulta na ng kanilang mga pagkilos tulad ng pagpapaayos ng trapik sa kalsada at sa mga airport na may kaugnayan sa paglapag at paglipad ng mga eroplano dahil pagdating ng bandang tanghali ay nagsisimula na ang mga pagka-delay ng mga flights at umaabot hanggang gabi.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s